Chapter 28: New customer
Chapter 28: New customer
"Tao pala talaga si Eleazar 'no? Hindi gawa-gawa lang ng imagination."
'Yan agad 'yong bungad sa 'kin ni Aika pagkapasok ko sa kitchen.
She was firmly looking in my direction as if she was waiting for my reaction. Inirapan ko naman siya para mabuo na 'yong araw niya.
"Grabe! Good morning ah?" I sarcastically told her which she only laughed at.
For four consecutive days, 'yan ang bukang-bibig niya. Walang palya! As in dinaig niya pa 'yong ka-MU ng iba riyan sa pagiging consistent niya.
Three days have passed since Sophia has first seen Eli yet they still can't get over of that encounter. Kaya ayon! Ang sakit ng ulo ko sa mga pang-aasar at tanong nila.
"Pabebe nito," kumento ni Sophia habang kinukuha lahat ng packed cookies, loaves of bread, and brownies mula sa storage.
Tinulungan naman siya ni Aika para unti-unting malagay lahat ng 'yon sa ibabaw ng kitchen counter.
"Kunware pang hindi kinikilig," dagdag na pang-aasar niya pa sa naunang nasabi.
I pouted at Sophia when I reached the counter. Nilapag ko r'on 'yong dala kong listahan ng mga kukuha ng orders nila today.
Feel ko, namumula 'yong mga pisngi ko ngayon dahil sa kilig. Pero pilit kong pinipigilan 'yong puso ko dahil natatakot ako sa napakaraming possibilities.
P'ano kung pinagti-tripan lang ako ni Eli n'ong sinabi niyang he's crazy for me? P'ano kung confused lang siya? P'ano kung kinulang lang siya sa atensyon?
"Ayaw mo ba siyang bigyan ng chance?" tanong sa 'kin ni Aika nang magkatapat kami sa counter.
I stared at her for a moment. I was befuddled with what she said.
"Bakit bibigyan ng chance?" nagtatakang tanong ni Sophia nang makalapit na rin siya sa 'min.
"True! Ba't bibigyan ng chance kung 'di naman humihingi ng chance?" hirit ko bago umikot papunta sa tabi nila.
Parehong natawa 'yong dalawa dahil sa sinabi ko. Pero 'yon pala, kaya natawa kasi mang-aasar na naman.
Aika teasingly asked, "So naghihintay ka kung hihingi ng chance?"
I was dumbfounded for a second or two upon hearing that question.
Nag-iinit 'yong mukha ko nang umiwas ako ng tingin at saka umupo sa tapat ng cabinet ng kitchen counter. I need to get the paper bags from the inside.
I can't help but ask several questions to myself.
Hinihintay ko lang ba talaga siyang humingi ng chance? P'ano kung sabihin niya na ang magic word? Would I still be hesitant?
"Pero sabi mo ayaw niya lang daw i-take advantage 'yong pagiging young and impulsive mo noon, right?" Aika asked me putting emphasis on 'young' and 'impulsive'.
Wala sa wisyo akong tumango nang hindi siya nililingon.
I am halfway done with what I'm doing when she hooked me with the next thing she said. Napaangat 'yong tingin ko sa kaniya. "Tapos sinabi mo rin na umamin siyang, quote-unquote, he's crazy for you. Malay naman natin na seryoso naman talaga siya."
I unknowingly smiled upon hearing that. Ni hindi ko na rin naiwasang kiligin dahil d'on.
What if nga naman?
"Should I give him the benefit of the doubt?" mahina kong tanong nang ibalik ko na sa ginagawa ang atensyon ko. It was more of a question to myself than to them.
Nagitla lang ako nang hampasin ni Sophia 'yong ibabaw ng kitchen counter.
"Hay nako!" naiinis niyang sambit.
I lifted my gaze to her from my side.
She's raising her eyebrows at me with her arms akimbo.
She exasperatedly continued, "Puro what if pero walang kasiguraduhan. P'ano kung hindi? Masasaktan ka na naman?"
Nawala 'yong kilig na nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Sophia. Napalitan ng disappointed look 'yong ngiting nasa mga labi ko kanina.
Pero mas nakaramdam ako ng sakit nang sabihin niyang, "Puro naman ganiyan 'yang Eleazar na 'yan! Kung gusto ka talaga niya, hindi na siya magpapaligoy-ligoy pa."
It was painful to hear but she has a good point. Eli should have been more direct to the point.
I disappointedly glanced back at the storage saka kinuha rito 'yong last piece ng paper bag. Tumayo rin naman agad ako habang bitbit lahat ng 'yon bago pumunta sa dulo ng counter.
When I got there, nilapag ko agad lahat ng paper bags. Dito kasi ilalagay 'yong products namin na for delivery today.
Naantala lang ako sa ginagawa ko nang mapansing natahimik 'yong dalawa.
I looked at them through my right shoulder just to see them exchanging knowing glances. It seemed like they are having a conversation through their eyes.
Aika was pointing her finger at Sophia— it looks like they are silently arguing more than talking. Yet I can't confirm that since I can't clearly see Aika's facial reactions as she's in a side view almost facing her back at me.
"Tigil niyo na 'yan," kalmado kong awat sa kanila. I did my best to not sound upset.
Hinarap din naman nila ko agad and I tried to give them an assuring smile.
"Ito kasi," reklamo ni Aika saka binalik 'yong tingin kay Sophia. "Kung makapagsalita, akala mo naman talaga hindi paligoy-ligoy 'yong relationship niya kay Mr. Playboy." Her voice was filled with sarcasm that made me laugh a little.
Napailing ako at napasabing, "True naman." Umikot ako papunta sa kabilang side ng counter where I was standing a while ago. "Sila nga walang label," I hurled as a matter of fact.
Laking gulat ko na lang nang biglang may lumipad na paper bag papunta sa mukha ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
Kaso bago pa ko makailag, tumama na 'yon sa pisngi ko. Sapul na sapul!
I angrily stared at Sophia. "Kung gusto mo maging pitcher, 'wag mo kong idamay!" Naiinis ko pang dagdag, "Masyadong bayolente."
Yumuko ako para damputin 'yong paper bag na nalaglag sa sahig.
She retorted, "'Di ako interesado maging athlete kasi athlete ka na. Runner ka 'di ba? Tamang habol lang sa taong 'di ka gusto?"
Napasimangot ako dahil sa narinig.
Ang hirap niya ka-bonding ah! Masyado namang honest. Pwedeng preno-preno rin kapag may time?
Nang makuha ko na 'yong paper bag, inangat ko agad 'yong masama kong tingin sa kaniya. Kaso wala pa kong nagagawa, binato niya na naman ako ng isa pang paper bag kaya napatili na ko sa inis.
"Ang lakas mo ah! Ang lakas-lakas mong manakit pero hinahayaan mong saktan ka lang ng lalaki na 'yon," galit kong litanya.
Ops! The boiling tea has been spilled.
"Ano?!" pasigaw niyang tanong at ambang mambabato na naman.
Tinitigan ko naman siya nang masama as if I was challenging her to do it. Natigilan lang kami nang sawayin na siya ni Aika.
"Oy!" sambit niya bago niya hinampas 'yong kamay ni Sophia. "Baka iba na 'yong madampot mo! Ang hirap-hirap mag-bake at ang mahal-mahal ng ingredients."
Pinulot ko lang 'yong huling paper bag na binato niya sa 'kin bago naglakad ulit. Dumiretso na ko sa may dulo ng counter at saka tinitigan ulit nang masama si Sophia.
She stared back at me with daggers coming out from her eyes.
I hissed at her, "Lakas mang-asar pero pikon."
Inirapan niya ko bago padabog na kinuha 'yong ibang paper bags para mag-pack na.
"Ang gusto ko lang naman kasing sabihin, don't settle for less," mas kalmadong sambit niya habang busy sa ginagawa.
Marahan kong inikot-ikot 'yong ulo ko bago nagsimulang mag-pack na rin.
Kalma, Elise. Kalma!
My voice was in a low tone when I countered, "Did I give in? Hindi naman ah."
Akala ko matatahimik na sila pero hindi pa rin tapos si Sophia.
She challengingly asked me, "Talaga? Pero hanggang kailan mo 'yan magagawa?"
Napaangat 'yong tingin ko sa kaniya.
I was unable to say anything. Para kong biglang tumiklop sa tanong na 'yon.
Napunta kay Aika 'yong atensyon ko nang pati siya ay magtanong din, "Ano ba kasing plano mo?"
Wala sa sarili akong napatawa dahil d'on.
Nagtataka kong tanong pabalik sa kaniya, "Hindi naman ako architect, hindi rin project manager, at mas lalong hindi presidente; bakit kailangan ko ng plano?"
She took a deep sigh before she helped in packing the products. Inikot niya rin paharap sa kaniya 'yong list ng orders bago nagsimula.
"Kailangan mo ng plano, Elise," seryoso niyang saad nang hindi ako nililingon. Nakatitig pa rin ako sa kaniya. "Anong balak mo? Hindi pwedeng iwasan mo na lang siya habang-buhay. Ano ba kasing totoong nararamdaman mo para sa kaniya ngayon?"
Napaiwas ako ng tingin at saka bumalik sa pagpa-pack.
I heard Sophia tauntingly added, "Tama! Hindi ka naman bida sa isang movie na may pa-go with the flow na lang. Wala kang writer dito, sarili mo lang aasahan mo, 'no!"
Inamin at klinaro ko ulit, "Mahal ko pa nga si Eli." Napahinto ako sa ginagawa at saka napa-half smile nang automatic na mag-flash 'yong mukha niya sa isip ko. "Mahal na mahal ko pa rin siya," dagdag ko pa bago bumalik sa ginagawa.
May sasabihin pa sana ko nang sumingit na si Sophia kaya napatingin ako sa kaniya. She was busying herself when she impatiently said, "Ayon nga 'di ba! Baliw siya sa 'yo. Baliw ka sa kaniya. Eh 'di mag-risk ka!"
Natatawa akong napailing sa kaniya. Ang gulo naman nito. Kanina 'don't settle for less' daw tapos ngayon mag-risk naman ako.
I rolled my eyes at her as I muttered, "'Di pa kasi ako tapos magsalita kanina."
Sinandal ko 'yong kanang kamay ko sa counter. Both of them were busy and weren't looking at me when I seriously told them, "Mahal na mahal ko si Eli but... I am hesitant to have him back in my life."
Huminga ako nang malalim at saka nagpatuloy, "Mali ba to be afraid of letting myself fall for him harder than it was before? Mali ba na tinatantsa ko muna 'yong chance and probability kung mag-i-stay siya hanggang dulo?" I stopped talking when I felt a lump in my throat that hindered me from continuing what I was supposed to say.
Iniisip ko pa lang, ang hirap at ang sakit-sakit na. Paano pa kapag nagkatotoo? Paano kung hindi naman pala bumalik si Eli for commitment? Eh 'di sinaktan ko lang 'yong sarili ko?
I know my worth so well now. At kasama rito 'yong pagiging aware ko kung paano itrato at mahalin ang sarili ko.
I cleared my throat before I mumbled, "Kaysa naman mag-risk na naman ako tapos sa isang iglap, wala na naman siya. At sa pagkakataon na 'yon, who knows if he would leave me for good? Hindi dahil sa edad ko. Hindi dahil sa ugali ko. Kundi dahil hindi naman pala gan'on kalalim 'yong pagmamahal niya sa 'kin."
Nilingon ako ni Sophia at saka siya nakipaglabanan na naman ng tingin sa 'kin, "Then, sabihin mo 'yan agad sa kaniya para hindi siya magmukhang engot sa araw-araw na pumupunta siya rito! Pinapaasa mo 'yong tao eh."
Napataas 'yong kilay ko dahil sa narinig. I suddenly felt an outrage because of that.
I asked in disbelief, "Bakit parang kasalanan ko?"
Pati si Aika ay napatigil na rin sa ginagawa nang tignan niya ko bago lingunin si Sophia.
"I already told him to stop three days ago, okay? Kasalanan ko bang ang kulit niya? Duh! Siya kaya 'tong balik nang balik kahit hindi ko siya nilalabas. Paasa pa rin bang matatawag 'yon when I clearly set a boundary between us?" I continuously asked without a pause.
Para akong hiningal sa sariling litanya kaya napahinga ako nang malalim.
She didn't say anything after that. Pati si Aika ay napatahimik na rin.
Pare-pareho na kaming bumalik sa ginagawa pagkatapos ng sagutan na 'yon. Pero para naman akong nakonsensya agad nang lumipas ang ilang minuto.
I bit my lower lip as I was displeased with myself.
I should have calmed down myself before I said those things.
Pero nasabi ko na. Ano pang magagawa ko? I simply chose to be blunt but I should have opted for a good approach.
Siya kasi! Hindi ko naman kasing tangkad 'yong pasensya ko. Palagi niya ng inubos.
At saka akala niya naman ang dali-dali to be in my position. Siya kaya 'yong magmahal nang sobra tapos palagi lang ipinagtatabuyan. Palaging false alarm– binibigyan ng motibo tapos wala namang proper response. Dumating pa sa point na naging boyfriend ng kapatid niya 'yong taong gusto niya. Hindi ba siya magda-doubt at matatakot to accept that man in her life?
Ay! Oo nga pala. Marupok nga pala siya. Igaya niya pa ko sa kaniya. Tapos na ko sa phase na 'yon 'no.
"Akyat na ko sa taas, magbibihis na ko," pagpapaalam ko sa kanila nang hindi sila tinitignan— medyo guilty sa pagsigaw-sigaw ko kanina.
Hindi ko na sila hinintay pang makasagot; dire-diretso lang ako sa paglabas mula sa kitchen.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang nasa sala na ko. Pero pagkarating dito, wala ako sa sariling napahinto at napatingin sa pinto.
I wonder how long is his patience for me. Babalik kaya siya today?
Baka sa simula lang siya magaling ah? Pwes kung gan'on lang din, salamat na lang sa lahat. Sana 'di na siya nagparamdam ulit.
Napangiwi na lang ako at saka umakyat sa taas.
It has been three days since the day of Eli's confession and until now, I am still confused with his statement that he's crazy for me.
Is it deeper than liking me? Totoo ba 'yon?
Ang galing-galing niya lang kasi.
Simula n'ong nagkita ulit kami, winindang niya 'yong tahimik kong buhay. I suddenly felt various emotions that I haven't encountered for the past year.
'Yong kilig joined with my heart that beats so fast along with the tingling sensation. Isama pa 'yong torturing na titig niya na tagos sa buto... na hindi ko kinakaya. Tinalo ko pa 'yong hindi marunong mag-swimming sa pagkalunod kapag tinititigan niya ko.
Grabe siya. Ang talented niya!
Pagkaakyat ko sa second floor, pumasok na ko sa kwarto ko.
Kagat-kagat ko 'yong ibaba kong labi nang napasandal ako sa pinto at napatingin sa kawalan.
Sa tatlong araw na lumipas na 'yon, present din siya palagi rito. Nakakagulat, 'di ba? Yet, it was for real!
Akala ko nga n'ong una ay standee niya lang 'yon na iniwan niya. Pero real na real!
He routinely gets here at seven in the morning; then, he will leave at 10. Ewan ko r'on kung nakakapag-trabaho pa nang maayos.
Napakibit-balikat na lang ako at napabulong sa sarili, "Sabagay, siya nga pala 'yong CEO."
Pero siyempre, sa tatlong araw na 'yon, 'di ko siya nilalabas at 'di rin kinakausap.
One time when I needed to go outside to attend my interview in PBA for formality sake, umakto na lang akong 'di ko siya nakikita at naririnig. Mas dama ko pa kunware 'yong hangin, gan'ong level.
He also asked me if he could drive me to my destination, but I didn't say anything or look at him. In fairness ah! Ang hirap niyang iwasan. Kasing hirap ng pag-let go sa mga gamit ko.
Just to be clear, it wasn't suffocating to be near him; in fact, it was satisfying and delightful. Lalo na n'ong nagkadikit 'yong mga balat namin three days ago.
Napalunok ako bigla ng sariling laway nang maalala 'yon.
Nakakainis ka, Elise! Kung ano-anong iniisip mo. At tignan mo nga naman, para kang sira. Hinihintay mo rin naman talaga kasi siyang bumalik-balik dito.
I growled out of frustration.
Nanggigigil kong inipit sa sariling mga kamay 'yong mukha ko. "Kung baliw siya sa 'kin, pwes nababaliw na rin ako sa kakaisip at pakikipagtalo sa sarili ko!"
Umayos na ko ng tayo at saka napapaypay sa sarili gamit ang kanang kamay. Pumunta rin naman agad ako sa tapat ng cabinet.
I quickly grabbed a pair of jeans na kinulang sa tela along with my black slicker bra. It has a plunging neckline with cutout detail. Kinuha ko rin 'yong denim jacket ko at saka nagpalit.
After doing so, tinignan ko 'yong sarili ko sa full-length mirror na nasa sulok ng kwarto.
Napahawak ako bigla sa laylayan ng buhok ko nang mapansing sobrang haba na pala nito.
Kaya ba bumalik si Eli? Para connotation and denotation na ang meaning ng haba ng buhok ko?
That's a half-meant joke!
Napatitig ako lalo sa salamin nang may mapansin pa. Pinanliitan ko ng mga mata 'yong sarili ko to see it clearly.
Nangingiti kong sambit, "Wala talagang kasing ganda si Elise." I even flipped my hair after saying that.
Masyado na kong nagkasala n'ong nakaraan sa harap ng Maceda family kaya kailangan ko namang magbawas ng kasalanan through saying truthful statement.
Para akong sirang napatawa dahil sa sariling naisip.
Pumunta lang ako sa mini drawer ko at saka hinanap dito 'yong black silk scrunchies ko. Inabot ko rin 'yong suklay at saka inayos into a bun 'yong buhok ko.
Afterward, I simply applied light make-up and nude lipstick before I took my phone on the bed. I got back in front of the mirror to take a mirror selfie.
As soon as I had one photo, I immediately uploaded it on my social media accounts with the caption, 'Got myself done with Fern Cosmetics' products'.
Sinamahan ko na rin 'yon ng ibang information and hashtags I usually include on my content.
Napatingin ako sa sariling post. I happily whispered to myself, "Two more contents for this month!"
After a while, I have finally decided to go downstairs.
"Akala ko nakatulog ka na eh," sarkastikong bungad sa 'kin ni Sophia pagkapunta ko sa sala.
Inirapan ko lang siya.
Pasalamat siya at slight na na-guilty ako sa pag-sigaw-sigaw ko kanina. If not? Gagantihan ko siya ngayon!
"Si Aika?" tanong ko sa kaniya bago makalapi sa sofa para kunin 'yong isang malaking eco-bag.
She bluntly answered me with her eyes darted at me, "Na-tae na kakahintay sa 'yo."
Hindi ko napigilan 'yong tawa ko dahil sa narinig. "At least 'di siya tinawag ng kalikasan sa labas! Oh 'di ba? May tulong din 'yong pagiging mabagal ko." Huminto ako sandali saka hinawi 'yong buhok ko. "That's my happy thought!"
"Sira!" natatawa niyang kumento bago kinuha 'yong isa pang eco-bag.
Napangisi ako nang marinig 'yong tawa niya.
Oh 'di ba? Putting aside our ego helps us to make up with our loved ones whom we argued with. Pero siyempre, it won't be completed without, "Sorry for shouting at you a while ago."
Nag-'beautiful eyes' pa ko para wala siyang kawala sa charms ko.
I saw how she suddenly looked shy upon hearing my apology. She shifted her gaze to her left. Naiilang pa siyang tumawa bago ibinalik 'yong tingin niya sa 'kin.
"Normal naman na 'yon, sa 'tin," nahihiya niyang saad. "Sorry din," dagdag niya pa.
Napangiti ako. Marahan kong binaba 'yong bitbit kong eco-bag at saka mabilis na hinakbang 'yong pagitan namin. Niyakap ko siya kaagad nang may ngiti sa mga labi.
"Hindi bagay sa 'yo 'yong nahihiya," I told her in point of fact.
Bigla niya kong hinampas sa braso kaya agad akong napakalas sa yakapan namin.
Nanlalaki 'yong mga mata ko nang harapin ko siya. Niinis kong sambit, "Sadista nito!"
"Oh? Nag-aaway na naman kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Aika nang makalapit na siya sa 'min.
Nagkatinginan kami ni Sophia at parehong napatawa dahil d'on.
"'Di mo sure!" natatawa kong saad nang harapin ko si Aika.
"Tara na nga! Interview pa naman ni Aika today, bawal bad vibes," pag-aaya ni Sophia at saka naglakad papunta sa pinto.
Nangingiti kong kinuha 'yong eco-bag at saka sinukbit sa kaliwa kong balikat. Sinundan ko rin agad si Sophia na siya namang nagbukas ng pinto.
She let me get outside first.
I was talking while walking, "Sana kunin ka nila! Para naman happy tayong—"
Naputol ako sa pagsasalita nang mapalingon ako sa gilid ng bahay. Awtomatikong nawala 'yong ngiti sa mga labi ko nang makita ko siya.
He was leaning on the window's side while fidgeting on his phone.
On cue, my heart beats so fast that I can already hear it. I was so focused on him that I can't see anyone else but only him.
When he looked at me and our gazes locked, I felt my stomach went upside-down.
"Buhay ka pa?" narinig kong mapang-asar na bulong ni Sophia sa 'kin that brought me back to my senses.
Napatingin ako sa kaniya at saka napabalik ng tingin kay Eli. He is now giving me a sweet smile while walking towards me.
Sobrang nataranta ako nang makitang papalapit na siya kaya agad akong lumihis ng tingin at saka naglakad nang mabilis palayo.
"Elise," he called my name.
Kainis na 'yan!
Ba't ba kapag siya 'yong tumatawag sa pangalan ko, parang lalo 'yong gumaganda?
Nayare na naman ako!
"Elise, you've been constantly avoiding me. Let's talk, please," Eli pleaded in a soft yet deep tone of voice.
Automatic akong napahinto sa paglalakad pagkarinig n'on.
Bigla akong kinabahan na kinilig na hindi ko maintindihan.
Nakakainis! Bakit ba pati boses niya, ang gwapo ng tunog? Hindi ko alam kung may gan'on but Eli is a living proof.
I got flustered when he suddenly took away the eco-bag I was carrying. Napalingon tuloy ako sa kaniya mula sa gilid ko.
"Ay, may pag-agaw?" nabigla kong tanong.
I saw how he lightly laughed because of what I said.
He held my hand as he asked, "Can we talk now? I want to explain everything to you, Elise."
Napatitig ako sa mga mata niyang nakikiusap bago binaba 'yong tingin ko sa kamay naming magkahawak.
He is not doing more than that but he is already causing me a tingling sensation.
Binawi ko pabalik 'yong kamay ko mula sa kaniya.
I firmly said, "Magde-deliver pa kami, Eli. Akin na 'yan."
Aabutin ko na sana 'yong bitbit niyang eco-bag nang humakbang siya patalikod.
"Sasamahan ko kayo," he volunteered.
Bigla akong natawa dahil sa narinig. "Matatagalan kami. 'Di mo 'yon kakayanin kaya, pwede ba, akin na 'yan," mariin kong saad; pinipigilan 'yong kilig at kaba sa loob-loob ko.
Sana naman makipag-cooperate siya kahit hindi 'to graded school activity. Kasi hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang kimkimin 'tong pagmamahal ko sa kaniya.
I was about to snatch back the eco-bag from him when he held my hand again as he quickly intertwined our fingers.
Gulat na gulat akong napatingin sa mga kamay namin. Parang sasabog na 'yong puso ko sa sobrang bilis ng kabog nito.
Mommy! Nakikita mo ba 'to? For the first time, magkasalikop 'yong kamay namin ni Eli! At hindi ako 'yong nag-initiate ah. Yes, it's for real!
I was startled when Sophia cleared her throat. "Male-late na 'yong isa." I looked in her direction to see her peevish looks. "Baka pwedeng next time na kayo mag-holding hands diyan."
Pinandilatan niya pa 'yong mga kamay namin ni Eli. Kaya kahit labag sa loob ko, binawi ko na 'yong kamay ko mula kay Eli.
Ay, labag sa loob?!
Napakagat ako sa ilalim kong labi habang nakatungo. It feels like my cheeks are burning fire. Pero mas mainit pa rin sa Pinas kaysa sa mga pisngi ko. Sa true lang ah!
Lumapit pa lalo si Sophia sa 'kin at saka bumulong, "Pumayag ka na. Para menos sa pamasahe tapos mahatid pa si Aika."
Kunot-noo akong napalingon sa kaniya.
"Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Parang kanina lang..." pabitin kong sambit na mukhang na-get niya naman.
Umiwas siya ng tingin.
Nakuha lang ulit ni Eli 'yong atensyon ko nang magtanong siya.
"Ito 'yong mga binebenta niyo?" He was carefully checking the inside of the eco-bag.
"Oo, kaya akin na 'yan. Maghahanap-buhay pa kami," masungit kong saad bago lumakad palapit sa kaniya.
Para akong naglalakad papunta sa langit at siya ang hari. Wait, parang may mali sa sinabi ko.
Whatever!
Napahinto ako sa tapat niya at nang iangat niya 'yong tingin niya sa 'kin, lalong naging pigil na pigil 'yong paghinga ko. Sobrang nakakatunaw 'yong mga titig niya.
"I'll buy 12," he proudly said. "Cookies," he added.
Kinunutan ko naman siya ng noo. "12? 1 dozen? Akala mo naman sobrang dami—"
"12 packs of dozens," nakangising singit niya na nagpatigil sa 'kin.
Napa-compute tuloy ako kaagad sa isip ko. Kung bebentahan ko siya ng pinakamahal naming cookies, that's 4,200 pesos in total.
Napataas 'yong kanan kong kilay sa kaniya.
Nangangati na 'yong dila kong pumayag pero kapag pumayag ako, baka may kapalit.
I was hesitant but I can't deny the fact that he got me there.
Kung sabi nila na a way to a man's heart is through his stomach (which can be true dahil baka sa Adobo ko nabighani si Eli); then, a way to Elise's heart naman ay through buying in SAE.
"Okay," maikli at diretso kong sagot bago naglakad ulit.
Pero hindi pa ko nakakahakbang masyado, hinigit niya agad ako sa braso. Napatigil tuloy ako at saka napatingin sa kaniya.
Hindi ko alam kung lalayo ba ko o hindi dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. I like him being this near to me.
Sige nga, how would I be able to keep my feelings with me for a long time if he is being like this? Kung pinapamukha niya lagi sa 'king I love and I want him?
Sa sobrang lapit namin, damang-dama ko na 'yong hininga niya mula sa ilong niya. At para na kong nawawala sa wisyo.
"How about my offer?" he confusingly asked in a husky voice.
Napalunok na naman ako ng sariling laway.
Naghaharumentado na nga sa kilig 'yong puso ko, nagtindigan pa 'yong balahibo ko nang haplusin niya 'yong braso ko pababa sa kamay ko.
This man! He's pulling his seductive tricks on me.
Nabalik ako sa wisyo nang mag-ubo-ubuhan na naman si Sophia.
Nilingon ko siya mula sa gilid ko. Too bad 'di tumama 'yong lips ko kay Eli.
"Anong oras na," makahulugang sabi sa 'kin ni Sophia.
I bit my lower lip before I got back my gaze at Eli. Nahuli ko siyang nakatingin sa mga labi ko kaya 'di ko naiwasang mapangisi.
He's still the same. He's still craving for my kisses and I'm pretty, sure, and pretty sure of that.
"Okay, payag na ko," mahina kong sambit. Napaangat na 'yong tingin niya sa mga mata ko. "Walang bayad 'to ah. 'Di mo kami pag-aambagin sa gasolina ah," paninigurado ko that made him crack a little chuckle.
Para kong nanlalambot sa tuwing tumatawa siya. Kainis! 'Di ko alam kung alluring siya o nang-a-allure talaga siya.
He was smirking when he leaned beside my right ear.
Nakiliti ako sa ginawa niya kaya hindi ko naiwasang mapagalaw palayo sa kaniya. Napahiwalay rin tuloy ako mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
Sayang naman.
Wait, what did I think of?
Nakakagigil! Baka mahalata ako nito eh.
Malalim at mapang-akit niyang saad, "Walang bayad."
Lumayo rin siya agad sa 'kin as he showed me his smirking face before he got towards his car.
"'Yong panty mo nalaglag," natatawang bulong sa 'kin ni Sophia bago siya sumunod kay Eli.
Napatingin tuloy ako sa legs ko at bigla akong nanggigigil kay Sophia. Naisahan niya ko r'on ah!
Napa-pout na lang ako dahil sa inis, kilig, saya, at 'di ko ma-explain na emotions.
These people are seriously messing with me!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top