Chapter 3: Elise's secret
Chapter 3: Elise's secret
Lights are on me and so the attention of the people inside the studio. Sitting cross-legged in a single-seat square unit (almost similar to a storage box chair), I am showing them off the best asset I have— my confidence.
My long and straight hair is in Dutch braid. Medyo may nakalaylay pang ilang hibla ng buhok sa magkabilang gilid ng mukha ko. Nakasuot ako ngayon ng dark green V-neck tie and button dress na bagay na bagay naman sa white and glass skin ko.
Kahit ano naman kasi, bagay sa 'kin! Lalo na si Eleazar. When will he ever see and accept that fact?
Ang alam pa nga ng mga manliligaw ko, siya 'yong boyfriend ko. Siya na lang ang hindi informed ah!
I slightly leaned my body forward and gave the best smile that I have.
"Chin up," saad n'ong photographer kaya dali-dali akong sumunod. "Chest out." Kaagad kong ginawa 'yon. "More. Good."
For the next posing, tumayo ako sa gilid ng upuan at saka ko nilagay 'yong dalawa kong kamay sa batok. Medyo tumingala pa ko para mas makita 'yong side view features ko.
Sabi ng iba, ang cute ko raw dahil sa bilugan kong mukha tapos medyo chubby na cheeks. Pero sabi ko naman, hindi ako cute. Maganda ako. Sobrang ganda!
Mas nagpapaganda pa sa 'kin 'yong mapupungay na mata, may katangusang ilong, at plump lips ko. Hindi na ko magugulat kapag na-head over heels sa 'kin si Eli!
"Elbow out," sambit n'ong photographer. "Next, walk from left to right. Don't lose your confidence."
Pagkatanggal n'ong crew d'on sa upuan, nag-ready na ko sa susunod kong gagawin.
While smiling, dahan-dahan akong naglakad holding my dress side by side. 'Yong tipong pinapagalaw ko 'to para magmukhang nahawi sa photographs. I look like a child walking in a park with her dress being blown by the wind.
Huminto ko sa gilid at saka nag-posing ulit. Medyo nakatagilid 'yong katawan ko. Para mas mag-mukhang extra, itinagilid ko rin 'yong butt ko para mas ma-emphasize 'yong hubog ng katawan ko. Which will also show the elegance of the dress I'm wearing.
Fierce. Right hand on my cheek. Medyo in-spread ko pa 'yong fingers ko para makita 'yong mint green nail polish ko na bagay sa dress na suot ko.
"Good job! Pack up na," nakangiting saad n'ong photographer. He even gave me a thumbs up.
Hindi ko naiwasan 'yong paglapad ng ngiti sa mga labi ko. I love seeing them get satisfied with my skills as a fashion model. I love how they recognize and acknowledge me.
"Thank you po," ngiting-ngiti na saad ko.
Umalis din ako r'on at saka pumunta sa waiting room na katabi lang ng studio.
I have been a model in this clothing brand for more than a year. Nasa young adult category ako since then.
The thing is hindi ko naman talaga plano 'to. Kay Sophia kasi talaga dapat 'tong opportunity. Her high school best friend's parents asked for her help. Gusto siya maging model dito pero dahil hindi naman niya gusto 'tong pagmo-model, ako 'yong pinadala niya. Kesyo mas bagay raw ako rito.
She also said that I have to do things that will divert my attention from Eli. Fortunately, hindi nangyari 'yong masama niyang balak.
I fell in love with modeling as I fell harder for Eli.
Ang tamis naman ng sinabi ko! Baka langgamin ako nito.
Nang makuha ko na 'yong sling bag at tote bag ko sa waiting room, lumabas din kaagad ako. Hindi na ko nagpalit ng damit.
I bid my goodbye to everyone from our team. Kitang-kita ko 'yong pagsunod ng mga mata nila kapag dumadaan ako. Hindi ko tuloy maiwasang lalong mapangiti. Grabe talaga ang charisma ko!
"Hey, Elise," narinig kong tawag sa 'kin n'ong kasamahan ko sa pagmo-model. Medyo malayo siya sa pwesto ko dahil palabas na ko sa exit door.
Huminto ko sa paglalakad para kawayan at ngitian siya.
"Ingat pauwi, Bryan!" saad ko bago tumalikod.
Pagkalabas ko sa building, sobrang dilim na ng paligid kahit may street lights pa. Hindi na rin gan'ong karami 'yong mga dumadaang sasakyan.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Halos manlaki 'yong mga mata ko nang makita kong malapit na mag-10 p.m.
Nagmamadali akong naglakad papunta sa kanto. Napahinto ako bigla nang maramdaman kong parang may sumusunod sa 'kin.
Mabilis akong lumingon sa likuran ko pero wala namang tao. Napakunot tuloy ako ng noo.
Hindi ko na lang pinansin dahil anong oras na at malalagot ako sa pamilya ko! Ayaw kong mapalayas nang wala sa oras. At ayaw kong makarinig na naman ng rap ni mommy sa dis oras ng gabi.
Pagkarating ko sa kanto, kumanan lang ako at saka naghintay ng taxi.
No one from my family knows about my modeling career so as much as I can, I want to be careful with everything. Hindi ako nagbu-book ng private car o nagpapasama sa driver namin para hindi nila ma-trace kung s'an ako pumupunta. I only use taxis as a mode of transportation.
Sa tinagal-tagal ko rito sa kumpanya, hindi pa rin ako nakakakuha ng lakas ng loob na aminin sa pamilya ko 'yong pinili kong path. I am afraid that they won't like or acknowledge what I'm doing.
Napabuga ko ng hininga.
Only Sophia and Aika know about my work. So far, hindi pa naman nila ko binubuking sa pamilya ko. Subukan lang nila!
Dali-dali kong tinaas 'yong kanan kong kamay nang may makita kong taxi. Pagkahinto n'on sa harapan ko, hindi ko naiwasang mapalingon sa likuran ko nang may maramdaman na naman akong kakaiba.
Wala namang ibang tao. Guni-guni ko lang siguro.
Binuksan ko na 'yong pinto sa back seat at saka pumasok sa loob.
Pagkasabi ko sa driver kung saan niya ko ibababa, kinuha ko na 'yong phone ko at saka nilista sa notes ko 'yong plaka ng taxi. I do this every time I go out alone. Mas maganda ng sigurado! Ayaw kong maging kidnap for ransom.
Baka imbes na umiyak si mommy, pagalitan niya pa ko pagkakuha nila sa 'kin.
It didn't take me an hour to go home. Pagkabayad at baba ko sa taxi, nagmanman muna ko kung may tao sa paligid. Wala naman.
Dumiretso ko sa main gate at dahan-dahan 'tong tinulak. Napangiti ako nang hindi 'to isinara ni Laurice.
Palagi kasi akong nagpapatulong sa kaniya. Partners in tandem kami. Ay rider in tandem ata 'yon? Basta partners kami! Pero siyempre, hindi ko sinasabi sa kaniya 'yong totoong reason ng pag-alis-alis ko.
They all know that I go to birthday parties and other kinds of celebrations. Well... it's basically every night since I have to shoot and do modeling stuff. Halos maubusan na nga ko ng pangalang sasabihin sa kanila eh! Hindi ko na sure minsan kung sino na 'yong susunod na sasabihin kong may birthday.
Pagkasara ko sa gate, kinakabahan akong dumiretso sa pinto papasok sa bahay. Dahan-dahan ko 'yong binuksan at pagkapasok, sinara ko rin kaagad.
Nagpalingon-lingon pa ko sa paligid. Mukhang wala naman ng gising dahil patay lahat ng ilaw.
The coast is clear!
I was tiptoeing when I passed the living room. Naka-tiptoe pa rin ako no'ng umakyat na ko sa taas.
Para akong magnanakaw palagi tuwing umuuwi ako rito sa bahay. Takot na takot mahuli! Parang hindi ako nakatira dito, gan'ong level.
Nakahinga na ko nang maluwag nang nasa tapat na ko ng kwarto ko. Umayos na rin ako ng paglalakad.
Dahan-dahan kong inikot 'yong door knob at saka binuksan 'yong pinto. Hindi ko na binukas nang todo para hindi na umingay pa. Siyempre, dapat careful lang!
Pinagkasya ko na lang 'yong sarili ko sa maliit na pagkakabukas ng pinto. Pagkapasok ko sa loob at pagkasara ng pinto, ibinaba ko na kaagad 'yong mga gamit ko sa sahig.
I turned around to go to my bed pero halos mapatalon ako sa gulat nang may makita akong tao na nakaupo sa kama ko. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko at nanlalaki rin 'yong mga mata ko habang nakatitig sa kung sino 'yon.
I heard the person shushed on me. Madilim sa loob kaya hindi ko mamukhaan kung sino 'yon. Pero n'ong makita kong pandak at maikli ang buhok, I knew it was Laurice.
I clapped my hands for the lights to turn on.
Medyo nabawasan 'yong kaba ko nang masigurado kong si Laurice 'yon. Nakatingin lang siya sa bintana ko. Pero hindi pa rin nawawala ng tuluyan 'yong malakas na kabog ng puso ko dahil baka magtanong na naman siya ng kung ano-ano.
N'ong huling beses na umuwi ako at gising pa siya, kung ano-anong tinanong niya na hindi ko na maalala kung nasagot ko ba nang maayos o hindi.
"Huy," kinakabahang tawag ko sa kaniya. Lumingon siya kaagad sa 'kin. Mukhang antok na antok na 'yong mga mata niya.
"Himala, hindi ka nagge-games," puna ko sabay tawa nang naiilang.
Hindi niya ko kinibo kaya dumiretso na lang ako sa walk-in closet ko. Hindi ko na binuksan 'yong ilaw sa loob, medyo pumapasok naman kasi 'yong ilaw na nagmumula sa mismong kwarto ko. Puti rin halos 'yong mga gamit ko rito kaya medyo maliwanag talaga.
"Kalma lang, Elise. Si Laurice lang 'yan, ang dakila mong sumbungerang kapatid," bulong ko sa sarili at saka kumuha ng damit.
Pagkakuha ko ng pantulog, lumabas din kaagad ako. Para akong aatakihin sa puso nang makita kong parang naghihintay sa paglabas ko si Laurice. She's intently looking at me.
"Ba't gising ka pa?" tanong ko saka umiwas ng tingin bago naglakad. "Balik ka na kaya sa kwarto mo," suggestion ko pa habang pinipigilan 'yong boses ko na manginig dahil sa kaba.
Papasok na sana ko sa CR nang magsalita siya bigla. "Whose birthday was it again?"
Napahinto ko saka nag-isip. Sino nga 'yong nasabi ko sa kanila? Devon? Dina?
"Dianne," I said almost in the tone of asking.
Ano ka ba naman, Elise! Act normal. Tagal mo ng ginagawa 'to, dapat nasasanay ka na!
Hinawakan ko na 'yong doorknob at bubuksan na sana 'yong pinto ng CR nang magsalita na naman si Laurice.
"What's this?" kalmado niyang tanong.
Napairap ako dahil sa inis sa sobrang dami niyang tanong. Nanggigigil kong sinabi, "Ang dami mo namang tanong!"
I turned around to look at her but to my shock, she was holding a magazine in her right hand. Hindi ko pa nakikita nang tuluyan 'yong magazine, malakas na kaagad 'yong kutob ko kung ano 'yon.
She flipped a few pages before she folded the magazine. "Hmm," narinig kong sambit niya sabay angat n'ong magazine.
Halos kumawala na 'yong puso ko sa loob dahil sa lakas ng kabog nito. Napahawak ako nang mahigpit sa dala kong pantulog.
Wala ka ng kawala, Elise!
I have to surrender now. Hindi na ko makakapagsinungaling pa lalo na't 'di naman ako magaling magsinungaling.
Huminga ako nang malalim at saka ko nilapitan si Laurice. Tinabihan ko siya at saka tumitig sa page ng magazine na hawak niya.
It was me during the runway I participated in three months ago. I represented the clothing brand I'm working for at that time.
"Grabe, ako ba 'yan? Ang ganda naman," naiilang kong sambit. "Photogenic pala ko at in fairness, kabog silang lahat."
Tumawa ko nang naiilang saka ko tinignan si Laurice sa tabi ko. She's not smiling nor laughing at what I said.
Pangit naman ka-bonding nito, hirap patawanin!
Binalik ko 'yong tingin ko sa magazine. Pinagmasdan ko 'yong sarili ko r'on bago napadako 'yong mga mata ko sa pangalan ko sa babang bahagi n'on.
"Why did you have to lie all along?" she asked in a calm voice.
Nand'on 'yong disappointment at lungkot sa boses niya.
Hindi ko siya magawang tignan. Unti-unti na kasing namumuo 'yong luha sa gilid ng mga mata ko. Para kong batang nahuli ng nanay niya na nagsinungaling at pinagpapaliwanag ngayon.
Nakailang inhale at exhale muna ko bago ko nagawang magsalita.
"Why do you have to be this smart, Laurice?" natatawa kong balik na tanong sa kaniya. Para lang mabawasan 'yong awkwardness sa paligid. "Tinatanong pa ba 'yon?"
Inangat ko 'yong tingin ko sa kaniya. Tumingin din naman siya pabalik sa 'kin.
"I've been a fashion model for more than a year already. Masaya lalo na kapag may mga bago silang pinapasubok sa 'kin. Tapos kapag ayan," huminto ko saka kinuha sa kaniya 'yong magazine. "Kapag nalalagay ako sa magazine."
"If it makes you happy, why aren't you proud enough to tell that to us?" nagtataka niyang tanong kaya bahagya kong napatawa.
"As if namang hahayaan ako ni mommy," mahina kong sagot.
Tuluyan nang tumulo 'yong luha ko kaya pununasan ko kaagad 'yon gamit 'yong isa kong kamay. Sinara ko na 'yong magazine saka inilapag sa kama ko.
Tumagilid ako ng upo para makaharap ko siya.
Nakakunot 'yong noo niya. It looks like she has more questions to ask that she's trying to keep with herself.
At hindi na nga niya napigilan ang sarili niya nang paulanan niya ko ng tanong, "Don't you think they'll get proud of you? You earn from that work, right? Why don't you try telling them?"
Ginulo ko 'yong maikli niyang buhok na ikinasimangot niya.
Hinawi niya 'yong kamay ko kaya bahagya kong napatawa. Nabawasan 'yong lungkot ko at nawala na rin 'yong kaba ko.
"Akala mo lang 'yon," sarkastiko kong sambit. "Lalong maiinis si mommy sa 'kin kapag nalaman niya, sigurado. Wala naman na kong ibang ginawa kundi maging maganda. For sure, papatigilin nila ko rito," tuloy-tuloy kong saad. "Bukod kay Eli, ito na lang 'yong sobrang nagpapasaya sa 'kin. Hindi ko alam gagawin lp kapag pinilit nila kong tumigil sa pagmo-model."
My eyes are pleading and my voice was covered with an unknown fear.
"Ah, you love things and people that are hurting you," saad niya na nagpalaki sa mga mata ko.
"Anong sinasabi mo?" bulong ko pero sa pasigaw na tono. "Hindi 'no. Hindi ako masasaktan dito."
Hindi niya na ko kinibo at tumayo na siya. Hinawakan ko siya sa wrist niya para mapigilan siya sa pag-alis.
"Huwag mo kong isusumbong ah?" nahihiya kong hingi ng favor sa kaniya.
Binitawan ko siya at saka pinagdikit 'yong mga kamay ko. Tinodo ko na at nagpa-cute pa ko sa kaniya, hoping she'll get convinced.
She rolled her eyes at me but I saw a smile formed on her lips. Napangiti rin ako.
"It's a yes, right?" tuwang-tuwa kong tanong na sinagot niya naman ng pagtango. "Walang nakakaalam nito bukod sa 'yo saka kanila Sophia at Aika," pabitin kong saad. "Kapag nalaman nila, ikaw una kong pagbibintangan," pagbibiro ko.
Hindi niya na ko pinansin at saka siya pumunta sa may pintuan. Binuksan niya 'yong pinto pero bago siya makalabas, sinabi niya, "There's nothing wrong with what you're doing."
I felt relieved hearing those words from Laurice.
Napangiti ako at saka napahiga sa kama, my feet were lying on the ground.
In-spread ko 'yong mga kamay ko at saka napahinga nang malalim. A sigh of relief.
Akalain mo 'yon, may gan'ong side pala 'yong sumbungera kong kapatid?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top