Chapter 19: Doomed
Chapter 19: Doomed
"Aalis ka na? Idaan mo na rin kaya 'to sa office niya?" Narinig kong may kinakausap si mommy mula sa sala.
Kakatapos ko lang kumain kaya tumayo na ko para pumunta sa lababo't maghugas ng kamay. Hindi ng pinagkainan ah! Baka makabasag pa ko ng plates kung susubukan ko. Mapagalitan pa ko ni mommy.
Mag-isa lang akong kumain today dahil hindi ako nakasabay sa kanila kanina. Parang eight in the morning na ata ko nagising. Late than usual dahil anong oras na ko nakatulog kagabi.
Wala rin namang gumising sa 'kin kaya heto, ang walang kasing ganda ko na lang ang naiwan dito sa dining area.
I slept late because I had an online discussion with the CEO of the cosmetics company that Sophia recommended me to. At the same time, I already prepared the documents they need me to pass.
"I badly need to rush now, mom," narinig kong seryosong saad ni Ate Felize habang naghuhugas ako ng kamay.
Siya ata 'yong kausap ni mommy.
Siyempre. Sino pa ba? May iba pa ba rito na pwede niyang tawaging "mommy"?
She continued, "I won't bring Mang Nestor with me. Bye."
I closed the faucet as I reached for the towel to dry my hands.
Hindi ko na ulit narinig 'yong boses ni Ate Felize after she bid her goodbye. Tanging pintong bumukas at sara na lang 'yong naring ko.
Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila but I don't care. I already have a lot on my plate.
Bukod kasi sa nagpaka-busy ako kagabi para sa potential work ko bilang fashion model ulit— na alam ko namang matatanggap ako, I also had a bad headache because of Eli.
Nakakainis kaya siya! Pasalamat siya, mahal ko siya. Kaya kahit mas malabo pa siya sa tubig kanal, malinaw na siya pa rin 'yong pipiliin ko sa araw-araw.
Grabe! Ang sweet na naman ng banat ko. I am getting a hang of it. Kaunting practice pa, bibigay rin sa 'kin si Eli.
Lumabas na ko sa dining area para umakyat na sana sa kwarto ko. Kaso napahinto ako sa living room when I saw mommy sitting on the sofa while watching her favorite series.
Napakunot ako ng noo at saka ko siya nilapitan to check if I have seen it correctly.
Pagkakita ko sa TV, I was right. She's watching her favorite series that she's been viewing countless times already.
Hindi ko naman masabi sa kaniya na wala ba siyang magawa kaya nagsasayang na lang siya ng kuryente? Because she didn't even bother to point out how late I woke up earlier.
Ilang beses niya na 'tong napanood; as if she still doesn't memorize the flow and plot of that series.
Napalingon ako sa kaniya nang magsalita siya. "Pwede ka na bang umalis diyan, Elise? Nakaka-istorbo ka," seryoso niyang saad as she motioned me to get away.
Napatawa tuloy ako dahil sa narinig. I crossed my arms while looking at her.
Natatawa kong tanong, "Really mommy?" I can't believe her! "Wala naman po kong ginagawa—"
"Ayaw ko na may nakikinuod," pagsusungit niya nang hindi man lang ako tinitignan. Her eyes were glued to the TV.
Napailing na lang ako.
Okay! Madali naman akong kausap. Ako nga, ayaw ko ng may kahati kay Eli eh. I can't blame her for not wanting to see anyone here watching with her.
Paalis na sana ko para umakyat na sa taas nang pigilan niya ko, "Wait, Elise!"
Kunot-noo ko siyang nilingon pagkahinto ko sa paglalakad.
"Uutusan kita pero sigurado naman akong susunod ka. Aayaw ka pa ba?" tuloy-tuloy niyang litanya bago inabot 'yong remote para i-pause 'yong pinapanood niya.
Siya na nga 'tong nag-uutos pero bakit parang nilalait niya pa ko?
I was stunned for a moment. I can't really believe her.
"Kunin mo 'yon." Nilingon niya na ko sabay turo sa isa pang sofa sa gilid. "Kay Eli 'yan—"
"'Yong sofa?" nagtataka kong tanong. "Kailan pa po 'yan naging sa kaniya? Baka ako po 'yong tinutukoy mo, mommy, dahil sa kaniya lang ako." Napangiti ako pagkabanggit sa huli kong linya.
Kitang-kita ko naman 'yong pag-irap ni mommy.
"May mga mata ka naman. Nakakakita ka rin. Pero ba't ka bulag?" mapang-asar niyang tanong bago tinuro ulit 'yong sofa. She suddenly changed her reaction to an irritated one. Nanggigigil niyang dugtong, "Ayon oh! Hindi mo makita 'yong flashdrive? Ano ba, Elise? Pumapangit na ko kaka-sermon sa 'yo!"
Hindi ko na naintindihan 'yong mga sumunod niyang sinabi dahil sinipat na kaagad ng mga mata ko 'yong sofa. Unti-unti akong napangiti when I noticed something there.
"Ito po ba 'yong inuutos niyo kay Ate Felize kanina?" wala sa sarili kong tanong habang nagmamadaling pumunta sa sofa. Halos takbo na nga 'yong ginawa ko sa sobrang excited na ma-check 'yon.
"Ano ba, Elise! Halos masubsob ka na sa kakamadali mo," reklamo na naman ni mommy pero hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi niya.
I was still all smiles when I grabbed the flash drive. "Kung ako po 'yong una mong inutusan, mommy, oo agad ang sagot ko!" natatawa kong sambit.
I checked the flash drive and I noticed that Eli's name was carved on it.
Eleazar Maceda.
That beautiful surname I want to have next to mine. Kaso ang damot kasi ng isang 'yon. Gusto ko lang namang maging si Mrs. Maceda pero ipinagkakait pa.
Who knows, he'll finally give in someday? I won't take a 'no' as an answer.
Nakangiti pa rin ako nang lingunin ko si mommy. "Thanks for the opportunity, mommy."
She rolled her eyes before she strictly said, "Dalian mo na. Umalis ka na. Baka kailangan niya na 'yan sa trabaho."
"Okay," maikli kong sagot at saka tumayo nang maayos. "Bye," I said as I flipped my hair.
"Dalian mo. Huwag ka nang magpaganda, Elise. Sinasabi ko sa 'yo. Baka abutin ka pa ng siyam-siyam," sermon niya na bahagya kong ikinatawa.
Kaagad ko siyang sinagot ng, "Maganda na po ako." I waved my hand to her as I stormed out of the living room.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at saka naligo. Ngiting-ngiti pa nga ko habang nagkukuskos ng katawan.
Who wouldn't be happy? Makikita ko na naman ang pangarap ko, ang future ko— my sugarcakes honeypie Eli!
I know, kahit ilang beses niya na kong pinagtatabuyan, he has undeniable romantic feelings for me. I was able to confirm that yesterday. The way he gets tensed in front of me? Looked at my lips? Sure na sure!
Pagkatapos kong maligo, pinatuyo ko lang sandali 'yong buhok ko gamit 'yong isang tuwalya bago lumabas ng CR.
I entered the walk-in closet to pick the best outfit to wear.
Naka-pout ako habang tinitignan 'yong bawat damit ko pero wala pa rin akong mapili.
Ano bang dapat kong isuot papunta sa office niya? 'Yong mapapanganga si Eli?
After a while, I decided to grab the light brown flowery dress. Strapless 'to at two inches above the knee rin. This will surely look great on me!
Kinuha ko na rin 'yong black flats ko bago nag-ayos.
I don't know how long it took me to prepare. Dinampot ko na lang kaagad 'yong flash drive ni Eli sa kama ko at nagmamadali na kong bumaba sa living room.
Mang Nestor was already in the living room when I came down. Maybe mommy called for him.
"Tara na po," nakangiting pag-aaya ko kay Mang Nestor. Halatang-halata 'yong excitement sa hitsura at boses ko.
Napalingon sa 'kin si mommy at kaagad siyang napatawa. Pero 'yong tawa na nang-aasar.
"Magdadala lang ng flash drive, ganiyan pa 'yong suot," puna ni mommy bago ibinalik 'yong tingin niya sa TV.
Napa-pout na lang ako at hindi na sumagot. Baka kasi humaba pa at magalit pa siya. Baka magbago pa 'yong isip niya at hindi na ko papuntahin kay Eli!
Hindi niya lang alam na kulang pa 'to. Kulang pa ng belo!
Lumabas na lang kaagad ako sa bahay kasunod si Mang Nestor. I immediately got inside the passenger's seat kasabay ng pagpasok niya sa driver's seat.
Maya-maya rin naman, nakaalis na kami sa bahay.
Hindi ko alam kung anong klaseng excitement 'tong nararamdaman ko ngayon. I felt the same happiness last time when I visited him in his company. Basta ang bilis ng kabog ng puso ko kahit malayo pa kami.
Pero sana naman ngayon, huwag na kong ipagtabuyan ng mga guard d'on. Inaapi-api nila ako without knowing na ako ang future wife ng boss nila.
Ang pangit nilang ka-bonding eh! Akala naman kasi nila, may gagawin akong masama r'on.
Ako pa ba? Elise Quiseo? I won't dare hurt Eli in any possible way there is.
Siya nga 'tong sinasaktan palagi 'yong damdamin ko eh. Ipapakulong ko na 'yon— sa buhay ko.
Kinilig naman ako sa sariling naisip.
Napansin ata ni Mang Nestor 'yon as I heard him teasing me, "Hindi ka naman halatang excited."
Napatawa ako bago ko siya lingunin. Nagseryoso muna ko, "Hindi po ako excited," at saka ngumiti ulit, "Super duper uber excited lang!"
Pareho kaming napatawa dahil sa sinabi ko.
Walang traffic today kaya mabilis lang ang biyahe. Habang palapit kami nang palapit sa kumpanya ni Eli, pabilis din nang pabilis 'yong tibok ng puso ko.
In an hour, nakarating na kami sa destination namin. Nang lingunin ko 'yong building ni Eli, lalong bumilis 'yong kabog ng puso ko. Pati 'yong ngiti sa mga labi ko, hindi ko na matanggal-tanggal kahit anong kagat ko sa lower lip ko.
Nag-park muna si Mang Nestor sa pinakamalapit na parking area bago ako bumaba.
Before I closed the door, he asked me almost pleading, "Hindi ka naman po siguro magtatagal?"
Bigla akong natawa dahil sa narinig. "Opo, bibilisan ko lang," I assured him.
Masaya na ko kahit makita ko lang saglit si Eli ngayong araw. That would be more than enough. For sure, he is also busy and I do not want to distract him. Baka sulyap-sulyapan lang ako n'on at wala na siyang matapos na trabaho.
Sinara ko na 'yong pinto at saka dumiretso sa tapat ng kumpanya ni Eli.
Nanlalamig na hindi ko maintindihan 'yong mga kamay ko. Napakapit ako nang mahigpit sa flash drive ni Eli at saka dumiretso sa revolving door.
When I got inside, I stared at the guards who were standing beside the area. They look busy. Pinapakiramdaman ko kung pipigilan ba nila ko o hindi.
"May appointment po kayo?" tanong ng lalaking lumapit sa 'kin. Nilingon ko siya at napansin kong isa rin siyang guard. I didn't meet him last time I went here.
Hindi ko naiwasang mapangiwi. Pipigilan niya ba kong makita si Eli ko?
"May ibibigay lang po ako kay Eli. Eleazar Maceda. Itong flash drive niya," mahinahon kong saad sabay pakita ng hawak ko. Medyo kinakabahan dahil baka mapalabas na naman ako nang wala sa oras.
"Ano pong pangalan—"
Hindi niya na natuloy 'yong sasabihin niya nang lapitan kami ng isa pang guard. 'Yong masungit na guard n'ong nakaraan.
Tinapik niya sa balikat itong isang guard saka tinignan nang mariin. "Si Ma'am Elise 'yan. May access na 'yan sa taas," pagbibigay-alam niya rito sa isang guard na ikinagulat ko.
Ako? May access na sa taas?
Nilingon niya ko saka nginitian. Nagulat naman ako r'on. Parang ang cringe na makita siyang ngumingiti. "Sige na po. Akyat na po kayo. Sa last floor po 'yong office ni sir."
Hindi ako makapaniwala nang sabihin niya 'yon. Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago nasabing, "Salamat."
'Yon na lang 'yong nasabi ko sa sobrang gulat sa mga nangyayari. Tinalikuran ko na rin sila at saka naglakad papalayo. Then and there, I was finally able to crease my forehead out of curiosity.
Kanino naman kaya nanggaling 'yong signal na 'yon mula sa taas? Kay Eli? O kay Mommy Adrianna?
I don't know who gave me the pass to enter his office pero kung sino man siya, sana masarap ang ulam niya! At kay kuya sungit guard, sige na, hindi ko na panghihinayangan 'yong binigay ni Eli sa kaniya na adobo ko.
Halos mapatawa ako sa sariling naisip.
Dumiretso na ko sa elevator at hinintay na bumukas 'to. When I got inside, some employees were also stepping in.
Napapatingin pa 'yong iba sa direksyon ko. Some of them were intently staring at me for how many seconds.
Ngayon lang nakakita ng diyosa?
"Which floor are you?" tanong n'ong isang lalaking mas matangkad sa 'kin habang nakangiti.
Nagulat naman ako r'on. Nakakatakot kasi siyang ngumiti. Mukha siyang manyak. I don't want to be judgmental pero gan'on talaga 'yong ngiti niya.
"Last floor," naiilang kong sagot.
Medyo nabigla pa siya n'ong una pagkasabi ko n'on pero pinindot niya rin naman kaagad 'yong call button. He gazed at me again to wink at me.
Halos masuka ako sa nakita. Hindi ko kinakaya 'yong confidence at disrespect niya!
"It's rude to wink at someone you just met," kumento ko; pinipigilan 'yong inis ko.
Panira siya ng moment. Alam niya ba 'yon? Ang saya-saya ko kaya tapos kikindatan niya ko rito? Close ba kami?
Mukha lang akong bata pero hindi ako pinanganak kahapon. Alam ko 'yang ganiyang galawan. Sa sobrang dami ba naman ng pumopormang lalaki sa 'kin? That rudeness is too familiar with me.
"Parang kindat lang, sungit naman," pagpaparinig niya nang hindi ako nililingon na ikinataas na talaga ng kanang kilay ko.
Eh kung isumbong ko kaya siya kay Eli?
Ay, wala nga palang pakialam sa 'kin 'yon.
I crossed my arms. Pinipigilang huwag magtaray. I calmly said, "Don't you know that winking at a stranger is catcalling? A type of sexual harassment?" Sandali akong huminto bago kunwareng nag-iisip. "Should I tell my boyfriend that his employee just winked and talked back to me?"
Sarkastiko siyang napatawa. Nakakainit siya ng ulo!
Walang emosyon kong dugtong, "I mean, Eleazar Maceda."
Gulat na gulat silang napalingon sa 'kin. Sakto rin naman na huminto na 'yong elevator. Dali-daling lumabas 'yong iba at itong si kuyang kung makakindat sa 'kin ay wagas, naestatwa na sa kinatatayuan niya.
"Sorry po," 'yon na lang ang nasabi niya bago pinindot 'yong call button nang muntik na magsara 'yong pinto ng elevator.
Napairap ako nang makalabas na silang lahat.
Kung hindi pa ko nagkunwareng girlfriend ni Eli, hindi pa ko makakakuha ng respeto?
Nakasimangot na napatingin ako sa gilid to see the floor numbering at nakita kong malapit na pala ko sa last floor. On cue, bumilis 'yong kabog ng puso ko dahil sa kilig na sinabayan pa ng kaba. Nawala na rin 'yong inis ko at napalitan na 'to ng matamis na ngiti.
I bite my lower lip to suppress my happiness as the elevator door opened. Baka sabihin kasi ni Eli na masyado ko naman siyang miss na miss, nakita ko naman siya kahapon.
I do not want to look too head over heels for him. Kung hindi pa halata.
Huminga muna ako nang malalim bago lumabas.
I was amazed upon seeing the wideness of this floor. Napahinto ako sa kinatatayuan ko.
Mukhang si Eli lang talaga 'yong nagta-trabaho rito dahil 'yong nag-iisang pinto ay medyo malayo-layo pa mula sa pwesto ko.
Pinasadahan ko muna ng kamay 'yong mahaba at straight kong buhok to make sure that I look presentable. Then, I started walking towards his office.
When I reached the door and got inside, may nakita akong babae sa loob sa bandang gilid. She's sitting in front of a slightly long desk. Mukhang siya 'yong secretary ni Eli.
Nandito ba siya palagi? Pero kahit minsan lang, mapapa-sana all na lang talaga ko!
Sumusweldo na nga siya tapos kahit nakaupo lang siya riyan minsan, hindi boring dahil nakikita niya si Eli buong araw.
She looks busy on her laptop kaya hindi ko na siya inabala. I saw that there was another door to pass through at baka nand'on na 'yong office talaga ni Eli.
Dumiretso ako r'on sa double doors. Kabadong-kabado ako n'ong hinawakan ko 'yong door handle para buksan ang pinto.
"Miss?" dinig kong tawag sa 'kin n'ong mukhang secretary pero hindi ko na siya nagawang intindihin pa nang magulat ako sa nakita ko sa loob.
I was stunned by what I saw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o mararamdaman ko.
Eli was standing in front of a woman who was leaning on his table. Habang itong si Eli, nakahawak sa kanang braso niya. Agad silang napatingin sa pwesto ko nang maramdaman ang presensya ko.
Eli looked shocked upon seeing me. While the woman wearing a tight red dress raised her left eyebrow at me.
My hands were trembling at hindi ko magawang igalaw 'yong katawan ko para umalis. Para na kong nabato sa kinatatayuan ko. Ang heavy-heavy ng pakiramdam ko.
Masasaktan ba ko? Aalis na ba ko?
"Miss, bawal ka—"
"Aalis na ko," wala sa sarili kong saad. Pain is rushing through my veins. "Tuloy niyo na 'yan," disappointed ko pang dagdag bago tumalikod at umalis.
Dire-diretso lang 'yong lakad ko palabas. My mind is blank and my heart is aching. Parang may pumupukpok sa puso ko pero hindi ko sigurado kung ba't ako nasasaktan.
Pagkalabas ko r'on, pabagal nang pabagal 'yong lakad ko papuntang elevator.
Napatigil ako nang biglang may sumagi sa isip ko. Napakunot pa 'yong noo ko. "Pero bakit nga ba ko umalis? Hindi ba dapat paalisin ko 'yong babae na 'yon?" naaasar kong tanong sa sarili.
Parang gusto ko tuloy mainis sa sarili ko dahil sa inakto ko.
At saka ba't ba ko nasasaktan? Sino ba siya? Pakialam ko sa kaniya?
All I know, Eli already broke up with his girlfriend. Period.
I turned around to get back to his office but to my shock, Eli is running towards me.
Biglang bumilis ulit 'yong kabog ng puso ko with what I am witnessing now.
"That's not what you think," nagmamadali at hinihingal niyang saad pagkahinto sa tapat ko na nagpabigla sa 'kin. "I was pushing her away before you arrived. That was the scene you caught sight of," dugtong niya pa. He looks tensed and afraid.
Napahawak 'yong isa niyang kamay sa beywang niya habang hinahabol 'yong hininga niya.
Magsasalita pa lang sana ko nang may sabihin siya ulit. Napakunot na talaga ko ng noo dahil sa inaakto niya.
Why is he being like this? Don't tell me...
"She is my ex who is apparently a daughter of my client that's why she was able to enter the building. I'm telling you, Elise, we're not doing anything inside," pagkukumbinsi niya pa sa 'kin.
Hindi ko na naiwasang mapangiti dahil sa mga sinasabi niya. Shock and amusement are running through my body.
I stepped closer to him as I placed my hand on his chest. Seductively, I asked, "Bakit, Eli, ano bang iniisip ko?"
Kitang-kita ko 'yong pagkabigla niya. For the first time in history, I heard him almost stuttering when he answered, "I'm just saying."
Bahagya akong napatawa at saka ikinapit 'yong isa kong kamay sa kabila niyang tagiliran. Hawak-hawak ko 'yong flashdrive habang nakahawak sa suit niya.
I felt how his body reacted when I did that. Bahagya siyang napaigtad and it makes me happy; satisfied to be exact.
"Eh 'di okay kung past mo na siya. Madali naman akong kausap and don't worry, Eli, I don't care about your exes," I said in a low tone of voice trying to seduce him. "Because from head to toe, brains to beauty, I know that I am the best."
Hinawakan niya 'yong kamay ko na nakalapad sa dibdib niya at dahan-dahan niya 'yong binaba. I felt shivers running through my veins when he touched me.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
Napatitig ako sa mga labi niya. Those kissable lips.
I asked, "Tell me, Eli. You wouldn't be this defensive kung kahit kapiranggot, wala kang nararamdaman para sa 'kin."
Inangat ko 'yong tingin ko sa mga mata niya and I can sense how tensed he is.
"Don't be assuming," mahina niyang saad nang makabawi. Kaagad niyang tinanggal 'yong isa kong kamay sa tagiliran niya bago tumalikod mula sa 'kin.
Napalingon ako sa babaeng naka-red dress na lumabas mula sa office ni Eli. Inirap-irapan niya pa ko bago niya kami lagpasan.
Good thing that Eli didn't bother to gaze on her position na nagpakilig sa 'kin. It just means that he is bothered enough with what I said.
Tinitigan ko 'yong likod ni Eli. Hindi makapaniwalang tinanong, "Am I assuming?" I continued, trying to prove a point, "You knew it to yourself. Ang defensive mo kanina na para kang nakita ng asawa mong may kasamang kabit."
After saying that, I bite my lower lip because my smile is getting wider and I can't control it anymore.
Napahawak ako sa dibdib ko. Pabilis nang pabilis 'yong kabog ng puso ko.
Sakto lang pa lang sinabi kong boyfriend ko si Eli kanina sa harap ng mga empleyado niya dahil ngayon? Mukhang doon na ang uwi namin.
Napangisi ako sa naisip.
"Ano na, Eli? Nabato ka na riyan," puna ko sa kaniya habang pinagmamasdan siyang nakatalikod sa 'kin.
His back is so attractive. Pero kita ko 'yong pagbagal ng hininga niya batay sa mabagal na paggalaw ng magkabila niyang balikat.
He didn't say anything so I stepped closer to him pero bigla siyang nag-react na ikinagulat ko, "Don't move, Elise!"
"Makasigaw naman parang ang layo natin sa isa't isa," natatawa kong saad pagkahinto sa paglalakad. "At duh! Tayo lang 'yong nandito. Rinig kita. Rinig na rinig."
Kitang-kita ko kung paano siya napahilamos sa mukha niya gamit 'yong pareho niyang kamay. Disturbed na disturbed?
Kahit hindi ko masilip kung anong reaksyon o emosyon niya, I know that he is having a hard time right now. I am loving this so much.
Ang haba naman talaga ng hair ko!
"Umalis ka na. Ginugulo mo ko," mariin niyang utos sa 'kin pero ni hindi niya man lang nagawang gumalaw mula sa kinatatayuan niya.
"Makapagpaalis ka naman, ni ikaw nga parang ayaw mo nang umalis diyan," natatawa kong kumento.
Napahawak siya bigla sa likod ng ulo niya bago niya ko hinarap. Nakakunot 'yong noo niya pero hindi maipinta 'yong mukha niya.
He looks troubled.
Sige lang, Eli, show me how much I make you go gaga. I love seeing it with my own eyes.
"You're here to give me my flash drive, right? 'Yong naiwan ko sa inyo? Give it now," bossy niyang utos sa 'kin kaya napa-pout ako.
"Oh," saad ko sabay abot ng flash drive.
Kinuha niya naman agad 'yon at saka ako seryosong tinitigan sa mga mata. "Now, leave," he commanded me.
"Diyosa ako pero hindi ka Diyos, Eli. Makautos 'to, wagas na wagas," hindi makapaniwalang saad ko. "Ganda-ganda ko, ayaw mo bang gumanda araw mo kakatitig sa 'kin?" tanong ko as I flipped my hair.
I noticed how his jaw clenched with what I did. Lalo akong sumasaya sa nakikita ko. He doesn't look mad at me; he looks madder at himself.
After how many years of alluring him and making him see my worth, this is it pansit. Mala-like back na ko ni Eli!
Magpapa-piyesta na ba ko?
"You're not. Now, leave," he slowly said to put emphasis on each word as he pointed his finger at my back, motioning me to make my exit.
Napatawa na naman ako dahil hindi talaga ko makapaniwala sa nangyayari. "In denial king ka talaga. Ganiyan ka kagaling i-deny feelings mo sa 'kin eh," I smilingly said.
I waved my hands at him. "Bye, future husband! You know, you're doomed. Nahulog ka na sa 'kin," nakangisi kong litanya bago tumalikod at umalis.
I know that at this point, the triumph is mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top