Chapter 4: Watching over

Chapter 4: Watching over


The next day I woke up, ramdam na ramdam kong parang nabawasan 'yong pasan-pasan ko sa buhay. Ang gaan ng pakiramdam ko.

Grabe sa pasan-pasan, Elise, ang lalim! Pasan lang ang mundo, gan'on?

Napatawa ko sa sarili kong naisip.

Bumangon na ko at saka naghikab.

Medyo pumapasok 'yong sikat ng araw mula sa labas dahil hindi maayos 'yong pagkakasara ng kurtina ko.

I stood up and walked towards the window to pull the curtains to the side. Binuksan ko na rin pati 'yong full glass window ko.

"At nagising na naman ako para pagandahin ang araw ng mga tao! Makakakita na naman kayo ng walang kasing ganda ko," ngiting-ngiti akong nag-inat-inat.

Pagkatapos ko tumanaw sa labas, kumuha lang ako ng pambahay sa walk-in closet ko at saka dumiretso sa CR.

I changed my clothes, washed my face, and brushed my teeth. Napatingin pa ko sa salamin na nasa pader sa may taas lang ng lababo bago napangiti.

"Kawawa naman si Eli kung 'di ikaw 'yong makikita niya tuwing umaga," nanghihinayang kong kausap sa sarili.

"Pero siyempre, 'di naman mangyayari 'yon. Kami pa rin sa huli," natatawa kong saad.

Kinindatan ko pa 'yong sarili ko sa salamin at saka lumabas na sa CR. Kinuha ko lang 'yong laptop at ibang books ko saka lumabas sa kwarto.

Gagamitin kong props lahat ng 'to mamaya. Kailangan ko 'tong mga 'to sa pinaplano ko.

Ingat na ingat akong bumaba sa first floor at saka pinatong lahat ng dala ko sa center table sa sala.

"Perfect!" natutuwa kong saad. Napapalakpak pa ko sa sobrang saya.

Dumiretso na ko sa dining area at nakita kong nand'on na sina mommy, daddy, at Laurice.

"Si ate?" nagtataka kong tanong bago tumabi kay Laurice.

Walang sumasagot sa 'kin kaya napasimangot ako.

Si Laurice naglalaro. Si daddy nagbabasa ng newspaper. Si mommy naman busy sa phone niya, for sure nag-o-online shopping.

Napatingin ako r'on sa isang kasambahay namin na saktong kakapunta lang dito dala 'yong mga pagkain.

"Ate, si ate po?" tanong ko.

Pagkalagay niya ng mga bitbit sa mesa, napahinto siya saka napatingin sa 'kin.

"Huh?" naguguluhan niyang tanong.

Napatawa tuloy ako, "Ako lang 'to, ate, na-starstruck ka na naman po sa 'kin."

Nahihiya pa kong kinalabit siya paglapit niya sa 'kin.

"Anong sinasabi mo? Ang gulo mo palagi kausap," naiiling niyang saad saka ako siniko.

"Grabe! Tinatanong ko lang po kung nas'an si Ate Felize," huminto ako at saka hininaan 'yong boses ko para siya lang 'yong makarinig. "Nice talking kasi pamilya ko."

Napahalakhak siya bigla kaya nanlalaki 'yong mga mata ko n'ong nakuha niya 'yong atensyon ng mga tao sa mesa.

Nagpalipat-lipat 'yong tingin ko sa kanila.

"Wala, maagang umalis si ate mo," natatawang sagot niya bago umalis.

"Let's eat!" naiilang kong sabi.

Akala ko mabubuko na ko r'on!

Nagsimula na silang kumain kaya nagsimula na rin ako. Pero hindi ko masubo-subo 'yong unang pagkain ko sa kakaisip kung magpapaalam na ba ko ngayon o mamaya na ulit kapag busy sila.

Kung nakapag-online shopping na si mommy, malamang good mood na siya. It's the right timing para magpaalam.

Galing mo mag-analyze banda riyan, Elise!

Binaba ko 'yong utensils ko at saka huminga nang malalim bago nagsalita, "Birthday po pala ni Katherine ngayon."

Automatic na kinabahan ako pagkasabi ko n'on. Dali-daling inangat ni mommy 'yong tingin niya sa 'kin at para niya kong sinusuri.

Pagkatapos niya ngumuya, "Birthday na naman, Elise? Kaibigan mo ba lahat ng tao sa Pilipinas at araw-araw ata may kaibigan kang may birthday?"

Napangiwi ako sa sinabi ni mommy. Not surprised, not disappointed.

Nag-iisip palang ako ng isasagot, may karugtong kaagad 'yong sinabi ni mommy. Pataas pa nang pataas 'yong boses niya.

"Itong anak mo, Sevan, walang ibang ginawa kundi maki-birthday at party. Kinukunsinti mo kasi! Hindi mo pinapagalitan," naiinis siyang tumingin kay daddy.

Nanlalaki 'yong mata kong napatingin kay daddy. Hindi naman siya nagsalita o anuman.

Kinakabahan ako lalo. Damay-damay na naman 'to!

"I'm done," nagmamadaling tumayo si Laurice dala-dala 'yong gadget niya.

"Huy," tawag ko sa kaniya.

Sinundan ko pa siya ng tingin pero hindi niya ko pinansin hanggang makaalis na siya sa dining area.

"Ano, Elise? Sino ngang may birthday? Si Katherine? Ilang Katherine ba 'yang kilala mo at parang nag-birthday na 'yan last month tapos birthday na naman?" nanlalaki 'yong mga mata ni mommy na tanong sa 'kin.

Gustong-gusto kong sumimangot pero baka hindi ako payagang umalis kapag ginawa ko 'yon. Pilit na pilit akong napangiti.

"Last year pa po 'yon, mommy. Birthday niya po talaga ngayon," pilit ko siyang kinukumbinsi.

Hindi naman talaga birthday ni Katherine ngayon. Pero totoong kilala ko si Katherine.

Hindi naman na importante kung birthday talaga ngayon ng kakilala ko o hindi. Wala namang kilala ni isa si mommy sa mga kaibigan ko.

Kahit nga ilang beses niya ng nakita sina Sophia at Aika, tuwing pumupunta rito, hindi niya pa rin maalala. Pero lahat ata ng dinalang kaibigan ni Ate Felize rito, kilala niya.

Okay na rin kasi wala siyang macha-chat o mapagtatanungan kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Wala ring magsusumbong sa kaniya tungkol sa pagmo-model ko.

Ayon 'yong tinatawag na blessing in disguise!

Akala ko titigil na si mommy sa kaka-rap niya. Sumubo lang siya ng ilan at tinapos 'yong nginunguya bago siya nagsimula na naman sa sermon niya.

"Alam mo, Sevan, minsan napapaisip na ko rito sa anak mong 'to," sabay turo sa 'kin ni mommy. "Anak ata ng demonyo 'to. Pati Linggo, 'di pinapalampas sa gala niya. Sunday na Sunday, lalayas."

Hindi ko na napigilan 'yong pagsimangot ko dahil sa narinig. Pero kaagad ko namang pinagsisihan 'yon dahil hindi nakalampas 'yon sa paningin ni mommy.

"What are you doing, Elise?!" nanggagalaiti niyang itinuturo 'yong bibig ko.

Nagkunware akong nagtitinga.

"May tinga lang po mommy," mahinahon kong saad at saka inulit 'yong pagtitinga.

Hindi na naman siya kumibo kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.

Maya-maya lang, natapos na si mommy kaya umalis na siya sa mesa. Naiwan na lang kami ni daddy.

"Be safe whenever you go out, Elise," sambit ni daddy bago uminom ng tubig.

"Kayang-kaya ko po sarili ko, daddy!" nakangiti kong saad at saka nagpabibo sa kaniya. "Ginagawa ko kaya 'yong bilin mo sa 'kin. Nililista ko po lahat ng plate number ng taxi na sinasakyan ko."

Tinanguan niya lang ako bago sinabing, "Good," at saka umalis na rin.

Tinapos ko lang 'yong pagkain ko saka nagpasalamat sa mga kasambahay namin na nagluto.

Dumiretso ko sa living room at saka umupo sa sofa.

Tumingin ako sa paligid kung may makakakita ba pero parang wala.

Kinalat ko pa rin 'yong mga libro ko at saka binuksan 'yong laptop ko.

Umupo ko sa sahig at saka naglagay ng libro sa lap ko. N'ong marinig kong parang may papalapit, kaagad kong binuksan 'yong libro sa kanan ko at nagkunwareng nagbabasa.

May pagkunot pa ko ng noo na parang nagbabasa talaga.

Sinilip ko sa peripheral vision ko kung sino 'yon, si Laurice lang pala. Kainis!

Umayos agad ako ng upo at saka tumitig sa laptop ko. Tuwing may dadaan, nagkukunware akong nag-aaral. Pero siyempre, 'di 'yon totoo!

N'ong na-boring na ko sa pinaggagagawa ko, pumunta na lang ako sa isang marketplace. Mag-o-online shopping muna ko.

Wala akong makitang gusto kong bilhin. Iko-close ko na dapat 'yon nang may sumagi sa isip ko.

Naalala ko si Eli. 'Di ko alam kung ba't palaging white o blue lang 'yong long sleeves niya tuwing nakikita ko siya. Pareho lang din 'yong pattern. Para siyang 'di nagpapalit.

CEO siya, dapat appealing siya palagi!

Bilang mahal ko siya at future wife niya ko, nag-search ako ng long sleeves sa marketplace. Pumunta ko sa certified section para sure na magandang quality 'yong mga lalabas.

May nakita akong pink long sleeves na plain lang. Slim fit 'yong nakalagay sa description.

Ano kayang size ni Eli? Malaki kasi katawan niya tapos matangkad siya. Hindi siguro kasya sa kaniya 'yong medium.

Dahil hindi ko sure 'yong size niya, tatlo na lang binili ko. Tag-iisa sa medium, large, at XL.

Nag-check out na ko saka nilagay 'yong address niya. Muntik ko ng makalimutang ilagay na pay via credit card. Muntik na 'yon maging COD!

Nakakahiya ka, Elise! Baka pati ako, itakwil ko sarili ko kapag nagkataon.

Nilagay ko r'on 'yong credit card details ko at saka nag-proceed. Voila! Okay na.

Napangiti ako saka palakpak. Buti na lang talaga, matalino ako. Alam ko 'yong mga importanteng details kay Eli. Pati ata address ng bahay niya sa probinsya, alam ko. Ako pa ba?

Nagulat ako n'ong biglang napadpad si mommy rito sa living room.

Kaagad kong in-exit 'yong marketplace at nagkunwareng sumasakit ang batok.

"Grabe! Feel ko makaka-perfect na ko nito sa long quiz kaka-review," sambit ko sa malakas na boses. Sinasadya ko 'yon.

Inayos ko na 'yong mga gamit ko.

"Ano kayang pwedeng gawing pang-relax mamaya?" tanong ko sa malakas pa rin na boses para marinig ni mommy.

Napansin ko naman sa peripheral vision ko na napatigil siya.

"Nag-aral ka?" tanong niya kaya kaagad ko siyang nilingon.

Tumango ako at saka nag-pout. Sana tumalab!

"Oh siya, sige na, mag-party ka na mamayang gabi! Umalis ka na, baka magbago pa isip ko," saad niya saka pumunta sa hagdan.

Sinilip ko pa siya hanggang sa makaakyat na siya.

Talagang napapalakpak ako sa sobrang tuwa.

Nagmamadali kong inayos 'yong mga gamit ko at saka binitbit 'yon. Ngiting-ngiti ako habang naglalakad. Umakyat kaagad ako sa taas at dumiretso sa kwarto ko.

Medyo nahirapan pa kong buksan 'yong pinto. Sinipa ko na lang 'yon pagkapasok sa loob para masara.

Nilagay ko na lang agad sa lapag 'yong mga 'yon at naligo na. May pakanta-kanta pa ko habang nagkukuskos. Ang saya kaya!

Sinigurado kong tanggal lahat ng dumi sa katawan ko bago nagbanlaw. I should smell and look fresh!

Pagkatapos ko maligo, kinuha ko na 'yong tuwalya. I wrapped it around my body before I went inside my walk-in closet.

Hindi ko naman kailangan na masyadong mag-ayos today. I just wore a puff sleeve crumpled dress and flats.

Light make-up lang din in-apply ko sa mukha ko. Aayusin naman 'to mamaya sa studio depending on the style they prepared for me.

At oo, I have a photoshoot again today! Kaya sobrang excited ako.

Aside from the make-up, they were also the ones to prepare my clothing and other accessories to wear. Minsan, binibigay na nila 'yong damit. Minsan naman, isusuot lang namin 'yon for pictorial. Depending on the purpose, campaign, and contract.

Kinuha ko na 'yong sling bag ko. Sinigurado ko lang na nand'on na 'yong cellphone, wallet, cash, ATM card, at tote bag ko bago lumabas sa kwarto.

Pagkababa ko sa living room, wala namang tao kaya umalis na ko. Wala pa rin 'yong driver at kotse namin kaya naisip ko na 'di pa siguro nakakauwi si Ate Felize. Good thing!

Naglakad lang ako palabas sa private subdivision. N'ong nasa may gate na ko, naghintay lang ako ng taxi.

Nagpahatid ako sa tapat ng building where I work at. It didn't take me so long since Sunday, most hours has no traffic.

Masaya akong pumasok sa loob. I greeted them and they did the same thing.

Kahit simple lang 'yong suot ko, feel na feel kong nangingibabaw ako sa lahat. I'm Elise Quiseo, what would I expect?

Pumunta na ko sa dressing room.

"You have to shoot all these, Elise," sambit n'ong stylist at saka tinuro 'yong mga damit.

I saw a white waisted suit coat in long sleeves, red loose casual chiffon, a black strapless top with khaki-colored square pants, and a white pleated skirt with a peach turtleneck shirt.

Medyo nalula ako sa dami ng ternong kailangan kong isuot. Still, at the back of my mind, I am pleased that they have these for me.

Sinuot ko na 'yong unang damit bago nila ko ayusan from make-up to hair. It didn't take them long to finish.

N'ong ako na 'yong nakasalang, medyo mainit na ulo n'ong dalawang photographer. Medyo kinabahan ako kasi ang sungit na nila. Pero dahil gamay ko naman na 'tong ginagawa ko, I did my best for us not to waste any minute.

May mga pinanood ako sa online n'ong nakaraan kung p'ano ibagay 'yong posing sa damit kaya sinubukan kong i-apply 'yon ngayon. Good thing, wala naman silang sinasabi.

Hindi ko na alam kung anong oras kami natapos. I gave them my thanks before I changed my clothes.

"Thank you po for tonight!" masaya kong paalam sa kanila.

They're busy packing up kaya hindi na nila ko masyadong napansin.

Palabas na ko sa building n'ong makita ko sina Henry at Bryan.

"Hello! Ingat pauwi," nangingiti kong sambit saka kumaway sa kanila.

Napangiti kaagad si Henry pagkakita sa 'kin, lumapit kaagad sila.

"Hindi uso haggard sa 'yo," papuri ni Henry sa 'kin kaya napangiti naman ako.

Bolero! Kapag 'to na-fall sa 'kin, kawawa naman siya. 'Di ko siya masasalo.

"Duh! I'm Elise," natatawa kong sambit. "Thank you. Una na ko!"

Kumaway na ko at saka sila tinalikuran.

Pagkalabas ko sa building, naglakad na ko papunta sa kanto. Liliko na sana ko sa kanan n'ong may maramdaman akong kakaiba.

Napalingon agad ako sa likod ko at saka nag-ready. Hindi ako marunong manuntok kaya kung may sumusunod sa 'kin, sasabunutan ko na lang siya.

Pero pagtingin ko, wala naman.

Binilisan ko na lang lumakad. Pagkarating ko sa tamang sakayan, naghintay lang ako ng taxi.

Wala na masyadong dumadaan na sasakyan. Sobrang dilim na rin kahit may street lights dahil na rin siguro medyo natatakpan ng clouds 'yong moon.

Mukha akong ewang patingin-tingin sa paligid ko habang naghihintay ng taxi.

Napayakap ako sa sarili ko n'ong umihip 'yong malamig na hangin. Medyo maikli 'yong dress ko tapos hindi naman ako naka-jacket kaya ramdam na ramdam ko 'yong lamig.

I was so thankful when a taxi finally arrived.

Nagmamadali akong pumasok sa back seat at saka sinabi 'yong address ko sa driver. Palihim akong tumingin sa likod na bahagi n'ong taxi kung s'an pwedeng makita 'yong labas.

I was so shocked when I saw someone walking away near where I waited a while ago.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top