Chapter 7: Reply
Chapter 7: Reply
"Elise! Hindi ka na naman ba sasabay kumain?" narinig kong sigaw ni Ate Felize mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.
Napairap ako bigla.
Ang kulit naman nila!
Tumagilid ako ng higa. Tinakpan ko ng unan 'yong ulo ko para 'di ko na siya marinig.
Laurice actually went in my room last night to ask if I'll join them during dinner. Pero siyempre, I shooed her away and told her to not bother me.
Hindi rin ako sumabay sa kanila n'ong tanghalian kahapon at balak ko ulit na hindi sumabay ngayong agahan. I know I might worry them, especially that we eat together most of the time.
Ang kaso, hindi talaga pwede. Hindi pwede dahil iniiwasan kong makasama ko sila sa iisang lugar nang matagal.
"Isang linggo na halos n'ong na-dump ka na naman ni Eli, don't tell me nalulungkot ka pa rin?" pasigaw na tanong ni Ate Felize.
I sighed in disbelief.
Ano namang akala ni Ate Felize sa 'kin at ba't niya naisip 'yon?
Me? Elise Quiseo getting broken-hearted for a long week? Duh! Isang araw, pwede pa pero isang linggo? Never.
Mabilis kaya akong maka-move forward.
In an actual fact, panay na ulit ang text ko kay Eli a day after what happened.
Sabi nila, kapag ayaw raw, 'wag pilitin. Pero sabi ni Elise, kapag ayaw, pilitin mo hanggang magustuhan ka.
Napabangon na ko nang tuluyan sa kama ko at saka sinabunutan ang sarili nang marinig kong ayaw tantanan ni Ate Felize 'yong pinto ko. Panay katok niya r'on at palakas pa nang palakas.
What happened to Earth at ba't ba parang pati si Ate Felize, mukhang concerned na concerned?
"Kukunin ko na 'yong susi, Elise!" panakot ni Ate Felize na may halong finality sa boses niya.
At ako namang si ewan, takot na takot. Nanlalaki 'yong mga mata kong napatakbo papunta sa pinto.
"Wait!" awat ko sa kaniya nang 'di binubuksan 'to. "Lalabas na ko, okay?" pagpapakalma ko sa kaniya.
"Hintayin ka namin sa baba," sambit niya bago ko narinig 'yong paalis niyang footsteps.
Nabawasan 'yong kaba ko dahil d'on.
Napasandal na lang ako sa pinto at saka pinadausdos d'on 'yong likod ko.
Pagkaupo ko sa sahig, nasapo ko na lang 'yong mukha ko sa sobrang frustrated.
Ano ba naman 'to? Gusto ko lang namang hindi mabuking at hindi mapalayas nang wala sa oras!
Kinapa ko 'yong kanan kong tenga saka ko naramdaman d'on 'yong isang hikaw sa may bandang taas ng antihelix. May dalawa rin sa may tragus at isa sa taas n'on. It forms an Aries zodiac sign which is my zodiac sign.
Bagong butas lang lahat ng 'to kahapon ng umaga para sa photoshoot ko sa isang araw. Hindi ko magawang tanggalin dahil bawal pa para hindi maimpeksyon.
We have a campaign in relation to normalizing piercings in the ears. The company wants to go beyond the boundaries to help in re-examining the negative views and stereotypes linked to people possessing a lot of piercings.
My family isn't aware about this because they shouldn't and couldn't!
At sa oras na makita nila 'to, for sure mommy wouldn't take it easy for me. Like any other parents, mommy isn't also fascinated with having more than one piercing in an ear.
Wala na kong nagawa kundi tumayo. Inayos ko muna 'yong sarili ko bago lumabas sa kwarto. I made sure that my hair strands are able to hide my ears. Hinawi ko paharap lahat ng buhok na mayr'on ako.
Para akong si Dyesebel. Costume na lang, pwede na ko lumangoy!
Pagkababa ko, wala ng tao sa living room. Dumiretso ko sa dining room at lahat sila, nand'on na.
All eyes are on me upon my entrance. Wow naman, parang naka-red carpet lang ako!
Sobrang kabado ko pagkaupo ko sa tabi ni Laurice. Halos namamawis na 'yong kamay ko. Kaagad kong pinunas 'yon sa shorts ko.
Napakunot 'yong noo ko nang mapansing hindi nakabukas 'yong wall-mounted aircon. Ang init-init na rin dito sa loob.
"Anong nangyari sa aircon?" nagtatakang tanong ko kay Laurice.
Pagkakuha niya ng ulam, tinignan niya ko, "Broken," maikli niyang sagot at saka nagsimulang kumain.
Napairap na lang ako sa kaniya. Parang kasalanan sa isang 'to 'yong magsalita!
Saktong pagkalingon ko sa pwesto ni Ate Felize, nakita kong may bitbit na electric fan si Mang Nestor. Gulat na gulat kong tinuro 'yong dala niya.
"Para s'an po 'yan?" I asked before I got dumbfounded.
"Para 'di tayo mainitan?" Ate Felize answered me with another question.
Nang makabalik ako sa wisyo, naiilang akong natawa, "Hindi naman mainit," sambit ko at saka pinunasan 'yong noo ko.
Pinakita ko sa kanila 'yong kamay ko. "Hindi nga ko pinagpapawisan oh. Tignan niyo pa," kinakabahan kong sambit.
Pinakita ko pa sa kanila 'yong kamay ko.
They looked at me with questioning eyes.
Pabilis nang pabilis 'yong kabog ng puso ko, lalo na n'ong nasaksak na si Mang Nestor 'yong electric fan.
"Huwag!" sigaw ko n'ong bubuksan niya na.
Nagtataka akong tinignan ni Mang Nestor. "Pinagpapawisan ka na nga rin po." Tinuro niya pa ko.
Napahawak ako sa leeg ko at medyo nandiri ako nang maramdaman ko 'yong pawis ko r'on. Halos nadidikit na 'yong buhok ko sa leeg ko.
"Ayusin mo kasi 'yang buhok mo. Baka malagay pa 'yan sa pagkain! Manners naman, Elise," sermon ni mommy sa 'kin.
Napalingon ako sa kaniya nang punong-puno ng kaba.
"Uso po kaya 'to," pagpapalusot ko.
Mukhang gumana naman dahil iniba niya na 'yong usapan. Pero siyempre, pinapagalitan niya pa rin ako.
"Tigil-tigilan mo na si Eli, for goodness sake, Elise. Huwag kang magmukmok para lang sa lalaki," tuloy-tuloy na sambit niya bago kumain.
Napalingon ako sa electric fan nang makitang bukas na 'yon at malapit nang tumutok sa pwesto namin ni Laurice.
Ito na ata 'yong pinakamabagal na moment sa buhay ko. Parang slow motion na umikot papunta sa 'min 'yong electric fan.
My mouth was agape when the wind blew away my hair.
"Your hair, Elise!" reklamo ni Laurice.
Wala sa sarili akong napatingin sa kaniya. Kitang-kita ko 'yong paglaki ng mga mata ni Laurice but her eyes were more on filled of amazement.
"It forms Aries, right?" manghang-mangha niyang tanong habang nakaturo sa kanang tenga ko.
Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. O kung anong gagawin ko.
Dahan-dahan na lang akong napalingon sa pwesto ni mommy at kitang-kita ko 'yong galit sa mukha niya.
"Elise!" mahaba niyang tawag sa pangalan ko. Halos mawalan na siya ng boses sa sobrang lakas ng boses niya. "Ano 'yan, huh? Nagre-rebelde ka ba?! Kaya ba hindi ka na sumasabay kumain sa 'min?"
Tuloy-tuloy 'yong mga tanong ni mommy. Hindi ko na alam kung anong una kong sasagutin sa mga tanong niya.
Ni hindi pa nga ko nakakakain, mukhang mapapalayas na ko rito sa bahay.
Hindi ako makapagsalita. They are waiting for me to say something.
"You had piercings?" kalmadong tanong ni daddy pagkatapos niya ngumuya.
Napatango na lang ako sa kaniya. Lalo namang kinagalit ni mommy 'yon.
"Ayan, Sevan! Diyan ka magaling— 'yong kunsintihin 'yong anak mo. Kaya 'yang si Elise, kung ano-anong ginagawa!" galit na galit na litanya ni mommy.
Napahawak na lang ako sa magkabila kong tuhod dahil sa kaba. Pinipilit kong pakalmahin 'yong sarili ko pero 'di ko magawa.
"Kababae mong tao, Elise! Anong naisip mo at nagpaganiyan ka?" hindi pa rin tumitigil sa sermon si mommy.
Napakagat na lang ako sa labi ko dahil mukhang sobrang tagal pa bago mawawala 'yong galit niya.
Ba't ba kasi bumaba ako? Pwede naman akong magsakit-sakitan kanina! Eh 'di sana, hindi nagra-rap si mommy ngayon.
Padabog na tumayo si mommy. Pinasunod niya si Ate Felize sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong gagawin nila.
"Just eat your breakfast, Elise," kalmadong utos ni daddy sa 'kin.
Tinanguan ko na lang siya at saka sumandok ng fried rice. Nanginginig pa 'yong kamay ko habang ginagawa 'yon. Kumuha na rin ako ng ulam at saka nagsimulang kumain.
Hindi ko alam kung ilang minuto nawala sina mommy at ate pero nakailang subo na rin ako n'ong bumalik sila.
Uminom muna ko ng tubig at saka ko tinitigan si mommy pagkaupo niya.
She was smirking when she got back on her seat. Nakakatakot! Buti na lang ako, mukha akong angel. 'Di ako nagmana kay mommy.
I was about to leave the table when mommy showed her hand.
Napalaki 'yong mga mata ko n'ong makita ko 'yong isang credit card at isang debit card ko sa kamay ni mommy.
Ano namang gagawin ni mommy r'on? Hindi pa ba sapat 'yong pang-shopping niya?
Hindi ko magawang magsalita o magtanong dahil sigurado ako, sa oras na gawin ko 'yon, lalo lang mag-iinit 'yong ulo niya sa 'kin.
"No credit and debit cards for a month, Elise," she said with a smirk on her face.
Hindi ko na napigilang mapasigaw. "Mommy naman!"
Para kong batang inagawan ng lollipop at gusto ko 'yon bawiin. Halos mangiyak-ngiyak ako habang nakatingin d'on.
"Huwag mong bibigyan ng malaking allowance 'yan, Sevan!" utos niya kay daddy paglingon niya sa kaniya.
Hindi sumagot si daddy. Nakatitig lang siya sa 'kin at para akong ewang nanghihingi ng tulong sa kaniya.
Tumayo na siya at saka umalis sa mesa.
"Daddy," pabulong na tawag ko sa kaniya.
Sunod na tumayo si Laurice at saka umalis.
Napa-pout ako habang tinitignan si mommy na nilalagay 'yong mga card ko sa wallet niya.
Dapat pala tinodo ko na 'yong shopping ko last time, kung alam ko lang!
One month not having those cards is like a torture.
Good thing, may isa pa kong ATM card na hindi aware si mommy. D'on pumapasok lahat ng sweldo ko sa pagmo-model.
Pero kahit na! Ayaw kong nababawasan 'yon dahil iniipon ko 'yon.
"Magkano na lang po baon ko?" naiiyak kong tanong.
Sarkastikong napatawa si mommy.
"Okay na siguro 'yong 300 a day?" nginisian niya pa ko pagkasabi n'on.
Nanlaki 'yong mga mata ko.
"Pang-taxi lang 'yon papuntang university, mommy!" angal ko.
Kaagad kumunot 'yong noo niya. "Sinisigawan mo ba ko, Elise? Magulang ako ah! Huwag mo kong tinatratong kaibigan mo," galit na saad ni mommy.
Napa-pout na lang ako at saka napayuko. Pinipisil-pisil ko 'yong mga daliri ko bago niya nakuha ulit 'yong atensyon ko.
"Ihahatid ka ni Mang Nestor tuwing papasok ka. Kung gusto mo, magpasundo ka para may matirang pangkain mo," suggestion ni mommy bago siya tumayo at umalis.
Tumayo na rin si ate. Pailing-iling pa siya n'ong umalis.
Tumulo na lang 'yong luha ko sa sobrang lungkot na nararamdaman.
"Okay ka lang?" tanong ni Ate Maricor pagkalapit niya sa 'kin.
Umupo siya sa tabi ko saka hinagod-hagod 'yong likod ko.
"May umiiyak bang okay lang?" I hissed at her as tears continuously fall from my eyes.
Napatawa siya sa sinabi ko saka pinunasan 'yong magkabila kong pisngi.
Pati 'yong ibang mga kasambahay namin, lumapit na rin sa 'min.
"Ako nga n'ong high school ako, bente lang 'yong baon ko," sabat ni Ate Karen.
Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. "Hindi naman ako nasanay sa gan'on eh! Ni hindi nga ko marunong mag-jeep," naiiyak kong reklamo.
Tinawanan lang nila ko na parang 'di nila sineseryoso 'yong sitwasyon ko.
"Hindi ko na ba kayo kakampi?" I asked them in between my sobs.
Lalo silang nagtawanan. Napa-pout naman ako.
"Kakampi mo kami pero 'di namin kayang mag-ambagan para madagdagan 'yong baon mo," natatawang sagot ni Ate Maricor.
Napangiti naman ako. Pinunasan niya ulit 'yong pisngi ko.
I grew up having them around me. Mas sanay pa nga kong sila 'yong nanay-nanayan ko kaysa kay mommy. She was not in my side when I was growing because of their businesses.
"In fairness, ang ganda ng mga hikaw mo," papuri ni Mang Nestor na nagpasaya sa 'kin.
"Talaga po?" nangingiti kong tanong.
"Oo naman! Huwag ka na ngang umiyak, 'di naman niyan mababalik 'yong credit at debit card mo," payo niya.
Dinugtungan pa 'yon ni Ate Anne, "Nakakabawas ng ganda ang pag-iyak, ikaw rin."
Tawanan ang lahat pagkasabi niya n'on.
I somehow felt good because of them.
Sinabayan nila ko sa pagkain. Nag-kwentuhan din kami tungkol sa buhay-buhay.
Nanghingi pa nga ng skincare tips sina Ate Maricor sa 'kin dahil parang gusto raw nila i-try. Kaso nag-aalangan sila dahil sa price.
I offered to give them some of my extra skincare products. N'ong una, ayaw pa nila pero siyempre dahil mapilit ako, napapayag ko rin sila.
Kaya 'yon si Eli? Bibigay rin 'yon sa powers ko. Magaling kaya akong mamilit! It's impossible for him not to give in.
Pagkatapos namin kumain, umakyat na ko sa taas at dumiretso sa kwarto ko.
Ni-lock ko 'yong pinto at saka kinuha sa secret volt ko 'yong ATM at passbook ko.
Kinuha ko 'yong clutch bag ko at saka nilagay sa loob ng organizer kong may lock 'yong ATM at passbook. It's better to be sure than be sorry later.
Pagkasara ko ng bag ko. Napahiga na lang ako sa kama ko at saka in-spread 'yong mga kamay ko.
I'm a fool if I say that I didn't get disappointed because of the confiscation of my cards. Pero mas nasaktan lang kasi ako kung p'ano nag-react si mommy. She didn't even dare to ask me whys.
Napahinga ako nang malalim. Same old thing. What's new?
Napapikit na lang ako pero kaagad akong napadilat nang may maalala.
Dapat malaman ni Eli 'to! I always text him about what's happening in my life. At dapat, itong moment na 'to ay malaman niya rin. He has to know every detail about my life.
Kinuha ko 'yong phone ko sa may ilalim ng unan at saka nag-compose ng text message.
My sugarcakes honeypie Eli
Kinuha ni mommy credit card at debit card ko.😭😭😭😭😭😭
Binawasan niya rin baon ko!!!
P'ano ko sa isang araw? Hindi naman sapat 'yong 300 a day.😭😭😭😭
Naka-pout pa ko habang tina-type 'yon. Damang-dama ko 'yong mga nai-type ko.
Pagka-send ko n'on. Binaba ko rin kaagad 'yong phone ko. Wala akong ganang mag-cellphone dahil wala naman akong mabibili sa mga online shop ngayon.
I do not use COD because the last time I was not here na dumating parcels ko, hindi inabonohan ng pamilya ko! Buti na lang at nagawan ng paraan nina Ate Karen.
Papikit na sana ako n'ong marinig kong tumunog 'yong phone ko.
Nag-aalangan pa ko n'ong una kung titignan ko ba 'yon o hindi. Baka kasi NDRRMC lang. 'Yon lang naman masipag mag-text sa 'kin.
Hindi ko naman pinapamigay number ko sa iba bukod sa pamilya ko, sa mga kasambahay pati sa driver namin, at sa mga kaibigan ko (sina Sophia at Aika).
Napabangon ako saka tinignan kung sino 'yon.
Halos maluwa ko 'yong mga mata ko n'ong nakita ko 'yong registered name ni Eli sa notification ko.
"Oh my!" sigaw ko at saka nagtititili.
Napatayo ako sa kama at saka tinitigan 'yon nang husto.
Kinusot ko pa 'yong mga mata ko para masigurado na hindi ako namamalikmata at totoo nga! Si Eli nga 'yong nag-text!
Halos mapunit na 'yong labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko.
In-screenshot ko muna 'yon dahil first time akong replyan ni Eli.
Hindi ko pa nakikita 'yong content pero sobrang saya ko na.
Dali-dali kong binuksan 'yon pero kaagad napakunot 'yong noo ko sa nakita.
My sugarcakes honeypie Eli
Suits you well.
Ay? Ito na 'yon? Ang cold naman ng reply nito! Pero hindi ko na 'yon pinansin at napangiti ulit.
Dali-dali akong nag-reply.
My sugarcakes honeypie Eli
I'm suited to you!!!💙💙💙
Ikaw ah! Confirmed!!! Binabasa mo nga mga text ko.
Kunware ka pa ah. May pa-deny-deny ka pa. Pati feelings mo para sa 'kin, huwag mo na kasing i-deny.😘😘😘
Patalon-talon ako sa kama ko habang hawak 'yong cellphone ko. Paimpit pa kong napapatili sa sobrang saya.
Mabilis kong binalita 'yon kanila Sophia at Aika. I made sure to send in our group chat the screenshot of his reply.
Napahiga ako at saka nagpagulong-gulong. Hindi ko alam kung p'ano ko iko-contain 'yong kilig ko dahil sa reply ni Eli.
Ika nga nila, there's a rainbow after a rain! At ito na 'yong para sa 'kin.
I am so delighted and satisfied with his reply. Hindi naman ako mapaghangad, gusto ko lang na sana next time, i-like back na ko ni Eli.
N'ong matapos na ko sa kilig session ko, kinuha ko ulit 'yong phone ko at saka napatingin sa gc naming magkakaibigan.
Manila's beauty queens
BQ 2 - Sophia
HAHAHAHAHAHAHAHAHA.
Saya ka pa niyan? HAHAHAHAHAHA.
BQ 3 - Aika
Ang pangit-pangit naman ng reply niyan
BQ 2 - Sophia
True!!! Kung anong kinagwapo sa pictures na pinakita ni Elise, gan'on naman kapangit ugali.
BQ 3 - Aika
Nas'an na si Elise? Baka namatay sa kilig
BQ 2 - Sophia
Rest in kilig, @Elise Quiseo.
Napasimangot kaagad ako sa mga nabasa.
Humiga na ko at saka sinandal 'yong ulo ko sa headboard ng kama.
Manila's beauty queens
I'm contented with this. Madali kasi akong mapasaya.😩🤧
Pinatay ko na 'yong phone ko at saka nilagay 'yon sa ilalim ng unan ko.
Hindi ko maiwasang mapaisip ng possible scenarios in the future. Nai-imagine ko 'yong sarili ko na text mate ni Eli. Tapos mai-in love na siya sa 'kin. Tapos hindi na siya mag-gi-girlfriend ng iba. Ako na lang hanggang sa mamatay siya.
Ay, mamamatay agad? Siyempre kasal muna tapos magkakaanak pa kami!
In the middle of my thoughts, may naisip ako bigla.
Dali-dali akong tumayo at saka tumakbo palabas sa kwarto ko.
Bumaba ako sa first floor at pumunta sa quarters ng mga kasambahay namin.
Hindi na ko nag-abalang kumatok, binuksan ko na kaagad 'yong pinto. Nahuli ko silang nakahiga at nagse-cellphone.
"Kayo ah!" natatawa kong saad bago sinara 'yong pinto.
"Ay bata ka! Anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat na tanong ni Ate Karen sa 'kin.
Tinago kaagad nila 'yong mga cellphone nila at tumayo na. Lalabas na sana sila nang sabihin kong, "Hindi ko naman kayo isusumbong! Never ko naman kayong sinumbong."
I was smiling while saying those things.
Takang-taka silang napatingin sa 'kin.
"Kailangan ka na ba naming dalhin sa mental hospital? Parang kanina iyak ka nang iyak, epekto ba 'yan ng hindi makaka-shopping sa loob ng isang buwan?" tanong ni Ate Maricor.
Hinipo-hipo niya pa 'yong leeg at noo ko.
"Wala akong sakit!" saad ko at saka umupo sa pinakamalapit na kama. "Pero may favor po ako," nakangiti kong saad.
Nagkatinginan silang lahat bago binalik 'yong tingin sa 'kin.
"Wala pa kaming sweldo, Elise—"
Itinaas ko 'yong mga kamay ko para patahimikin sila.
"I only need you to teach me cook the easiest dish," nakangiti kong sambit na nagpagulat sa kanila. "I want to cook for Eli," dagdag ko pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top