Chapter 17: Dump
Chapter 17: Dump
"Let's go, Elise."
Napalingon ako sa direksyon ni Eli nang sabihin niya 'yon.
By just simply staring at him, bumibilis lalo 'yong kabog ng puso ko. Hindi ko na tuloy maintindihan kung anong uunahin ko— kiligin sa kissing scene namin kanina o humingi ng tawad kay Steven for what he saw.
"You'll go home now," naiinip na sambit niya at saka kinuha 'yong maleta ko sa gilid ng sofa.
Aalis agad? Atat na atat? Hindi ba pwedeng dito muna kami para mabantayan niya ko?
At saka nabitin kaya ko sa kiss namin! Ang fake niya naman kung sasabihin niyang hindi siya nag-enjoy.
Ayaw niya bang mag-spend pa ng time with me? Hindi naman ako magpapapilit, oo agad ang sagot ko!
Hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi niya. Instead, I closed my eyes and laid in the bed.
"Elise," mariing tawag niya na naman sa 'kin pero pinagpatuloy ko lang 'yong pagtutulug-tulugan ko.
Hindi ako papayag na umuwi agad kami! Wala na bang part two 'yong kanina? 'Yon na 'yon? Baka naman, 'di ba?
"Ang tigas ng ulo," naiinis na saad ni Eli.
Naramdaman ko 'yong footsteps niya na papalapit na sa kinahihigaan ko nang biglang magsalita si Steven. "Tara na, Elise," kalmado at malambing niyang saad.
Napadilat ako kaagad at napatingin sa kaniya sa may pintuan.
I suddenly felt sad upon seeing his eyes filled with pain. Nawala 'yong kilig na nararamdaman ko which Eli is giving me.
I pouted my lips as I stared at Steven. Bakit ba kasi nakakaawa siya?
I thought he will say something else pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya— kahit masasakit na salita, wala. He simply smiled at me and said, "Para makapagpahinga ka na sa inyo."
Sa huli, he still cares for me and wants what's best for me.
Ang bigat sa loob na makita siyang nasasaktan dahil sa 'kin. Sino ba naman kasing hindi masasaktan? Kapag nakita ko rin si Eli na may kahalikan, masasaktan din ako. Buti na lang, ako 'yong kahalikan niya. That's my happy thought!
Nginitian ako ni Steven na parang hinihintay 'yong pagsunod ko sa kaniya.
Wala na kong nagawa. Tinanggal ko na 'yong kumot ko at saka dahan-dahang tumayo.
Napatingin ako kay Eli na nakatayo malapit sa hinihigaan ko at saka ko siya inirapan. "Killjoy!" I hissed on him.
"Nahilo ka lang, nagpa-ospital ka na kaagad," pagsusungit niya sa 'kin.
Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil sa narinig.
"Nawalan kaya ako ng malay! At saka may lagnat talaga ako," pagde-depensa ko sa sarili at saka napatingin kay Steven. "'Di ba, Steven?" paghingi ko pa ng tulong.
Marahan siyang napatawa dahil sa sinabi ko at saka ulit nag-aya, "Tara na. Baka mabinat ka pa."
Kitang-kita ko 'yong pag-aalala sa mukha niya. How could he be this caring and kind? Kaya ang hirap niyang i-turn down eh! Parang kasalanan ko pa tuloy kapag hindi ko siya na-like back.
Doesn't Eli feel the same thing when he is pushing me away? Hindi ba talaga? Ang sama niya naman kung gan'on.
I crossed my arms as I approached Eli. Nag-tiptoe ako at saka bumulong sa gilid ng tenga niya, "Kung hindi ako na-ospital, hindi ka makakahalik."
I saw how he got stunned by what I said. I even noticed his jaw clenching as he lowered down his glance at my lips.
I smirked at him upon seeing that before I left the room with Steven.
One point for Elise!
Maglaway ka ngayon, Eli.
Tahimik lang kaming dalawa ni Steven habang naglalakad papunta sa escalator. I am amazed at how he was able to follow my small steps kaya hindi ko na kailangang mag-catch up sa kaniya.
Pagdating namin sa baba, nilapitan kaagad kami ni Eli kaya napahinto kami sa gilid ng exit. As usual, his forehead is creased.
"Hintayin niyo na lang ako rito, magbabayad lang ako ng pinang-ospital ng iba," sarkastiko niyang saad bago iniwan 'yong maleta sa tabi namin.
"Parang laking kabawasan naman niyan sa kayamanan mo," nakasimangot kong saad.
"Oo," maikli niyang sagot bago niya inabot sa 'kin 'yong clutch bag ko.
Umalis din naman siya kaagad sa harapan namin para pumunta sa cashier.
Kahit palagi niya kong sinusungitan? Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kilig habang nakatitig sa kaniya.
Kahit nasa malayo, he looks like someone who takes a bath thrice a day. At napaka-expensive rin ng hitsura niya. His white long sleeves suit him well. Mukhang bago siya pumunta rito, he was in his office or a meeting.
At in fairness, bagay sa kaniya na bitbit 'yong mga gamit ko kanina! Ayaw niya ba maging full-time boyfriend ko? Ngayon pa lang kasi na training niya, pasadong-pasado na siya eh!
Nang mawala na sa paningin ko si Eli, napalingon ako sa gilid ko. I saw Steven looking at the people who are passing by.
Huminga ako nang malalim para humugot ng lakas ng loob na kausapin siya.
"I'm sorry, Steven," nahihiya kong saad na nagpalingon sa kaniya sa direksyon ko.
His eyes seemed lost with what I just said kaya pinagpatuloy ko 'yong gusto kong sabihin, "Sorry sa nakita mo sa taas kanina. SPG 'yon, dapat pumikit ka."
Kaagad siyang napatawa nang bahagya pagkasabi ko n'on.
I felt somehow relieved seeing him laugh like that. He doesn't deserve to feel any pain.
"Halika nga rito sa gilid," kalmado niyang saad at saka naglakad papunta sa bench sa labas lang ng ospital. Hatak-hatak niya 'yong maleta ko.
When he sat on one of the benches, he motioned at me to sit beside him kaya ginawa ko naman 'yon.
"Hindi mo naman kailangang mag-sorry," nakangiti niyang saad na nagpa-pout sa 'kin.
Umayos ako ng upo patagilid para mas makita ko siya. "Talaga ba?" nahihiya kong tanong. "Pero kasi I should have made things clear from the very beginning."
Bahagya siyang napatawa at saka napailing.
"Sabi ko naman sa 'yo, hindi mo kailangang sumagot n'on dahil hindi 'yon tanong. Hindi mo kasalanang maganda ka inside and out kaya nagustuhan kita," nakangiti niyang saad at saka niya inabot 'yong ulo ko para i-pat.
"Matagal ko ng alam na maganda ko, hindi mo na kailangang sabihin," pagbibiro ko na nagpatawa sa 'ming pareho. "Kidding aside," pagseseryoso ko at saka inabot 'yong kamay niyang nakahawak sa ulo ko para hawakan 'to nang mariin. "I may be unable to give you the same amount of admiration you are giving me pero nandito naman ako bilang kaibigan mo."
Biglang kumunot 'yong noo niya dahil sa sinabi ko kaya nakaramdam tuloy ako ng kaba.
Mali ba 'yong nasabi ko?
I am trying my best to not hurt him kaya!
"Ayaw ko maging kaibigan mo lang, Elise. Marami na kong kaibigan 'no," seryoso niyang saad that made my mouth agape.
"Ano?" gulat na nagtataka kong tanong.
"Joke lang!" natatawa niyang hirit saka binawi 'yong kamay niya. "You are not obligated to reciprocate my feelings, Elise. Pero ang hiling ko lang, choose the person who will treat you right."
Sandali akong natameme sa sinabi niya. Nang makabawi, nginitian ko siya, "Ang lalim naman n'on! Nakakalunod," pagbibiro ko.
"Walang saysay 'yong pagmamahal mo para sa isang tao kung hindi ka naman niya tinatrato nang tama," seryoso niyang saad at saka tumayo.
Kunot-noo ko siyang tinitigan bago ko tumayo rin sa tabi niya.
"Paano mo ba masasabi na you are being treated right by the person you love?" curious kong tanong sa kaniya.
Lumingon siya sa exit bago sinabing, "Matalino ka, Elise, pero hindi sa pag-ibig."
Natawa ko sa sinabi niya. "Thanks. Sana compliment 'yan," pagbibiro ko.
Hindi niya pa rin ako nililingon nang sabihin niyang, "Masasabi mong tinatrato ka nang tama ng taong mahal mo kapag hindi niya tine-take for granted 'yong pagmamahal mo para sa kaniya."
I was about to say something when I saw Eli walking towards us.
"I'll get the car, wait here," kunot-noo niyang saad na tinanguan ko na lang dahil umalis din siya agad.
Pagtingin ko kay Steven, nakatitig na siya sa 'kin and a smile is showing from his face. Pero hindi ko mapigilang hindi ma-bother sa namumula niyang ilong.
Nawala lang 'yon sa isip ko nang tanungin niya ko, "Until we meet again?" Nakangiti siya at parehong nakataas 'yong eyebrows niya.
Bahagya akong napatawa dahil sa narinig.
"Huwag kang umasang sasali ulit ako sa mga project niyo ah!" I said as a disclaimer to whatever thought he is having.
Napangiti na lang siya bago nagpaalam, "Just call me whenever you need me, Elise." Tinignan niya 'yong clutch bag kong bitbit ko. "Naghulog ako ng papel diyan. I wrote down my number, just in case."
Nagulat ako sa sinabi niya.
Kailan niya naman 'yon nilagay?
Magtatanong pa lang sana ako nang umalis na siya kaagad. Hindi na rin tuloy ako nakapagpaalam pa.
Halos mapatalon na lang ako sa gulat nang may marinig akong sunod-sunod na busina. Pagtingin ko sa direksyon ng kotse na 'yon, nakita ko sa loob ng gray Land Rover Range Rover Velar P250 si Eli.
I can see his creased forehead through the front window that made me laugh.
Napakaiksi ng pasensya ng tao na 'to.
Napailing na lang ako at saka hinatak 'yong maleta papunta sa likod ng kotse niya. Hinahanap ko pa lang 'yong tailgate button frame, umangat na kaagad 'yong tailgate.
"Ako na," I heard Eli said pagkalapit niya sa 'kin.
Hindi ko naiwasang mapangiti bago ako gumilid. I observed how he carried the luggage to put it at the back.
"Tamang flex lang ng muscles?" pang-aasar ko sa kaniya. Pero joke ko, tawa ko lang din.
Ang hirap naman ka-bonding nito!
'Di niya ko pinansin. Pagkasara niya sa likod, pumunta na kaagad siya sa harap.
At dahil sa takot na baka iwan niya pa ko rito, dumiretso na rin ako papunta sa passenger's seat. Pagkaupong-pagkaupo ko sa loob, sinara ko rin 'yong pinto at saka siya nagsimulang magmaneho.
"So, pwede ko bang malaman kung ba't mo ginalaw 'yong mga labi mo kanina?" pagtatanong ko sa kaniya habang inaayos 'yong seatbelt ko.
Hindi niya ko sinagot kaya nilingon ko siya kaagad mula sa gilid ko. He is busy driving and he seemed uninterested in what I asked.
Napasimangot ako pero pinilit kong ngumiti rin agad. Hindi ko dapat sabayan 'yong pagsusungit niya.
"You won't move your lips if you weren't craving for a deeper kiss from me, right?" panibagong tanong ko.
Although I didn't get any answer from him, I saw how his grip tightened in the stirring wheel. Napangisi ako dahil sa nakita.
"So, tama nga ko, uhaw ka sa halik ko?" nangingiti kong tanong; nagpipigil ng kilig.
Tumingin siya sa side mirror sa kaliwa niya kaya hindi ko nakita 'yong reaksyon niya.
I extended my hand to poke him on his right arm para pansinin niya ko. At siyempre, nagwagi ako!
"Stop it, Elise," mariin niyang saad nang lingunin niya ko sandali. Hindi man nakakunot 'yong noo niya pero seryosong-seryoso siya.
"Grabe naman sa pagiging serious, pwede rin bang maging serious ka sa 'kin?" hirit ko at paimpit na napatili sa sariling sinabi.
Pero itong katabi ko, mukhang hindi niya nagustuhan 'yong banat ko.
"Can you please shut up now? I'm driving," pagsasaway niya sa 'kin.
"Can you please shut up now? I'm driving," I mimicked him pero sumeryoso na lang din ako. "Okay. Sungit," I hissed at the end.
Pagkatapos na pagkatapos ko magsalita, may pinagpipindot siya sa harap at binalot na lang kami ng random songs niya.
https://youtu.be/lPG6bKqcvP8
As he requested, I zipped my mouth but I didn't stop staring at him from time to time. Good thing, wala naman na siyang reklamo pa. Tititigan lang eh, mag-iinarte pa ba siya?
Kasalanan niya kasi 'to, ang gwapo niya masyado kaya mahirap magpigil ng sarili. Parang ang perfect-perfect ng hitsura niya pati hubog ng katawan niya.
From his thick eyebrows, hazel-colored eyes, pointed nose, down to his kissable lips, wala akong masabi.
Ang perfect pa ng panga niya kaya kahit umiigting 'yon, kinikilig pa rin ako. Nasisiraan na ba ko ng bait?
Tapos 'yong braso rin niya, parang ang sarap pisilin. Wala bang World Braso Pisilan Day?
"Stop smiling like an idiot," he said while his eyes are darted in front.
Inirapan ko siya at saka tumingin sa labas.
"Ang gwapo mo kasi," naiinis kong saad. "Kaya kung tititigan mo rin ako, okay lang. 'Di rin kita masisisi," dagdag ko pa sa mas mahinahon na tono.
Kahit gusto kong maipit kami sa traffic para mas matagal ko siyang makasama at matignan-tignan, I am disappointed that it took us less than two hours to get home.
He parked the car in front of our house and I was contemplating whether to get outside or stay beside him. Magsakit-sakitan kaya ako?
Tinignan ko siya at saktong nakatingin din pala siya sa 'kin.
Out of nowhere, he said, "Magpahinga ka na sa loob," and right on cue, bumilis 'yong tibok ng puso ko.
I heard him correct, right?
Hindi pa ko nakakabawi sa pagkaka-shock ko, dinugtungan niya agad 'yon ng, "Kung ano-ano na kasing sinasabi mo, kulang ka na sa tulog," kaya napa-pout ako.
Nakakainis. Binawi pa!
Hindi na lang ako kumibo at saka tinanggal 'yong seatbelt ko bago bumaba. Lumabas na rin naman siya bago pumunta sa likuran ng kotse niya.
Susundan ko pa sana siya pero bitbit niya na 'yong maleta ko papunta sa tapat ng gate namin.
Magsasalita pa lang din sana ko nang talikuran niya na ko.
Masyadong nagmamadali. Takot makasama ko? Baka ma-fall, gan'on?
Hinabol ko siya at saka hinawakan sa right wrist niya. Nilingon niya rin naman ako agad at bago pa siya makapagsalita, inunahan ko na siya, "I kissed you a while ago to remind you that it was you whom I love. That will never change, Eli. Pero gusto ko lang ding sabihin that you confused me when you initiated that deep kiss."
Nakita ko 'yong paglamlam ng mga mata niya at 'yong pagbagal ng galaw ng chest niya dahil siguro sa pagbagal ng hininga niya. Pero hindi ko na siya hinintay pa na mas makapag-react o magsalita man. Tumakbo agad ako papunta sa gate at saka hinatak 'yong maleta ko.
"Kainis," pabulong na reklamo ko nang pagtulak ko sa gate, hindi 'to bumukas.
Epic fail naman! Sarado ata 'tong gate.
"Nandito na ang magandang Elise!" bigay todong sigaw ko dahil sa takot na makarinig pa ng pang-aasar ni Eli o kahit anong possible na masasamang salita na lalabas sa bibig niya.
Good thing, bumukas din naman agad 'yong gate at nakita ko si Laurice sa gilid. Dali-dali akong pumasok habang hatak 'yong maleta ko at hawak naman sa kabilang kamay 'yong clutch bag ko.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata at saka pabulong na inutusan, "Sarado mo na."
Kunot-noo niya kong tinignan at saka sumilip sa labas.
"He is still there," naguguluhan niyang saad bago sinara 'yong gate.
Hindi ko na siya pinansin. Naglakad na ko dahil baka kung ano pang itanong niya. Ang hirap pa naman sagutin palagi ng mga tanong niyang kala mo napulot sa kabilang mundo.
Pero nang makaramdam na ko ng hirap dahil sa dami ng bitbit ko, I decided to stop walking as I gazed at my literally little sister.
"Wala ka bang balak tulungan ako?" naiinis kong tanong sa kaniya. "Kakagaling ko lang kaya sa sakit," pagpapaawa ko pa.
Pinanlisikan niya ko ng mga mata saka niya kinuha 'yong maleta ko.
Padabog niyang binuksan 'yong pinto at saka pinasok 'yong maleta.
Ako na nagsara ng pinto dahil baka masira pa 'to ni Laurice.
We walked upstairs side by side. While doing so, I told her everything that happened in the outreach program including how Steven confessed his feelings to me.
"He surely has no taste," kumento niya pagkapasok namin sa loob ng kwarto ko.
Iniwan niya lang 'yong maleta ko sa sulok ng kwarto at saka dumiretso sa kama para mahiga.
"Wow! Ikaw 'yong nag-outreach program? Pagod na pagod?" sunod-sunod na sabi ko at saka binaba sa gilid ng kama 'yong clutch bag ko.
Dumiretso na ko sa walk-in closet para kumuha ng pamalit na damit.
"I'm not and it's obvious since between the two of us? It was you who smells so bad, Elise," I heard her say that from my room; in a tone that is mocking me.
Kahit hindi niya nakikita, inirapan ko siya.
Ako, mabaho? Wish niya lang!
Inamoy-amoy ko 'yong kili-kili ko. Hindi pa naman talaga mabaho.
"I have news for you," narinig kong pasigaw na sabi niya.
'Di ko siya pinansin para siya naman 'yong mainis.
Kumuha na lang ako ng blue silk pajama and polo at dito na rin sa loob nagpalit para 'di ko makita si Laurice.
I was fastening the buttons of my top when I heard her reveal something, "Ate Felize told me yesterday that Eli broke up with his girlfriend the other day."
Dali-dali akong napatakbo palabas sa walk-in closet at saka tumalon sa kama.
Nanlalaki 'yong mga mata kong tinitigan si Laurice, "Totoo ba?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya.
I reached for her shoulders saka ko siya inalog-alog habang nakahiga siya.
"Stop it, Elise!" galit na galit niyang saad at saka tinanggal 'yong mga kamay ko sa magkabila niyang balikat.
Halos ma-out of balance ako dahil sa lakas niya. Buti na lang at napakapit ako sa headboard.
Umayos ako ng upo at saka sumandal sa headboard. Hawak-hawak ko 'yong chest ko habang dinadama 'yong mabilis na pagtibok ng puso ko.
A smile was forming on my face little by little.
Wala sa sarili kong nasabi, "Ibig sabihin..." he kissed me back dahil pwede na? Pwede na maging kami ni Eli?
Napatili ako dahil sa sobrang saya na nararamdaman. Napayakap pa ko sa sarili at napatili ulit.
"Don't let your imagination fool you," masungit na saad ni Laurice mula sa gilid ko.
Nakangiti ko siyang nilingon at saka ko siya niyakap nang sobrang higpit.
"Kapag naging kami, ikaw unang makakaalam!" excited kong promise sa kaniya at saka ako kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Baka itulak pa ko nito tapos mabagok at magka-amnesia ako.
"Look at your top, you look gross," naiirita niyang turo sa damit ko at saka tumayo.
Napatingin naman ako sa damit ko at nakitang bukas pa pala 'yong tatlong butones sa ilalim nito.
Natatawa kong sambit, "Sorry na, ganda kasi ng balita mo."
I didn't hear her say something but only the door that was forcefully closed.
In fairness, nakakagulat ah!
Tatayo na sana ko para kunin 'yong mga hinubad kong damit at ilagay sa labahan nang bumukas 'yong pinto ng kwarto ko.
I saw Laurice peeping from the outside before she asked, "How would you know that a man is serious with you?"
Mag-iisip pa lang sana ako ng isasagot sa kaniya nang magsalita siya ulit, "Nevermind, you're not the right person to ask," at saka niya padabog na sinara ulit 'yong pinto.
Ang harsh ah! Magtatanong na lang, kailangan pang manlait?
On that night, I didn't let the negativity of Laurice get into me. 'Yong magandang balita niya lang 'yong inintindi ko.
I looked for my phone and the moment I opened it, nagulat ako sa dami ng missed calls ni Eli kanina n'ong nasa ospital ako.
Ngiting-ngiti ako habang tinitignan 'yong call history niya. Ang gandang view naman nito. Kaya I love you, Eli eh.
Kung ganito ba naman siya palagi, eh 'di wala kaming problema!
Kilig na kilig ako when I flooded him my messages.
My sugarcakes honeypie Eli
Totoo bang wala ka na ulit girlfriend?😱😱😱
Congratulations and welcome to my life.
Itatanong ko na rin pala, how was the kiss for you?🤧🤧
Why did you kiss me? Why did you initiate that kind of kiss?
Ngiting-ngiti lang ako habang nakahiga at nakatingin sa kisame ko. Kahit medyo masama pa rin 'yong pakiramdam ko, tumayo na ko to take a bath dahil nasa mood akong gumalaw nang gumalaw.
I feel so energetic!
The next day, feel ko nagkaroon na naman ng himala sa mundo. I woke up with mommy bringing in porridge in my room.
That's so unusual dahil bawal kami magdala ng mga ganitong klaseng pagkain sa kwarto.
Hindi ko na lang pinansin dahil mas okay na 'to kaysa sumakit tenga ko sa mga sermon ni mommy.
When noontime came, laking gulat ko na naman nang magdala si mommy ng pagkain sa kwarto ko. Hindi niya rin ako pinansin nang maabutan niya kong nanonood ng make-up videos.
At n'ong gabi rin, dinalhan niya na naman ako ng meal dito sa kwarto. She even told me that it's okay for me to stay inside my room dahil pagod daw ako.
She was all smiles whenever she goes to my room kaya hindi ko na napigilan ang pagtatanong n'ong gabing 'yon, "Ano pong mayr'on?"
Napatawa siya dahil sa tanong ko at saka pumunta sa may pintuan. Nilingon niya ko bago lumabas.
"I'm happy na nagka-character development ka na," natatawa niyang saad bago ito dinugtungan, "Magpagaling ka lang diyan."
Kunot-noo ko siyang pinanood nang isara niya na 'yong pinto.
I have a hunch na pinabango ni Steven 'yong pangalan ko kay mommy. Knowing Steven? He could be that kindest.
Napangiti na lang ako sa sariling naisip.
How I hope, he'll be with a woman who can see through him. He deserves the best woman at kahit the best ako, sorry, I'm reserved for Eli.
Maya-maya lang din, kinain ko na 'yong dinala ni mommy na palabok bago ininom 'yong gatas ko. Hindi ko naman na kailangang ibaba 'yong mga pinagkainan ko dahil ipapakuha na lang daw ni mommy 'yong mga 'to kay Ate Maricor. Pinatong ko na lang 'yong mga 'yon sa bedside table.
Before I sleep that night, I sent Eli some messages. Para good vibes kami pareho.
My sugarcakes honeypie Eli
Eli? Still awake?🥰🥰
Mahal kita.
Inaro taka.
Gihigugma ko ikaw.
Ay-ayaten ka.
Kaluguran daka.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top