Chapter 20: Game over
Chapter 20: Game over
When I thought things are going my way, life will always have something to give me pain.
"Signing of contract na?" mahina ngunit pasigaw kong sambit sa sobrang gulat.
Nakailang pikit at dilat pa ko para siguraduhing hindi ako namamalikmata— na tama 'yong nakikita ko sa phone ko. I even zoomed in the sender's email address, my indicated name, and the message itself.
Pero totoo talaga. Real na real!
Halo-halo 'yong emosyon na nararamdaman ko ngayon but all these emotions lie to an overflowing happiness.
"Yes, yes, yes!" tuwang-tuwa kong sigaw. Napatayo pa ko sa higaan ko at saka nagtatatalon habang hawak 'yong cellphone ko.
"Elise! You're being too loud again," narinig kong saway ni Laurice mula sa labas ng kwarto ko kaya napatigil ako sa pagtalon.
Imbes na mainis sa pagiging killjoy niya, I jumped out of my bed at dali-daling tumakbo sa pintuan. I immediately opened the door at nakita kong hindi pa siya nakakalayo.
Tinakbo ko 'yong pagitan namin at saka ko siya hinawakan sa kaliwang braso. Napahinto naman siya sa paglalakad.
"Nakuha ako! Nakuha ako," sobrang sayang balita ko sa kaniya.
Mula sa masungit niyang mukha, her face suddenly lightened. "Where? What?" naguguluhan niyang tanong pero ramdam ko 'yong excitement sa boses niya.
I leaned towards her ear to whisper, "Ambassadress of a cosmetics company."
Ngiting-ngiti ako nang lumayo ako sa kaniya para tignan 'yong reaksyon niya. I saw how a smile formed on her lips.
"Congrats, Elise," maikli niyang bati but that was more than enough to bring me so much joy. It makes me happy knowing that someone is celebrating my victory with me today.
Hindi naman kasi pwedeng ipagsigawan, I am afraid that mommy will know about it. If it happens? That'd be a disaster!
Sinukbit ko 'yong kanan kong braso sa kaliwa niyang braso. At kahit nakita kong naaasiwa 'yong mukha niya sa ginawa ko, hindi ako nagpatinag.
"La, la, la, la, la," nakangiting kanta ko habang sabay kaming naglalakad ni Laurice pababa. "Elise will finally get photographed again," natutuwa ko pang bulong.
I can't help but to picture out myself in the studio, posing in front of the cameras, and having a long list of connections again.
Biglang tumigil si Laurice sa paglalakad nang makababa na kami kaya napatigil din ako. Nilingon ko siya only to see worry wrapping her face kaya napakunot ako ng noo.
Nagtataka ko siyang tinanong, "Bakit?"
Dahan-dahan niya kong tinignan bago mahinang sinabi, "Have you read the contract already? Ambassadors need to help a brand through publicity, mind you, Elise."
Napakagat ako sa ibaba kong labi. Hindi ko 'yon naisip. Being a fashion model is way different from being an ambassador. I forgot that fact because of excitement.
I haven't read the contract yet and the CEO wasn't able to discuss that too.
"That's common sense, Elise. Aren't you aware about that?" mahinang tanong ulit ni Laurice that left me dumbfounded for a second or two.
Good thing, a bright idea suddenly popped on my head.
Napangiti ako nang maisip 'yon.
Tinignan ko nang maigi si Laurice at saka nakangiting sinabi, "May private account naman ako sa isang social media platform. Walang account d'on sina mommy, so I'm safe. I'll make things work!"
Napahinga siya nang malalim pagkasabi ko n'on. Her eyes were full of worry and concern.
Seeing Laurice being like this is a breath of fresh air more than agitating. It feels like someone is just here by my side, who is genuinely concerned about me.
"When you get caught, know that you are not doing anything wrong," mahina niyang saad bago humiwalay sa 'kin.
Nauna na siyang dumiretso sa dining area pero sumunod din naman agad ako.
I noticed how her steps slowed down upon reaching the dining area, so I got curious. Nagmamadali akong pumunta r'on and to my shock, Eli was inside beside Ate Felize.
Napahinto ako sa kinatatayuan ko at napangiti na lang nang sobrang lapad. Napabulong ako sa sarili, "Nagpa-pratice na ba 'to maging son-in-law nina mommy at daddy?"
P'ano ba naman, napapadalas na 'yong punta niya rito!
Dito na rin kaya siya tumira? I won't mind seeing him around. Nakaka-inspire pa maging productive n'on kung nagkataon!
I tucked some of my hair strands behind my ears as I smiled so sweetly.
My heart is beating so fast and I can feel how excitement is shaking my whole existence. Because who wouldn't?!
Napunta 'yong tingin ko sa bouquet na nasa bakanteng upuan sa tabi ni Eli. Nanlalaki 'yong mga mata ko nang titigan ko 'yon.
Para sa 'kin ba 'yon?
Grabe naman si Eli! Aakyat na ba siya ng ligaw? Hindi man lang siya nagsabi para sana nag-dress pa ko!
It's just days since we last met. He really has gone gaga over me, huh?
Nakangiting napailing-iling ako nang tuluyan na kong pumasok sa loob. Their eyes are darted on my direction as I took a seat beside Laurice.
Nakatingin lang ako kay Eli the whole time but I can't catch his sight.
Ang ilap naman ng isang 'to! Manliligaw tapos mukha namang nahihiya.
Okay lang 'yan. Ako lang naman 'to! Huwag na siyang mahiya.
"Let's eat," seryosong sambit ni daddy nang nasa mesa na lahat ng pagkain.
Nakangiti lang ako habang sumasandok ng fried rice at tapa.
No one was talking the whole time we were eating.
Tensed ba sila? Ano ba 'yan! Nahahawa na tuloy ako.
Parang may manliligaw lang sa 'kin, kinakabahan na agad sila? P'ano pa kapag nag-propose na si Eli para pakasalan ako?
When I finished my meal, I gently placed my spoon and fork side by side in the middle of my plate, making sure its pointing 12 o'clock.
Uminom na rin muna ko ng tubig, trying to calm my heart down. Hindi ko mapigilan 'yong umaapaw kong saya kaya napakagat na lang talaga ko sa ilalim kong labi.
Maya-maya lang din, Eli finally had the guts to get our attention by clearing his throat.
Napatingin kaming lahat sa kaniya. Ramdam na ramdam ko 'yong pagpungay ng mga mata ko. My excitement is getting bigger second by second.
Ang tagal naman kasing sabihin—
"Felize and I are in a relationship," mahinahong anunsyo ni Eli. Tinignan niya pa kami isa-isa.
Unti-unting nawala 'yong ngiti at sayang nararamdaman ko kanina. I was stunned. Parang niyanig 'yong mundo ko sa narinig.
Ramdam na ramdam ko kung paanong parang pinipiga 'yong puso ko.
No one was able to say something for a minute. I was the one who had the courage to broke the silence. Mabagal at wala sa sarili kong tanong, "Kayo na?"
Napunta sa 'kin 'yong atensyon nila pero diretso lang 'yong tingin ko kay Eli. He caught my gaze and seeing him doing that with ease throws knives at my heart.
At the back of my mind, I hoped that he would tell me that it was a prank. Pero tuluyan na kong nabasag nang sabihin niyang, "Yes."
He even smiled a little at me as his left arm moves. I saw how he reached for Ate Felize's hand to show us their intertwined hands.
Para akong sirang nakatitig d'on.
Sobrang sakit. Pabigat na nang pabigat 'yong nararamdaman ko. I felt how tears are wanting to escape from my eyes but I did my best to prevent it from falling by pinching my left hand.
Wala naman kami sa lamay. Wala ring nadisgrasya. Pero 'yong puso kong patay na patay kay Eli, nagluluksa na ngayon sa pighati at sakit.
Bigla na lang akong napangisi at sarkastikong napatawa. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko but I am trying to fool myself. That maybe, all of these are fake.
"Ang labo mo na nga, ang labo pa ng mga mata mo," I smilingly said in a bitter tone to Eli. Nilingon ko si daddy at saka tinanong, "Daddy, may kilala po kayong ophthalmologist, 'di ba? Kailangan ata ni Eli," huminto ko para lingunin ulit si Eli na nakatitig pa rin sa 'kin. "Para makita niya naman 'yong worth ko."
"Elise," mariing pagsaway ni mommy sa 'kin kaya napalingon ako sa kaniya.
I tried my best to smile but I was only able to give them a half-smile.
"Just kidding," mahina kong sambit at saka nilingon sina Ate Felize at Eli. It was too hard for me when I blurted out, "Stay strong."
Humalukipkip na ko sa pwesto ko. Ang dami kong gustong itanong. Ang daming bumabagabag sa isip ko pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin lahat ng 'yon.
All that I can do right now is to join my heart as it breaks so hard.
Ate Felize is my oldest sister and it would just be right to be happy with their relationship. That's what I'm thinking right now pero hindi kasi ma-process ng utak ko eh. Hindi ko matanggap agad-agad.
I'd be a fool to say that I am fine seeing them together as lovers because I'm not. I hope I was her but I don't want to be like her— she knew how much I love Eli but she still committed to this relationship anyway.
Ano 'yon? Bakit gan'on?
Hindi ko alam kung ilang beses akong huminga nang sobrang lalim. Hindi ko rin alam kung nagsusugat na ba 'yong ibaba kong labi kakakagat ko rito. I just don't want to cry in front of them.
"Since when you've been together?" daddy asked out of the blue.
Napatingin na lang ako sa mga kamay kong magkasalikop na nakapatong sa mga binti ko. Hindi ko sila kayang tignan. Para ko na ring tino-torture 'yong sarili ko kung gan'on.
"Felize said 'yes' yesterday, tito," kalmadong sagot ni Eli kay daddy.
No one was able to say something again for quite a while not until daddy got into his feet. "I'm disappointed," he was too upset when he uttered that.
Hindi na nagsalita pa si daddy. Narinig ko na lang 'yong pag-urong ng upuan at paglayo ng mga hakbang niya.
"Baka shocked lang si Sevan," kalmadong sambit ni mommy. I raised my head to see her and she's all smiles.
Really?
Napangisi ako sa nakita. Pigang-piga na 'yong puso ko ngayon.
How could they be this happy right now? Am I a joke for them? Does my feelings look like a joke for them too?
Pero sino ba naman kasi ako, 'di ba? Sino ba naman ako para maki-join sila sa lungkot ko? Hindi naman 'to groupings para damayan nila ko.
Napahinga ako nang malalim at saka ipinikit ang mga mata ko.
Elise, you need to set him free now because if not now? Kailan pa? Kapag kasal na sila? Kapag may anak na sila?
I should have accepted from the very beginning na wala akong laban. Lahat ng bagay kaya kong kunin kapag gusto ko pero hindi naman bagay si Eli eh. Tao siya. Pangarap ko siya.
People might be right when they say that there will always be an exemption in everything.
In my life, it is Eli; I can't have him no matter how much I try.
Dumilat na ko and good thing, nagawa kong pigilan 'yong pag-ngilid pa lalo ng luha ko. Huwag lang akong tataksilin nito katulad ng pagtataksil ni Ate Felize.
Mahal ko si Eli. Mas nauna kong mahalin si Ate Felize. At sapat na 'yong pagmamahal na 'yon para palayain ko na si Eli.
Hindi naman naging kami pero ang sakit-sakit. Uso naman 'to eh— 'yong ma-heart broken kahit never naging kayo o nagka-label.
"Mahal niyo ba 'yong isa't isa?" nakangiti kong tanong. Kalmado. Pinipigilang huwag pumiyok.
Mabilis na sumagot si Eli, "Yes," at saka niya nilingon si Ate Felize para ngitian.
"You're not doing this to shoo me away?" seryosong kasunod kong tanong, trying not to sound bitter.
Pareho nila kong tinignan at sabay pa silang napatawa. Pero wala namang nakakatawa.
"Of course not, Elise!" natatawang saad ni Ate Felize kaya tumango-tango na lang ako.
Can someone explain to me kung ano 'yong mga titig ni Eli sa 'kin n'ong nakaraan? Ano 'yong halikan namin? He even mentioned back then that he was going crazy because of me.
Sigurado ko sa mga nakita ko eh!
Lakas-loob kong tinanong si Ate Felize, "He kissed me, alam mo ba 'yon?"
Wala akong nakitang gulat sa mga mata niya. She simply smiled at me as if what I said isn't shocking or bewildering.
"Ano 'yon?" gulat na tanong ni mommy pero hindi ko siya pinansin. Kahit si Ate Felize, nakikipaglabanan lang ng titig sa 'kin.
"I do," she calmly said but her eyes were challenging me.
I conceded defeat.
Nginitian ko sila bago sinabing, "Okay. Stay strong ulit."
Tumayo na ko at bago umalis, seryoso ngunit emosyonal kong sambit na halos pakanta na, "Saan nagkulang ang aking pagmamahal? Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang. Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na? Ako ang kasama, pero hanap mo siya," huminto ko at saka dinugtong, "By Moira Dela Torre."
Dali-dali akong naglakad palayo pagkasabi n'on. Diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan hanggang sa makalabas na ko sa bahay.
Napahinto ako sa tapat ng pinto at saka napatingin sa langit.
Sa mga series at movie, kapag malungkot 'yong bida, umuulan, 'di ba? Pero bakit ang taas ng sikat ng araw ngayon? With matching sad background song pa nga 'yon eh.
Hindi ba ko bida? Ano ko? Kontrabida sa istorya ni Ate Felize?
Mapait akong napatawa sa sariling naisip.
"When I thought things are going my way, life will always have something to give me pain," bulong ko sa sarili habang nakatingin pa rin sa langit.
Minsan nakakapagod na rin isawalang-kibo 'yong mga bagay-bagay. 'Yong maging malakas palagi. Maging positibo.
Hirap naman maging maganda, akala ata nila, hindi ako nai-stress.
Mapakla akong ngumiti at saka umayos ng tayo. Nakita ko sa hindi kalayuan si Mang Nestor na nagkakape. Nilapitan ko siya at saka nginitian.
"Pwede po ba tayong umalis?" mahinahon kong tanong sa tonong halos nagmamakaawa na sa kaniya.
Mukhang nagulat siya sa tinanong ko. Saglit siyang napatitig sa 'kin at napahinto sa paghigop ng kape.
"Sige, sige," sagot niya. "Pasok ka na sa loob. Ubusin ko lang po 'to."
Nginitian at tinanguan ko siya bago pumasok sa back seat. I just want to feel alone. Para magmukmok lang. O huwag na kaya kong magmukmok? Parang pag-ibig lang eh. Masakit ba?
Ah, hindi. Kasi sobrang sakit.
Pagkaupo ko sa sulok sa back seat, nagulat ako nang bumukas 'yong pinto sa kabilang gilid at nakita ko si Laurice na pumasok mula r'on.
Kunot-noo ko siyang tinignan at nagtatakang tinanong, "Anong ginagawa mo?"
Hindi niya ko sinagot. Ni hindi niya ko nagawang tignan.
Hinayaan ko na lang siya. Wala ako sa mood na makipagsagutan pa sa kaniya.
When Mang Nestor finally got inside, he asked while looking at me through the rear-view mirror, "Saan po tayo?"
"Sa ice cream shop po," mabilis kong sagot bago tumingin sa labas ng bintana.
It didn't take us long to arrive at the nearest ice cream shop from our house.
Bumaba agad ako at napatingin sa suot ko. Nakapambahay lang pala ko but who cares?
Sinara ko na 'yong pinto ng kotse at saka pumasok sa loob. Wala masyadong tao dahil siguro maaga pa.
Isa-isa kong tinignan 'yong flavors. Everything looks delicious but I don't look pleased while looking at each of these.
"Ito na lang po," walang gana kong turo sa kulay dilaw na ice cream. Hindi na ko nag-abalang tignan 'yong pangalan nito.
Basta mukha siyang masarap sa paningin ko. Dilaw na dilaw parang 'yong araw ngayon. Mga pangit ka-bonding! Ayaw akong i-comfort. Parang mas pinapamukha pa sa 'kin na hindi ako ang yellow sa buhay ni Eli.
"One cookies and cream too," sambit ni Laurice nang mapadpad siya sa gilid ko.
If I was in the mood, I would surely say, 'one tapos two', but I wasn't.
I just stayed silent until we got our orders.
Kumapa ako sa bulsa ng pajama ko pero wala akong nakapang pera. Alanganin akong napatingin kay Laurice at mukha namang naintindihan niya 'yon.
Sinamaan niya lang ako ng tingin bago nag-abot ng pera sa cashier. Pagkatapos niyang makuha 'yong resibo, bitbit namin 'yong tag-isang cup ng ice cream namin papunta sa gilid sa may stool.
Kitang-kita rito 'yong mga dumadaang tao dahil sa full glass window. Most of them were rushing and running. Habang ako rito, parang nahintuan na ng mundo.
I tasted the ice cream and it was good. Tuloy-tuloy lang 'yong kain ko nito habang nakatulala sa labas.
Ang dami kong gustong isipin. Ang dami kong gustong sabihin. Ang daming gustong tumakbo sa isip ko pero isa lang 'yong tinatanong ko sa sarili— anong mali sa 'kin?
Napatingin ako sa gawi ng speaker nang biglang mag-next 'yong kanta. Nag-play 'yong Tala ni Sarah G.
https://youtu.be/ahpmuikko3U
Ang masasabi ko? Ang saya-saya naman talaga ng mundo habang malungkot ako.
I carefully listened to the lyrics as I stared at my ice cream.
Malungkot pala 'yong lyrics n'on? Mukha lang masaya dahil sa beat... just like me.
Tahimik lang ako habang inuubos 'yong ice cream ko hanggang sa magsalita si Laurice, "Why aren't you crying, Elise?"
Nilingon ko siya at kitang-kita ko 'yong pagtataka sa mga mata niya.
Pabiro kong tanong, "Bakit? Gusto mo ba kong asarin?"
Napabuga siya ng hininga bago tumingin sa labas kaya ginaya ko naman siya.
"You know, it's better to let out your emotions and express your feelings than to contain it inside," seryoso pero nag-aalala niyang saad.
Ang haba ng sinabi niya ah!
Bahagya akong napangiti dahil d'on.
She wants me to burst into a cry, tama ba?
"Wow," natatawa kong saad na parang hindi mabigat 'yong nararamdaman ko sa loob-loob. "Character development mo na ba 'yan?" tanong ko pa pero hindi siya nagsalita.
Nakatitig pa rin ako sa labas nang seryoso kong sabihin, "Seriously speaking? Sobrang sakit na 'yong sarili nating kapatid, naging girlfriend ng taong gusto ko." Right on cue, kumirot lalo 'yong puso ko.
I tilted my head to the left while sadness is rushing through my veins. I was truly concerned when I said, "Pero alam mo, medyo worried ako na baka saktan siya ni Eli. Na baka ginagawa lang 'to ni Eli para itaboy ako."
Mapakla akong napangiti habang inaalala 'yong usapan namin ni Eli noon.
"Baka sa susunod, sa kagustuhan mong itulak ako papalayo, pati ate ko patusin mo na?" tanong ko sa gitna ng mga hikbi.
Tinanggal niya 'yong kamay ko sa braso niya at saka naka-ngising sinabi, "Well, better than to have you."
"Pero naalala ko na best friends nga pala sila— they've gone through a lot already. They know each other well," malungkot akong ngumiti pagkasabi n'on.
Nilingon ko si Laurice at nakita kong taimtim siyang nakikinig sa 'kin. Sinalubong ko 'yong titig niya.
I bitterly smiled at her.
Kanina pa ko ngiti nang ngiti at naiinis na ko sa sarili ko pero ito lang 'yong kaya kong gawin eh. Para hindi ako magmukhang bitter. Para hindi tumulo 'yong luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Kumbaga sa chess, checkmate na ko. Sa laro, game over na ko. That's it. That's the end. Period," huminto ako para tumingin sa kabilang direksyon dahil ramdam ko na 'yong pag-init ng mga mata ko. I continued, "Ang labo lang kasi. Hahalikan mo ba 'yong taong hindi mo gusto? Ano 'yon, lahat na lang nino-normalize ng mga tao?"
Napakagat na lang ako sa ilalim kong labi dahil ramdam ko na 'yong panginginig nito.
Kalmado akong tinanong ni Laurice kaya napalingon ako sa kaniya, "Do you think that what you're feeling for him is really love?"
Bahagya akong napatawa dahil sa narinig. Damang-dama ko pa rin 'yong lungkot at sakit. Nanlalabo na 'yong mga mata ko.
Do I really look like a random obsessed or confused girl out there for them? Because I'm not.
Nang magseryoso na ko, tinitigan ko nang mariin si Laurice sa mga mata niya. Punong-puno ng emosyon kong sinabi, "If this ain't love, I don't know what is." Pinagsalikop ko 'yong mga kamay ko at saka sinandal 'yong kalahating bahagi ng braso ko sa mesa. "Kasi ngayon? Kaya ko na siyang palayain, Laurice."
Natigil ako sa pagsasalita dahil tuluyan na kong pumiyok sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at dahil na rin sa kung anong nakabara sa lalamunan ko. Itinawa ko na lang 'yon at saka nagpatuloy, "Kaya ko na siyang ipaubaya sa taong mahal niya at mahal siya. Kasi roon siya sasaya, kahit sobrang sakit na para sa 'kin."
On cue, my tears fell down from my eyes. I didn't dare to move dahil wala na kong lakas. Hindi ko na kayang magpanggap.
Laurice leaned towards me as she embraced me with a warm hug. Sinandal ko na lang 'yong ulo ko sa balikat niya at saka umiyak nang umiyak at humikbi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top