Chapter 18: Focus and forget
Chapter 18: Focus and forget
Another day has come at feeling ko, ang lakas-lakas ko na ulit. Tipong parang hindi naman ako nagkasakit, gan'ong level!
"Good morning, Ate Maricor!" masaya kong bati sa kaniya pagkababang-pagkababa ko sa hagdan.
Napatigil naman siya sa paglalakad nang mapalingon siya sa 'kin. I saw how her eyes sparkled as our gazes met.
"May balita ko sa 'yo!" pabulong pero excited niyang saad kaya napatigil din tuloy ako sa kinatatayuan ko.
"Balita? Maganda ba 'yan?" I asked showing how intrigued I am.
'Yang mga balita na 'yan, nagugustuhan ko na 'yan. Lalo na kung 'yong katulad ng balita ni Laurice n'ong isang gabi ang maririnig ko. Pero kung si mommy lang din ang may balita, no thanks.
Dahan-dahang lumapit sa tabi ko si Ate Maricor at saka niya ko hinawakan sa braso. 'Yong mga mata niya, nanlalaki tapos 'yong mga labi niya, ngiting-ngiti.
"Oo, kasing ganda mo!" pang-uuto niya pa sa 'kin pero totoo naman kasi. Napangiti tuloy ako dahil d'on. "Nandiyan 'yong crush mo," she continued with delight in her tone. Pero bigla akong napakunot ng noo.
Tinitigan ko siya mula sa gilid ko. "Crush? I don't have any crushes," nagtataka kong sambit.
Bigla niya naman akong binatukan na ikinalaki ng mga mata ko. "Ang sakit ah!" reklamo ko pero kaagad niya kong pinatahimik.
She shushed me before she whispered, "Si Sir Eli, nasa mesa kasama ng pamilya mo."
Gulat na gulat ako sa narinig. My heart immediately beats so fast and my lips instantly formed a sweet smile.
"Dapat sinabi mo po kaagad! Hindi ko naman kasi 'yon crush. Mahal ko si Eli, okay?" pagtatama ko sa kaniya at saka inalis 'yong kamay niya sa braso ko. "Bye! Elise Quiseo will now follow her dreams," natatawa kong pagpapaalam sa kaniya as I flipped my hair at saka dumiretso sa dining area.
Excited na excited ako pagkapasok ko sa loob. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Eli. The moment I laid my eyes on him, lalong lumapad 'yong ngiti ko.
"Good morning!" energetic kong bati sa kanila kaya napatingin naman silang lahat sa direksyon ko except Eli who is busy eating his food.
Ngiting-ngiti akong tumabi kay Laurice. I am intently looking at Eli na nasa hilera nina mommy, katabi si Ate Felize.
Hinawi ko pa papunta sa likod ng tenga ko 'yong ilang hibla ng buhok ko. Nag-beautiful eyes din ako in case magawi 'yong tingin niya sa 'kin.
Pero wala. Ayaw tumingin!
Napasimangot tuloy ako at saka kumuha na lang ng fried rice at dalawang ham para kumain na. Kailangan kong magpalakas para mahaba ang buhay ko at matagal kong makakasama si Eli.
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng iba na "titigan lang kita, busog na ko".
"Para saan nga ulit 'yong gagawin niyo ni Eli?" tanong ni mommy kay Ate Felize na nakakuha ng atensyon ko.
Nakanganga na ko nang mapalingon ako sa kaniya, isusubo ko na kasi dapat 'yong laman ng kutsara ko.
Anong gagawin? May gagawin silang dalawa? Silang dalawa lang?
"He will help me with my business proposal for a potential partner," sagot ni Ate Felize kaya napalingon naman ako sa kaniya.
Nakahinga na ko nang maluwag dahil sa narinig at saka isinubo 'yong pagkain ko.
Akala ko kung ano ng gagawin nila eh! Good thing at nilinaw niya kaagad.
"Bakit ikaw ang gagawa niyan, Felize? You're the owner, it's not part of your job," kumento ni mommy bago sumubo ng tinapay.
Napatango-tango naman ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya.
True naman kasi! Baka gusto niya lang makasama si Eli kaya niya 'to gagawin ah.
Pero who am I to judge her? They are best friends after all and for sure, she has a reason.
Hindi ako nagseselos ah. At mas lalong hindi rin naman ako naiinggit sa friendship nila. Duh! Hindi naman kasi pwedeng hanggang friends lang kami.
Pwede pa kong mainggit sa part na palagi kasi silang magkasama. Sana all!
"Kaka-file lang ng official resignation ng manager ko, I have to personally do this," sagot ni Ate Felize nang hindi nililingon si mommy.
Ako naman 'yong napalingon ulit kay mommy nang magtanong na naman siya, "Wala bang sasalo niyan mula sa ibang department?"
Sumubo muna ko ng kanin at ham bago lingunin si Ate Felize nang magsalita siya, "Maliit pa lang 'yong business ko. Sometimes, I have to do things alone including the smaller ones."
Marami pa silang pinag-usapan pero hindi na ko nag-abalang makinig pa dahil puro tungkol lang naman 'yon sa business at pera.
I have my own business at 'yon ay ang titigan si Eli habang kumakain. Baka mabulunan eh, dapat ready to rescue ako.
"Business talks over breakfast," rinig kong bulong ni Laurice mula sa gilid ko.
Kunot-noo ko siyang tinignan. Nginuya at nilunok ko muna 'yong kinakain ko bago siya binulungan pabalik, "Nahiya naman sila sa games mo kahit kumakain."
Nanlilisik 'yong mga mata niya nang lingunin niya ko. Hindi ko tuloy napigilang bahagyang mapatawa dahil sa reaksyon niya.
Triggered agad? May dalaw lang?
"Para kang gasul na inaapoy," pang-aasar ko sa kaniya pero parang gusto ko namang pagsisihan 'yon dahil sa kasunod niyang ginawa.
Bigay todo niya kong inapakan sa kanang paa ko kaya napahiyaw ako sa sakit, "Aray!"
Napahawak ako sa paa ko at saka minasa-masahe 'yon.
Inis na inis kong nilingon si Laurice pero mukha siyang inosenteng kumakain lang.
"What was that, Elise?" nagtatakang tanong ni daddy kaya napaangat 'yong tingin ko sa kaniya.
Naiilang akong ngumiti nang umayos ako ng upo. Sinong hindi mahihiya? They are all looking at me except Eli.
Nandito si Eli at pinapahiya ako ni Laurice!
"Wala po. Parang may maliit na langgam lang na kumagat sa paa ko," pagdadahilan ko making sure that I emphasized 'maliit' para lalong mainis 'yong katabi ko.
Hindi naman na nila ko tinanong pa dahil nag-usap-usap na ulit sila.
Naiinis kong nilingon si Laurice sa gilid ko who is now smirking while slicing her ham.
"Ang sakit n'on ah," nanggigigil kong bulong sa kaniya. "Mukha kang murderer diyan," naiinis kong dagdag.
She took a glance at me before she said, "You deserved that."
Umayos siya ng upo at saka ako tinitigan nang seryoso. Nakakatakot 'yong hitsura niya na para niya kong kakainin. Napaurong tuloy 'yong labi ko kahit gusto ko pang gumanti ng pang-aasar.
"Stop making fun of my height, Elise. It's not funny. Jokes are meant to be funny and yours is provoking," she furiously whispered.
Natameme ako nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. Halatang-halata na pikon na pikon na siya sa 'kin.
Kagat-kagat ko 'yong labi ko nang iwasan ko siya ng tingin. Bumalik na lang ulit ako sa pagkain.
I suddenly felt bad for saying all those things. Gusto ko lang naman siyang asarin. Ano bang mali r'on?
"Magkapatid naman tayo," pabulong kong saad nang hindi siya nililingon. I had the last bite of my food when she replied.
"That's not an excuse. It could be funny at times but not all the time, Elise. You've gone beyond your limitations," she calmly whispered to me but I can still sense irritation from her voice.
Napa-pout ako pagkarinig n'on. I didn't mean to sound offensive. Gusto ko lang naman siyang asarin dahil nakakapikon siya.
Parang may kung ano tuloy na bumara sa lalamunan ko.
Kumuha ako ng baso saka nagsalin ng tubig. Pero kahit nakainom na ko, nand'on pa rin 'yong nakabara sa lalamunan ko.
Nilingon ko si Laurice pagkababa ko ng baso. Hindi niya ko pinapansin at hindi niya rin ako kinakausap.
Napahinga ako nang malalim at saka nag-isip ng pwedeng sabihing siguradong magpapalingon sa kaniya.
"Bilhan na lang kita ng skins as my peace offering," nahihiya kong bulong at saka ko siya kinalabit sa braso.
As expected, nakuha ko 'yong atensyon niya kaya napangiti kaagad ako.
She didn't say anything for a minute and her eyes looks like she's analyzing my offer so well. Pero maya-maya lang din, nagsalita na siya, "Okay. Just don't do that again or I can't forgive you anymore."
Napapalakpak ako sa sobrang saya dahil sa sinabi niya.
"Okay!" ngiting-ngiti kong sabi. "Iisip na lang ako ng ibang ipang-aasar sa 'yo," dagdag ko pa na naging dahilan para kunutan niya ko ng noo. "'Yong hindi nakaka-offend," sambit ko na may malapad na ngiti sa mga labi.
She didn't say anything before she continued eating.
Right on cue, nawala na rin 'yong parang nakabara na kung ano sa lalamunan ko.
Napatingin ako sa harapan namin kung nasaan sina mommy at na-curious ako when I saw them looking at my direction.
Of course, except Eli. Again.
Takot na takot magtama 'yong mga tingin namin? Ano ko, si Medusa? Kapag nagkatitigan kami, baka maging bato siya?
"Alam ko ng maganda ko, hindi niyo na kailangang sabihin," confident kong saad saka hinawi pa 'yong buhok ko.
"Mommy was asking you," sambit ni Ate Felize kaya napatingin ako sa kaniya.
Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil hindi ko siya maintindihan.
"Kung gusto mo raw bang sumama sa 'min ni Eli-"
"Yes!" dali-dali kong sagot na may kasama pang pagpalakpak dahil sa sobrang saya.
So, it is true when they say na the more you give, the more blessings you will have!
Kikiligin pa lang sana ko nang bongga nang magsalita ulit si Ate Felize, "Sa new project ng sinalihan naming org," at gusto kong hilingin na sana hindi niya na lang dinugtungan 'yon.
Pagkasabing-pagkasabi niya n'on, nawala kaagad 'yong ngiti sa mga labi ko. Punong-puno rin ng disappointment 'yong puso ko.
"Sinaktan mo ang puso ko," emotional kong saad na halos pa-kanta at saka nagseryoso, "By Michael V."
Napatingin ako kay daddy nang bigla siyang tumawa.
"I thought you were saying something," patawa-tawa niyang saad at saka umiling.
Nakangiti kong saad, "Daddy, komedyante po ang anak niyo. Alam niyo na, hindi pwedeng pang-beauty queen lang, dapat witty rin! Oh 'di ba, napasaya ko po kayo."
Kinindatan ko pa siya na lalo niyang ikinatawa.
"Are you coming with us or not?" naiinip na tanong ni Ate Felize kaya napalingon ako sa kaniya.
Kakasama niya kay Eli, ayan nahahawa na siya sa ugali n'on!
"Nope," mariin kong saad. "Marami pala kong gagawin. Bigla kong naalala 'yong schedule ko," pagsisinungaling ko.
Mommy suddenly burst into a laugh that made me turn my head on her. Curious na curious ako habang naghihintay ng sasabihin niya.
"Himala, ayaw mong makasama si Eli?" natatawa niyang tanong at saka tumingin kay Eli.
Napatingin din tuloy ako sa kaniya and finally, our eyes met and in an instant? Kilig na kilig agad ako at ngiting-ngiti rin!
Pero siyempre, he is Eli. Ayon, umiwas agad ng tingin.
"Marami po talaga kong gagawin," pagpupumilit ko.
Ang dami-daming ways para makasama si Eli, bakit sa org pa? Kung saan mapapagod lang ako nang bongga?
Aside from that, I have once promised to myself that if I will only join such project again kung gusto ko at hindi dahil lang kay Eli o dahil wala na kong choice.
Again, nagustuhan ko naman 'yong pagtulong d'on. Kaso kasi, isang araw pa lang, parang 'yong pagod ko pang-isang buwan na!
"Ano na namang pinagkakaabalahan mo, Elise? Bukod sa bubuntot-buntot ka kay Eli as we all know?" sarkastikong pagtatanong ni mommy na nagpasimangot sa 'kin.
"Basta," maikli kong sagot.
Hindi naman na siya nagtanong pa kaya binalik ko na lang 'yong tingin ko kay Eli.
He suddenly stood as he held his phone.
"Sorry but I have to answer this," nagmamadali niyang saad.
Tumango lang si mommy kaya umalis din naman kaagad si Eli.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa dining area.
Tumayo na rin ako kaya nakuha ko 'yong atensyon nila.
"Tapos na po ako kumain," nakangiti kong saad at saka nagmamadaling sinundan si Eli sa labas ng bahay.
His back was facing me when I spotted him beside the house.
Seryosong-seryoso 'yong boses niya habang kausap kung sino man 'yong kausap niya.
Kawawa naman 'tong sugarcakes honeypie Eli ko. Ganito ba routine niya palagi sa umaga? May kausap kahit kumakain?
Napasimangot ako sa naisip.
Buti na lang at mukhang hindi naman nagugutuman ang isang 'to. Ganda kaya ng katawan niya!
Mukhang dami pa nga niyang time mag-gym para magpa-pogi points sa 'kin.
That's a half-meant joke.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan at saka pumwesto sa harapan niya.
I crossed my arms on my chest while staring at him. Sinusubukan kong hulihin 'yong tingin niya pero iwas siya nang iwas.
When he finally ended the call, I immediately and sarcastically asked, "Don't tell me, nagka-amnesia ka na naman?"
He creased his forehead when he answered, "I don't know what you're talking about."
Agad-agad akong napatawa dahil sa narinig. Pero 'yong tawa na naiinis.
Tinaasan ko siya ng kanang kilay bago sinabing, "Ano pa bang klaseng halik 'yong gusto mo? French kiss? American kiss? Nibble kiss?"
Pagkasabi ko n'on, his creased forehead has suddenly been replaced by curiosity as he teasingly said, "You know all that? Hindi ka nga marunong humalik."
Nanlalaki 'yong mga mata ko nang marinig 'yon mula sa kaniya. Kaagad ko siyang hinampas sa braso dahil sa inis, "Ang kapal mo! Sarap na sarap ka kaya."
He didn't say anything when he looked away. Pero nakita ko kung p'ano siya lumunok ng laway.
Napangisi tuloy ako dahil d'on. "Kunware ka pang nagka-amnesia, dami mo ring alam," kumento ko bago inabot 'yong kanang kamay niya para marahang haplusin 'to.
Kitang-kita ko 'yong gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.
I calmed myself as I sweetly smiled at him, "Ilang dasal pa ba 'yong kailangan kong gawin, Eli? Hindi ka kasi madaan-daan sa isang dasal. Hindi ka rin maakit-akit sa halik. Ano bang gusto mo?"
Binitawan ko 'yong kamay niya at saka dahan-dahang inakyat 'yong hawak ko papunta sa braso niya.
As usual, he is wearing a white long sleeves but I am making sure that every move I am making will surely send him shivers.
Dahil ako? Mukha lang akong kalmado pero sobrang bilis na ng kabog ng puso ko habang ginagawa 'to.
When my hand reached his chest, dali-dali niyang hinawakan 'yong kamay ko at saka binitawan sa ere.
Nakasimangot ko siyang tinignan.
"You're driving me crazy, Elise!" reklamo niya habang nakaigting 'yong mga panga niya.
Nawala agad 'yong simangot ko nang mapatawa ko dahil sa narinig.
So, ganito pala 'yong epekto ng mga haplos ko sa kaniya? Hindi niya kinakaya?
"Nagrereklamo ba ko? Eh 'di mabaliw ka pa sa 'kin para masaya!" nangingiti kong saad at lalapit pa sana ko sa kaniya nang hawakan niya ko sa balikat para pahintuin.
"Focus on your studies and forget about me. That'd be so easy, Elise," kalmado pero seryoso niyang utos sa 'kin na nagpataas ng kanang kilay ko.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
Napangisi ako dahil sa narinig.
"Kung madali lang 'yon, sana matagal ko ng ginawa, Eli," seryoso pero nanggagalaiti kong saad. "Do you know how hard it is to be on my shoes? Na one-sided love lang 'to? Buti nga 'yong iba, label lang ang wala. Tayo kahit ano, wala."
Marahas niyang binawi 'yong mga kamay niya at saka napahilamos sa sariling mukha. He looks so tensed and troubled.
Tumagilid siya at saka napahawak sa likurang bahagi ng ulo niya.
Nakasimangot lang ako habang tinititigan siya. Naghihintay ng kasunod niyang sasabihin pero wala akong narinig na kahit ano kundi 'yong hinga niyang palalim nang palalim.
"Mahal kita, Eli," mahina kong sambit pero punong-puno 'yon ng emosyon.
I caught his attention with what I said and I've noticed how his eyes were filled of emotions.
"You're not," madiin niyang saad na nagpapantig sa tenga ko. "It's just an infatuation or maybe an obsession-"
"Mas marunong ka pa sa 'kin!" inis na inis na sigaw ko sa kaniya. Kita ko 'yong pagkagulat sa mukha niya.
I maybe fuming mad now but my heart is shattering into pieces.
Bakit ba kasi pilit niya kong tinataboy?
Wala naman na kong ibang ginawa kundi mahalin siya. Ni kahit one chance, pinagkakait niya sa 'kin! How will he be able to feel and appreciate my love if he keeps on refusing to have it?
"Nakakainis ka!" sigaw ko ulit sa kaniya. Halo-halo na 'yong emosyon ko. "Ikaw na nga 'tong minamahal, ikaw pa 'tong ayaw nang ayaw. Ako na nga 'yong sincere, ako pa 'tong tinataboy mo!"
"Elise, calm down," mahina niyang saad na parang natataranta na.
"Sisigaw ako kung gusto ko. Ikaw nga hindi naman kita pinapakialaman kung hindi mo gusto na gustuhin ako!" sigaw ko ulit at saka tinabig 'yong mga kamay niyang hahawak sana sa magkabilang braso ko.
Napahinga siya nang malalim at saka ako hinawakan sa kaliwang pisngi.
I felt shivers running through my blood because of his touch. On cue, nawala lahat ng inis at galit ko sa kaniya. Kahit 'yong nakasimangot kong mukha kanina, naglaho na rin.
My eyes were full of emotions when I met his. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya kahit anong try ko.
He took a step closer to me and I can already hear my heart beating faster and faster.
Ramdam na ramdam ko na rin 'yong hininga niya mula sa ilong niya dahil sa lapit namin sa isa't isa.
His jaw is not clenching. His forehead is not creasing. His eyes are not raging but it's making me insane.
Hinaplos niya pa 'yong pisngi ko na nagpabagal sa hininga ko bago niya kalmadong sinabi, "You're still young, Elise."
Kitang-kita ko kung p'ano bumaba 'yong tingin niya sa mga labi ko at kung p'ano bumagal lalo 'yong paghinga niya.
I saw how his eyes are craving for my lips. I saw how much he wanted his lips to touch mine. At sigurado ko sa nakikita ko.
Magsasalita pa sana ko para tanungin kung anong connect ng age ko at para sabihing hindi na ko bata nang biglang bumukas 'yong pinto sa bahay.
Kaagad na kumalas si Eli sa pagkakahawak sa 'kin at saka tinignan kung sino 'yon. Napasimangot naman ako.
Panira ng moment. Anak ba ni Satanas 'yon?
"Let's start?" narinig kong tanong ni Ate Felize na sinagot naman ni Eli ng, "Sure."
Kaagad siyang umalis sa tapat ko na parang wala ako rito. Ni hindi man lang nagpaalam! Ano ko, hangin?
Ay oo nga pala, sabi niya, ako 'yong hangin. Hindi niya alam, hindi siya mabubuhay kapag wala ako bilang hangin.
Napasimangot ako at saka pinag-krus 'yong mga braso ko bago pumasok sa bahay.
"Please, do not disturb us. Tell that to everyone, Elise," utos sa 'kin ni Ate Felize pagkapasok ko sa loob.
I silently mimicked her, "Please, do not disturb us. Tell that to everyone, Elise."
May kung anong kinakalikot siya sa laptop niya kaya hindi niya na napansin 'yong sinabi ko habang si Eli naman, nakaupo sa gilid niya.
Pawis na pawis 'yong leeg niya na ngayon ko lang nakita. Kung napansin ko 'yon kanina, pinunasan ko pa sana 'yon.
Umalis na lang ako sa harap nila at saka umakyat sa kwarto ko.
Pagkapasok ko rito, kaagad kong sinara nang padabog 'yong pinto.
"May pa-touch-touch pang nalalaman! Ako, young? Ilang taon na ko! Nakakapag-trabaho na nga ko," naiinis kong reklamo habang hinahanap 'yong cellphone ko.
Gigil na gigil kong hinawakan 'yong phone ko pagkakita rito.
Pero pinakalma ko rin naman 'yong sarili ko at inisip na hindi ko dapat hayaang masayang 'yong oras na nandito si Eli.
Bumaba rin kaagad ako at saka nagtago sa likod ng hagdanan. There is a space here na enough ang laki for me.
Nag-Indian seat ako at saka pinatong 'yong kaliwang siko ko sa kaliwang hita ko. Pinatong ko r'on sa kamay ko 'yong ulo ko habang pinagmamasdan si Eli.
He looks somehow disturbed dahil dinig kong parang hindi sila nagkakaintindihan ni Ate Felize. Napangisi tuloy ako.
Kita mo 'to. Kunware pang wala akong epekto sa kaniya pero alam ko at ng buong mundo na wala siya sa focus ngayon dahil sa nangyari kanina.
Kapag naglaro ng Among Us 'tong si Eli. Alam kong siya ang impostor.
Ang galing magpanggap eh!
Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang oras akong nakatunganga lang kay Eli dahil ang tagal-tagal nila sa ginagawa nila.
I want to talk to him again. Gusto kong malaman 'yong totoo dahil hindi ako titigil hanggat alam kong we have a chance.
Lalo pa tuwing nakikita kong napapatingin siya sa mga labi ko? I know may kakaiba akong epekto sa kaniya! Hindi niya pwedeng ipagkaila 'yon sa isang Elise Quiseo.
Napatigil ako sa iniisip nang biglang tumunog 'yong cellphone ko.
Dali-dali kong tinignan kung sino 'yong tumatawag.
It's Sophia. Ano naman kayang kailangan nito? Miss agad ang kaibigan niyang maganda?
Dahan-dahan akong tumayo at umakyat sa kwarto ko habang nakatakip 'yong kamay ko sa speaker ng phone ko para hindi makagawa ng ingay. Baka kasi mapansin ako ni Ate Felize at mapagalitan na naman niya ko.
"Bakit?" bungad na tanong ko kay Sophia nang sagutin ko 'yong tawag niya pagkapasok ko sa kwarto ko.
"Taray!" pagsusungit niya sa 'kin. "At ang taray ulit sa sobrang tagal sumagot ng tawag ah!"
Inirapan ko naman siya kahit 'di niya nakikita.
Panira kaya siya! Ang sarap-sarap ng titig ko kay Eli eh.
"Taray ka rin," bawi ko naman at saka umupo sa paanan ng kama ko.
"May balita lang ako," masungit na explain niya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong umiikot na rin 'yong mga mata niya.
I curiously asked, "Ano 'yon?"
How I hope, this news is as great as the news of Laurice and Ate Maricor.
Medyo kinakabahan ako habang hinihintay siyang sumagot. Ang tagal naman kasi, masyadong pa-intense!
"May kilala akong CEO sa isang cosmetics company na naghahanap ng bagong ambassadress. Pagkatapos kitang i-recommend, magsusungit ka? Sabihin ko kayang-"
"Grabe, Sophia, para kang anghel!" nangingiti kong singit sa sinasabi niya.
Kilig na kilig ako habang pina-process 'yong balita niya.
It has been a while since I had a photoshoot at masasabi kong miss na miss ko na 'yon gawin. This is a great opportunity for me!
"Salamat," tuwang-tuwa kong saad na nagpatawa sa kaniya.
"Sige na, bye na. Text ko na lang sa 'yo 'yong mga info na need tapos kayo na mag-usap," tuloy-tuloy niyang sambit bago pinatay 'yong phone.
Napapalakpak ako dahil sa saya pagkababa ng phone ko sa kama.
Does it mean, may pagkakaabalahan na talaga ulit ako? Well, sakto lang pala 'yong excuse ko kina mommy kanina.
Tuwang-tuwa akong lumabas sa kwarto ko at saka bumaba. Pero laking disappointment ko na lang nang wala na r'on sina Ate Felize at Eli.
Nawala 'yong ngiti ko at saka napasabing, "Déjà vu."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top