Chapter 8: Adobo
Chapter 8: Adobo
"Hala, Elise!" natatarantang sigaw ni Ate Maricor at saka ako nilapitan. "Ba't mo kasi hinawakan ng walang gloves?"
Hinawakan niya 'yong likurang bahagi ng kanan kong kamay. Tinignan niya 'yong palad kong sobrang namumula ngayon.
"Baka kasi dapat sinabi mo glove lang para naintindihan niya kasi isa lang naman 'yan," pagbibiro ni Ate Karen habang busy siya sa pagsasalin ng naluto naming adobo sa dalawang food container.
Ayon 'yong dapat na gagawin ko kanina kaso nabitawan ko kaagad 'yong handle ng stainless steel pan pagkahawak ko.
Hindi siya napansin ni Ate Maricor kaya pinilit ko na lang matawa sa joke niya kahit may masakit sa 'kin. Kawawa naman kasi siya, hindi mabenta 'yong biro niya eh! Baka langawin.
"Ang sakit," naiiyak kong reklamo nang biglang humapdi lalo 'yong palad ko. Hinipan-hipan ko 'yong mga daliri ko hoping it would get better by doing that.
"Wait lang," sambit ni Ate Maricor bago umalis.
"Magsusugat po kaya 'to?" nanlulumo kong tanong kay Ate Karen na kakalapit lang sa 'kin.
"Pwede," sagot niya na may halong pananakot sa boses kaya kinabahan tuloy ako.
"P'ano na 'to?" nag-aalala kong tanong.
Mahilig pa naman ako mag-posing tuwing photoshoot na kita 'yong mga kamay ko. Palagi kong binibida 'yong nail polish ko.
Napa-pout ako at saka tinitigan 'yong palad ko.
Hindi ako pwedeng magkasugat. At ayaw kong humarap kay Eli ng may sugat.
"Sobrang excited kasi!" narinig kong saad ni Ate Maricor.
Nilapitan niya ko at may dala-dala na siyang toothpaste. Napakunot 'yong noo ko pagkakita n'on.
Binuksan niya 'yon at saka naglagay sa hintuturo niya. Binaba niya 'yong lagayan ng toothpaste at saka hinawakan 'yong likod ng kanan kong kamay.
She carefully applied the toothpaste from my fingers down to the part of my hand near my wrist.
"Ba't po toothpaste?" nagtataka kong tanong. "Aray," daing ko n'ong napadiin 'yong pagkalat niya n'on sa kamay ko.
"Para gumaling," she answered in full confidence.
"Totoo po ba?" I asked doubting what she said. "Why not cream?" dagdag na tanong ko pa.
Natawa si Ate Karen sa gilid. "Mas mabisa 'yan! May natutunan ka na naman sa 'min, Elise," pagbibiro niya.
"Basta kapag naniwala kang gagaling agad 'yan, gagaling 'yan," mahinahong saad ni Ate Maricor.
Pagkatapos niya 'yon gawin, binitawan niya na 'yong kamay ko at saka siya naghugas ng mga kamay niya.
"So kapag naniwala akong magiging kami ni Eli, magiging kami talaga?" tanong ko sa kanila na may ngiti sa mga labi ko.
Umupo ako sa may pinakamalapit na stool.
Nakita kong nagkatinginan sila bago napatawa.
"Ba't 'di kayo sumasagot?" tanong ko nang nakasimangot. Wala kasing nagsalita sa kanilang dalawa.
Nilapitan nila ko at parehong hindi maipinta 'yong mga mukha nila. They look bothered.
Ate Maricor took a deep sigh before she asked, "Sure ka na ba r'on kay Sir Eli?"
Ako naman 'yong napatawa dahil sa tanong niya. "I'm sure about him since the day I laid my eyes on him," seryoso kong sagot pero may matamis na ngiti sa mga labi ko.
Tinanguan na lang ako ni Ate Maricor. Meanwhile, Ate Karen confusedly asked, "Bukod sa mayaman at gwapo 'yon, ano bang mayr'on sa kaniya?"
Napatawa nang malakas si Ate Maricor mula sa kitchen counter kaya napalingon kami sa kaniya.
"Kasungitan. Ubod ng kasungitan," sambit niya nang medyo humupa na 'yong tawa niya.
Napatawa na rin si Ate Karen kaya napasimangot na lang ako. Tinitigan ko 'yong palad ko at good thing, 'di na naman 'to ganoong namumula.
"Sa ganitong food container ko na ba ilalagay 'yong kanin?" tanong ni Ate Maricor kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Wait!" awat ko sa kaniya at saka ako nagmamadaling tumayo.
Tumakbo ko papalapit sa kaniya at saka kinuha 'yong hawak niyang food container gamit 'yong kaliwa kong kamay. "Ako na po," pagpe-presinta ko.
Napailing na lang siya sa inakto ko when I insisted.
Pinatong ko sa gilid ng kaldero 'yong food container. Binuksan ko 'yong takip gamit 'yong kaliwa kong kamay bago ko 'yon binaba.
Medyo nahirapan akong magsandok ng kanin dahil gumigilid 'yong kaldero. Hindi ko kasi mahawakan gamit 'yong isa kong kamay. Buti na lang at nilapitan ako ni Ate Maricor at saka niya hinawakan 'yong gilid ng kaldero para hindi umusog.
"Ganito dapat, laging may gloves," reminder niya at saka tinuro 'yong kamay niyang may gloves.
Napa-pout naman ako. "Ang hirap po palang magluto kahit parang tagalagay lang naman ako ng ingredients saka halo kanina," reklamo ko.
Bahagya siyang napatawa dahil sa sinabi ko, "Sanayan na lang 'yon, Elise. Isipin mo na lang na may improvement ka na dahil dati puro kain ka lang," sambit niya na nagpatawa rin sa iba.
Pagkatapos ko maglagay ng kanin sa food container, hinarap ko siya.
"Dapat pala mas lakihan pa po nina daddy 'yong sweldo niyo," suggestion ko na ikinangiti nilang dalawa.
"Mas malaki sa average salary ng kasambahay 'yong sweldo namin," saad niya at saka sila nagtinginan ni Ate Karen.
"Kaya super thankful kami sa pamilya niyo. Ni hindi nga namin magawa-gawang umalis," dagdag pa ni Ate Karen.
Natuwa naman ako sa narinig. "Kapag ako na 'yong magpapasweldo sa inyo, mas papalakihin ko pa! At mas madalas na kayong magbabakasyon," nangingiti kong anunsyo.
Tawanan na naman sila dahil sa sinabi ko.
I like how we enjoy each other's company. Parang hindi na talaga kami iba sa isa't isa.
"Problemahin mo na lang muna kung p'ano mo mapapakain 'to sa Mr. Sungit mo na 'yon," saad ni Ate Karen.
Napakunot naman 'yong noo ko. Tinakpan ko muna 'yong food container bago ako nagtanong, "Masarap naman ah?"
Napailing-iling siya, "Masarap naman pero 'yong masungit na 'yon? 'Di natin alam kung tatanggapin at kakainin niya 'to."
Nalungkot at kinabahan ako sa narinig.
She's right but I hope she wasn't.
Medyo natatakot akong baka hindi nga kainin ni Eli. Pero kailangan kong maniwalang kakainin niya 'to. Pinaghirapan ko kaya 'to! Dapat lang na ma-appreciate niya. Duh!
Maya-maya lang, pinagpalit na nila ko ng damit. Bilisan ko raw dahil magtatanghalian na para makain 'to ni Eli ng lunch break.
Madaling-madali naman akong umakyat sa taas. Papasok na sana ko sa kwarto ko nang maipanghawak ko sa doorknob 'yong kanan kong kamay.
Napainda kaagad ako sa sakit.
Kumapit din d'on 'yong toothpaste kaya napangiwi na lang ako.
"Kung may tiis ganda, tiis saya naman sa 'yo, Elise. Don't worry, makakain ni Eli 'yon," I told myself to ease my pain and worry.
Pagkapasok ko sa loob, naghugas kaagad ako ng kamay sa may lababo para mawala na 'yong toothpaste.
Okay na 'yon. Tumagal naman sa kamay ko. Gagaling na 'to.
Pumunta na ko sa walk-in closet ko at saka namili ng damit.
Sa kumpanya nila ko pupunta kaya dapat lang na presentable 'yong susuotin ko. It might look awkward for me to wear a too casual dress in daylight.
Kagat-kagat ko 'yong ibaba kong labi habang namimili ng damit.
I ended up wearing a lilac pastel-colored pocket tee and high-waisted skinny jeans. I also picked a pair of black high-heeled ankle boots.
Tinignan ko muna 'yong sarili ko sa floor mirror ko.
"Ang ganda mo talaga, Elise! Kung ganito naman talaga kaganda 'yong magdadala ng pagkain kay Eli? For sure, he'll get overjoyed!"
Tuwang-tuwa akong umikot pa para mas makita ko 'yong kabuuan ng outfit ko.
Nagsuklay muna ko at hinayaan lang na nakalugay 'yong mahaba at straight kong buhok. Huli kong ginawa ang mag-apply ng light make-up sa mukha ko.
Hindi ko na kasi nagawang maglagay ng eyeliner at iba pang blemishes dahil masakit pa rin 'yong kanan kong kamay.
Pero okay lang naman, maganda naman kasi ako kahit nga bagong gising lang.
Pagkatapos kong mag-ayos, kinuha ko na 'yong phone ko at saka nilagay 'yon sa loob ng sling bag ko.
I decided to not text Eli for him to get surprised!
Kinikilig ako ngayon palang. P'ano pa kapag kinakain na ni Eli 'yong ulam na pinaghirapan kong lutuin?
Sobrang saya ko n'ong pagbaba ko sa kitchen, naka-prepare na r'on 'yong mga dadalhin ko.
"Thank you po!" pagpapasalamat ko kanila Ate Maricor at Ate Karen.
Napangiti naman sila bago inabot sa 'kin ni Ate Karen 'yong dalawang eco bag na laman-laman 'yong mga food container.
"Nandiyan na rin 'yong utensils, Elise," sambit ni Ate Karen pagkakuha ko n'ong dalawang eco bag gamit 'yong kaliwa kong kamay. "At oo nga pala, ito si Mang Nestor, sinabihan naming samahan ka na."
Napatingin ako sa gawi ni Mang Nestor.
"Punta na po ko sa kotse," pagpapaalam niya kaya tinanguan ko siya.
"Kapag hinanap ka ng pamilya mo, kami na ang magsasabi," sambit ni Ate Maricor.
Sa sobrang saya ko, nilapitan ko sila isa-isa at saka pinagyayakap.
"Para ka namang mag-aasawa! Magdadala ka lang ng pagkain, uy," biro ni Ate Karen na ikinatawa ko.
"Baka sa kasalan na 'to mauwi," pagbibiro ko rin bago ko lumabas sa bahay.
Pagkarating ko sa labas, pinagbuksan naman na ko ni Mang Nestor ng pintuan sa may back seat.
Tinabi ko sa 'kin 'yong mga bitbit ko.
I am so excited to see Eli in his company today! Wait for me, my CEO.
Good thing, Mang Nestor is already familiar with the company address of Eli kaya hindi na ko nagbigay ng guidelines. Nakapunta na kasi siya rito before when Ate Felize had a business with Eli.
Ako naman, sinama na ko before ni Ate Felize r'on. Ay mali! Hindi niya ko sinama, nagpumilit lang akong sumama sa kaniya n'on.
This will only be my second time going to his company. It feels like I will be seeing my husband and eat lunch with him because I have nothing to do at home. Gan'on 'yong feeling!
Pero kapag kasal na kami ni Eli, gusto ko pa rin na may trabaho ako. I am not sure yet what kind of job but I want to earn my own money for myself and our family. Bukod sa nakakatakot na masabihang naghahabol lang ako sa pera, I also want to make my own name.
Naniniwala ko na sa hinaba-haba ng prosisyon, sa simbahan din ang uwi namin ni Eli!
Habang papalapit kami nang papalapit sa kumpanya ni Eli, palakas din nang palakas 'yong kabog ng puso ko. Hindi ko ma-contain 'yong happiness ko. Mukha akong ewan na nakangiti lang dito sa likod.
It took us more than two hours to finally arrive at the company. Naghanap muna si Mang Nestor ng kalapit na parking lot dahil pang-employee and scheduled clients lang daw 'yong parking lot sa loob.
Ba't n'ong kasama ko si Ate Felize, nakapag-park naman kami agad?
Buti na lang, mabilis lang ding nakahanap ng parking area si Mang Nestor. I told him to wait inside the car o kapag nainip siya, alis muna siya.
Iniwan ko 'yong isang eco bag sa loob. I only brought the other one with me which contains the two food containers for adobo and rice.
Kahit sobra-sobra 'yong excitement ko, I did my best to act calm.
Pagbaba ko, medyo hinangin pa 'yong mahaba kong buhok. I saw some people turned their heads on me.
Feel ko tuloy, naglalakad ako sa red carpet. At sa dulo ng red carpet ay si Eli ang escort ko!
Dire-diretso lang ako ng lakad. Tanaw na tanaw ko 'yong building na sobrang taas.
Grabe! G'ano na kaya kayaman si Eli ngayon? At 26 years old, he managed to make this travel and tourism company be known and trusted by many people, not just Filipinos.
N'ong malapit na ko sa main entrance, lalo kong kinabahan. Para akong maiihi sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Kinakagat-kagat ko 'yong labi ko para hindi ako ngumiti nang sobrang lapad.
Dimiretso na ko sa revolving door. When it rotated around and I reached the inside of the building, I couldn't help but bite my lower lip again.
Sobrang kilig na kilig ako. Feeling ko, sobrang lapit ko na kay Eli.
Ilang lakad ko pa, nilapitan kaagad ako ng mga guard. Ngiting-ngiti naman akong nag-hello sa kanila. Kinaway ko pa 'yong kanan kong kamay.
"May appointment po ba kayo sa loob?" seryosong tanong sa 'kin n'ong isang guard na mas matangkad ako nang kaunti.
Nawala 'yong ngiti ko at napalitan 'to ng kunot. "Wala po pero—"
"Labas na po kayo," masungit na saad niya.
"Ay, pupuntahan ko po si Eli—"
"Huwag na po kayong makulit," singit niya at medyo napalakas pa 'yong boses niya kaya may ibang napalingon sa pwesto namin.
Medyo nahiya naman ako dahil mukha akong nanggugulo rito.
Grabe! Ni hindi na nga niya ko pinapatapos sa sinasabi ko, kung ipagtabuyan niya pa ko, para akong may masamang balak dito.
Tinignan ko 'yong isang guard, "I only need to meet Eleazar Maceda," saad ko sa nagmamakaawang tono.
Ba't bawal ako rito? Eh si Eli nga, kung makalabas-pasok sa bahay, akala mo sa 'min na siya nakatira! Pero pwede rin namang sa 'min na siya tumira.
"Employees lang po pwede, miss. O kaya 'yong may mga appointment na kliyente. Labas na po kayo kung ayaw niyo pong sapilitang mapalabas," kalmadong explain n'ong huling guard na kinausap ko.
Napasimangot naman ako at saka napatingin sa bitbit kong eco bag.
Pagkaangat ko ng tingin sa kanila, napa-pout ako. "Anong oras ko po kaya siya pwedeng puntahan?"
"Hindi niyo po siya pwedeng puntahan. Pwede niyo siyang hintaying lumabas mamayang 4 p.m.," suggestion niya na sobrang ikinagulat ko.
Napalakas talaga 'yong boses ko pagkatanong ng, "Gan'ong katagal? Maghihintay ako sa labas?!"
Napakamot sa ulo 'yong guard na kausap ko, "O pwede na lang po kayong bumalik."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
P'ano na 'yong ulam ko? Baka hindi na 'to masarap mamaya!
"Kung kakilala niyo po si Sir Eleazar, tawagan o i-text niyo na lang po para puntahan kayo rito. Hindi po kami pwedeng magpapasok nang basta-basta," pag-e-explain niya ulit.
"Labas ka na. Nakakaabala ka sa daanan," masungit na sambit n'ong unang guard na nagsalita kanina.
Napairap ako nang wala sa oras dahil sa inis.
"Girlfriend kaya ako ni Eli!" naiinis kong sigaw sa sobrang frustrated.
Napalingon na naman 'yong ibang dumadaan sa 'min kaya nag-panic 'yong isang guard. 'Yong kalmado lang magsalita.
"Miss! Huwag kang sumigaw, baka makarating sa taas na may nagwawala rito," natataranta niyang saad saka niya ko marahang hinawakan sa braso at pinalabas.
Pinipilit kong tigasan 'yong katawan ko para 'di niya ko mahatak pero mas malakas siya sa 'kin. Compared sa isang guard, mas matangkad siya sa 'kin.
Wala na kong nagawa n'ong makalabas na kami. I stood straight with poise para hindi naman ako mukhang ewan kahit napahiya't napalabas ako sa building ng future husband ko.
"P'ano 'tong niluto ko para kay Eli?" naiiyak at disappointed kong sambit saka ko bahagyang inangat 'yong eco bag.
Napangiwi naman 'yong guard pagkakita niya sa hawak ko. Binitawan niya na ko sa braso.
"Gusto mo ba, miss, ako na magbigay sa taas—"
"No!" pagtanggi ko sa alok niya. Hindi pwede! "Gusto ko 'tong personal na ibigay sa kaniya."
Napakamot siya sa ulo at saka sinabing, "Kung gan'on, hintay ka na lang dito."
Umalis na siya at saka pumasok sa loob.
Nanlulumo akong umupo sa pinakamalapit na bench sa building.
Ang init-init n'ong upuan pero wala akong magawa. Baka kasi biglang lumabas si Eli kaya ayaw kong umalis at pumunta sa kotse.
Pinatong ko na lang sa gilid ko 'yong eco bag at napahinga na lang nang malalim.
Although I really wanted to text Eli to let him know that I'm here outside, I was left with an option to wait. Gusto ko siyang i-surprise at gusto kong makita 'yong magiging reaksyon niya.
Tama, Elise, maghintay ka lang. Eli will be able to eat this later! Magiging worth it din lahat ng hirap at paghihintay mo.
Kinuha ko 'yong phone ko para ipaalam kay Mang Nestor na matatagalan pa kami. Sinabihan ko na rin siya na mag-ikot-ikot na lang muna siya but make sure na 'di matatapon 'yong adobo sa back seat.
Halos lahat na ata ng pwedeng gawin para hindi ako makaramdam ng boredom, nagawa ko na. I tried scrolling through my private social media accounts. Watched runway shows. Downloaded games to play. Pero wala pa ring 4 p.m.
I checked my phone, it's only 3:37 p.m. Medyo matagal-tagal pa kong maghihintay.
Tumayo muna ko nang nakaramdam na ko ng grabeng pangangawit. Saka ko lang naalalang hindi pa pala ko kumakain n'ong may mga nakita akong dumadaan na may bitbit na corn dog. Parang ang sarap n'on!
I looked at the eco bag on the bench and I was tempted to eat the food already. Pero pinigilan ko 'yong sarili ko.
Maya-maya lang naman, lalabas na rin si Eli kaya sasabayan ko na lang siyang kumain.
Pagkaupo ko, nagulat ako nang may familiar na taong palapit sa 'kin. Automatic na bumilis 'yong kabog ng puso ko.
Inangat ko 'yong tingin ko just to see that it was Eli.
Mabilis akong napangiti at napatayo nang huminto siya sa harapan ko.
"Eli!" excited kong tawag sa pangalan niya at saka nilingon 'yong eco bag.
Kinuha ko kaagad 'yon at saka akmang iaabot sa kaniya.
"Don't come here again, Elise," mariin niyang saad.
My smile faded and was replaced by sadness.
Okay lang 'yan, Elise. Palagi namang masungit si Eli! Isipin mo na lang, baka pagod lang siya kaya kinabog pa sa sungit 'yong babaeng may dalaw.
I took a deep sigh and tried my best to smile. Magsasalita na sana ko nang biglang kumunot 'yong noo niya bago siya nagsalita.
"Aren't you tired of playing around me? I'm fed up with you," he said that broke my heart.
Kitang-kita ko 'yong inis sa mukha niya. He looks really displeased seeing me.
Despite sadness inside me, I gave him my sweetest smile. Tinaas ko 'yong eco bag at saka pilit inabot 'yon sa kamay niya.
Medyo tinagalan ko pa 'yong paghawak sa kamay niya at kilig na kilig naman ako dahil d'on.
Nakapuntos ka r'on, Elise! One point for you.
"Ibibigay ko lang sana 'to sa 'yo, luto ko," nakangiti kong saad.
Pagkahawak niya n'on, sinilip niya 'yong nasa loob. A smirk formed in his lips.
"Luto mo?" he asked which I answered with, "Yes! Para sa 'yo."
Umalis siya sa harap ko kaya sinundan ko naman siya. Medyo mabilis ang lakad niya kaya sinabayan ko siya.
Pagpasok namin sa loob ng kumpanya niya, nilapitan niya 'yong mga guard sa gilid.
Para kong tinapunan ng malamig na tubig nang makita kong inabot niya 'yon d'on sa masungit na guard.
Pagkalapit ko, he told the guard, "You can eat this or throw it away."
Halos maiyak ako sa nakita. Hindi niya man lang ba titikman? Nasugatan kaya ako dahil d'on! Tapos ipapamigay niya na nga lang, sa masungit pa na guard?
Nakasimangot kong tinignan 'yong guard na nakangiti na ngayon. Kahit gusto kong bawiin 'yong niluto ko, hindi ko magawa kasi ayaw kong magmukhang mannerless.
I was in the middle of self-pity when a bright idea crossed my mind.
"Hindi mo kakainin ah," nanggigigil kong saad kay Eli. "Kakainin mo ang luto ko sa ayaw at sa gusto mo!" sigaw ko sa kaniya at saka umalis.
Dali-dali akong lumabas sa building. Napangisi ako sa sariling naisip.
You're testing my patience, Eli. You'll taste my madness now!
Dumiretso ko kung s'an nag-park si Mang Nestor kanina. Good thing, halos kakabalik niya lang.
Pumasok ako kaagad sa loob nang nakangisi.
"Kumusta po?" nangingiti niyang tanong pagkalingon niya sa 'kin.
I crossed my arms in my chest before I proudly told him, "Diretso po tayo sa bahay nila Eli."
Napakunot 'yong noo niya sa sinabi ko pero sinabi ko sa kaniya na bilisan na lang niya mag-drive. I gave him the address on the way there.
Nakangisi na nanggagalaiti kong tinignan 'yong isang eco bag dito sa back seat. Good thing, Elise Quiseo is smart. Hindi ko hahayaang palagi akong umiiyak.
I get what I want, Eleazar Maceda. Lalo na kapag alam kong pinaghirapan ko 'to. No one can't say no to me!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top