Chapter 6: Tears
Chapter 6: Tears
"Hintayin ko na lang kayo sa labas!" sigaw ko mula sa living room para marinig ako nina Ate Felize at Laurice na parehong nasa kitchen.
They are preparing their snacks na babaunin nila papasok sa kaniya-kaniyang trabaho at school.
Medyo naiinip na kasi ako rito sa loob dahil kanina pa ko naghihintay sa kanilang dalawa. Kanina pa kaya ako prepared.
"Sige! Pakibukas na rin 'yong gate, Elise," narinig kong sigaw pabalik ni ate kaya tumayo na ko mula sa sofa.
Kinuha ko na 'yong clutch bag ko na nakapatong sa center table at saka lumabas sa bahay.
I was shocked when I saw Eli who just got inside. A smile crossed my face as my heart started pounding.
Sinara ko kaagad 'yong pinto sa likod ko at saka naglakad papalapit kay Eli. Although I was really excited to talk to him, I managed to calm myself and act as if I didn't miss him.
Ano kayang reason ba't nandito siya? Na-miss niya rin ba ko? O magso-sorry siya kasi hindi niya tinanggap 'yong bigay ko?
Sinara niya lang 'yong gate at naglakad na rin papalapit sa 'kin.
I gave him an assuring smile before I calmly said, "If you are here to apologize, Eli, hindi na kailangan."
Kumunot 'yong noo niya pagkasabi ko n'on. We met halfway. Mas naging clear sa 'kin 'yong reaction niya nang magkatapat na kami. He looks mad and stressed out.
"Ang aga-aga para kang pinagtakluban ng langit at lupa," natatawa pero concern kong sabi.
Nawala 'yong ngiti sa labi ko when I saw his jaw clenched.
Anong problema ng Eli ko? Sinong sumira sa araw niya?!
"Are you done talking now, Elise?" he said while his teeth are grinding.
Nakaramdam ako ng kaba pagkarinig n'on. He seemed displeased and really furious.
Napayakap ako sa sarili while waiting for him to continue talking.
"Did you know that my new girlfriend and I broke up last night?" nanggagalaiti niyang balita na nagpangiti sa 'kin.
"Really?" masaya kong tanong sa kaniya. Napapalakpak pa ko sa saya. Halos mapunit na nga rin 'yong labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko. "Congratulations, Eli! Malapit ka ng mapunta sa tamang tao," sambit ko sabay turo sa sarili.
Mariin niyang pinikit 'yong mga mata niya kaya nagtaka ako. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagsasalita, "You're just one step closer to me, Eli."
I will freely embrace him once he finally asks if I want to be his girlfriend!
Dinilat niya 'yong mga mata niya at nanlilisik niya kong tinignan. The smile I had a while ago is gone. Bumalik na naman 'yong kabang nararamdaman ko kanina.
"Nananadya ka ba, Elise?! Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi mo sa kaibigan ng girlfriend ko pero ayusin mo 'to. Explain to her that you aren't my girlfriend and you're just out of your mind when you told her friend that we are together!" galit na galit at tuloy-tuloy niyang sabi.
Para akong mawawalan ng hininga sa haba ng sinabi niya. Napasimangot ako sa narinig.
Sa sobrang daming tao na nasabihan kong in a relationship kami ni Eli, malay ko ba kung sino sa mga 'yon 'yong kaibigan ng babae niya.
"Ex-girlfriend," pagtatama ko sa sinabi niya. "Ayaw ko ng ganiyang utos, Eli. 'Di ako susunod," pagmamatigas ko kahit kinakabahan ako.
I crossed my arms in my chest as I raised my right eyebrow at him.
Lalo siyang nagalit dahil sa sinabi ko. Sa tinagal-tagal ko ng pinapa-realize na ako ang tamang babae para sa kaniya, I still can't get a hold of his angered side. Medyo nakakatakot siyang tignan pero hindi dapat ako magpatalo!
"I'm so done with you, Elise. Are you happy that you successfully ruined my relationship?" he said in between his deep breathing.
Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil sa narinig. His words broke my heart but I have to act tough.
It was not my purpose for them to break up. Gusto ko silang mag-break, of course, pero wala naman akong ginagawa to purposely ruin their relationship!
"Bakit, Eli, mahal mo ba 'yon?" I answered him with a question. I was serious and intently looking at his eyes.
Nakita kong medyo nagulat siya sa tanong ko kaya napangisi ako. So, he doesn't love that woman whoever she is?
I snapped in front of him.
N'ong makabawi siya, kaagad siyang nagsalita, "Can you stop doing all sorts of things to be my girlfriend? I'm so sick of you and your games!"
Sobrang napalakas 'yong sigaw niya sa huli niyang sinabi. Disappointed and hurt by what he said but not surprised with the way he treats me now.
Parang may kung ano tuloy na bumara sa lalamunan ko kaya nahihirapan akong magsalita.
My heart is shattering into pieces and it feels like any minute, my tears will start to flow on my cheeks.
I still tried my best to speak almost whispering to myself, "Ano ba kasing wala sa 'kin, Eli? Ba't ba 'di mo ko makita? Ito lang ako oh, sa harap mo."
Halos mabasag na 'yong boses ko pagkabagsak ng luha ko. Mabilis kong pinunasan 'yon kaso nagtuloy-tuloy na kaya hinayaan ko na lang. Kakalat lang lalo 'yong make-up ko at ayaw kong magmukhang ewan sa harap ni Eli.
I heard the door behind me closed and pairs of footsteps running towards us.
"Eli?" gulat na tanong ni Ate Felize.
Nasa tabi ko na sila pareho ni Laurice but my attention is pinned on Eli.
This is the first time that I cried in front of him. Hindi ko alam kung anong hitsura ko but I want to hear his answer. I want to know the reason why he keeps on pushing me away.
Because it doesn't make sense. Elise Quiseo na 'to oh, ayaw niya pa?
Hindi ko alam kung dahil lang ba medyo blurry na 'yong paningin ko kakaiyak o I really saw his madness faded away little by little.
Mahina pero mariin niyang sinabi, "You're just a young and impulsive girl to me, Elise. For the nth time, I'm not interested in you."
Pinilit kong ngumiti at magpakapositibo.
"It's okay if you're not interested in me. May chance pa para ma-like o love back mo ko," I said in between my sobs.
"Stop this, Elise," he said with his raging voice before he stormed out.
"Eli!" sigaw ni Ate Felize at saka sinundan si Eli palabas sa gate.
Hindi kaagad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
I felt Laurice's hand on my back as she guided me to go inside the car.
Walang nagsasalita sa 'ming dalawa hanggang makapasok kami sa backseat ng kotse.
N'ong nasara niya na 'yong pinto, I let myself cry and cry. Palakas na rin nang palakas 'yong mga hikbi ko.
Napahinto ako n'ong parang may maramdaman akong kung ano sa ilong ko. Mabilis kong binuksan 'yong clutch bag ko para kumuha ng tissue roll.
Singa ako nang singa.
"Clean it up, Elise. That's so messy," nandidiring puna ni Laurice.
Tinutukoy niya 'yong mga nasingahan kong tissue na nilagay ko sa gilid ko.
Naka-pout akong nilingon siya. Pinunasan ko naman 'yong pisngi ko.
"Hindi mo ba ko iko-comfort?" malungkot kong tanong sa kaniya.
'Di niya ko pinansin at naglaro na lang siya sa phone niya kaya napaayos na lang ako ng upo at saka napayuko.
Inayos ko 'yong mga gamit na tissue at saka bumaba sa kotse. Nakita kong inangat ni Laurice 'yong tingin niya sa 'kin; nagtataka 'yong mukha niya.
"Kapag bumalik na si Ate Felize, una na kayo. Magpapahatid na lang ako kay Mang Nestor," mahina kong saad at saka sinara 'yong pinto.
Pumasok ako sa loob para itapon 'yong mga tissue sa basurahan. Umakyat kaagad ako sa kwarto ko para maghilamos.
Hindi naman pwedeng hindi ako papasok ngayon. Malapit na ang exams kaya maraming ginagawa sa bawat courses.
Napahinga na lang ako nang malalim at saka napatingin sa salamin.
"Maganda ka pa rin kahit ang dungis mo, Elise," pagchi-cheer up ko sa sarili at dinagdagan pa ng, "Well, hindi pa siguro gan'on kataas 'yong standards ni Eli kaya may pa-stop-stop pa siya sa 'yo na nalalaman."
Pinagpatuloy ko na 'yong paghihilamos ko at saka kumuha ng wet wipes. N'ong sigurado akong malinis na 'yong mukha ko, nagpalit ako ng uniform dahil nadumihan na 'to.
Tinalo ko pa 'yong nakipag-break sa sobrang down na down na pakiramdam ko.
Hindi naman kami magbe-break ni Eli. Kasi hindi pa naman kami. Pero I'm hundred percent sure, he'll love me back.
Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili at mag-apply ng light na lang na make-up sa mukha, kinuha ko na 'yong clutch bag ko at saka lumabas.
Bumaba kaagad ako at nagulat na lang n'ong makita ko pa sina Ate Felize at Laurice sa living room.
"Akala ko 'di ka na lalabas," sarkastikong sambit ni Ate Felize bago lumabas.
Hindi na ko tinignan ni Laurice dahil nakatuon 'yong atensyon niya sa phone niya. Tumayo rin naman siya kaagad mula sa pagkakaupo sa sofa.
Hindi ko naiwasang mapangiti when I realized that they care for me.
"Nag-alala kayo 'no? Don't worry, this too shall pass," pagbibiro ko nang sundan ko sila palabas sa bahay.
Si Ate Felize 'yong nasa driver's seat at kami naman ni Laurice sa back seat. I saw Ate Felize glancing at me through the rear-view mirror.
I smiled at her but she looked away.
Kunware pa sila! Alam ko namang nag-alala sila sa 'kin. I'll award them the best sisters for that.
Ate Felize started the engine and drove away.
Sinandal ko 'yong likod ko sa backrest at saka pinikit 'yong mga mata ko.
I heard Laurice took a deep sigh before she said, "There are a lot of men out there, Elise. Date a man and stop running after that old man."
Napadilat ako ng mata dahil sa narinig.
Grabe! Ang OA nito ah. Binabawi ko na 'yong best sister award niya!
Napasimangot ako sa kaniya bago ko sinabing, "Maka-old man ka naman! At saka bakit ba, ayaw ko sa iba," pagmamatigas ko.
Inirapan niya lang ako bago bumalik 'yong atensyon sa cellphone niya.
Through the rear-view mirror, nakita kong napailing na lang si Ate Felize.
Naunang binaba ni Ate Felize si Laurice sa school niya dahil malapit lang naman 'yon. N'ong kaming dalawa na lang, tahimik lang kami.
She dropped me in front of my university before I bid my goodbye to her.
It's a good thing that everyone on the campus is busy with a lot of things. Kahit sina Sophia at Aika, busy rin kaya hindi ko na kailangang piliting magpaka-jolly at happy-happy.
What Eli said really gave a pang in my heart. At ang hirap balewalain lang n'on.
He's sick of me? Eh 'di magpahinga at magapagaling para 'di na siya ma-sick of me. O pwede rin namang i-turn niya 'yon into lovesick, pero dapat sa 'kin lang.
Kung sana gan'on nga lang 'yon.
I gave my full attention to all the classes we had today. Buti na lang talaga at busy kaya na-shove away ko na rin kaagad 'yong nangyari kaninang umaga.
It was late in the afternoon when our last class ended. Umalis kaagad sina Sophia at Aika dahil may mga group and org meetings pa sila.
Ako naman, dumiretso ko sa gate 4 para maghintay ng taxi.
The usual, I told the driver my destination and took down the plate number on my notes before I rested my back.
"Okay ka lang, hija?" tanong n'ong taxi driver sa 'kin.
Gulat akong napalingon sa pwesto niya. Tinignan ko siya sa rear-view mirror at mukhang nag-aalala siya.
"Bumagsak ka ba?" nag-aalala na naman niyang tanong kaya bahagya akong napatawa.
"Wala po sa vocabulary ko ang bumagsak," pagsasabi ko ng totoo.
Nakita kong napangiti siya dahil sa sinabi ko.
I felt comfortable talking to him.
"Kung anumang bumabagabag sa 'yo, hayaan mo na 'yan. Lilipas din 'yan," he tried his best to cheer me up.
Napangiti ako, "Thank you po. Dahil diyan, bibigyan ko kayo ng tip!" masigla kong saad na nagpatawa sa kaniya.
"Totoo ba 'yan? Dahil diyan, papatugtugan kita," natatawa niyang sabi.
He opened the radio and picked a good station. Hindi naman na siya ulit nagsalita kaya nakinig na lang ako sa mga kanta pati sa sinasabi n'ong mga radio DJ.
After a while, nakarating na rin kami sa tapat ng company na pinagta-trabahuhan ko.
I took my words seriously when I said that I'll give him a tip.
"Nako, hija, hindi na kailangan!" nahihiya niyang binabalik sa 'kin 'yong sobra but I insisted.
Nag-thank you na ko saka bumaba. Bago ko masara 'yong pinto, I heard him say, "Napakabuti mo, hija."
Napangiti ako bago ko tuluyang sinara 'yong pinto.
Naglakad na ko papasok sa building at binati 'yong mga kakilala kong nadaanan ko.
Pagkarating sa conference room, magsisimula na sila kaya naghanap na ko ng mauupuan.
I was hesitant to sit beside Bryan when I saw that it was the only vacant seat inside.
Wala na kong nagawa dahil nagsimula ng magsalita 'yong manager. Dumiretso ko sa tabi ni Bryan at 'di na lang siya pinansin.
It feels so uncomfortable seeing him around.
Buti na lang at meeting lang ulit mayr'on today to discuss the concepts, schedule, and other stuff.
Napalingon lang ako sa kaniya n'ong bigla siyang bumulong sa gilid ko.
"Third party ka ba?" nagtataka niyang tanong.
Napakunot 'yong noo ko dahil hindi ko siya kaagad naintindihan kaya sinabi ko, "Kung banat man 'yan, I'm not interested."
"Eleazar Maceda. He's my friend's boyfriend," he replied. Mabilis niya ring tinama 'yong sarili niya. "Now an ex-boyfriend."
Medyo napatawa pa siya kaya nainis ako. Inirapan ko siya.
"No. Your friend is the third party. Tell her to back off," mataray kong saad bago ko binalik 'yong tingin ko sa nagsasalita.
Medyo napahiya ako r'on ah!
Siya pala 'yong dahilan ba't nagalit sa 'kin si Eli. Pero thanks to him dahil nag-break sina Eli at 'yong kaibigan niya.
It was his fault, not mine.
"Baka sinasabi mo lang 'yan para 'di kita maligawan," bulong ulit ni Bryan na sobrang nagpakulo ng dugo ko.
I hate that he was able to find out the real thing. Nakakainis!
Tinaasan ko siya ng kilay pagkalingon ko sa kaniya.
"Eli is mine and so I am to him. Pwede ba, tumigil ka na. You make me feel so uncomfortable. I'm not interested in you," naiinis kong bulong sa kaniya.
Pagkatingin ko sa kasalukuyang nagsasalita, may bigla akong na-realize.
The way I push Bryan away, the way I show him how much I hate him... gan'on din ba 'yong feeling ni Eli towards me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top