VI

KABANATA 6

"ARENE!" isang pagyugyog sa balikat ang nakapagpabalik sakin sa kasalukuyan. Nanlalaki ang mga matang nilibot ko paningin sa buong paligid.

Walang kaguluhan, walang barilan, walang ingay at payapa ang lahat.

Kapos ang hininga na tumingin ako kay Irene. Sya lang ang may alam sa nangyayari sakin. Sya lang ang makakatulong sakin alamin ang lahat ng 'to. Pagod na pagod na ako, at siguradong matatawa ang sino mang makakarinig ng kwento ko.

Isang tawag muli galing kay Irene ang narinig ko. Marahan nyang niyugyog ang balikat ko. Kaya tumango ako at nagbigay ng may makahulugang tumingin sa kanya. Agad naman nyang naintindihan iyon at tumango. Binitiwan nya ang balikat ko at umupo na lang. Isang nagaalalang tingin ang itinapon nya sakin.

Parang hinigop ako ng kasalukuyan. Parang sandali akong nawalan ng hininga dahil sa pagbalik ko sa totoong kaganapan. Sigurado na ako, isang memorya ang mga napapanaginipan ko at hindi lang basta bangungot. Paanong napunta ako sa nakaraan. Kahit napakaimposible kailangan may gawin ako.

Hindi pa ako nakakapunta sa ganoong lugar. Sigurado rin akong hindi ko pa napapanuod sa tv ang mga ganoong lugar at senaryo. Now I can't help but agree to Irene's conclusion.

"A.L? Ok ka lang ba? Magsalita ka naman!" naluluhang tanong ni Rene. Nabaling sa kanya ang atensyon ko. Napalunok ako bago tumango ng marahan. Isa-isa ko silang tinignan, pero parang wala sa sariling nakita ko silang nakabarot saya, habang nag-aalalang nakadungaw sakin.

'No! Shit!' I blink my eyes multiple times but nothing happened they're still wearing filipiniana!

"Oo.." napaiwas ako ng tingin dahil sa sobrang kaba. Tumingin ako sa pagkain at iniwasang tumingin sa kanila. "Kumain na tayo.... gusto ko munang umuwi pagkatapos nating kumain." narinig ko ang pag-ingay at langitngit ng upuan. Senyales ng pag-upo nila.

Narinig ko ang mahina at pabulong na pagsang-ayon ni Ali.

"Tama, para naman makapagpahinga ka naman, A.L." nag-aalalang sang-ayon rin ni Rene.

"Yeah, this past few month, napapansin ko ang pagiging hargard at worried sick mo." may halong pagtatakang sabi ni Jena.

"Its just all about school stuff.." naiilang na sabi ko. I'm lying again.

Tahimik kaming nagsimula sa pagkain. Ramdam ko ang ilang beses nilang pagsulyap sakin. Alam kong nagaalala sila sakin. Pero wala akong lakas para ikwento ang mga kabaliwan na yun.

Pagkatapos namin kumain ay umuwi nga kami. Tulala ako buong byahe. Hindi rin nila ako nakausap ng maayos pagkarating na pagkarating namin sa tinutuluyan. Dumiretso ako sa kwarto ko at duon tulalang humiga sa kama habang nakatingin sa kisame.

Third person pov.

"Arene..." mahinang tawag ni Ali sa kaibigan pero parang walang narinig si Arene at nanatiling nakatingin sa kisame.

Pare-parehong nakatayo ang magkakaibigan habang nakatingin kay Arene na wala paring imik.

"Sa tingin ko, hindi sya ready, to talk about her problem. Not know." malungkot na turan ni Jena. "We should leave her alone, muna, guys. I think." napabuntong hininga si Rene at sumang-ayon rin.

"Jena is right, lets go." wala ng nagawa ang magkakaibigan. Magkasunod na nagpakawala ng buntong hininga si Ali at Irene. Nagkatinginan ang apat at sabay-sabay na tumango.

Marahang inakay ni Rene ang mga kaibigan palabas ng kwarto. Bago nya ito isara ay muli nyang tinignan ang kaibigan. Nakita nya ang paglandas ng mga luha nito sa pisngi ng kaibigan, ngunit pinilit na nyang balewalain iyon dahil baka hindi pa handa ang kaibigan na magsabi ng mga problema nito.

'anong nangyayari nasan ako?!' tanong ni Yuthri sa sarili.

Nilibot nya ang paningin sa paligid habang hawak-hawak ang batok na sumasakit at humahapdi parin sa hindi malamang dahilan. Nanlaki ang mga mata ni Yuthri sa nasaksihan kasabay ng pag-awang ng kanyang bibig.

Nagkakagulo ang buong paligid. Taong ang mga nagsisigawan at humihingi ng tulong. Ilang sundalo ang nagpapaputok sa langit ng baril na parang nananakot.

Nadako ang kanyang tingin sa mga hilera ng mga puno. Natigilan sya ang makita ang isang babae na wala kahit isang saplot. Nakuyom nya ang mga palad ng mapagtanto ang nangyari. Nakahiga ang babae sa lupa at nagmamakaawa habang pilit syang na nagpupumiglas sa hawak ng isang lalaki. Gusto nyang pigilan ang nangyayari pero hindi nya magawa. Nakita nyang may isa pang lalaki na nanunuod lamang sa ginagawa ng kasama.

Sinubukan nyang kumilos dahil hindi na nya kinakaya ang nasasaksihan. Pero parang may pumipigil sa kanya na huwag kumilos at hindi makaalis sa kinakatayuan.

Naging magulo lalo ang buong paligid ng dumating ng ilang sundalo sakay ng kabayo. Dagdag guwardiya sibil ng isang gobernadorcillo, na gusto rin sumama sa pang-gugulo ng mga kasamahang sundalo. Sigawan, putok ng baril, tawanan ng mga sundalo at pagmamakaawa ng mga tao ang maririnig sa buong paligid.

Sa kabilang bayan ay may kaguluhan ring nagaganap. Ilang kabahayan ang pinasok ng mga sundalo at pinagpapatay ang mga padre de pamilya ng bahay sa kaisipan maaring sumama ito sa kilosang nabubuo sa ilalim ng kanilang pamumuno. Panlaban na plano para sa bansang pilipinas.

"Ina... maawa po kayo" naiiyak na pakiusap ng isang batang babae sa mga sundalong ginagahasa ang kanyang ina sa mismong harapan nya. "Ina!... tay humingi tayo ng tulong itay!" tila nawawala na sa sariling katinuan ang batang babae dahil pilit nyang ginigising ang ama na kanina pa pinatay ng mga sundalo."Itay! Pakiusap! Gumising ka!" pilit nyang ginising ama na nasa tabi nya. Parang isang taong mahimbing lang na natutulog kung hindi lang dumadanak ang dugo nito.

Narinig nya ang putok ng baril na nakapagestatwa sa kanya.

'Hindi to maaari asan ang tulong?!' nanunumbat na tanong nya sa sarili. Umiiyak man pinilit nyang tignan ang ina. Inang walang wala ng buhay at dinispatsya na lang basta ng sundalo pagkatapos gamitin at baboyin.

Hindi nya alam kung ipagpapasalamat nyang umalis na lang basta ang mga sundalo at binuhay pa sya.

"Hindi, ina..." nanghihina man pinilit nyang lapitan ang ina at hawakan ang kamay nito. "Hindi ina.... pakiusap, ayokong magisa...". galit na tumingin sya sa pinto ng kanilang bahay.

'Sasama ako sa kilosan, ina... Lalaban ako.. Ipaghihiganti kayo ni itay.... Buhay rin nila ang kapalit... Sanay mapatawad nyo ako ni itay, wala akong nagawa!'

Hindi makapaniwala si Yuthre sa mga nangyayari. Tulala lamang sya at pilit na inaalala kung pano sya napunta sa ganoong lugar o senaryo.

"YUTHRE! Pare!" nanlalaki ang matang napatingin sya kay James. Nagaalala at nagtataka ito sa nangyayari sa matalik na kaibigan.

Parang dumaan sya sa isang portal at muling nakapalik sa kasalukuyan. Kinakapos ang hiningang napaiwas sya ng tingin sa kaibigan. Nakahawak parin sya sa batok dahil sumasakit parin iyon. Parang sandali syang nawalan ng hininga. Sandaling namatay at bumalik sa pagkakabuhay.

"PARE UMAYOS KA NGA ANO BANG NANGYAYARI SAYO?!" kinikilabotang tanong ni James kay Yuthri. Iniisip nyang nababaliw na ang kaibigan at may naririnig o nararamdaman ito na hindi nya maramdaman.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa kanila. Unti-unting bumalik sa katinuan si Yuthre at pilit na pinapakalma ang sarili. Napatingin sya sa bintana at napansing naruon na sila sa tapat ng resort na inuukupa nila. Kaya naman pala nakahinto ang sasakyan.

YUTHRE POV.

"Tara na.." pabulong kong sabi kay James. I got off the car first. At nauna na ring maglakad sa kanya. Narinig ko ang pagbukas at sara nya ng pinto ng sasakyan.

"Wait pare!" binalewala ko sya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tsk, may problema na nga ako, wag mong sabihin na dadagdag pa sya?

Sinigaw nya ang pangalan ko kaya huminto ako sa tapat ng entrance ng building kung saan ang room rent namin.

Inis na hinirap ko sya. "What?!" nakita ko ang pagtataka sa muka nya. Alam kung mapagkakatiwalaan sya pero hindi ako sigurado kung maniniwala sya sa kabaliwan na yun.

"Pare, ano bang nangyayari sayo?!"

Nagdadalawang isip ako sa sasabihin ko, at the end sinabi ko na lang na wala. Halata na hindi sya kumbinsido pero bahala sya sa buhaya nya. Parehas kaming napabunting hininga.

"Nandito lang pala kayo, tara. Nagugutom na ako" natatawang sabi ni Jake. Umakbay sya sakin pero kinalas ko rin yun. Tapos na akong kumain, pagod na rin ako. Wala akong panahon para sa kabaliwan nila "Opss haha" tinignan nya ako habang nagtataka at natatawa sa ikinikilos ko.

Si James ang sumagot habang masama ang tingin sakin. Kumain na kami kaya hindi na kami sumama pa at hinayaan silang umalis.

"Ang daya nyo, sigi na." isa-isa nila kaming tinapik at umalis kasama ang dalawang babae.

Pagpasok namin sa kwarto ay agad akong sumalampak ng higa sa kama. Narinig ko ang pagsunod ni James. Mangungulit lang naman sya. Wala ako sa sarili ngayon. Masyadong magulo ang isip ko. Hindi ko nga alam kong ano ba ang dapat kong isipin. Pero laging ang Amara na yun ang mas lalong nakakapagpagulo ng utak ko.

"Yuthre, magsabi ka nga, may sakit ka ba sa utak?!" seryosong tanong nya. Napabalikwas ako ng higa. Nakita ko syang nakaupo sa gilid ng kama na katabi ng hinihigaan ko. Nakaupo sya habang nakaharap sa gawi ko. Hindi ko alam kong seryoso ba talaga sya o nagbibiro.

"Tsk" umupo ako sa katapat nya sa gili ng kama.

"Pare, para kang baliw kanina, alam mo ba?!" seryoso paring tanong nya. Napabuntong hinga ako bago tumingin sa kanya.

"Simulan mo ulit sa hanggang sa simula, naguguluhan ako." naiinis na sabi nya sabay abot ng isang bote ng beer sakin. Umupo sya sa katabing sun lounger at humarap sakin.

"Punyemas ka naman, naguguluhan nga rin ako." inis na sabi ko. Nagsalubong ang kilay nya sa sinabi ko.

Naikwento ko ang mga ilan sa mga nangyayari sakin sa kanya at pati sya ay naguguluhan. Tsk, mas lalo na ako ni wala nga akong ideya sa mga nangyayari sakin. Kaya naman gusto nya ulit ipaulit sakin ang lahat. Nasa balkonahe kami ng room rent namin habang magkaharap na nakaupo sa magkatabing sun lounger.

"Bilisan mo nga, pare. May nabubuong ideya sa isip ko parang isang kwento na nabasa ko sa wattpad at oneshot story sa fb." seryosong sabi nya habang may malalim na iniisip.

"Tsk, fine. Yung sa panaginip, paulit ulit."

"Tapos?!" inip na tanong nya. Tsk napabuntong hininga ako bago humiga sa sun lounger.

Sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina. Ilang malulutong na mura ang pinakawalan ko. Napaupo ako sa sobrang inis.

"Detailed, pare. Detailed." naiinip na sabi nya. Habang nakataas ang isang kamay na parang sinasabi na ituloy ko na. Napainom muna ako ng beer saka tumingin sa mga ulap.

Para akong story teller na nababasa sa harap ng isang kinder garden na estudyante. Every single detailed ay sinabi ko sa kanya gaya ng gusto nya. Pero ang kingina pinutol ako.

"Bat di mo pinigilan?!" sabat nya. Akmang ibabato ko sa kanya ang bote ng beer na hawak ko pero sinalag nya ang braso nya kaya di ko na tinuloy.

"Sabat ka ng sabat, tsk!" masamang tingin ang itinapon ko sa kanya kaya natahimik sya. "Sinibukan ko pero king ina hindi ako makagalaw, parang may pumipigil sakin na kumilos, naramdaman ko rin ang pagsakit ng batok ko"

"Pare, wait." pigil nya sakin. Nagtataka akong napatingin sa kanya habang sya naman ay nakatingin sa taas at may malalim na iniisip. "Sa batok mo may birthmark, tama?!" tumango ako bilang sagot. "Duon din sumasakit tama?!" punyemas sarap batukan ng gugong na to, paulit-ulit.

"Oo tsk, bakit ba?!" inis na tanong ko.

"Pare, may nakita akong babae kasi kanina-"

"Ano namang paki ko sa babae na yun! tsk." inis na sabi ko saka uminom ulit ng alak.

"Hindi, wait lang kasi. Galit ka agad." tinaasan ko sya ng kilay sabay sunod-sunod na lagok ng alak.

"Yung babae kasi pare nakita kung may malaking peklat rin sya" tinaasan ko sya ng kilay. Ano naman kung meron nga, buhay nya yun. "Wait lang pare ok, kasi nakita kung tumingin sya sayo tapos sumakit din yung ulo nya kung nasaan ang peklat nya"

"Tsk what's your point?" inis na sabi ko. I have girl in my mind ever since, tsk. That's not what you think I don't like her.

"Parehas kayo!.. obvious pare, tsk. Tanga ka din talaga madalas" pikon na sabi nya. Napakamot sya ng ulo sabay lagok ang alak. Napainom rin ako at magkasunod naming nailapag ang bote sa mesa na napapagitnaan ng sun lounger.

"I don't get it."

"Ayy bobo." masamang tingin ang itinapon ko sa kanya. "Ganto kasi. She have the same scar ok.. maybe we can think that it was birthmark as well like what you have. Oh di mo ba naiisip na baka parehas kayo ng sitwasyon?!... sumasakit din ang birthmark nya ng tignan ka nya"

"Wait, what? Iniisip mong parehas kami na nababaliw na?!" inis na sabi ko.

"Nababaliw ka dyan wala naman akong sinasabi na ganun. Saka ang ganda nung babae kaya imposible na baliw yun."

"So anong matatawag mo dito sa mga nangyayari sakin isang supernatural?!"

"Yes maybe bro walang mawawala satin kung iisipin na ganun nga"

"At pano mo naman napansin ang scar ng babaing yun?!.. are even sure that it was scar?!"

"Oo naman, sa ganda ba naman nya sinong hindi mapapalingon sa kanya, kakarating rating nila nung sumakit ang ulo mo. I saw her looking at you then she suddenly help her head up, nagulo yung buhok nya, dahil hinihilot nya yung parting peklat nya kaya nakita ko yung bilog na peklat." I saw a glint in his eyes like hes imagining a adorable girl he like.

"Tsk, basta babae sayo ang bilis ng mata mo." napatingin sya sakin at ngumisi

"What if? We search her?!" tinaasan ko sya ng kilay. Nababaliw na atah sya. "Iwan ko pare, hah. Pero malakas ang kutob ko na makakatulong sya sa kaso mo." seryosong sabi nya.

"Tsk, ang sabihin mo gusto mo lang yung babae, tsk gagamitin mo pa ako." inis na sabi ko. Humiga ako sa sun lounger at binaliwala ang pagpupumilit nya na hanapin ang babae.

"Pare, im serious, malakas talaga ang loob ko.... Fine, fine, I like her. Maganda naman kasi talaga sya, pero seryoso ako sa sinabi ko na makakatulong sya sayo."

Binalewala ko na lang ang sinabi nya. Hindi ang babaeng yun ang sagot sa problema ko kundi ang babaeng nasa panaginip ko. Bakit ba parang umaasa akong buhay ang babaeng yun? Wala nga akong kamalay-malay sa existence nya. Pero wala ring masama kung iisipin ang sinabi ni James.

Argh, I hope I get the answer sooner or later.

'I don't like girls, they just want a flirt, tsk. Kung talagang makakatulong sya sa kaso ko, siguradong magtatagpo kami, fate can find a ways.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top