Chapter 21: To be enough

Chapter 21: To be enough


Leaving my room in the morning after crying all night was a tough decision to make.

Sino ba namang gustong ibalandra sa mundo 'yong namamaga nilang mga mata? Wala namang gan'on 'no! Pero siyempre iba na ang usapan kapag gutom na ang kalaban.

Kasalanan kasi 'to ni Laurice kahapon. Kung hindi siya tanong nang tanong at kung hindi niya ko niyakap, hindi ako iiyak nang iiyak.

Pwede pa siguro 'yong konting iyak pero hindi 'yong inabutan na ko ng gabi pero humahagulgol pa rin ako. Anong oras na, hinahanap ko pa rin 'yong rason ba't 'di nila makita 'yong worth ko.

Masakit na nga mga mata ko, iniisip ko pa rin kung masarap ba kong saktan. Para kasing enjoy na enjoy pa sila.

Napahinga na lang ako nang malalim at saka napatingin sa salamin dito sa CR.

Hindi naman kasi kasama sa plano ko 'yong umiyak nang umiyak eh.

Gusto lang atang makita ni Laurice na pumangit ako kahapon pero, duh! Never mangyayari 'yon. Tatangkad muna— ay bawal na nga pala 'yong mga gan'ong joke dahil 'di 'yon funny.

Naghilamos, nag-toothbrush, at nagpalit na lang muna ko ng damit bago lumabas mula sa kwarto ko. I had no choice but to go downstairs to eat breakfast with my family.

When I entered the dining area, everyone was already there. Good thing, wala si Eli rito ngayon dahil kung nagkataon na nandito siya? It would be a shame to me if he witnesses me at this state.

Tahimik lang akong tumabi kay Laurice at tamang yuko-yuko lang para 'di na nila ko mapansin. May pinag-uusapan sila habang naghihintay kami ng pagkain— as usual, business.

Napahinga ako nang malalim.

Ilang beses na ba kong huminga nang malalim ngayong araw? Hindi ko na rin alam.

Ang bigat-bigat kasi talaga ng loob ko while I am in the same table with them.

Pwede palang mangyari 'yon 'no? Na makaramdam tayo ng bigat ng loob kapag kasama natin 'yong ilang miyembro ng pamilya natin.

Medyo napaangat 'yong tingin ko nang marinig kong nagtatawanan sina mommy at Ate Felize. They look fine and unbothered.

Napayuko na lang ulit ako at saka napangiwi.

I have no one to blame for this overflowing pain but myself.

Sabi nila, kapag mas mahal mo raw 'yong sarili mo kaysa sa taong gusto mo, hindi ka na masasaktan nang husto. That was a lie.

Kung mahal na mahal ko si Eli, times three naman 'yong pagmamahal ko para sa sarili ko 'no! Pero heto ako, nalulunod pa rin sa sakit ngayon.

Wala naman kasing hard, average, at easy kapag nasaktan na eh. Hindi rin tayo makakasagot ng 'kaunti lang' kapag tinanong tayo kung masakit ba.

Wala ring pause. Walang fast forward. Kailangan damang-dama at lasang-lasa natin bawat pait.

Basta kapag nagmahal ka, masasaktan ka. 'Yon ang sigurado.

Partida, si Eli pa lang 'yong minahal ko pero feel ko pasado na ko para makapagpayo sa ibang broken-hearted.

Naagaw nina mommy at Ate Felize 'yong atensyon ko when I heard them changed their topic from business to a South Korea trip. Napaangat ako ng tingin sa kanila.

Pero mukhang maling desisyon 'yon dahil sa 'kin na napunta 'yong atensyon ni mommy. Napakagat kaagad ako sa ibaba kong labi nang magtama 'yong tingin namin at saka ako napayuko ulit.

"Magang-maga 'yong mga mata mo ah. Don't tell me it was because of Felize and Eleazar's relationship status?" mommy mockingly asked me. On cue, it gave pain and anger to me. "You're unbelievable, Elise!" dugtong niya pa nang hindi ako sumagot.

Namamawis na 'yong mga kamay ko dahil sa namumuong galit sa loob ko. I tried to close my eyes to stop that emotion.

"Felicity!" narinig kong saway ni daddy kay mommy.

When I opened my eyes, I knew that I failed to stop it— anger is still with me.

"Bakit, Sevan? May mali ba sa sinabi ko?" galit na tanong niya kay daddy.

Bahagyang itinaas ko 'yong ulo ko para makita sila.

Mommy is staring at my direction with her judging looks and raging eyes. "Hindi ka ba masaya para sa ate mo, Elise?" tanong niya. "Hindi ako makapaniwala kung p'ano ka nag-walk out kahapon ah. Ano namang akala mo? Nasa TV series ka?" Sarkastiko siyang napatawa pagkatapos magsalita.

My blood was boiling and I know that one more triggering word, sasabog na ko sa inis.

Tinignan niya si Ate Felize mula sa gilid niya at saka siya hinawakan sa pisngi. "Sino ba namang hindi mai-in love sa ate niyo? Look at her! Smart, gorgeous, and successful." Nilingon niya ko at saka tumawa nang mapang-insulto. "Matulungin pa at mabait. Walang arte sa katawan," dagdag niya pa.

My face and my hands flushed out of anger. Sobrang nanginginig na sa galit 'yong katawan ko.

"How could you be this cruel, Elise?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin. Parang dinurog 'yong puso ko dahil sa sinabi niya.

Mommy has always been like this towards me but today is an exemption. I'm done.

Anak niya lang ako pero anak niya rin ako para respetuhin niya.

I tried to be calm but it was hard for me to do so because of my grinding teeth; I emotionally asked, "Kapag nasaktan po ba, bawal na ring umiyak? Kapag nagmukmok, disrespect and unhappiness na kaagad para sa iba? What should I do then? Magpa-party kasi 'yong ate ko, naging girlfriend ng taong gusto ko for how many years? Maging sobrang saya katulad niyo?"

"Elise! 'Yong bibig mo," nanggigigil na saway sa 'kin ni mommy. I couldn't help myself anymore but snort na mukhang hindi nakaligtas sa paningin niya. "Ayan ba 'yong natututunan mo sa mga kaibigan mo? Choose your friends wisely naman, Elise!"

Sa sobrang galit na nararamdaman ko, nangingilid na 'yong luha sa magkabila kong mga mata. Nanlalabo na rin 'yong paningin ko.

Ang dami-dami kong gustong sabihin ngayon. I want to tell her how painful it was to see and hear her always snickering and mocking me but I just couldn't. I want to let her know that I also want to get praised by her for the way she praises her favorite child.

However, I don't have the heart to tell all those things to her because deep down in my mind, I'm afraid that it would lead her to unacknowledge me as her child.

Noon pa nga lang, hirap na kong makita siyang naa-appreciate 'yong bawat achievement ko. What more if I learn to be vocal about my feelings?

That'd be a disaster.

Natahimik na ang mesa nang ilang minuto, not until Laurice spoke out of nowhere.

Kabadong-kabado ako nang itanong niya, "Why are you defending Ate Felize that much? Is it easier to always blame Elise for everything than to ask her whys and hows?"

Kinunutan ko siya ng noo at saka siniko. Baka madamay pa siya sa ginagawa niya. Pero hindi niya ko pinansin.

Napabalik kay mommy 'yong atensyon ko nang galit na galit niyang pinagbalingan si daddy, "Nanggigigil ako rito sa dalawa mong anak, Sevan. Pagsabihan mo 'yang dalawa!" Tumigil siya para ilipat ang tingin kay Laurice. "Kinakampihan mo pa 'yang si Elise? Kailan ka pa naging ganiyan, Laurice? Sige, ipagpatuloy mo 'yan. Kaya nagiging sutil 'yang ate mo eh!"

I bowed down my head with the embarrassment and anger I am feeling inside. Halo-halo na 'yong nararamdaman ko at feeling ko, ako si Mt. Elise na sasabog na naman any minute.

I repeatedly pinched my left hand in the hope to calm down. Pero ang hirap. Ang hirap-hirap.

The idea I've been having for quite some time suddenly crossed my head. Maybe, this is the right time to say this.

Inangat ko 'yong tingin ko kay mommy at pinilit kong ngumiti. Para naman ipakita ko sa kaniya na kahit anong mangyari, I have my respect for her.

May kumawala pa ngang luha sa magkabila kong mata na kaagad ko namang pinunasan gamit 'yong nanlalamig kong mga kamay.

Pati 'yong mga labi ko, nanginginig na rin. Parang may kung ano pang nakabara sa lalamunan ko kaya nahihirapan na kong makapagsalita. Still, I need to be brave now; this is my last resort, "Huwag po kayong mag-alala, I'll be out of your sight soon. Aalis na lang ako—"

"Tignan mo 'tong si Elise," nanggagalaiti niyang saad habang matalim 'yong titig sa 'kin. Hindi niya man lang ako pinatapos sa sinasabi ko. Halos mabulol pa siya sa galit nang tanungin niya ko, "Bakit, may pupuntahan ka? Nagmamalaki ka na?"

Instead of letting anger spread through my body, I chose to be calm and did my best to give them at least a half-smile again.

I respect mommy more than anyone else. If it wasn't for her, I won't exist.

In a low tone of voice and through shaking lips, I revealed, "I carefully thought of this idea overnight. I've actually been thinking of this since I started studying in college..." Huminto ako para humugot ng hininga. Pero halos mabasag pa rin 'yong boses ko nang sabihin kong, "I'll live in Manila."

I heard how mommy mockingly laughed at me but I chose to disregard that and have a presence of mind. I even tried to be lively when I shared, "Para hindi na po ako mahirapang pumasok. Hindi pa sayang sa pamasahe sa taxi o mamahaling transport services."

I was a fool when I tried to laugh with nervousness rushing through my veins.

I smiled again. "I'll start anew," 'yon na 'yong huli kong nasabi. Pakiramdam ko, naubos na 'yong lakas ko.

Nakita ko kung paano ako nag-aalalang tignan nina Ate Maricor at Ate Karen nang ihain na nila 'yong mga pagkain sa mesa. I simply smiled at them para hindi na sila mag-aalala.

Ang laki-laki ko na. Kaya ko na 'yong sarili ko 'no!

Maybe. Or maybe not?

"Sige. Forget about your credit and debit cards," mas mahinahong saad ngayon ni mommy. I wasn't shocked nor surprised upon hearing that. I've expected this. Pero siyempre, it's still disappointing. "Bring them back before you leave my house. I'll cut them all," mariin niyang dagdag.

Napatango-tango na lang ako bilang sagot habang pinipigilan 'yong luha ko sa pagtulo.

It was disappointing because we have to come to this point. It feels like I am a black sheep in the family.

Daddy was fuming when he commented, "That's too much, Felicity."

Inis at hindi makapaniwalang tumawa si mommy. "Too much? Sige, hindi ko na rin susuportahan 'yan." She firmly looked at me. "Kapag nalaman ko lang na may tumulong diyan pagkaalis niyan dito, mag-empake na kayo."

I looked away. I cannot stand seeing mommy being this extremely mad at me.

Feeling ko, I have never done something right in my whole existence. That I am a failure in this family.

Pabagal nang pabagal 'yong hininga ko. Pabigat na rin nang pabigat 'yong damdamin ko.

What's wrong with being Elise? What's wrong with being me?

I've never been this too emotional in my whole life because I always choose to see the brightest side. Palagi ko pang dinadaan sa joke lahat dahil ayaw ko ng too much seriousness sa buhay ko.

Pero hindi naman sa lahat ng oras, malakas ako eh. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, tatahimik na lang ako para walang gulo.

Dati ang gusto ko, maging fashion model; pero ngayon? Parang gusto ko na lang maging enough.

Napabuntong hininga na lang ako.

Maya-maya lang din naman, kumpleto na 'yong pagkain sa mesa kaya tumahimik na ang lahat. I tried to be decent while we were eating together.

Pero si mommy, kanina pa nananadya. Hindi naman pwedeng assuming lang ako kung maya't maya na siya sa obvious niyang pagpaparinig. Tulad ngayon, "Ate Felize, kain ka nitong gulay para hindi ka mahawa sa kumakalat na sakit— kasutilan."

Tumikhim si daddy at mahinang sinabi, "Respect the food, please."

Wala na ulit nagsalita pagkatapos n'on. We were silent when we finished our food.

Bago pa man may makaalis sa mesa, I finally had the guts to tell them, "Nagmo-model po ako."

Tinignan ko sila isa-isa para makita kung anong reaksyon nila. Laurice was carefully looking at me, daddy was the usual, Ate Felize was shocked, and mommy looks displeased.

Their reactions were overwhelming but I continued in a calm voice yet in an excited tone, "I actually quit my job recently. Pero nakuha po akong ambassadress sa isang cosmetics company. It was great," naiilang akong tumawa. "Would I look too needy if I say that I still look forward to getting an offer from a clothing company again?"

"Nope," Laurice answered in an instant that fluttered my heart. Napatingin ako sa kaniya. For the first time since the argument happened today, I was finally able to smile genuinely.

Pero kaagad ding nawala 'yon nang sumingit si mommy. I stared at her while she was insulting me more than of asking me, "Pagmo-model? Anong napapala mo riyan? Picture-picture sa harap ng mga camera? Tapos ano? Hindi naman pang-matagalan 'yan, Elise. Kailangan diyan 'yong mga bata. Kapag tumanda ka? Hindi ka na nila kukunin."

Tinaasan niya pa ko ng kilay. "Look at those popular models, they look like they are being starved of food," nandidiri na hindi makapaniwala niyang saad. "Alam mo ba kung p'ano ka makikita ng mga tao? Puro ganda lang, walang utak."

Biglang tumulo 'yong luha ko pagkarinig n'on. Dinaig niya pa 'yong earthquake sa pagpapayanig ng mundo ko.

Mommy really has the ability to make me feel less.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo. She rolled her eyes at me before she darted her deriding eyes at me. "Wala ka talagang diskarte sa buhay. Ayusin mo nga mga desisyon mo."

I bit my lower lip to stop myself from crying but I couldn't.

I strongly believe that life is meaningless if we won't take risks. The questionable 'usual' will never change if we won't be the change itself.

Lakas-loob akong nagsalita sa kalmadong tono, "All of those are just misconceptions, mommy." Marahas siyang napahawak sa beywang niya at saka itinaas 'yong kaliwa niyang kilay pagkasabi ko n'on. Nginitian ko siya. "They are also important in the industry. Sila 'yong nagpapakita sa 'tin kung anong hitsura, dating, at style ng mga damit. The actual look."

Huminga ako nang malalim at hinayaan ang sarili na ilabas lahat ng nararamdaman ko, but respect was still there, "They also help companies to sell their products. Katulad sa mga binibilhan po ninyong online shops, isa sila sa mga rason bakit tayo naa-attract sa mga damit. Na ang ganda pala kapag suot na."

Napatingin ako sa kamay ko nang maramdaman kong hinawakan ni Laurice 'yon. I smiled a little bago pinunasan 'yong magkabila kong pisngi gamit 'yong isa kong kamay.

"As much as fashion carved culture and history, fashion models also help in reflecting the trends and fads in every century that has passed." As my last words, I said in all smiles, "Modelling is a form of expression that lets us influence and give awareness to the masses. Body positivity, breaking the societal beauty standards, own fashion styles, and the list continues."

Sarkastikong tumawa si mommy. Saad niya, "Pinaganda mo lang," bago siya umalis.

Kasunod niya, umalis na rin si Ate Felize. It was my cue to leave the dining area with a heavy heart.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top