Chapter 5: Beauty and brains

Chapter 5: Beauty and brains


"Anong sagot mo sa number 10?" tanong ni Sophia kay Aika na kasalukuyang may ginagawa sa notebook niya.

Sumubo ko ng fries habang pinapanood at pinapakinggan silang dalawa sa tapat ko. Seeing them doing this after long quizzes give me amazement.

Excited ba silang malaman 'yong mga mali nilang sagot? O naghahanda lang sila kung mapapalayas sila sa kanila o hindi?

"Light subject in dark background and vice versa 'yon 'di ba?" tanong ni Aika pabalik nang hindi nililingon si Sophia.

"Oo. Anong sabi sa notes mo?" naiinip na tanong ulit ni Sophia kay Aika.

"Contrast," sagot ni Aika at saka napangiti.

Sobrang napangiti rin si Sophia bago sinabing, "Yes! 'Yong 13? 'Di ko sigurado 'yon eh. 'Yong image exposed for a long time," napasimangot siya bigla pagkasabi.

Naubos ko na 'yong fries kaya uminom naman ako ng tubig. Hindi ko inaalis 'yong tingin ko sa kanila.

While they were busy finding out the right answers, I was answering their questions in my mind.

"Hindi ko nga rin maalala," nakasimangot na sagot ni Aika saka siya tumingin sa 'kin. "DOF ba 'yon?" tanong niya.

Napatingin na rin si Sophia sa 'kin. Umiling ako bilang sagot. I found it exciting whenever I have to tell them if they got the right or wrong answer.

"Focal length?" hula naman ni Sophia.

Umiling ulit ako bilang sagot. Smile is finally forming in my face.

Umayos ako ng upo at saka gumawa ng mahinang sound sa mesa. Continuous kong tina-tap 'yon gamit 'yong dalawa kong kamay para maging intense 'yong pagsabi ko ng tamang sagot.

"The right answer is..." huminto ko tapos lalo akong napangiti n'ong nakita kong abang na abang sila. Huminto na ko sa paggawa ng sound sa mesa at saka sinabing, "Long exposure!"

Pareho silang napasimangot pagkasabi ko n'on. Inirapan pa ko ni Sophia na parang kasalanan kong 'di siya nakinig during lecture.

Napatawa ko sa nakita.

"Yabang nito!" Sophia hissed at me. Pero maya-maya lang din, 'yong nakasimangot niyang mukha, biglang napalitan ng lungkot. She placed her chin in the palm of her hand as she looked at me. "Hindi na ko pwedeng bumagsak dito sa long quiz na 'to."

Nginitian ko siya saka kinuha 'yong dalawang burger sa loob ng bag ko. Binili ko 'yon kanina habang busy sila sa pag-check ng mga sagot nila.

We had long quizzes in four of our courses today. Next week, final exams na kaagad kaya they are trying to find out how much effort they need to exert before that.

Inabutan ko sila ng tag-isang burger kaya napangiti naman sila pareho. Umayos sila ng upo saka sinimulan 'yon kainin.

I was so happy when I saw them enjoying the burgers.

I crossed my hands and placed it on the table. Looking around the cafeteria, I saw many students doing the same thing— checking on one another's answers and reviewing while having their meal.

Kahit saan pumunta ngayon dito sa university, punong-puno ng mga tao. Ito 'yong season na biglang sumusulpot 'yong ibang estudyante. Tipong akala mo magda-drop na tapos biglang magpapakita.

"Sana may utak kami kagaya n'ong sa 'yo," sambit ni Sophia kaya napatingin ako sa kaniya.

I raised my right eyebrow asking her why.

"Hindi mo na kailangang mag-review," she added with a sad smile.

Bahagya akong napatawa sa narinig.

"Beauty and brains kasi ako," pagbibiro ko to lighten the mood. "Kidding aside." Inilapit ko 'yong mukha ko saka sila nginitian. "You both know I hate reviewing the same thing that has been discussed in class."

"Nakikinig din kaya kami!" depensa ni Aika saka ako napatawa.

"Sulat ka kaya nang sulat sa notes mo kaya minsan nami-miss mo na ibang info," saad ko bago nilingon si Sophia. "Ikaw naman, panay cellphone mo kapag may klase."

Napahinga ako nang malalim nang makita ko silang napasimangot.

I raised both of my hands as if surrendering to the police. "Wait! I did not say that to offend both of you." Ibinaba ko na 'yong mga kamay ko. "Duh! Alam na alam ko kaya 'yong struggles niyo sa acads 'no. Pero ang akin kasi, we have differences and we are dissimilar in ways of learning," pag-eeksplena ko.

Hinihintay ko silang magsalita pero nakatitig lang sila sa 'kin.

"Ang seryoso niyo naman!" pagbibiro ko saka sila tinapik pareho sa braso.

Medyo nasaktan ako n'ong umangat ako kasi bumangga 'yong puson ko r'on sa mesa.

Hindi naman nakakabaog 'yon 'di ba?

"What I'm trying to say, hindi niyo kailangang mainggit sa capability ko kasi may sarili kayong capabilities na pwede niyong i-improve," pag-e-explain ko pa. Nagkunware akong sumakit ang ulo. Hinawakan ko 'yong noo ko. "Ano ba 'yan! Sumasakit ulo ko sa inyong dalawa. Hirap ka-bonding, puro aral!"

They finally laughed upon hearing me say those things. Napangiti naman ako nang makita ko 'yong change of mood.

Buti naman! Hindi ko kayang seryoso kami 'no. Para akong mamamatay sa kaseryosohan, gan'ong level!

Happy-happy lang. Para ganda-ganda rin!

"For sure, perfect mo na naman lahat ng long quizzes," nakangiting saad ni Aika bago inubos 'yong burger niya.

"I know, right," pagmamayabang ko. "I'm Elise Quiseo, what would you expect? It's 100 or nothing."

Inirapan nila ko pareho at saka napatawa.

"Alam mo, nagtataka talaga ko sa nanay mo," pag-o-open ng new topic ni Sophia. Her forehead has creased. "'Di ko gets ba't sinasabi niyang 'di ka nag-aaral. Full scholar ka nga simula n'ong first year tayo dahil sa grades and performance mo."

Sumang-ayon naman si Aika. I gave them a sad smile.

"Ampon kasi ako," pagbibiro ko. "Kita niyo naman, ako lang ang pang-beauty queen sa pamilya," pagmamayabang ko saka hinawi pa 'yong mahaba kong buhok.

Natatawa si Aika n'ong sinabi niyang, "Gusto ata ng nanay mo, nagtu-tuition sila."

"Tama na nga 'yang malulungkot na chika!" I said to change the topic.

"Ay, wait, may tanong pala ko," Sophia intently looked at me kaya napaturo ako sa sarili. "Oo, sa 'yo!"

Napakunot naman 'yong noo ko.

"Ba't ka namigay ng mga pink na long sleeves kahapon? Balitang-balita 'yon sa block natin," tuloy ni Sophia sa sinabi.

Naiilang akong napatawa. 'Di ko alam kung p'ano sasagutin 'yong tanong niya.

Grabe naman 'to makatanong. Walang preno 'yong bibig! B'at kasi nasagap pa 'yon ng radar niya? Sinakto ko ngang wala pa siya sa room n'ong pinamigay ko 'yon.

Pero sabagay, imposible naman kung 'di niya malalaman since chikadora mga tao sa block namin. At nangunguna na si Sophia r'on.

She was actually referring to the pink long sleeves which were supposedly for Eli.

Napangiwi ako nang maalala 'yon.

I bought those online and directly put Eli's address pero ang future husband ko, pina-deliver sa bahay.

Na-shy ata siya. Ayaw niya atang pinagkakagastusan ko siya. 'Yon na lang inisip ko para hindi ako ma-disappoint.

Kung akala ni Eli na titigil ako sa ginagawa ko dahil sa pagsauli niya n'ong mga pinadala ko, duh! Nagkakamali siya. Quitting on Eli is not part of my vocabulary.

"Wala lang," sagot ko sa tanong ni Sophia. "Wala kong magawa sa pera ni daddy," dagdag ko pa n'ong mapansin kong parang 'di sila na-convince sa sinabi ko.

"Ah, nagtae ka na naman ng pera," natatawang biro ni Aika saka umiling.

"Oo, sabi ko nga sa inyo, pwede ko ring bayaran tuition niyo eh," seryoso kong saad na ikinatawa nila.

No joke, I've been offering that to the both of them since the start of the semester because their families are struggling financially. They have businesses naman kaso kasi dahil sa pandemic noon, nahihirapan pa silang makabawi.

Sa bahay, halos wala ng magawa si mommy sa pera namin kaya kung ano-ano na lang 'yong binibili niya. Why not spend it on my friends' tuitions, right?

Nag-iba na kami ng pinag-uusapan kaya medyo napanatag na ko. It makes me sad seeing them sad. Nakaka-lessen pa naman ng ganda kapag palaging nakasimangot!

Napatigil ako n'ong may bigla akong naalala. May gusto nga pala kong sabihin sa kanilang dalawa n'ong nakaraan pa.

Nanlalaki 'yong mga mata kong pinahinto sila sa pagsasalita at saka sila tinitigan, "Wait! Ako muna," huminto ko para hintayin silang tumahimik. "I've been meaning to tell both of you about this." Nag-akto pa kong parang natatakot. May paghawak pa ko sa may right chest ko.

"Tagal naman ng kwento," reklamo ni Sophia.

Inirapan ko naman siya, "No side comments, please!"

N'ong tumahimik na ulit siya, pinagpatuloy ko na 'yong kwento ko. "Medyo matagal ko na kasing napapansin, parang isang buwan na rin 'to. Tuwing umuuwi ako mula sa studio, parang may sumusunod sa 'kin hanggang sa sakayan d'on."

Gulat na gulat sila pareho dahil sa sinabi ko.

"Ba't ngayon ka lang nagsabi?!" overacting na tanong ni Aika kaya napairap ako.

"Hindi naman na ko qualified sa kidnap kaya don't worry, friends," pagpapakalma ko sa kanilang dalawa.

"Sinabi mo na ba 'yan sa family mo? Anong sabi nila?" tuloy-tuloy na tanong ni Sophia.

Pabiro kong sinabi, "Love na love niyo talaga ang walang kasing ganda ko. Takot lang mawalan ng beauty and brains na kaibigan?"

Huminga nang malalim si Aika, "Seryoso kasi, Elise."

Napa-pout ako. "Hindi ko pa sinasabi at wala akong balak sabihin. Baka ako pa pagalitan ni mommy! Takot ko na lang na 'di na ko palabasin."

"May self-defense class sa WRP natin, kumuha ka n'on sa susunod," payo ni Aika kaya tumango-tango na lang ako.

Ayaw ko nga. Pagpapawisan lang ako r'on, baka mamaho pa ko! Pero siyempre, 'di ko 'yon sinabi kasi hahaba pa ang usapan.

WRP is the equivalent course of physical education in our university. The differences are we do not have WRP classes every week (it's only up to us and our chosen schedule) and we select which physical activities we will participate in. May kailangan lang na hours na dapat makumpleto per semester.

May sasabihin pa dapat si Aika n'ong biglang may lumapit sa table namin na dalawang lalaki. One of them looks familiar to me.

"Can we join you here?" the familiar-looking guy asked while pointing on the vacant side beside me.

Napalingon ako kanila Sophia at Aika sa tapat ko at mukhang nagkaintindihan naman kami. Sophia even mouthed "the popular actor" na kaagad ko namang na-gets.

Kaya pala pamilyar 'tong isa but I don't care. I know where this discussion will take us, so as early as now, I have to put an end to it.

Inangat ko 'yong tingin ko sa kanila saka ngumiti. "Have a seat," saad ko bago tumayo.

Tinignan ko sina Sophia at Aika na parang nagulat pa n'ong una.

"Tara na," aya ko sa kanila bago nilingon ulit 'yong dalawang lalaki. "Una na kami."

I saw their mouth hang open before we left the cafeteria. Hindi na ko magtataka kapag nagtulo laway pa sila.

N'ong makalabas na kami sa cafeteria, tawang-tawa sina Sophia at Aika sa tabi ko. Napahinto ako saka sila tinitigan.

"Alam mo bang sobrang sikat 'yon si Erickson Galido sa buong university," natatawang saad ni Sophia sa mahinang boses dahil medyo maraming dumadaan.

Tumigil si Aika sa pagtawa saka ako tinignan, "Artista kaya 'yon!"

"So?" Tinaasan ko sila ng kilay saka ngumisi. "Pantay-pantay lang lahat ng lalaki rito sa school. Kung magtatangka silang pumorma sa 'kin, maba-busted ko sila."

Saka loyal kaya ako kay Eli! Kailangan ko pa atang ipa-broadcast sa buong mundo 'yan para tantanan na nila ako.

Napailing-iling sila sa sinabi ko, I only gave them a smirk. Nagpaalam din naman agad ako sa kanilang dalawa dahil pupunta pa ko sa studio ngayon.

We have a quick meeting today to discuss our upcoming projects. They would probably assign us to a certain campaign.

Sumakay lang ako ng taxi pagkalabas sa gate 4. I made sure to take note of the plate number before I rested my back in the backrest.

Kahit gusto kong umidlip, hindi ko magawa dahil wala naman akong kasama. Dad has always been so consistent in reminding us to be careful when riding public transportation vehicles.

Gan'on talaga kapag maganda ang anak, strict ang parents!

Napatingin ako sa labas nang mapansing medyo traffic na. Buti na lang at malapit na kami sa studio at buti na lang talaga na nakasakay kaagad ako kanina. Nakaiwas pa sa rush hour.

It did not take us long to arrive in my destination. Nagbayad lang ako at bumaba na kaagad.

Nakasalubong ko pa 'yong iba sa mga kapwa model ko pati na rin ibang photographers at manager. I gave them my sweetest smile as I waved my hand.

It's their pleasure to see someone so beautiful like me. Kaya dapat, ngitian ko sila para good mood lang sila kahit pagod na.

Pagkarating ko sa conference room, may mga tao na r'on.

Mag-i-start daw kaagad kami pagdating ng project manager at fashion design assistant. Umalis muna ko para pumunta sa CR.

Nag-retouch lang ako, nagpabango, at saka nagmumog. Dapat fresh at mabango! Ayaw kong pati ako, masuka sa sarili kong amoy.

Lumabas na ko at bumalik sa conference room n'ong makita kong sobrang ganda ko naman na. Medyo kinabahan ako kasi magsisimula na pala. Saktong-sakto lang 'yong balik ko.

I carefully listened to everything they were discussing. From time to time, nagta-try din ako na mag-participate sa sharing of suggestions for them to see my interest. Plus points 'yon siyempre lalo na dahil nandito 'yong mga may matataas na position.

Sobrang bilis lang ng naging meeting dahil siguro nag-enjoy ako. Nagpaalam din ako kaagad dahil ayaw kong gabihin ngayon. Para naman hindi magalit si mommy at para makapag-beauty rest na ko.

Before I left the room, some of them praised me for looking fresh and blooming even after my classes. Thank you lang ako nang thank you kasi hindi ko naman pwedeng sabihing "ako lang 'to", baka sabihan nila kong mayabang kahit nagsasabi lang ako ng totoo.

I left the building before the darkness wraps the surrounding. Dumiretso lang ako at papunta na sana sa sakayan nang may maramdaman na naman akong sumusunod sa 'kin. Sigurado akong same person 'yon na naramdaman at nakita ko n'ong Sunday.

Although I was kind of afraid, I didn't bother to look around nor stop walking. I have to do something now. Dahil maliwanag pa naman at may ilang tao pang naglalakad, I tried to act brave.

Dumiretso lang ako ng lakad, looking unbothered, bago kumanan. There's this building here sa kanto kaya sumandal ako sa pader nito pagkahinto ko maglakad.

"Kalma, Elise," bulong ko sa sarili habang hinihintay kung sino man 'yong sumusunod sa 'kin na lumiko rin.

Medyo kinakabahan ako dahil baka maling akala ko lang 'yon knowing na may mga naglalakad-lakad pang mga tao ngayon. It is possible na same way lang kami ng dinadaanan.

Halos mapatigil ako ng hinga n'ong parang may narinig akong foot steps na papalapit na.

I readied myself and acted as if I'm about to be sent in a fight. Pagkakita na pagkakita ko sa anino n'ong sino man na 'yon, mabilis akong sumipa at nadali ko naman siya!

Same body figure whom I saw the last time.

Napaluhod siya pagkasipa ko dahil saktong-sakto 'yong dulo ng sapatos ko sa private part niya.

It was a man?

Stalker ba siya?

Kaagad ko siyang nilapitan saka pinaghahampas ng clutch bag ko. Wala akong pakialam kahit dumadaing siya sa sakit.

He deserves it!

Inis na inis ko siyang pinaghahampas, "Ikaw 'yong palaging sumusunod sa 'kin 'no?!"

I reached for his hair at saka ko siya sinabunutan. Napaluhod na rin tuloy ako.

Napatigil lang ako sa ginagawa ko n'ong maiangat ko 'yong ulo niya at nakita ko kung sino siya.

I was dumbfounded due to shock.

Siya?

"Tama na, Elise," daing niya saka inalis 'yong mga kamay ko sa ulo niya.

Nalaglag ko pa 'yong bag ko dahil sa sobrang gulat ko talaga.

"Are you stalking me, Bryan?" nagtataka kong tanong na may halong inis.

Huminga siya nang malalim at saka tumayo. He reached for my hand but I didn't take it. Tumayo ako, pinulot 'yong bag ko, at saka inayos 'yong sarili ko.

I was surprised and disappointed at the same time.

"No, okay? I'm just making sure if you'll safely ride a taxi. Delikado sa panahon ngayon," concern niyang sabi.

Napailing-iling ako sa narinig.

"Delikado nga," sambit ko. "Alam mo ba kung p'ano mo ko pinapakaba palagi?" naiinis kong tanong.

He directly looked at my eyes with his shy face.

Naiinis pa rin ako. I crossed my arms in my chest.

Bryan Tiongco is my fellow model in the company. I always see him around whenever I'm about to go home.

Ba't 'di ko kaagad siya pinaghinalaan?

"I like you, Elise," he confessed his feelings that turned my angry face into a sad one. "I did it because I like you and I want you to know that I only care for you."

"At sa tingin mo magugustuhan ko 'yong ginawa mo? Do you think it was something for me to be happy about?" pagsusungit ko.

Kapag ako talaga nabawasan ng ganda dahil sa galit, siya ang sisisihin ko!

"Hindi naman sa gan'on—"

Pinatigil ko siya sa pagsasalita. Tinaas ko 'yong kamay ko at saka sinabing, "Your admiration didn't make me happy. It made me uncomfortable, Bryan."

"I'm sorry, Elise," he pleaded but I didn't buy it. "I didn't mean to—"

Pinatigil ko siya ulit sa pagsasalita. "I'm taken," I started saying my unfamous line. "Eleazar Maceda. He's my boyfriend."

His forehead creased upon hearing me.

"'Yong CEO ng kilalang travel and tourism company rito sa bansa?" hindi niya makapaniwalang tanong.

Sikat na pala ang Eli ko sa bansa? Kainis naman! Baka dumami lalo 'yong nakapila.

Napasimangot ako sa sariling naisip. Ako naman ang nauna. Ako ang original!

"He's your boyfriend?" dagdag na tanong niya pa kaya napairap ako.

'Di makapaniwala? Ako nga ready na ready na ko maging totoong girlfriend. "Oo, bakit may angal ka?"

Napahawak siya sa batok saka napangiwi. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya basta ang importante, tigilan niya na ko.

I feel so unsafe and uncomfortable now. Hindi ko alam kung p'ano ko pa siya haharapin. At 'di ko alam kung okay pa ba ko rito.

"No, not that," he said at parang may gusto pa siyang sabihin na 'di niya masabi. He then apologized, "I'm really sorry about this, Elise. I have no intention to cause you to fear. You are so beautiful and I can't help but to get afraid with your safety."

Hindi ko na siya pinansin saka tinalikuran. Hindi ko naman pwedeng sabihing okay lang 'yon dahil hindi 'yon okay.

Why do people have to link women's beauty to being unsafe? Hindi ligtas ang mga kababaihan hanggat may mga taong ginagawang hindi ligtas ang paligid.

At saka sa tingin niya ba na ikakataas ng confidence ko bilang magandang babae 'yong pagsunod-sunod at pagkagusto niya sa 'kin?

It's a shame that he has that kind of mentality.

Nag-abang lang ako ng taxi pagkarating ko sa sakayan.

I saw him from my peripheral vision leaving where we last talked. Buti naman.

Kaagad kong kinaway 'yong kamay ko sa nakitang taxi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top