Chapter 9: Dinner

Chapter 9: Dinner


N'ong nakita kong malapit na kami sa subdivision nina Eli, nag-retouch na ko at inayos ko 'yong pagkaka-tuck in ng damit ko.

I readied myself as we reached the private subdivision gate.

N'ong tinanong kami n'ong guard kung sinong punta namin, I mentioned Eli's name and the exact address. Medyo nahirapan pa kaming makapasok dahil kahit sinabi ko na 'yong apelyido ko, wala raw kami sa visitor's list.

They called Eli's house to confirm if they are familiar with Quiseo family and good thing, mukhang pamilyar naman sila. Baka kay Ate Felize o sa parents namin. I don't know, what's important is that they let us enter and I was so happy upon hearing that. Halos mapapalakpak pa nga ko sa sobrang saya.

N'ong nasa tapat na kami ng bahay nina Eli, sobrang namangha ako. Mas malaki sa bahay namin 'yong bahay nila. 'Yong garden pa lang na natatanaw mula sa labas, sobrang lawak na. Mukhang mansion 'yong bahay nila sa hindi kalayuan.

Dali-dali kong kinuha 'yong eco bag at saka bumaba.

I instructed Mang Nestor to wait for me outside.

Pagkasara ko ng pinto, dumiretso na ko sa gate at saka nag-doorbell.

Kasambahay 'yong nagbukas ng gate at nagpapasok sa 'kin sa loob. I was then approached by a gorgeous and tall woman upon reaching the main door of the mansion.

She looks like a woman version of Eli. Ang pinagkaiba lang, she's smiling in front of me at mukhang palangiti talaga siya. Pero sure ako, magkapatid sila! I saw her once on Eli's tagged photos. She's Nilienne if I'm not mistaken.

Iba na ang may alam. Iba ang marunong mag-research!

"Are you Felize Quiseo? Eli's friend?" tanong niya na bahagya kong ikinatawa.

"Ate ko po 'yon! Pero mas maganda po ako sa kaniya," pagbibiro ko na ikinatawa niya rin. "Elise Quiseo," I extended my hand as I introduced myself which she accepted and shook with.

Ito na, Elise, meet the family na!

Pinapasok niya ko sa loob at dumiretso kami sa dining area. Hindi ko alam kung p'ano ide-describe 'yong happiness ko pero sobrang saya ko!

Sobrang ganda sa loob ng bahay nila. Ang daming babasaging gamit at may mga halaman din. Parang lahat ng nakikita ko sa loob, it shouts elegance and wealth.

Sa susunod, masasanay na ko sa lugar na 'to!

Napatingin ako sa magkatabing may edad na nasa mesa. They are carefully looking at me. May bata rin sa tapat nila na tahimik na naglalaro ng cars niya sa mesa.

Namumukhaan ko 'yong dalawang may edad na dahil ayon sa research ko, sila ang parents ni Eli. What I'm not sure of, kung sino 'yong bata.

I gave them my sweetest smile, "Good evening po!" bati ko sa kanila at saka lumapit.

"Mom, dad, she's Elise. Eli's friend's sister," pagpapakilala niya sa 'kin.

Ang haba naman, pwede namang sabihin niyang Eli's girlfriend. O kung gusto niya talaga ng mahaba, pwede ring Eli's sugarcakes honeypie.

I was shocked and amazed at the same time when I got closer to them. Mas maganda at gwapo sila sa malapitan kaysa sa picture na nakita ko online.

P'ano kaya kapag nagsama na 'yong genes namin ni Eli? For sure, sobrang gaganda at gagwapo ng mga magiging anak namin.

"You don't look like their parents po," nakangiti kong saad.

Medyo kinabahan ako n'ong hindi man lang sila ngumiti. I managed to smile and act as if they didn't acknowledge me.

"Take a seat," paanyaya sa 'kin n'ong kapatid ni Eli. She guided me in the seat in front of the two. Pinatong ko muna 'yong eco bag sa mesa.

Napapagitnaan namin 'yong batang lalaking naglalaro ng cars.

"Hello," bati ko sa bata na mabilis akong tinignan.

He smiled at me and asked me if I can join him. Siyempre, nag-oo naman ako agad! Bukod kasi sa sobrang cute niya, mahilig ako sa mga bata.

I remember when Laurice was just a tiny baby. Sobrang cute niyang titigan! Ngayon, maliit pa rin siya.

"Pagpasensyahan mo na, sabik kasi 'to sa kalaro," sabi ni Ate Nilienne. "Anak ko," dagdag niya pa n'ong mapansin niya sigurong medyo nagtataka ako.

Napatango ako sa narinig at saka nagsalita, "You're older than Eli? You look younger than him," saad ko at saka nakipaglaro sa anak niya ng cars.

Pinapaandar ko rin 'yong sa mesa at gumagawa rin ako ng sariling sound effects na kinatuwa naman n'ong bata.

Narinig kong napatawa 'yong ate ni Eli.

"Bolera ka! Anyway, I'm Nilienne and this is my son, Neko," masaya niyang pagpapakilala.

Inangat ko 'yong tingin ko sa kaniya.

"I know," natatawa kong saad na ikinakunot niya ng noo.

Nanlaki 'yong mga mata ko nang may ma-realize. Medyo kinabahan ako dahil sa mga pinagsasasabi ko!

Kaagad kong dinagdagan 'yong nauna kong nasabi. "Chine-check ko po kasi palagi 'yong account ni Eli. I saw you in one of his tagged photos," kinakabahan kong sambit.

Tumango naman siya.

Wala ng nagsalita kaya kami na lang ni Neko 'yong nag-uusap. He told me about his toys which he wants to play with me next time.

Natuwa naman ako dahil gusto niya ulit akong makita sa susunod. Why not 'di ba?

Nagulat ako n'ong nabitawan niya bigla 'yong pulang kotse kaya sobrang lakas ng iyak niya. 'Yong iyak na tinatawag nilang may kasamang ngawa.

Nabigla ako lalo n'ong pinulot niya 'yong laruan at saka naglupasay sa sahig.

Naisip ko tuloy si mommy, kung anak siya ni mommy, lagot talaga siya. Bawal ang umiiyak sa bahay. Ewan ko nga kung ba't gan'on kami pinalaki.

Mabilis kong pinuntahan si Neko at saka hinagod sa likod, "It's okay, your car isn't broken," pagko-comfort ko sa kaniya pero hindi siya tumahan.

Nakita kong lumapit na rin sa 'min si Ate Nilienne na sobrang nag-aalala ang mukha.

"You're already a big boy, why are you crying over a little car you can still use?" tanong ko sa kaniya, trying to make him stop from crying.

Hindi naman kasi ako magaling magpatahan ng bata dahil wala naman akong nakasamang iyaking bata. Hindi ko alam kung ano 'yong tamang salitang magpapatahan sa kaniya.

I carefully held his chin and made him look at me. "Nakakapangit ang pag-iyak. Kung gusto mong maging kasing cute ko, huwag kang iiyak dahil sa kotseng nasira," kalmado kong saad.

Saktong pagkaluhod ni Ate Nilienne, tumahan na si Neko. I smiled when I saw him wiped his tears away. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Tinulungan ko siyang tumayo at saka namin kinuha 'yong car niya bago bumalik sa mesa.

Pagkaupo na pagkaupo namin, Ate Nilienne thanked me for comforting her son.

I simply smiled at her. Pero sa loob-loob ko, sobrang saya ko dahil feeling ko, I impressed her.

Napalingon ako sa parents nila ni Eli n'ong nagsalita 'yong mom nila. If my research is right, she's Adrianna and her husband is Evann.

"What's your family's business?" seryosong tanong niya sa 'kin.

Medyo nagulat ako sa biglaan niyang tanong but I explained every business which my parents and Ate Felize handle. She didn't ask for more about those as she asked another question. "What do you do?"

Kinabahan naman ako sa mabilis na pag-iiba ng tanong niya. Hindi ko alam kung magsasabi ba ko ng totoo o hindi. Hindi ko alam kung may ifi-filter ba ko o wala.

"I'm about to finish my college degree in a year po. Full scholar sa university, consistent na Dean's Lister, at fashion model din po," nakangiti pero medyo nag-aalangan kong sabi. Pabirong dinagdagan ko kaagad 'yon ng, "Secret lang po 'yong about sa work ko. Baka mapalayas ako sa bahay!"

Napatawa ako sa sarili kong nasabi pero hindi naman nila ikinatawa. I bite my lower lip because of that.

Ba't ba ang hirap nilang patawanin? Ang hirap ka-bonding, parang sina Laurice at mommy!

"How much do you make?" bagong tanong na naman ni Mommy Adrianna.

Grabe naman sa mga tanungan! Para akong ini-interview for a job vacancy. Buti na lang, mommy siya ni Eli kaya 'di ako magrereklamo.

"I usually earn around five digits per month po, depende na lang din kapag may additional campaign and projects," magalang na pag-e-explain ko.

"What job are you planning to have after college?" this time, masungit na 'yong pagkakatanong niya n'on. Tinaasan niya pa ko ng kilay kaya sobrang nagulat ako.

Ba't may taasan ng kilay?!

Good thing, may biglang lumapit sa 'min na naka-uniform na pang-cook.

"The food will be served in 10 minutes," anunsyo n'ong cook na umalis din naman kaagad.

May personal cook pala sila? Bongga!

Sa 'min kaya na lahat ng gawaing bahay nina Ate Maricor.

"Ay!" medyo napalakas 'yong boses ko nang sabihin ko 'yon. Napatingin ako sa eco bag at saka inurong 'yon papunta sa harap nila. "Nagluto po pala ko, adobo. Para po sa inyo," nangingiti kong saad.

They don't look displeased but they aren't pleased as well.

"Luto mo? Really?" tanong ni Ate Nilienne kaya napalingon ako sa kaniya.

She's all smiles kaya nabuhayan ako ng loob.

Buti naman mukhang may magandang ka-bonding sa mga Maceda!

"Opo, 'yong para kay Eli kasi, hindi niya kinain kanina. Pinamigay ba naman sa guard!" pagsusumbong ko na ikinakunot ng noo ni Ate Nilienne.

"You were with him?" nagtataka niyang tanong.

Tumango naman ako bilang sagot. "Nauna na po ko rito," saad ko naman na ikinatango niya na lang.

"If that's the case, anong pakay mo rito?" masungit pa ring tanong ni Mommy Adrianna. Pero kung masungit na kanina, dumoble na 'yong sungit ngayon!

I gave her a smile as I clasped my hands together to calm myself, "Opisyal na pong aakyat ng ligaw kay Eli!" masaya kong sagot.

Her forehead creased but she later on laughed so hard. Pati 'yong asawa niya at si Ate Nilienne, sobrang lakas na rin ng tawa.

"Bakit po, Mommy Adrianna?" tanong ko na nagpatigil sa tawa niya.

Sobrang nabigla rin ako nang ma-realize ko kung anong sinabi ko. "Sorry po!" medyo nanginginig pa 'yong mga labi ko pagkasabi n'on. She hasn't introduced herself yet! Ano ba 'yan, Elise. "Feeling close, sorry po," dagdag ko pa na ikinatawa na naman nila.

"You really did your research about us, huh," Eli's dad said in a deep voice.

Medyo nahiya naman ako dahil d'on. Pero hindi ko na lang pinahalata sa kanila.

Pagkatapos nilang tumawa, nangingiti akong tinitigan ni Mommy Adrianna at saka inabot 'yong eco bag ko.

"I knew it was unusual for a woman to come here. Eleazar has never brought a woman here in his entire life," nakangiti niya pa ring sambit.

Wala pang nakakapuntang babae rito na kakilala ni Eli? Kahit kaibigan? Kaya ba pati si Ate Felize ay wala sa visitor's list?

Bigla akong napangiti nang todo sa mga naisip. Napakagat ako sa ibaba kong labi sa sobrang kilig.

Sinilip ni Mommy Adrianna 'yong nasa loob ng eco bag at saka nilabas 'yong food container.

Nahihiya kong saad, "Pang-tanghalian po sana 'yan, kaso hindi po ako pinapasok sa loob ng kumpanya ni Eli."

They asked me whys and I explained what happened in the company. They then told me that it was a company policy and I should just come over here next time if I want to cook for Eli.

At sino ba naman ako para tumanggi sa paanyaya nila? Elise doesn't take opportunities for granted, especially when it's about Eli.

When the food is finally getting served, Mommy Adrianna asked a thing that made me burst into laughter.

"Hindi ka nabuntis ni Eleazar?" seryoso niyang tanong na may halo pang kaba sa boses niya.

Hindi ko alam kung gaano ko katagal napatawa but I answered her, "Sana nga po! Gusto ko 'yan."

Napahinga si Mommy Adrianna nang maluwag at natawa naman sina Ate Nilienne at Daddy Evann sa sagot ko. It felt as if I'm finally getting their attention. At gusto ko 'tong parang nakukuha ko na 'yong loob nila.

Lalo tuloy akong naengganyong mag-kwento.

When all the food has been placed on the table, I continued talking, "Alam niyo po ba, na-kiss ko na po si Eli sa pisngi."

Napatingin silang lahat sa 'kin.

It was Eli's dad's turn to ask, "And?"

"End of story po. Hindi niya nga raw po 'yon maalala. Baka nakalimutan sa kilig," sagot ko kaagad. "Matagal ko na po kasing gusto si Eli. Palagi niya nga lang po akong pinagtatabuyan," nakasimangot kong kwento.

"Oh, speaking of," sambit ni Ate Nilienne kaya napatingin ako sa pinto.

Napangisi ako nang makitang gulat na gulat si Eli pagkakita sa 'kin.

You don't push Elise around, Eli. Hindi ko hahayaan 'yon!

When he came back to his senses, lumapit siya kaagad at saka ako hinawakan sa braso.

Wow, may pa-touch-touch na siya sa 'kin ah!

"I'll bring you home," matigas niyang saad pero hindi ako nagpatalo.

Hindi ako tumayo. Tumingin pa ko kay Mommy Adrianna para humingi ng tulong na mukhang naintindihan niya naman agad.

"Let her eat with us, Eleazar," nakangiti niyang sambit bago binuksan 'yong food container.

She tasted the adobo before she smiled at me again. "Ang sarap nito, Elise!" Tumingin siya kay Eli, "Umupo ka na. Tikman mo 'to."

Napangiti at napapalakpak ako sa narinig. Sobrang sumaya pa ko n'ong inilipat ni Ate Nilienne si Neko sa kabilang gilid niya. They pushed him to sit beside me, so he had no choice.

This is the first time we will be eating side by side. Sa susunod, araw-araw na namin 'tong gagawin!

Sobrang kilig na kilig ako sa loob-loob ko.

I smirked at him when I saw him took a glance at me dahil pinipilit siyang kumain ng adobo. Hindi mawala 'yong ngiti sa mga labi ko nang finally, natikman niya na.

He didn't say a thing but based on his reaction, mukhang hindi naman pangit sa panlasa niya.

Kumain na rin ako at sinabayan sila. Ang daming putahi sa mesa pero pinipilit kong huwag maparami ng kain. Gutom ako pero may natitira pa namang hiya sa katawan ko. Sa susunod na balik ko, d'on ko na lang dadamihan ang kain ko!

They let me talk about my life. It made me happy when they appreciated all the awards I bagged since I was in elementary. Lalo akong ginanahan mag-kwento dahil d'on!

"Beauty and brains," papuri sa 'kin ni Mommy Adrianna kaya nahihiya naman akong napatawa.

"Sinabi niyo pa po! Kaya ewan ko nga po sa anak niyo, ba't ayaw sa 'kin," saad ko saka lumingon kay Eli.

Nagtama 'yong mga tingin namin at pinanlilisikan niya ko ng mga mata ngayon.

I don't care. Bahala siya! Sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin.

"Mommy Adrianna," tawag ko sa kaniya nang lingunin ko siya. "Tawagin ko na po kayong Mommy Adrianna ah," saad ko na ikinatawa niya.

"Sure, sure, Elise," she agreed. "Tell us more about you," she added.

Sumubo lang ako at saka ngumuya bago ko naman nai-kwento lahat ng mga nagtangkang manligaw sa 'kin. "Sobrang dami pong kaagaw sa 'kin ni Eli. Mahaba po ang pila sa 'kin pero huwag po kayong mag-alala, loyal po ako sa anak ninyo."

Hindi ko alam kung mukha ba kong clown o natutuwa lang talaga sila sa 'kin. Panay tawa nila sa mga kwento ko.

"Stop saying nonsense," nanggigigil na bulong ni Eli sa may tenga ko pero 'di ko siya pinansin kahit nakiliti ako r'on.

Nagpigil ako ng kilig. Kaya mo 'yan, Elise!

"Kailan po pala ako pwedeng bumalik?" tanong ko na nakakuha sa atensyon nilang lahat.

Ate Nilienne answered, "Anytime, Elise. Right, mommy?"

Tinignan niya si Mommy Adrianna kaya napatingin din ako sa kaniya. Medyo kinakabahan ako sa magiging sagot niya dahil ang tagal niyang magsalita.

I was so happy when she said, "Of course. Our house is open for you, Elise."

Todo-todo akong napapalakpak sa narinig. Ngayon palang na hindi pa ko nakakaalis dito, nae-excite na kaagad akong bumalik dito!

"Stop this, Elise," naiinis na utos sa 'kin ni Eli.

Nilingon ko siya at muntik nang magdampi 'yong mga labi namin sa sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin.

Sobrang bumilis 'yong kabog ng puso ko.

Sayang naman!

"Stop saying stop to me," banat ko pabalik sa kaniya saka ko siya inirapan.

Pero sa loob-loob ko, hindi ko na alam kung p'ano ko papakalmahin 'yong puso kong nagwawala. Bakit ba pagdating kay Eli, sobrang rupok ng puso ko?

We ate and talked a lot about things. Mostly, ako 'yong pinagkwe-kwento nila. Pero may mga kinukwento rin naman sila. Nabanggit nga nila 'yong mga hilig gawin ni Eli n'ong bata pa siya. Kaya itong isa, todo pa-stop sa mommy niya sa pagku-kwento.

Ang hilig-hilig magpa-stop ng isang 'to! Dinaig pa ang stoplight.

When we were done eating, nagpaalam na silang magpapahinga na sila sa kaniya-kaniya nilang kwarto kaya naiwan na lang kami ni Eli sa mesa.

I looked at him beside me.

Now that it was just the two of us here, parang biglang lumiit 'yong bahay nila at uminit.

My breathing is getting slower.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa utak ko pero napatitig na lang ako sa makisig niyang mukha. I was amazed by his facial features. Thick eyebrows. Long eyelashes. Hazel colored eyes. Sharp nose. Perfect jawline.

Then my eyes lowered to his lips.

"What was that, Elise?" kunot-noo niyang tanong sa 'kin. "When are you going to—"

I leaned forward and made him stop talking by planting my lips on his. It was a quick kiss but is already enough to send me shivers.

I saw how shocked he was with what I did.

My heart was pounding so hard. Hindi ko alam kung dinig niya ba 'yon dahil halos 'yon na lang ang naririnig ko.

Mabilis akong tumayo at saka umalis nang bumalik sa wisyo.

Halos matisod ako kakalakad-takbo kahit wala namang nakakatisod dahil sa sobrang kaba. Parang nanginginig na nanghihina pa 'yong mga tuhod ko dahil sa nangyari.

Pagkalabas ko sa mismong gate nila, napasandal ako rito at saka napahawak sa puso ko.

It's impossible now for him to also forget about that kiss. Sa oras na makalimutan niya pa 'yon, ewan ko na lang.

Dahan-dahan kong inabot 'yong mga labi ko at parang nag-iinit 'yong buo kong pagkatao.

"I kissed Eli..." This time. "On his lips."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top