Chapter 25: Lies

Chapter 25: Lies


The moment we reached the table, Eli instantly raised his gaze on us.

I saw how shocked he was upon seeing me. Pero mabilis ding nawala 'yon nang ngumiti siya sa 'kin. At hindi lang 'yon basta-basta na ngiti, it was a sweet smile.

Parang niyanig 'yong mundo ko pagkakita sa ngiti na 'yon. My heart can't stop from beating so fast.

Hindi ako sigurado kung p'ano ko magre-react. I thought my feelings for him were gone but I was wrong.

Pinaniwala ko lang ata 'yong sarili ko eh.

Kahit sobrang natataranta na ko sa loob-loob ko, I chose to remain calm as I smiled back at him. I clenched my right fist to not panic.

Tama 'yan, Elise. Huwag kang marupok. Saksakan ng ganda, pwede pa. Pero saksakan ng karupukan? No way!

Dahil hindi niya inaalis 'yong tingin niya sa 'kin, nilipat ko na lang 'yong atensyon ko kay Neko na nakaupo sa lap niya. His hair is kind of long and is dark brown in color.

I was amazed seeing him as big as he is right now.

Isang taon lang 'yong lumipas pero ganito na siya kalaki?! Nag-aaral na kaya siya?

"Ang laki mo na, Neko," natutuwa kong sambit habang magkatitigan kami. Dagdag ko pa, "You are a handsome man more than a cute boy now!"

His face brightened up upon hearing that.

He was kind of shy when he said, "Hi," to me.

Nakuha ko naman 'yong atensyon ni Ate Nilienne na nakangiting lumingon sa 'kin.

"Hi, Elise! Oh my, it's been a long time," tuwang-tuwa niyang bati sa 'kin. Her face looked shock but joy is overpowering it.

I smiled back at her. "Hello po," nahihiya kong bati pabalik at saka napakagat sa ibaba kong labi dahil sa hindi ko malamang kaba.

Tumayo siya para lumapit sa 'kin kaya napabitaw na si Tita Adrianna sa braso ko. Si Tito Evann naman, umupo na sa tabi ni Eli sa bandang kaliwa.

Huminto si Ate Nilienne sa harap ko at kunot-noong tinanong, "Ako lang ba o parang mas nag-mature 'yong dating mo?"

Napangiti lang ako.

"Lalo kang gumaganda," dagdag niya pa.

Naiilang akong natawa at saka sinabing, "Thank you po. Ikaw rin; I somehow doubt if Neko is your child. Mas mukha pa ata akong may anak kaysa sa 'yo," pagbibiro ko pero totoong sobrang ganda niya.

The way she laughs now is way different from the first time we met. She looks stress-free.

"Kaya boto ko sa 'yo eh," natatawa niyang saad na nagpakunot sa noo ko.

What was that for?

Pero hindi ko na lang 'yon pinansin at nakitawa na lang ako.

I was a little surprised when she suddenly leaned forward para makipagbeso.

Ilang na ilang ako habang ginagawa 'yon because it feels wrong. I can't help but to think of Ate Felize.

Anong iisipin niya kung makikita niyang ganito ako ka-close sa mga Maceda?

Although she didn't consider my feelings when they hurt me last year, I don't want to be the inconsiderate brat.

Before Ate Nilienne left my side, she whispered in my right ear, "Good that you're back. May nababaliw na kasi."

I couldn't help but to raise my right eyebrow at her because of confusion. "Po?" nagtataka kong tanong.

Instead of answering me, nginitian niya lang ako bago bumalik sa mesa para kunin si Neko at itabi sa kaniya.

Napunta kay Tita Adrianna 'yong tingin ko nang magsalita siya. "We saw Elise outside so we invited her to eat with us," she paused for a while and then she asked with a teasing smile, "Anyone who disapproves?"

Nagulat ako sa tinanong niya.

Grabe! P'ano kung magtaas ng kamay si Eli? Nakakahiya naman kung—

"No one." That baritone voice. Hearing his voice for the first time after a year sends shivers to me.

Napalingon ako sa kaniya.

Lalong nagwala 'yong puso ko nang maabutan ko siyang nakatingin din sa 'kin. He has this endearing smile that makes me so tensed.

Nginitian ko na lang siya pabalik na parang normal lang 'yon.

"Have you ordered food, Nilienne?" tanong ni Tita Adrianna.

Napalingon ako sa kaniya nang makita kong naglalakad na siya.

"Yes, mom," sagot naman ni Ate Nilienne.

Kinabahan ako pagkakita na sa kanan na lang ni Eli 'yong bakante at sa tabi ni Neko. Sa takot na baka matira pang upuan ay 'yong sa tabi ni Eli, pasimple akong naglakad nang mabilis papunta sa tabi ni Neko.

"Upo na po ako," I shyly said as I occupied the seat beside Neko.

She has no choice but to seat next to Eli, who's in between her and Tito Evann, while I am in front of her.

"You want to exchange seats?" nangingiti niyang tanong sa 'kin na ikinagulat ko.

Ilang beses ba kong dapat magulat ngayong araw?

I simply answered, "I'm already comfortable here, tita."

Natawa siya bigla pagkasabi ko n'on. Napansin niya atang napatitig ako sa kaniya kaya humingi siya ng paumanhin, "Sorry, I can't get used to you calling me 'tita'. It's better if you'll call me 'mommy' again, Elise."

Umurong 'yong dila ko pagkarinig n'on.

Wala sa sarili kong bawi, "Nakakahiya naman po! Wala naman na pong rason para tawagin ko kayong mommy." Not unless Eli will marry my oldest sister.

Pain. Pighati. At ano na ngang kasunod n'on? Basta 'yon na 'yon!

"Why?" nagtataka niyang tanong. "I thought you love him?"

Mapakla akong napangiti pagkarinig n'on.

If only she knows what her son did to my poor heart. Ayon, literal na naging poor tuloy ako.

I was out of my mind when I took a glance of Eli beside her.

Magkakasala na naman ako. Nakailang banggit na nga ko sa pangalan niyang isang malaking bad word, mukhang kailangan ko pang magsinungaling.

I smiled a little at him before I looked back at Tita Adrianna.

I confidently lied, "Pagkain nga po napapanis. 'Yong bula, naglalaho. 'Yong traffic lights, may stop. 'Yong bagyo, nalulusaw," huminto ako sa pagsasalita para lingunin ulit si Eli para naman mas magmukhang makatotohanan 'yong pagsisinungaling ko. "Feelings ko pa kaya? I loved him but I was young back then. Napaglipasan na po 'yon ng panahon."

I made sure to put emphasis on 'young'.

Kitang-kita ko kung p'ano nagdilim 'yong mukha ni Eli upon hearing what I said.

I don't know if my hunch was right— that his reaction changed because of my not-so-big-but-a-lie-revelation, but I shrugged it off.

Mahirap na. Ang hilig ko sa ganitong hunch noon pero ayon, luhaan ako sa huli.

"How sure are you?" mariing tanong ni Eli sa 'kin. His eyes are fuming and his jaw is clenching.

Kahit nagulat ako sa biglaan niyang pagtatanong, I managed to think of an answer, "Mas sure pa kaysa n'ong inisip kong mapapangasawa kita." Of course, that was a lie too.

The corner of his lips lifted as he heard of that. He asked, "Really?" Annoyance is visible on his face.

Ba't ba 'to nagagalit?

Kung natatapakan ko 'yong ego niya, pwes hindi ko na kasalanan 'yon. Pulutin niya at itapon niya para 'di maapakan!

I tried to be calm and brave when I answered, "Oo."

He leaned forward as he placed his elbows on the table. He also intertwined his fingers while intensely looking at me.

Ayon lang 'yong ginawa niya but it feels like I am already losing myself. His eyes are hypnotizing me and I am afraid that I might tell the truth anytime soon.

Napalunok tuloy ako ng sariling laway. Para akong kinakapos ng hininga.

Hangin! Kailangan ko ng— ay, ako nga pala 'yong hangin sabi niya noon.

Ang lalim ng boses niya nang itanong niyang, "That's the way you love a person?"

Para kong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig n'on. Bigla akong nakaramdam ng inis at kaunti na lang, masasagad niya na 'yong pasensya kong pilit kong pinahaba sa nagdaang taon.

How dare he to judge my love na hindi niya ni-reciprocate?!

"'Di mo sure kung minahal talaga kita," I brazenly countered. Pang-aasar ko 'yon sa kaniya dahil naiinis na ko.

Napatingin ako kay Tita Adrianna nang mapansing nakatitig siya sa 'kin. Medyo nahiya naman ako dahil baka sabihin niya na ang bastos ko kausap tapos makikikain ako rito ngayon.

Dinugtungan ko na lang 'yon ng, "Bata pa po kasi ako n'on."

"You're lying," Eli confidently commented.

Nakataas 'yong kilay ko nang lingunin ko siya.

Kumalma ka, Elise. The 2024 Elise is kind, patient, and understanding.

Kapag pinatulan ko pa siya, masasayang lang lahat ng pinaghirapan ko to change for the best.

Pagtitimpi ang sagot sa lahat; remember that Elise?

Umayos siya ng upo at saka ako nginisian.

Aba't talagang nakakapikon na 'to ah! Anong nginingisi-ngisi niya? Ilayo niyo sa 'kin 'to. Baka mahalik— erase, erase!

Na-interrupt lang 'yong titigan contest namin nang magsalita si Ate Nilienne. My gaze shifted to her. "Ang tagal mong hindi nagparamdam. We were asking Eli about your whereabouts but even him doesn't know about it. Do you mind if I ask what happened?"

Kumunot 'yong noo ko pagkarinig n'on. Hindi ko naiwasang lingunin si Eli. Pero si bad word, ayon, umiwas kaagad ng tingin kaya napasimangot ako.

Don't tell me, hindi nila alam na naging sila ni Ate Felize? Kinahiya niya ba 'yong ate ko? Sila pa ba?

Pake ko?

Binalik ko 'yong tingin ko kay Ate Nilienne. "Life happens," simple ko na lang na sagot dahil wala na kong masabi.

Kaso nagtanong siya ulit. "Eli told us that you graduated as the batch valedictorian last month. How was it?"

Ano ba 'to, alam ko kakain lang kami pero bakit naman naha-hot seat ako?

At tama ba 'yong narinig ko? Eli told them that news? How did he know?

Pwedeng sa social media accounts ko since I posted there my achievement. Pero hindi naman kami online friends.

Ah, baka kay Ate Felize. Siyempre. Kanino niya pa ba malalaman 'yon?

Hinayaan ko na lang 'yong thought na 'yon.

Dinama ko 'yong feeling that I had during my graduation. I excitedly told them, "It felt surreal. Walking down the red carpet to deliver my valedictory speech gave me different kinds of emotions. Pero what made it special po siguro? I was able to influence my batch mates through that speech."

Ate Nilienne was so amazed when she asked, "Talaga? How so?"

Nahihiya akong napangiti nang sabihing, "Most of them praised me online stating how they got inspired to strive harder and dream deeper. They specifically shared that they got motivated to continue working on something they're passionate with."

Biglang sumingit si Tita Adrianna in an upset tone, "It's a shame that you no longer want to be my daughter-in-law."

I was surprised hearing those words with my own ears. Biglang namawis 'yong mga kamay ko na nakapatong sa binti ko.

I pinched my legs for me to calm down dahil natataranta na naman ako ngayon.

Nakangiti ngunit naiilang kong sabi, "Kayo po talaga, tita, masyadong palabiro."

She just gave me a sad smile afterward.

Anong ibig sabihin n'on? Masyado lang ba kong ilusyonada? O may meaning talaga 'yon?

Pwede bang sabihin na lang nila nang direkta? 'Di naman ako makata to read between the lines.

Parang dati si Eli lang 'yong malabo, ngayon parang pati pamilya niya, nahawaan niya na.

I was preoccupied with the reaction of Tita Adrianna when something grabbed my attention. Through my peripheral vision, I saw how Eli is taking glances of me. Not just twice or thrice but countless of times.

Ba't ang adik nitong tignan-tignan ako ngayon? Dati na gusto ko siyang tumingin sa 'kin, ayaw niya. Para pa siyang diring-diri sa 'kin. Tapos ngayong may girlfriend siya, tingin siya nang tingin. Sira ba siya?

Ay! May mga naging girlfriend nga rin pala siya noon. The difference is that he's in a relationship with my sister. At wala akong balak na maging rason ng break-up nila.

Too painful to remember.

"Tell us more about you," Ate Nilienne requested with a smile on her face.

Kahit medyo nahihiya akong magbuhat ng sariling bangko, I told them everything from SAE Sweets and Patries, modeling, being an ambassadress, potential work in PBA, and so on. However, I refrained from talking about my family.

"If I were your mother, I'd be so proud of you. Baka ipa-frame ko pa 'yong graduation picture mo sa pinakamalaking frame," natatawang sambit ni Tita Adrianna.

I suddenly miss mommy.

Reminiscing the past still brings pain to my chest.

She added, "Nonetheless, I'm proud of you, Elise."

"Thank you, tita," masaya kong pasasalamat sa kaniya.

Napatingin ulit ako kay Eli nang mapansing nakatitig pa rin siya sa 'kin. Pero ngayon, wala na 'yong inis niya.

Grabeng mood swings ah!

"Who wouldn't get proud of Elise?" he suddenly asked without shifting his gaze.

'Yong puso ko... tuluyan na atang mababaliw dahil sa mga titig at sinasabi niya.

Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kayang magpanggap na wala na siyang epekto sa 'kin.

Those thick eyebrows, captivating eyes, pointed nose, perfect jawline, and those kissable lips.

Napaiwas kaagad ako ng tingin nang mapansin kong sa iba na ko nakatitig.

Kainis na mga mata 'to! Hindi marunong makipag-cooperate. I've been trying to act normal here, ano ba?!

I was busy telling my heart to stop from beating so fast when Tito Evann said something that made me smile from ears to ears. "If you accept that offer from PBA, let us know your sched. We'll watch that game."

Nagpatuloy 'yong kwentuhan namin dahil d'on. Hindi ko na nga magawang tanggalin 'yong ngiti sa mga labi ko.

It feels great that I am still welcome in this family. Nakakakilig. Ang sarap sa pakiramdam. Pero... hindi pwede.

Maya-maya lang din, natigil na kami sa kwentuhan nang dumating na 'yong mga pagkain.

Ang dami naman! Parang lalo tuloy akong nagutom sa mga nakikita at naaamoy ko.

Pero siyempre, kaunti lang 'yong kinuha kong garlic rice. Duh! Baka magmukha naman akong PG dito. Rated SPG lang 'yong gusto ko— ay, joke!

Kinuha ko na 'yong sandok sa inihaw na liempo nang bigla akong tulungan ni Eli. Inangat niya 'yong lalagyan para hindi ako mahirapan.

This is the first time he did this for me. I was surprised as much as I felt a palpable tingling sensation inside.

Napatitig ako sa kaniya. His eyes were fixed on me.

Parang sirang nanginginig 'yong mga kamay ko habang sumasandok ako. I simply said, "Thanks," nang matapos ako sa ginagawa.

Umamba akong kukuha ng inihaw na pusit nang si Eli na 'yong kumuha n'on para sa 'kin.

Hindi ko na napigilang mapairap sa kaniya.

I don't know why and how pero bigla akong nanggalaiti sa ginagawa niya.

What is he, insert bad word, doing?

Ayan ah! Muntik pa kong makapagmura.

Kainis kasi siya! Ano ba 'yon? Bakit ba siya nagpapapansin sa 'kin?

N'ong nawala ba ko ng isang taon, kinulang siya sa pansin?

"Thanks," walang gana kong saad pagkatapos niyang maglagay ng pusit sa plato ko.

Good thing that while we were eating, Neko kept on talking beside me, so my mood lightened up. I happily acknowledged his stories. He's really cute.

I continued eating while listening to them. Mukha lang akong kalmado pero parang gusto ko ng ubusin 'yong pagkain sa mesa. Mukha lang akong okay pero hindi ko na kinakaya 'yong mga tingin ni Eli.

That bad word! Parang dati lang siya 'tong nagsasabi sa 'kin na staring is rude. Rude-rude ko mukha niya— ay, bad 'yon! Hindi ako bayolente.

I did my best to calm down kahit halo-halo na 'yong emosyong nararamdaman ko. I still can't grasp everything that is happening.

I also tried joining them in their conversation kapag sinasali nila ko. Pero hindi talaga ko masyadong maka-relate kaya tamang ngiti na lang o kaunting sagot.

Magmukha pa kong nonsense na tao kapag pinilit kong chumika.

When we were done eating, Tita Adrianna disappointedly told me, "We have to go, Elise. We have an important appointment to attend to. Too bad, I still want to catch up with you."

Parang lumambot naman 'yong puso ko pagkarinig n'on. I smiled at her. Muntik ko ng masabing 'next time' pero buti na lang talaga ay napigilan ko 'yong sarili ko. "Who knows we'll bump on each other again, tita."

Napalingon ako kay Tito Evann nang ibigay na sa kaniya ng waiter 'yong bill.

Napakapa-kapa tuloy ako sa bulsa ng pants ko. Kinabahan ako ng isang paper bill at isang coin lang 'yong nahahawakan ko.

Yare!

"May ambagan po ba?" kinakabahan kong tanong.

Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin, including Eli, at saka sila napatawa. Tinitigan ko si Eli to check if he's also laughing at me but he wasn't.

Nakangiti lang siya. Iniwas ko na lang kaagad 'yong tingin ko.

"Don't worry, Elise, treat ni daddy 'to," sambit ni Ate Nilienne kaya nilingon ko siya. She was smiling when she added, "Hindi ka naman na iba sa 'min."

My heart jumped out of happiness. Siyempre, wala akong iaambag eh. Baka 'di na ko makauwi kung singilin pa nila ko!

"Hatid na kita," Eli offered out of the blue.

I looked at him with my confused eyes.

Anong pinagsasasabi nito? Nabagok ba 'to? Nagka-amnesia? O baka may taning na buhay niya kaya nagpapakabait siya?

Pero sa tatlong salita na 'yon, para akong nanghina.

"Huwag na," I declined. "Malapit lang naman 'yong tinitirhan ko mula rito," I added trying to be emotionless.

Duh! It's a prank. My emotions are overflowing na halos hindi na ko makahinga nang maayos.

For the first time, Eli wants to bring me home without anyone telling him. It was new and I can't just shrug it off.

Nagulat ako nang nakita ko kung p'ano nagtiim 'yong bagang niya dahil sa sagot ko.

Oh? Ba't siya nagagalit?

"We really have to go now. Una na kami," nakangiting pagpapaalam ni Tita Adrianna at saka sila tumayo.

I also got to my feet dahil baka maiwan pa ko rito kasama si Eli.

Hindi ako prepared. Baka magkabukuhan pa kung ano 'yong totoo kong nararamdaman para sa kaniya.

"Thank you po ulit. Alis na rin po ako," nakangiti kong sambit.

Nang maglakad na sila palabas, sumabay na ko. Ewan ko kung nakasunod sa 'min si Eli o hindi.

So what?

They turned to the right direction while I turned left.

Nang medyo makalayo na ko mula sa restaurant, binagalan ko na 'yong lakad ko.

Hindi naman siguro ko susundan ni Eli? Ba't niya naman ako susundan? Mahiya nga siya kay Ate Felize—

"Elise." I heard someone calling me and I am so sure that it was Eli.

Pero pinagpatuloy ko lang 'yong lakad ko.

Laking gulat ko na lang nang may marahang humawak sa braso ko kaya napahinto ako. Para akong nakuryente r'on kaya napapiglas ako.

That touch.

I turned around and I confirmed that it was him. I was right.

"Bakit?" seryoso kong tanong. Pinipigilan 'yong kilig ko. "Sa 'yo ba mag-aambag?"

I stared at him and I can see how his eyes are showing various emotions.

Hinawakan niya ulit ako sa braso at saka marahang hinatak papunta sa gilid.

"Pwede ba? Bitawan mo ko," pagsusungit ko sabay tanggal ng kamay niya sa braso ko.

This way, I will be able to mask myself as someone who's not into him. Deep inside, I was trying hard to not stutter.

Kailangan kong maging matatag ngayon. At kung kailangan kong ulit-ulitin sa sarili kong girlfriend niya ang kapatid ko, gagawin ko hanggang magiging totoo na hindi ko na talaga siya gusto.

Masyado ng masakit 'yong mga nangyari noon. At masyado na ring maraming kabit sa Pinas, wala akong balak dumagdag pa sa populasyon nila.

"Let's just talk," mahinahon niyang sambit. Ang amo-amo ng mukha niya ngayon.

Ano namang pag-uusapan namin?

Whatever it is, I don't want to hear it. Naka-move forward na dapat ako eh. Tapos guguluhin niya ko?

Mariin kong saad, "Wala akong time. Bye."

Tatalikuran ko na sana siya nang mapahinto ako dahil sa tinanong niya. "May boyfriend ka na ba?"

Wala sa sarili akong napatawa. 'Yong tawang naiirita.

"Wala. Pero as usual, maraming nakapila," I paused as I raised my right eyebrow at him. "Pwede na ba kong umalis?"

Hindi ko alam kung ako lang 'yon pero nakita kong biglang sumaya 'yong mukha niya.

He has this teasing smile when he asked me in a deep voice, "Won't you ask if I have a girlfriend?"

Marahas akong napabuga ng hininga dahil sa narinig. Is he being real? "Pake ko?" hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya.

Pero medyo kinakabahan ako dahil baka hindi na pala sila ni ate kaya siya ganito umakto. Pero baka sila pa and he's just playing with my heart.

Either way, 'di ko na siya kailangan sa buhay ko. Hindi na.

Hindi na nga ba talaga?

Hindi niya pinansin 'yong tanong ko. Instead, he said, "I never had—"

I cut him off. Ayaw kong marinig kung anong sasabihin niya. "Bye. Ayaw ko ng drama."

I was finally able to face my back at him as I started taking steps away from him. However, I got glued to my spot when he asked something I don't want to answer.

"Do you still love me, Elise?" mahina lang 'yong pagkakatanong niya n'on pero sapat na para marinig ko.

Napalunok ako ng sarili kong laway.

Nanlamig bigla 'yong mga kamay ko. I unconsciously got teary-eyed with the overwhelming feelings inside.

I wanted to beg him to stop doing this to me because I am also human. I get hurt, I stumble, and I have my limitations.

He hurt me for how many times back then as if it was his expertise. Why is he acting like this now when I was trying to live my life, continually grow, and fully heal?

Whatever he is doing right now, huwag niya ng idamay 'yong puso kong matagal ng nananahimik.

I took a deep breath to shoo away the tears that are wanting to escape from my eyes.

Lakas-loob ko siyang nilingon at seryosong sinabing, "May pagtingin pa naman ako sa 'yo," huminto ako. I saw how his eyes sparkled. "Nandidilim nga lang."

Tinalikuran ko na siya at 'di ko na hinintay pa kung magre-react siya.

Kahit nanghihina 'yong mga tuhod ko at kahit unti-unti ko na namang nararamdaman 'yong sakit, dali-dali akong lumabas sa mall.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top