IV

KABANATA 4

"Guys! Tara na! Ang babagal nyo talaga kahit kaylan." naiinip na sabi Ali. Nasa labas na sya ng gate habang kaming apat, ito nagkukumahog sa paglabas sa pinto. Ako na ang nagpresintang magsara ng pinto. Pinauna ko na ang tatlo kay Ali dahil nag-a-alburoto na sa sobrang inip. Tinawanan lang namin si Ali, always the impatient.

Pagkatapos ko isara ang pinto ay lumapit na rin ako sa kanila. Kagaya kahapon ganun parin ang mga dala namin dahil sa katamaran.

"Maam, sakay ho?!" pagkalabas ko ng gate saktong may dumating na tricycle. Kaya naman nag-unahan sila sa pagsakay. Ako ulit ang kumausap kay manong driver.

"Manong, sa simbahan po.” magalang na sabi ko. Sinabi ko ang pangalan ng simbahan na medyo may kalayuan. Agad namang napakamot si manong sa batok. Malayo-layo kasi iyon for sure hindi na sakop ng toda nya ang simbahan.

"Ang layo nun, hija. Ilang barangay pa ang dadaanan natin." nagdadalawang isip na sabi ni Manong. Agad akong ngumiti saka umiling.

"Naku, Manong. Kami na po bahala sa gasoline nyo papunta dun, saka ho pabalik. Magbabayad rin kami ng buong pamasahe kung ilan po ang aabotin." ilang segundo pang nag-isip si manong bago napipilitang tumango. Agad naman akong napangiti saka nagpasalamat kay manong. Patakbo akong sumakay sa loob ng sasakyan.

"Irene?!" nagtatakang tanong. Sya ang naabotan kong nakaupo sa loob ng tricycle. Madalas na katabi ko ay si Rene. Sya kasi ang laging nagpapaligtas sakin pagnatatakot sya, I always spoil her. Kaya kahit sa aso ako ang pinangsasalag nya.

"Yes, it me. Yeahhh oh oh oh" pakantang sagot nya. Parang tanga ghorl.

Naging maayos ang biyahe naman papunta ruon. Balak namin na magsimba muna bago mamasyal sa kung saan-saan.

Hindi matigil si irene sa kakaisip kung pano napunta ang 'pagmumuka ko raw' sa picture frame na yun, na halatang may katandaan na. Ibat-ibang teorya rin ang pinagsasabi nya na hindi ko alam kung saan nya nakukuha.

"A.L, hindi nga kaya? Isa kang tao na nabuhay sa panahon ng Amara na yun? At ang Amara na iyon at ikaw ay iisa lang?!" manghang sabi nya. Niyugyog nya ang balikat ko at pinalakihan ako ng mata "Amara, tama! Ikaw si Amara!" pilit nya. Binalewala ko iyon, dahil, napakaimpossible talaga ang mga teorya nya.

Sinigaw ni Irene ang pangalan ko. Unting-unti na lang talaga makakapatay na ako. Napatakip ako ng tenga nang sigawan nya ako, mismo sa tapat ng tenga. Isang matalim na tingin ang itinapon ko sa kanya pero ngumisi lang sya at hinawakan ang dalawa kong kamay, na parang walang ginawang masama.

"Arene, hindi ka ba naguguluhan sa lahat. Kasi kami nahahalata namin na may kakaiba sayo." ngayon ay nag-alalang boses na ang ginamit nya. Hindi ko alam kong bipolar sya o plastik, iwan. Napalunok ako bago nagbaba ng tingin. Nag-aalala rin at naguguluhan rin ako sa mga nangyayari.

"Hindi ko alam, Irene. Palampasin na lang natin ang nakita natin. Wala namang halaga yun." kinuha ko ang kamay ko at pinagsiklop iyon saka duon ko ipinatong ang nuo ko.

"Arene, alam natin pareho na, ilang daan taon na ang litrato na yun. Kahit na nabuhay ka na ng 20 years, hindi ganun kaluma ang mga litrato mo. Pero iba ang picture na yun inabot na ng daang taon!"

"Irene, wag mo ng gawing baliw ang sarili mo! Sa tingin mo ba may maniniwala sayo?!" natatawa kong tanong sa kanya. Ipinatong ko ulit ang nuo sa nakasiklop kong mga kamay at pumikit.

"Oo, dahil hindi lang ikaw-.... I mean, kung totoo nga, na nabuhay ka dati-"

"Irene, please. Lahat ng sinasabi mo isang fictitious lang and beliefs?" napabuntong hininga ako bago sinuot ang earphone at nagpatugtog ng kanta.

Ilang minuto pa ang lumipas at tahimik na si irene. parehas kaming nakatingin lang sa labas ng tricycle at tinatanaw ang nadadaanan.

Nagsalita ang Manong driver. Nakangiting inanunsyo ni Manong samin na naruon na kami sa simbahan. Nag-si-babaan kami at lumapit kay manong.

"Magkano po inabot Manong?!" magalang at nakangiting tanong ni Ali dahil sya ang magbabayad.

Dalawang daan ang ibinigay ni manong samin. Ok na rin yun, mura sa inaasahan ko. Inalabas ni Ali ang isang libo at inabot iyon kay manong. Hindi na namin kinuha pa ang sukli at nagpasalamat na lang. Ngiting-ngiti si Manong na nagpasalamat rin pabalik.

"Salamat mga anak. Ingat kayo." nakangiting sabi nito bago pinaandar ang tricycle.

Nilibot namin ng tingin ang buong simbahan. Namamangha sa ganda at kalumaan pero matatag sa simbahan. Nagsimula kaming maglakad papasok ng simbahan, habang kinukuhanan ng ibat ibang angle ang simbahan.

"Ang ganda talaga nya. Pakiramdam ko nasa panahon ako ni presidente emilio.." nangingiting sabi ni Ali.

Well she’s right, lalo na at sa panahon ni presidente emilio ay napasabog ang simbahan na ‘to. Kung hindi ako nagkakamali ay narenovate na ito dahil sa nangyaring pagpapasabog. The feeling of home and nostalgia is here. Nakita ko naman ang pagtango ni Rene, habang nakangiting pinagmamasdan ang simbahan.

"Tama, maganda nga….." bulong ko sa sarili. Lumapit bigla si Irene sakin at hinawakan ang braso ko.

"Musta?!" nanlalaking matang tanong nito. Kumunot ang nuo ko sa inaasta nya.

"Huh?!" takang tanong ko. Hinila ko ang braso ko at umatras sa kanya. Para syang mangangain ng tao.

"Wala ka bang nararamdaman?!" excited na tanong nya. Umiling ako sa pagtataka.

"I’m fine and done." takang sagot ko. Nakita ko ang pagbaksan ng balikat nya bago nanlulumong sumunod kela Ali. "Problema nun?!" tanong ko na lang sa sarili. Tinuloy ko ang pagkuha ng litrato habang nasa likod lang nila ako.

Muli kong itinaas ang kamera. Napakurap ako nang biglang nag-iba ang itsura ng paligid na nasa screen ng camera ko. Gulat kong nabitawan iyon pero hindi rin bumagsak dahil nakasapit iyon sa leeg ko. Napadaing ako ng tumama ang kamera direstso sa tiyan ko.

Kinakabahan akong napatingin sa paligid pero walang nagbago. Lumunok muna ako bago ko hinawakang muli ang camera. Nakapatay na iyon kaya binuhay ko ulit at nakita ko ulit ang parehong itsura na nakita ko kanina.

Tahimik ang paligid, walang kaingay-ingay. Kakaiba ang mga damit ng mga taong nakikita ko. Ang iba ay nakapag-sundalo ang kasuotan, ang iba ay nakabarot saya. Nanginginig ang mga kamay kong itinutok paikot sa paligid ang camera ko. May kalesa na dumaraan kahit wala naman talaga, isang makalumang kalesa at wala pang kadese-desenyo. Nakita ko ang pag-labas ng isang lalaki sa simbahan. Nakasuot ito na pang-sundalo, may baril din sa bewang nya.

Pagtawag na naman ni Irene ang narinig ko. Naramdaman ko ang paghawak sa ni Irene sa magkabilang balikat ko. Nakita ko ang patakbong paglapit ng tatlo kasunod ni Irene. "Arene, anong nangyayari?!" kinakabahang tanong ni Irene. Tumingin ako sa kanya at nanghihinang napayakap sa kanya.

"I’m fine.." mahinang bulong ko. Hinaplos ni Irene ang buhok ko hanggang likod.

"Anong nangyayari A.L?!" nagaalalang tanong ni Jena. I sigh before fixing myself. I looked at them with a smile. Ayoko sa lahat ay may nag-aalala sakin.

"I’m fine, guys. Medyo nahilo lang talaga ako" paniniguro ko. I saw doubt in their eyes but choice to stay silent and end the topic.

"Mabuti pa, pumasok na tayo. For sure, dahil sa mainit na panahon yan." eveyone agreed to Ali’s suggestion. We walked all together, pero nasa tabi ko si Irene at may kakaibang tingin sakin.

Napalingon ako kay Rene nang tawagin nya ako. She look worried. Lumingon ako sa kanya at ngumiti "Are sure your ok?!" i nodded to assure her. "Arene, bakit pakiramdam namin ang dami mong tinatago?!" nakakunot nuong tanong nya. Inosenting tanong pero may gusto syang iparating. Nagkatinginan kami ni Irene at napahinto sa paglalakad.

"Rene, we should respect her decision. Dahil ganun rin naman sya satin." kinakabahang paalala ni irene. Tumango si Rene at yumakap samin. Sumunod naman ang iba ng makita kami.

"Kayo, hah. Di kayo nag-aaya!" nagtatampong sabi ni Jena.

"Pajoin, guys. Ako pinakamaganda sa squad natin, tas iniiwan nyo lang ako." it was Ali na nagbuhat na naman ng sarili nya. Self-support kami dito.

Nagsimula na naman ang pabirong bangayan namin. Kesyo sya raw ang maganda at sexy na agad namang I-ki-claim ng isa. Everyone looks happy na parang walang problema. Masaya ako na kahit lahat kami may kanya-kanyang pinagdadaanan never naming ipinakitang mahina kami at kung ganun man nandito ang bawat isa para ibigay ang lakas na kailangang ng isa.

Minsan sarap paghahampasin nitong mga babaing ‘to. But I’m so lucky to have them, they are the best of the best of friends ever.Walang favoritism samin. Walang nag-lalamangan, We dont need that dahil para samin as long as nandito ang isat-isa, para samin di na kailangan ang achievement at compliment ng mga nasa paligid namin.

Hinabol ko sila at inakbayan. Mag-aasaran pa sana kami ng matahimik dahil nasa loob na pala kami ng simbahan. Kanya-kanya kaming pila sa isang shell na may laman na coconut oil na nasa bungad ng simbahan, para maipahid sa nuo namin.

Nauna silang lahat na naupo sa dulong bahagi ng simbahan. Nanginginig ako lumapit sa sea shell. Sa hindi malamang dahilan ay nanghihina ako, parang unti-unting nauupos na kandila. Nilalamig ako sa lakas ng hangin na nagmumula sa labas ng simbahan. kakaiba ang takot na naramdaman ko kahit na nasa simbahan ako. Masamang espirito ba ako? Bawal ba ako sa simbahan?

Maya maya ay narinig ko ang putokan at sigawan sa labas ng simbahan kaya napalingon ako sa labas. Halos mapaluhod ako ng makitang maayos ang paligid sa labas. Walang sigawan at putukan na naganap. Nababaliw na atah ako. Napahawak ako sa sea shell ng wala sa oras. Mabilis kong inayos ang sarili at pinakalma. Nang maayos na ay nanginginig ang kamay ko na isinawsaw sa coconut oil.

"Amara, Amara. Hanapin mo si Ambrosio bago mahuli ang lahat!"

Hindi ko nabawi ang daliri ko sa pagkakasawsaw sa oil dahil isang tinig ng matanda ang bumalot sa buong paligid.

'Hindi ako si amara!' matigas na sabi ko sa isip ko.

Umihip ang malakas na hangin na nagpahina lalo ng pakiramdam ko. Parang ano mang oras ay mawawalan ako ng malay.

"Amara..." naibulong ko sa sarili, bago dumilim ang paligid at nawalan ng malay.

Yuthre POV

"Pare! Ano ba! Wala ba kayong balak gumising?!" inis akong napabangon ng higa dahil sa bwisit at pangit na boses ni James.

"Pare! Napakaingay mo naman!" inis na bulyaw ni Jake kay James. Hinagisan sya ng unan ni Jake pero nailagan nya iyon at tumakbo sa likod ko para magtago.

"Pare! Nine na ng umaga! Gutom na ako!" parang bata talaga. Nagmamaktol syang humiga sa kama ko. Kaya naman wala na akong nagawa kundi bumango at tumayo.

"Oo na tsk.. maligo na ako. Kumain na lang tayo sa dine resto dyan malapit sa kanto." inaantok kong sabi. Inis na kinuha ko ang bag sa ilalim ng kama para kumuha ng tuwalya.

Narinig ko pa ang sunod-sunod na yes ni James bago ako pumasok sa banyo at naligo.

‘Amara, isang pangako ang bibitawan ko... hahanapin kita sa susunod nating buhay.’

‘Hihintayin kita, Ambrosio.’

‘Tiyak akong mahahanap kita... sa susunod nating buhay ay hindi ko na hahayaang mawala ka pa sakin... ayokong muli nating sapitin ang lupit at galit ng tadhana para sa atin’ nakita ko ang paghawak ng lalaki sa pisngi ng babae bago nya ito tuluyang halikan sa labi at yakapin ng mahigpit.

Napakunot ang nuo ko sa mga nangyayari. Ayoko sa mga ganitong senaryo. Isa pa, bakit ako nandito? Sinubukan kong magsalita pero walang boses na lumalabas. Sinubukan kong maglakad pero hindi ko magawa, parang may pumipigil sakin na umalis sa kinakatayuan ko. Napatingin ako sa labas ng simbahan nang marinig ko ang sunod-sunod na putukan at sigawan ng mga tao.

‘Amara…’ magkasunod na tumayo ang dalawa. Nagkatinginan sila bago tumingin sa direksyon ko.

Naguguluhan ako. Alam kong panaginip lang yun pero may parte sakin na nagsasabing totoo ang lahat ng yun. Magtatanong sana ako nang bigla akong magising. Parang bulang nagbago ang paligid.

Tulala ako habang inaalala ang panaginip ko. Paulit-ulit na lang tuwing sasapit ang gabi. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha sa mga mata dahil sumasabay iyon sa pagdaloy ng tubig galing sa shower.

Sa hindi malamang dahilan bumibilis ang tibok ng puso ko. I tried my best to calm myself. Paulit-ulit na nangyari sakin ‘to. Hindi na bago. Paulit-ulit na mga panaginip ang lagi kung napapanaginipan. And every dreams felt so real. like it was happened to me a year ago at hindi ko lang maalala. Parang isang dvd player at movie na isa-isang pinapalabas sa utak ko ang nangyayari. Parang mga memorya na pinapaalala sakin.

"Pre!" pinatay ko agad ang shower nang marinig ko ang sunod-sunod na katok ni James.

"WHAT?!" inis na sigaw ko.

"Bilisan mo, pare. Nagugutom na rin sila Jake at Patrick. Sa pool side na kami maliligo. Bahala ka dyan, sumunod ka na lang." nagmamadaling satsat nya. Masamang tingin ang itinapon ko sa pinto.

"YEAH YEAH! FUCK!..... estorbo." inis na sabi ko. Binilisan ko na ang pagligo dahil alam kung mainipin ang mga yun. Sila rin ang may kasalanan dahil uminom pa sila kagabi tsk.

Nasa cavite kami ngayon to relax and chill from studying. Pare- pareho kaming architect at magbabarkada simula nung high school. We planned to eat from a near resto for breakfast. Plano rin naming puntahan ang mga ibat-ibang historical place dito sa lugar para sa case study namin. Una sa destination ay ang Mary Magdalene Church.

Isang araw pa lang kaming nandito, pero marami na nangyari na hindi ko inaasahan. Muli kong naalala ang babae sa panaginip ko habang palabas ako ng banyo.

'Amara ang pangalan ng babae'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top