Chapter 16: Third
Chapter 16: Third
The next morning, sobrang sama ng pakiramdam ko.
Sino ba namang hindi sasakit ang katawan sa kamang mas matigas pa ata sa ulo ni Laurice?
Pagdilat ko ng mga mata, nakaayos na si Steph. She's intently looking at me.
Umupo ako at saka ko siya tinitigan.
"Nanghingi ako ng toothbrush sa iba. Huwag kang mag-alala, bago 'yan," sambit niya sabay turo sa gilid ko.
Napalingon naman ako sa tabi ko at saka nakita 'yong toothbrush at toothpaste.
"Thank you, Steph," saad ko na may ngiti sa mga labi.
"Baho!" pang-aasar niya sabay takip sa ilong. "Huwag ka muna magsalita," dagdag niya pa.
"Baka mas mabango pa hininga ko sa 'yo kahit hindi pa ko nagtu-toothbrush," pagbibiro ko na ikinatawa niya.
"Pupunta kami sa tabi ng lake, sama ka?" tanong niya at saka naglakad papunta sa pinto.
She's looking at me from her shoulder.
Umiling ako bilang sagot. "Papahinga na lang ako."
She gave me a thumbs-up before she left.
Pagkalabas niya, pumunta ko sa corner ng kama at saka sumandal sa pader. Niyakap ko 'yong sarili ko dahil sa lamig na nararamdaman.
"Sabi ni Eli, ako raw 'yong hangin pero bakit ako 'yong giniginaw ngayon?" pabulong kong tanong sa sarili. Napangiti na lang ako sa nasabi ko.
I stayed in that position for a long time before I decided to go outside.
Wala kasing lababo o kahit CR sa loob n'ong bahay. Iisa lang 'yong CR at lababo nila na nasa labas pa.
Buti na lang at maganda ako 24/7 kaya kahit bagong gising, I don't look messy.
Nang makapunta ko sa labas kung nas'an 'yong lababo, I first brushed my teeth before I washed my face.
Hirap na hirap pa ko dahil 'yong tabo nila, walang hawakan. Tapos kailangan ko pang kumuha nang kumuha ng tubig.
Nakakapagod naman 'to!
Pagkatapos ko sa ginagawa, saka ko lang naalala na wala nga pala kong bimpo.
"Nakakainis talaga si mommy!" nanggigigil kong saad at saka kinuha 'yong mga gamit ko.
Pabalik na sana ko sa bahay nang makita ko si Steven.
He carefully looked at me as he smiled. May inaabot siyang bimpo sa 'kin kaya napunta r'on 'yong attention ko.
"Pamunas sa mukha mo," sambit niya.
I was thinking twice about whether to use that or not. Malay ko ba kung s'an niya pinamunas 'to. Baka sa pawis niya tapos ipapamunas ko sa malinis kong mukha.
"Malinis 'to. Kakakuha ko lang nito sa bag ko," natatawa niyang saad na para bang nabasa niya 'yong iniisip ko kaya napaangat 'yong tingin ko sa kaniya.
Napangiwi ako nang tanggapin ko 'yon.
Nakakahiya ka talaga, Elise!
Baka napansin niyang ayaw ko 'tong tanggapin. Nag-iingat lang naman ako sa dumi.
Pinunasan ko na lang kaagad 'yong mukha ko at saka sinauli 'yon sa kaniya.
"Hindi ka maliligo?" nagtataka niyang tanong.
Umiling ako at saka tinignan 'yong CR na malapit lang sa kinatatayuan namin ngayon. Parang kapag pumasok ako r'on, kita ako ng lahat ng tao mula sa labas.
Gawa lang kasi 'yon sa pinagdikit-dikit na bamboo. Tapos 'yong pinaka-mistulang bubong niya, parang mga dahon lang. May awang din mula sa dulo ng bamboo tapos sa bubong. May nakasabit na damit d'on.
"Don't worry, Elise. Hindi kita 'yong tao sa loob niyan," natatawang saad ni Steven. Napa-pout ako pagtingin ko sa kaniya. "Wala ring maninilip. The people here are different from those in the city. They are respectful, I'm telling you."
Napahinga ako nang malalim.
"Hindi lang naman 'yon," nahihiya kong saad. "Wala naman akong pamalit. Tapos hindi ako marunong maligo sa ganiyan. Kailangan pang kumuha ng tubig sa malayo," tuloy-tuloy kong saad.
"Ipag-iigib kita," walang alinlangan niyang saad kaya napakunot ako ng noo.
"Huwag na! Nakakahiya—" I was about to continue what I was saying nang biglang makaramdam ako ng sakit ng ulo.
Napahawak ako sa sentido ko sa gilid ng noo at saka hinilot 'yon.
"Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong at saka lumapit sa 'kin.
Tumango ako bilang sagot. Napayakap ako sa sarili nang humampas 'yong malamig na hangin sa balat ko.
"Sama ka? Sa lake?" pag-aaya niya pero tinanggihan ko kaagad.
"Papahinga na lang ako rito," sambit ko at saka nagsimulang maglakad.
Sinundan niya naman ako hanggang sa makarating kami sa may kalsada. Umupo kaming pareho sa may gilid.
This place is safe and cars barely pass through kaya okay lang tumambay sa gilid ng kalsada.
Pinagmamasdan ko 'yong paligid nang bigla na naman akong makaramdam ng sakit ng ulo. Kaagad akong napainda, "Ang sakit."
Hinawakan ko 'yong magkabilang gilid ng ulo ko at saka 'to hinilot-hilot. Naramdaman ko na lang 'yong kamay ni Steven sa balikat ko.
"Halika na, Elise. Pa-check ka. May doctor naman ngayon sa site," nag-aalala niyang saad kaya sumunod na lang ako.
Para kasing winawarak 'yong ulo ko sa sobrang sakit. Palamig din nang palamig 'yong pakiramdam ko na may halong init.
Dahan-dahan lang 'yong lakad ko dahil sa takot na matumba. Para na kasi akong nanghihina na ewan.
Steven brought me to the site and a doctor immediately approached us. Umupo muna ko sa isang monoblock chair habang nakatayo lang si Steven sa likod ko.
The doctor checked my temperature before she gave me a glass of water.
Ininom ko 'yon kaagad bago isinauli 'yong baso sa kaniya.
"It's 40 degrees," gulat na saad niya. "Kumain ka na ba?" tanong niya pa.
Umiling ako bilang sagot. Wala na kong lakas pa para magsalita.
"Why haven't you eaten yet?" nag-aalalang tanong ni Steven bago siya umalis.
May binigay namang gamot sa 'kin 'yong doctor. "Inumin mo 'to kapag may laman na 'yong tiyan mo," saad niya.
Tumango na lang ako at tatayo na sana nang lapitan ako ni Steven. "Kain ka muna," nag-aalala niyang saad.
He gave me food to eat. Kanin tapos itlog 'yong ulam.
Pinatong ko 'yong plato sa lap ko at saka nagsimulang kumain. I checked first the utensils kung malinis, baka kasi may sakit na ko, lalo pa kong magkasakit dahil sa germs.
Pagkatapos kong kumain, binigyan ako ni Steven ng tubig at saka ko ininom 'yong gamot.
It was just the two of us here because the others are already busy packing while some are strolling. Uuwi na raw kami maya-maya.
Buti naman. I want to sleep on my soft mattress and lock myself in my room until I get better.
"Okay ka na?" nag-aalalang tanong ni Steven. He's now sitting on the monoblock chair across from me.
Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi niya. Napatigil din ako kaagad dahil kumirot na naman 'yong ulo ko.
"Kakainom ko pa lang ng gamot," pagpapaalala ko sa kaniya na ikinangiwi niya.
Napakamot pa siya sa ulo niya saka sinabing, "Oo nga pala."
Tahimik lang kami for the next few minutes until he broke the silence between us.
"Gusto kita, Elise," seryosong sagot niya. His eyes are filled with admiration and sincerity.
I bite my lower lip as an initial reaction.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I am kind of worried about what I heard.
I want to tell him that I have a boyfriend named Eleazar Maceda pero hindi ko magawa. I don't have the heart to turn him down in an instant.
"Did I shock you?" nag-aalala niyang tanong.
He leaned forward to reach for my hands. Napatingin ako r'on. Inipit niya 'yong mga kamay ko sa gitna ng mga kamay niya. His hands are warm and it made my heart beat so fast.
Not because I like him but because of the worry that is spreading inside me.
"I'm just saying, Elise. Hindi mo naman kailangang magbigay ng sagot dahil hindi naman 'yon tanong," natatawa niyang panimula bago nagseryoso. "We just met yesterday and we still do not personally know each other," he said with a sweet smile on his face.
How could I ever have the heart to break his own heart? Pero 'di ba, ang palaging sinasabi ko, I do it for them not to get their hopes up.
Pero kapag ganito pala kabuti 'yong tao, it is so hard to come up with perfect and right words to say to dump him.
Don't tell me, kaya sobrang bilis akong i-turn down palagi ni Eli ay dahil hindi siya nababaitan sa 'kin? Duh! He has to get to know me more bago siya mang-judge.
"You are very different from all the women I've met in my life thus far," Steven said in a serious tone. Tinitigan niya ko sa mga mata habang nakahawak pa rin sa mga kamay ko. "Smart, quick-witted, competitive, has a genuine heart, honest, and direct."
He shoved his both thumbs on the side of my hands.
I was supposed to feel warm and happy the way he described me but I couldn't. Mas nangingibabaw pa rin 'yong worry sa loob-loob ko.
"Puro magaganda naman nakikita mo," pagbibiro ko, trying to start a conversation that will help me to say that I am not interested in him. "At puro inside beauty, hindi mo ba napapansin 'tong ganda ko?"
Napatawa siya sa sinabi ko. The way he laughed like that, it hurts me already that I have to give him pain later on.
Ang sama na nga ng pakiramdam ko, nalulungkot pa ko.
"That's the usual thing to first notice about you," he said when he got serious. "You standout, Elise. That's impossible to not see. Mas napansin ko lang 'yong personality mo."
Tinaasan ko siya ng kanan kong kilay dahil sa narinig, "And it's impossible too to not notice my kaartehan," natatawa kong saad.
Bigla kong binawi sa kaniya 'yong mga kamay ko nang makaramdam na naman ako ng sakit ng ulo.
Napahawak kaagad ako sa magkabila kong ulo as I massaged both sides.
"Elise?" nag-aalalang tawag sa 'kin ni Steven.
Hindi kaagad ako nakakibo dahil sa sakit ng ulo ko. Pero nang mawala na 'yong kirot, I composed myself and smiled at him.
I have to say the painful words now bago pa siya umasa na may chance siya sa 'kin.
Huminga ako nang malalim at saka nagsalita, "Steven—"
"Aalis na raw!" Hindi ko pa natatapos 'yong sasabihin ko nang biglang tinawag na kami ng bus driver.
Tumayo na si Steven at saka siya nagsalita, "Pack your stuff now."
Natulala ako sa kaniya. I was unable to say something in return.
Ngumiti muna siya bago nagpaalam, "Mag-aayos na rin ako."
In a blink, he stormed out of my sight.
Nakakainis! Dapat kasi sinabi ko na kaagad 'yon. I should have made things clear as early as I could.
Nakakainis ka, Elise!
Wala na kong nagawa. Nangyari na. Bumalik na lang ako sa bahay at maya-maya rin naman, nandito na rin sa loob si Steph.
"Grabe! Sobrang ganda rito. Walang-wala 'yong hangin sa 'tin," she said with full of excitement in her tone.
I don't want to be a killjoy but I cannot stop thinking of what happened earlier. Isama pa na ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko.
Napahinga ako nang malalim.
"Oh? Ba't parang ang laki ng problema mo? Pasan mo na ba ang buong mundo?" tanong niya bago ako nilapitan.
I felt pressured when I saw her done packing her things.
Pinilit kong ngumiti para hindi siya mag-alala. "I just need to rest, Steph," I said in a low tone of voice.
Tumango na lang siya at hindi na nangulit to give me space. After a while, lumabas na rin kami at pumunta sa bus.
May tumulong naman sa 'king native to bring my luggage inside the bus compartment kaya hindi na ko nahirapan.
"Salamat," saad ko at pinilit na ngumiti to express my gratitude.
Nginitian niya lang ako at saka tinulungan din 'yong iba.
Pagkaakyat ko, I saw Steven in front looking at me.
Hindi ko alam 'yong gagawin ko. I felt so guilty about what I did a while ago, so I didn't approach him.
Dumiretso ako sa upuan ko at ipinikit agad 'yong mga mata ko pagkaupong-pagkaupo. My eyelids feel so heavy and my body is aching.
I felt Steph walking in front of me before she took a sit.
Habang yakap ang clutch bag ko, hindi ko na namalayan na tuloy-tuloy na 'yong naging tulog ko.
Nagising na lang ako nang nasa Cubao na kami. Kahit papaano, gumaan 'yong pakiramdam ko. I feel like I am getting nearer from our house.
Some of them were already outside kaya napabangon kaagad ako dahil sa bigla.
Medyo nakaramdam tuloy ako ng hilo dahil sa ginawa kaya napahinto ako.
After few seconds, medyo naging okay na rin 'yong pakiramdam ko kaya naglakad na ulit ako habang bitbit 'yong clutch bag ko.
"Elise? May susundo ba sa 'yo?" narinig kong tanong ni Steph na kasunod ko lang.
I cannot speak because I feel like vomiting, so I was unable to answer her. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para makalabas na. I thought I felt better not until I set foot outside of the bus and everything turned black.
Hindi ko alam kung patay na ba ko, nananaginip, o wala lang sa sarili.
When I opened my eyes, I saw two gorgeous men sitting on the sofa. Nasa magkabilang dulo sila na para bang may pandemic pa rin sa earth kaya todo social distancing sila.
O baka ngayon pa lang nagka-pandemic sa langit?
"The lover of and the loved by Elise," natatawa kong saad at saka sila pinagmasdan.
"Elise?" nag-aalalang tanong ni Steven at saka siya tumayo.
Pumikit ako at saka dumilat ulit pero nandito pa rin silang dalawa sa harapan ko.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang makalapit na sa gilid ko si Steven.
"Okay ka na ba?" nag-aalala niyang tanong at saka hinipo 'yong noo ko. "Mababa naman na 'yong lagnat mo," dagdag niya pa.
Inangat ko 'yong tingin ko sa kaniya at saka ko siya tinusok-tusok sa tagiliran.
"Uy! May kiliti ako riyan," natatawa niyang saad na nagpatigil sa 'kin.
May pakiramdam 'yong mga tao sa heaven? So, hindi 'to heaven? Panaginip 'to?
Kinurot ko 'yong sarili kong pisngi at napainda nang makaramdam ng sakit, "Aray!"
"Idiot," narinig kong pagsusungit ng isa pang gwapong nilalang na naiwan sa sofa.
I looked at him and my heart started beating so fast.
Ang late reaction naman ng puso ko. Kanina pa nandito si Eli, ba't ngayon lang tumibok 'to nang mabilis?
Kunot-noo ko siyang tinitigan at tatayo na sana ko para tusukin din siya nang hawakan ako sa magkabilang shoulder ni Steven.
I pouted at him.
Epal naman nito. Panaginip na nga lang eh!
"Magpahinga ka muna," kalmadong saad ni Steven. "Nawalan ka ng malay kanina. Hindi mo ba maalala? Nasa ospital ka ngayon, Elise."
Napakunot 'yong noo ko dahil sa narinig.
"Ba't ako nasa ospital?" nagtataka kong tanong sa sarili more of asking it to him.
Umayos ako ng upo at saka inalala lahat ng nangyari.
"Natulog ako sa bus. Nagising. Tumayo. Naglakad. Paglabas ko, naging itim lahat," bulong ko sa sarili habang inaalala ang lahat.
If things turned black, malamang natumba ako!
"May sumalo ba sa 'kin?" dali-dali kong tanong kay Steven pagkalingon ko sa kaniya sa gilid ko.
Tinabihan niya ko sa kama at saka siya napatawa.
"Ako," sagot niya na may ngiti sa mga labi.
"Good thing," saad ko at napahinga na nang maluwag. "Hindi naman ako nagasgasan 'di ba?" tanong ko ulit sabay tingin sa mga braso ko.
When I saw that I have no scratches, napahinga na ko nang maluwag. Hindi ako pwedeng magkasugat. I am still aiming to be a fashion model again.
Napatingin na rin tuloy ako sa damit ko pagkaangat ko ng kumot na nakapatong sa katawan ko.
I am still wearing the same clothes. The shirt I borrowed from Steph and the skirt I've been wearing for more than a day.
Napalaki 'yong mga mata ko nang maisip 'yon.
'Yong amoy ko!
Pasimple kong inamoy-amoy 'yong sarili ko. Eli is here. Nakakahiya kung ngayon na nga lang ulit kami nagkita, ang baho ko pa.
Nang masigurado kong okay pa naman 'yong amoy ko, napalingon ako kay Eli. I pointed at him and curiously asked, "Why are you here?"
He creased his forehead as he met my gaze.
"Don't be too assuming. Your Ate Felize pleaded me to go here because your family is busy," he said in a serious tone.
"Ang defensive mo naman," puna ko saka siya inirapan.
Pasalamat siya mahal ko siya.
"I'm just stating the fact, young girl," he said in an angry tone.
I mimicked him and said, "I'm just stating the fact, young girl," making sure that I emphasized 'young girl'.
Kahit ganiyan 'yan si Eli, he is the man I want to marry. Ayaw niya lang na ipinapakita masyado 'yong good qualities niya sa 'kin. Kasi ganito pa nga lang na masungit siya, grabe na 'yong kilig ko, paano pa kapag 'yong mabait ng side niya ang nakita ko?
Baka namatay na ko sa kilig. At hindi pwedeng mamatay ako nang hindi siya napapakasalan!
"It's the action that counts," saad ko nang hindi siya nagsalita.
Wala ulit nagsalita kahit itong katabi ko kaya ako na lang ulit 'yong umimik. "Wala talaga sina mommy rito? Hindi ba sila nag-alala? Paano kung namatay ako? Dalawa lang kayong magluluksa?"
I was feeling remorse when Eli sarcastically laughed. "Don't include me, Elise."
Napasimangot kaagad ako sa narinig.
Wala talagang pinapalampas ang isang 'to. Kahit may sakit ako, masyadong honest!
"May sakit ka ba talaga? You don't look like one," Eli said as he hissed on me.
Pumikit ako para pakalmahin ang sarili.
Huwag kang mainis, Elise. Huwag kang mainis dahil nakakabawas ng ganda 'yon.
Pagdilat ko, napatingin ako kay Steven. He is smiling at me.
"Don't worry, Elise. Tinawagan ko 'yong mommy mo n'ong nahimatay ka kanina," he started explaining things. "Then, she told me to bring you to the nearest hospital. Tapos siya na raw bahala sa lahat. Hindi naman kita maiwan nang walang kasama. Until he got here," pagku-kwento niya sabay tingin sa gawi ni Eli.
Napatingin din tuloy ako kay Eli. He just looked away to not meet our glances.
"Gusto mo ng prutas?" tanong ni Steven kaya napatingin ako sa kaniya. Napangiti agad ako dahil sa narinig.
"Sige!" natutuwang saad ko at napapalakpak pa. "May mansanas?" tanong ko pa.
"Mayr'on," natatawang saad niya saka tumayo.
There's this bedside table na pinagpapatungan ng nakasupot na mga prutas. May maliit na knife rin at saka platito.
Grabe naman 'yong bumili nito. Wala man lang ba siyang eco-bag? Sayang naman at gumamit pa ng plastic.
Steven was about to get something from the plastic bag when Eli stood and approached him.
"Ako na. Ako naman bumili niyan," saad niya sabay tinabig nang bahagya si Steven gamit 'yong braso niyang ma-muscle.
Napatitig ako sa mga braso niya. His arms are getting more muscle definition.
I got back to my senses when I saw him picking an apple from the plastic bag.
"Wala kang eco-bag?" tanong ko sa kaniya sabay pout.
Hindi niya ko pinansin.
Si Steven naman, lumayo nang kaunti at nakatitig lang sa ginagawa ni Eli. The latter started peeling off the apple.
Napatulala na lang din ako sa ginagawa niya until something came to my mind. Medyo loading lang 'yong utak ko ngayon dahil siguro sa sakit at pagkakabigla but I am seeing the right thing, 'di ba?
Eli is seriously peeling off a fruit for me that he personally bought?
Mamamatay na ba lahat ng tao kaya nagkar'on ng himala ngayon?
Napatitig ako sa mukha niya pababa ulit sa mansanas na hinihiwa niya na ngayon. Ngiting-ngiti ako mula sa kinauupuan ko.
I got distracted when a phone rang.
Napatingin kami ni Eli sa pinanggalingan n'on and it's from the pocket of Steven.
"Labas lang ako," saad niya saka lumabas para siguro sagutin 'yong tawag niya.
Okay lang kahit hindi na siya bumalik.
Natatawang kinikilig na naisip ko 'yon.
"Why didn't you answer my phone calls?" masungit na tanong ni Eli habang busy sa ginagawa niya.
Umayos ako ng upo paharap sa kaniya. Wala naman akong dextrose kaya nakakagalaw ako nang maayos. Still, I made sure na nakakumot pa rin ako dahil naka-skirts lang ako.
Nagtataka ko siyang tinanong pabalik, "You called me?" As usual, hindi siya sumagot. "Nasa bahay 'yong cellphone ko," I continued.
Hindi ako makapaniwala sa narinig. Sa lahat ng mga nakaka-shock na balita, ito 'yong paborito ko. Hindi katulad ni mommy na basta nakaka-shock ang balita, stress ang dala sa 'kin.
Ngiting-ngiti ko siyang tinitigan at saka tinusok-tusok sa tagiliran. Napaigtad naman siya dahil sa ginawa ko kaya napatawa ako lalo.
"Ikaw ah! May pagtawag ka ng nalalaman," nakangiting pang-aasar ko sa kaniya pero hindi niya pinansin 'yong sinabi ko.
Instead, he asked, "How was the outreach program? Nahilo ka ba dahil hindi mo kinayang mag-bait-baitan?"
Sarcasm enveloped his voice that made me frown.
Grabe naman makapagsalita 'to!
Kahit naiinis ako, pinili ko na lang na huwag mainis. Eli is doing this to lessen my love for him pero 'di 'yon mangyayari.
"Masaya pero hindi ako uulit," pagku-kwento ko. "Steven helped me a lot pati 'yong nakilala kong si Steph. Sa kaniya kayang shirt 'tong suot ko," I pointed at my shirt before I continued, "It actually made me happy helping the needy. Nakakaiyak nga lang. Kaso ayaw kong umiyak sa harapan nila, baka sabihin na inaako ko 'yong pain," pagbibiro ko.
Tinignan ko si Eli sa mukha niya and I saw interest from his eyes. My heart felt so happy upon seeing that different emotion from him.
"Tapos alam mo ba, Eli, si mommy naglagay ng school supplies sa maleta ko!" pagrereklamo ko at saka napasimangot. "Wala tuloy akong kadamit-damit at kagamit-gamit. Pero okay lang na nilagay niya 'yong mga 'yon kasi tuwang-tuwa 'yong mga bata. I taught them how to write the alphabet!" masayang pagmamalaki ko kaya nakuha ko 'yong attention niya.
Walang bakas ng kasungitan sa mukha niya, more so, pagkagulat.
"You're imagining things now," kumento niya na nagpatawa sa 'kin.
'Yong tawa na sobrang saya talaga. Parang wala na kong maramdaman na kahit anong sakit ngayon.
Out of nowhere, he asked, "Kayo na?"
Umiwas din siya ng tingin at tinapos na 'yong paghihiwa ng mansanas. May dalawang mansanas na pala siyang nahiwa.
Kumuha muna ko r'on bago siya tinanong pabalik, "Sino?"
He sarcastically laughed before he sat beside me.
Napabagal tuloy 'yong pag-nguya ko ng mansanas dahil sa gulat at lalong pagbilis ng tibok ng puso ko.
"That man," he said with a creased forehead.
He's pertaining to Steven, 'di ba?
Napakunot 'yong noo ko dahil d'on. Nilunok ko na rin muna 'yong huling mansanas na nasa bibig ko.
Nagseselos ba si Eli?
I was unable to say nor do something while processing things until I got the nerves to immediately leaned towards him and kissed him on the lips.
Nagulat ako nang bigla niyang igalaw 'yong mga labi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at dinig na dinig ko na rin 'yong kabog ng puso ko. I was stunned for a second or two before I moved my lips too.
He closed his eyes and just like that, I did the same thing.
Nakaramdam ako ng init sa katawan nang hawakan niya ko sa batok.
I am liking the way he moves his lips and holds my neck. May kung ano akong nararamdaman sa may puson ko na hindi ko maintindihan.
Napakapit na rin 'yong isa kong kamay sa braso niya nang parang nanghina 'yong katawan ko.
Our kiss was getting deeper when the door suddenly opened.
Napahiwalay tuloy kami ni Eli sa isa't isa dahil d'on. Agad siyang napatayo at napalayo mula sa kama. Napaayos naman ako ng upo at saka napahawak sa may dibdib ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para na 'tong kakawala sa loob ko.
Ang bagal din ng hininga ko at sobrang nag-iinit 'yong katawan ko.
"Pwede ka na raw umuwi, Elise," mahinang anunsyo ni Steven kaya napatingin ako sa kaniya.
I saw pain in his eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top