Chapter 15: Something new

Chapter 15: Something new


Akala ko makakapagpahinga na ko kanina pero heto ako ngayon, tumutulong mamigay ng mga regalo sa bawat bahay na madadaanan namin.

I walk on the runway but I've never imagined myself walking house-to-house for an organization's program.

Hindi ko na nga alam kung gaano na kalayo 'yong nalakad namin pero kanina pa kami lakad nang lakad. Parang hindi na nga matatapos.

Ang dumi-dumi na rin ng sapatos ko. White sneakers pa naman 'to. I look so dirty tuloy ngayon.

Napasimangot ako ng tignan ko 'yong sapatos ko. Baka pagalitan pa ko nina Ate Maricor kapag nakita nila 'tong sapatos ko. Siguradong mahihirapan silang labhan 'to.

I envy those who are on the site busying themselves preparing the tables and materials for a free medical consultation. Buti pa sila nand'on lang, baka paupo-upo lang sila ngayon.

Pero nagulat din ako na may pa-medical consultation sila ah. Hindi naman kasi ako informed. Pero sabagay, bigla-bigla na lang akong sinali ni mommy rito, what should I expect? Of course, magulat na lang nang magulat sa lahat ng ganap nila.

We have two buses in total as well na nasa site ngayon. Hindi kami nagsasakyan para mag-ikot dahil mas madali raw kung lalakarin namin. It is also a way for us to inform the people here that we have medical consultation to offer and groceries to give away at the site.

Mukhang sobrang laki ng budget ng organization nila and by thinking of it, mukhang malaki rin ang share ni mommy rito. Knowing my family? They are too generous when it comes to foundations, outreach programs, and other community projects.

Huminto kami ni Steven sa tapat ng isang bahay. Sobrang luma na ng hitsura nito at wala ring pintura 'yong paligid. It looks like any minute na may dumating na bagyo, masisira 'to.

When a lady opened the door, Steven immediately approached her. I simply observed him on how he talks with the people.

"Salamat!" tuwang-tuwa na sambit n'ong ginang nang ibigay na ni Steven 'yong regalo.

Hindi ko masyadong maintindihan 'yong ibang pinag-uusapan nila dahil iba 'yong gamit nilang language.

I am really amazed at Steven's knowledge of different Philippine languages. Minsan may nakakausap naman kaming nakakapag-Tagalog pero bihira lang.

I kind of pity myself for not knowing their language.

Si mommy kasi! Sana man lang sinabihan niya ko para nakapag-prepare naman ako kahit papaano. Hindi 'yong mukha akong snob rito na pangiti-ngiti lang. Baka sabihan pa nila kong 'ganda lang' kahit hindi naman totoo 'yon.

Maganda ako pero matalino rin ako!

Pero mas malala kung iisipin nilang bad breath ako kaya hindi ako nakikipag-usap. Grabe naman 'yon! That will never happen.

I can't blame the people here dahil hindi naman pwedeng sila pa ang mag-adjust para sa amin. I should have made an effort to make a way to communicate with them.

"Doon naman tayo sa kabila," sambit ni Steven sabay nguso sa pinakamalapit na bahay mula rito.

Naglakad na ulit kami papunta sa tinuro niyang bahay when we bid goodbye to the lady he just talked to.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay, I volunteered to do the talking dahil nahihiya na ko sa kaniya. "Ako na, Steven," nahihiya kong saad at saka dinagdag, "Ikaw na kasi 'yong may dala-dala ng mga eco-bag na naglalaman ng gifts tapos ikaw pa 'yong kumakausap."

"No worries, Elise, but go, do the honor," malumanay niyang saad at saka iminuwestra ang kamay niya sa harapan.

Nginitian ko lang siya at saka nagsalita. "Tao po! May ipapamigay lang po kami." I said the same words used by Steven all throughout we give out the gifts.

Kumatok din ako sa pinto pero tumigil din ako kaagad dahil parang makakasira pa ko ng pinto ng iba.

May lumabas kaagad na bata at ngiting-ngiti niya kaming sinalubong ni Steven.

"Ano po 'yon?" tanong niya at mukhang excited na excited siya sa sasabihin namin.

Natuwa naman ako nang marinig na marunong siyang mag-Tagalog. I can finally speak at hindi na ko mapapanisan ng laway rito.

"Ibibigay lang namin 'tong regalo," nakangiti kong saad sabay kuha ng nakabalot na gamit in a shape of box.

Binigay ko 'yon sa bata at saka ko pinantayan 'yong height niya para hindi siya mahirapang tumingala sa 'kin. Steven do the same thing whenever he talks to children. Wala naman sigurong masama kung gagayahin ko siya nang gagayahin? Duh! Wala namang plagiarism checker dito.

Nginitian ko siya at saka marahang sinabi na, "Maliit na regalo nga pala namin para sa pamilya niyo. Tapos may libreng check up din kami, doon kayo pwede magpa-konsulta kahit wala kayong nararamdamang sakit."

Tumuro ako sa kalsada bago ko binalik 'yong tingin ko sa kaniya, "Dire-diretsuhin niyo lang 'yan tapos may makikita kayong dalawang kulay asul na bus. Malapit lang kami sa dam. May mga ipinapamigay rin kaming pagkain. Punta kayo mamaya ah."

"Salamat!" nangingiti niyang sabi na para pa siyang kinikilig kaya nahawa na rin tuloy ako sa kaniya. Napangiti rin ako nang sobrang lapad.

Kinaway niya muna 'yong kaliwa niyang kamay bago sinara ang pinto.

Pagkatayo ko, nakita kong ngiting-ngiti habang nakatingin sa 'kin si Steven. Napakunot tuloy 'yong noo ko dahil sa pagtataka.

"Bakit?" tanong ko nang hindi siya magsalita at nakatitig pa rin sa 'kin.

Umiling siya bago sinabing, "Wala. Bagay kasi sa 'yo 'yong shirt natin. Bagay rin sa 'yo 'yong ginagawa natin."

Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi niya.

Napatingin ako sa suot kong T-shirt at saka napangiti. He told me a while ago that I have to wear the same shirt kaya sumunod ako.

Inangat ko 'yong tingin ko sa kaniya. "Ginagaya lang naman kita," natatawa kong saad.

He shook his head and told me, "Natututo ka na, Elise."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Habang nagsasalita siya, naglakad na ulit kami at patuloy lang sa ginagawa. "Your mom told me that you have zero knowledge when it comes to this."

Napatingin ako sa kaniya saka napa-pout, "Si mommy talaga! Pati sa ibang tao, tsinitsismis ako," pagbibiro ko.

Pero siyempre, half-truth 'yon.

Bahagya siyang napatawa. Binalik ko naman 'yong tingin ko sa daan.

"Ang bilis mong matuto. Akala ko kasi mahihirapan kami sa 'yo. You know, laki sa yaman. Hindi nadudumihan 'yong kamay," he said in a manner that won't be offensive.

Sandaling napatingin ulit ako sa kaniya bago tumingin sa dinadaanan namin, "Grabe naman sa hindi nadudumihan ang kamay!" pagbibiro ko na nagpatawa sa kaniya.

"You know what I mean right?" he asked me. Tumango lang ako bilang sagot and I didn't bother glancing at him. "It's great that they enlisted you to this project."

Nagulat ako sa sinabi niya. "They?" takang-taka na tanong ko.

Hindi niya na ko nasagot dahil may kinatok na ulit siyang bahay at saka kinausap 'yong teenager guy na nagbukas ng pinto.

I am assuming that it is not only mommy's decision but actually is our family's decision.

Ang harsh talaga ng mga 'yon! Gusto palagi na nahihirapan ako.

Napasimangot ako bigla. I got only distracted when I saw the other members from the organization busy with the same thing Steven and I are doing.

Ay mali! They are busy with the same thing that Steven is doing.

Nakakahiya mang sabihin pero wala pa rin akong matatawag na totoong ambag hanggang ngayon. Pero kahit minsan taga-abot lang ako ng regalo, hindi ko maiwasan na sumaya rin. At the same time, I won't deny that I feel a different kind of sadness whenever I see some families crying out of gratitude.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon nararamdaman pero ang sakit. My family is so comfortable in our big house and luxuries but there are various families out here with little to no food to eat.

May mga nagku-kwento na minsan daw, hindi na talaga sila nakakakain sa isang araw dahil sa hirap ng buhay. Muntik na nga kong maiyak nang i-kwento 'yon ng isang ginang.

Pero pinigilan ko 'yong luha ko kasi baka sabihin na puro emotions and reactions lang ang ambag ko. Kung hindi ngingiti, taga-iyak lang gan'on?

Somehow, I am getting the point why my parents and Ate Felize are so dedicated in extending their hands to the needy.

"Last na 'to!" natutuwang saad ni Steven at saka inilabas 'yong huling box d'on sa eco-bag.

Napangiti rin ako sa nakita.

"Wow! Tapos makakapagpahinga na tayo?" nangingiti kong tanong na ikinatawa niya lang. Sinundan ko agad 'yon ng, "Makakapagpahinga na tayo... right?"

"Marami pa tayong gagawin 'no," sambit niya saka napailing-iling.

Para naman akong hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Sa dinami-rami ng ginawa namin, marami pa rin kaming gagawin?

I was dumbfounded for a while until I noticed that Steven is already knocking on the house near where I am standing at.

Nagmamadali akong naglakad papunta r'on. Sakto lang naman 'yong pagdating ko dahil kakalabas lang din n'ong matandang lalaki.

"Munting regalo nga po pala namin," nakangiting saad ni Steven at saka ibinigay 'yong huling hawak na box.

Gulat na gulat 'yong matandang lalaki at kaagad na bumuhos 'yong luha niya pagkakuha n'on.

Tinapik-tapik siya ni Steven sa balikat bago sinabing, "May libreng konsultasyon din po pala kami. Malapit lang kami sa dam. Tapos mamimigay rin po kami ng mga pagkain."

Hindi kaagad nakapagsalita 'yong matanda dahil sa pag-iyak niya.

"Salamat! Hindi pa ko nakakakain simula kahapon," mabagal at matigas na pagkakasabi niya.

Bigla akong nalungkot dahil sa narinig.

Pinunasan niya muna 'yong mga luha bago kami nginitian nang sobrang lapad at tamis.

"Malaking tulong sa 'ming mag-asawa ang ibinibigay ninyo," saad niya at saka niyakap si Steven. As a response, the latter hugged him back.

I froze at where I'm standing. Hindi ko alam kung may dapat ba kong sabihin o gawin.

Tinignan ako ni Steven at saka niya ko binigyan ng signal na sumali ako sa kanila. Kahit nahihiya, lumapit ako at saka nakiyakap.

Nang kumalas na kami sa yakap ng isa't isa, napansin ko na lang na may luhang tumutulo mula sa mga mata ko kaya kaagad kong pinunasan 'yon.

I am well aware that many Filipinos are deprived of privileges because we study these social issues in various courses. Pero hindi ko naman kasi alam na ganito pala 'yon. Ganito pala 'yong situation nila.

Umalis din kami kaagad ni Steven at naglakad pabalik sa site.

"How was it so far?" tanong niya mula sa gilid ko.

Nagtatakang napatingin ako sa kaniya. Mukhang naintindihan naman niyang hindi ko siya naintindihan kaya nagsalita ulit siya, "Kumusta 'yong program so far para sa 'yo?"

"Ah," saad ko nang maintindihan ko na siya.

I bite my lower lip as I do not know the exact words to say that will define how I feel.

Nakaka-pressure naman 'tong si Steven.

Kitang-kita ko pa mula sa peripheral vision ko na patingin-tingin siya sa 'kin— naghihintay ng sasabihin ko.

"Masaya," saad ko. 'Yon naman talaga 'yong nararamdaman ko. Is it too common to hear?

"And?" naiinip niyang tanong kaya sandali akong napatingin sa kaniya bago nilingon 'yong kitang-kita na lake sa gilid.

Ayon 'yong 'di ko kaagad nakita kanina. I did not expect this place to be this breathtaking. Most of the things I am seeing are filled with the color green.

"It makes me happy because we were able to help them," sagot ko habang nakatingin sa magandang tanawin.

Napayakap ako sa sarili nang umihip ulit 'yong malamig na hangin. Parang sumasayaw tuloy sa ere 'yong mga sanga ng ilang mga puno.

"But it makes me sad at the same time," malungkot kong sambit at saka tumingin sa daanan. "Seeing how many people do not get the same opportunities and privileges we have," dagdag ko pa sa mahinang tono.

I have never thought that I will be able to say this to someone I do not personally know.

"Sana maging good experience 'to para sa 'yo, Elise." Napalingon ako sa gawi niya dahil sa sinabi niya. "Pwede kang sumali sa 'min if you want to."

Nginitian ko lang siya at bumalik na ulit 'yong tingin ko sa lake.

I don't want to give him false hope. Hindi ko naman alam kung anong mga mangyayari at 'di ko alam kung uulitin ko pa ba 'to.

Pero kung uulit man ako, sana hindi dahil sa biglaan lang akong pinadala or any reason related to Eli. Instead, I'm hoping to do this again in the most genuine way because it somehow became close to my heart.

Napangiti ako bigla nang may nakita akong parang bahay kubo na style na nakalutang sa lake. May nagsasagwan tapos enjoy lang sa pagkain 'yong babae't lalaki na nandoon.

When Steven and I finally arrived at the site, humiwalay muna siya sa 'kin at nagpaka-busy sa pamimigay ng mga grocery.

Ako naman, pumasok na ko r'on sa maliit na bahay kung s'an ako mag-i-stay. Upon entering the room, I saw Steph inside.

Sobrang gulat na gulat ako pagkakita ko sa kaniya sa loob.

"Dito rin daw ako," nangingiti niyang saad.

Napatingin ako sa paligid.

Sobrang liit na lang nito tapos magkasama pa kami?

"Hindi ka ba sanay na may katabi sa kama?" nag-aalangan niyang tanong na nagpabigla sa 'kin. Nahiya tuloy ako.

Pinilit kong ngumiti bago tumabi ng upo sa kaniya sa kama.

"Hindi," I honestly said. "Pero okay lang naman."

"Kinabahan ako!" natatawa niyang saad. "Kasi kung papalabasin mo ko, sa putikan ako matutulog," paawa niyang sambit na nagpatawa sa 'kin.

Ang OA talaga ng isang 'to, parang si mommy!

Tumayo muna ko saka kinuha 'yong maleta ko. Inihiga ko 'yon sa sahig as I unzipped it.

"Magpapalit ka na?" tanong ni Steph.

Nilingon ko naman siya. "Oo, pawis na ko eh," sagot ko.

"Okay lang 'yan, mas mabango ka pa rin naman sa 'kin," natatawa niyang saad na nagpatawa na naman sa 'kin.

Biniro ko naman siya, "Naliligo kasi ako sa pabango."

Gulat na gulat siya sa sinabi ko, "Talaga ba?!"

Napahinto ako sandali with my mouth agape. "Joke lang 'yon," I said with disbelief in my tone.

Malay ko bang maniniwala siya!

Bigla siyang tumawa nang malakas to the point na napahiga na siya sa kama habang nakahawak sa tiyan niya.

"Joke lang!" she said in between her laughs. "Bakit ko naman iisiping totoo 'yon?" hirap na hirap niyang saad dahil sa kakatawa niya.

Napa-pout na lang ako at saka binuksan 'yong maleta ko.

I was stunned when I saw what's inside.

Ano pa bang ikaka-shock ko ngayong araw?! Mayr'on pa ba? Dahil sagad na sagad na talaga 'yong pasensya ko.

"I can't believe mommy!" gulat na saad ko at saka napaluhod.

Isa-isa kong nilabas 'yong mga damit para tignan. Dalawang pares na nga lang 'to, mukhang hindi pa mapapakinabangan pareho.

Isang white sando at short shorts tapos isang pares ng swimwear na two-piece.

"Oh? Ba't ganiyan mga damit mo?" nagtatakang tanong ni Steph at saka ako nilapitan.

Lumuhod din siya sa tabi ko at saka napahawak sa swimwear.

"'Di ako nasabihan, swimming pala ang ganap natin dito," natatawang saad niya saka iwinagayway pa sa ere 'yong swimwear.

Hiyang-hiya kong inagaw 'yon sa kaniya. "Si mommy kasi 'to!" naiinis kong saad at saka ibinalik 'yon sa loob.

Tumawa na naman siya at saka tinignan 'yong isang pares pa ng damit. "Sa sobrang nipis nito, ewan ko na lang kapag hindi ka mamatay nito sa lamig."

"I don't know what's up with mommy," hindi ko rin makapaniwalang kumento at saka nagtingin pa ng gamit sa loob.

Ang daming mga pang-grade school na paper tapos ilang boxes ng mga lapis, pantasa, at pambura. Nilagay ko lahat ng 'yon sa gilid ng kama para pagsama-samahin.

"Ang laki ng maleta mo pero parang wala namang para sa 'yo rito," natatawa niyang puna bago kunin 'yong mga biscuit at isinama sa mga papel.

I totally dropped myself to the floor with the overflowing disappointment I am feeling.

I don't want to smell bad and look so messy here. Ang pangit kaya sa pakiramdam ng gan'on!

"Pahiramin na lang kita ng isang T-shirt ko, marami naman akong dala kahit maliliit lang mga bag ko," pag-aalok ni Steph kaya napatingin agad ako sa kaniya.

She looks hygienic at mukhang maalaga rin naman siya sa sarili. It won't hurt to borrow a shirt from a stranger, right?

Napatulala ako sa loob ng maleta ko. Wala na talagang ibang laman.

I am not the type to wear other people's shirts dahil lahat ng sinusuot ko, I make sure na nalabhan nang maayos. Pero sa lagay ko ngayon, wala na kong nagawa kundi ang manghiram.

"Sige, pahiram ako," I conceded defeat.

Nakakahiya talaga si mommy! For sure, she knows that this is coming and she is enjoying the thought of me with other people.

Buti na lang talaga ay sobrang bait ni Steph. "Oh, ito," sabay abot niya ng T-shirt sa 'kin. "Padala mo na lang 'yan sa address ko ah," dagdag niya pa.

She wrote down her address in a piece of paper before dropping it inside my luggage na walang kwenta.

"Padala ka na rin ng kayamanan kapag sinauli mo 'yan," pagbibiro niya na ikinatawa namin.

"Expect a gift then," nakangisi kong saad.

Napayakap siya bigla sa 'kin dahil sa sinabi ko. Sobrang nanlalaki 'yong mga mata ko nang tignan ko siya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya hindi na lang ako gumalaw.

"Hindi ko 'yan tatanggihan! Masama raw kasing tumatanggi sa biyaya," nakangiting saad niya pagkakalas ng yakap sa 'kin.

"True naman!" I commented para hindi masira ang mood sa paligid.

After a while, I decided to not change my clothes yet dahil sabi ni Steph, pagpapawisan pa raw ako lalo later. Tinulungan niya na lang akong buhatin lahat ng school supplies at mga pagkain pagkalabas namin.

Some of the org members turned their heads at us. Kitang-kita ko 'yong ngiti sa mga labi nila nang makita kami.

"Dami ah!" natutuwang puna ni Steven at saka niya kami tinulungan sa mga bitbit namin.

Nahihiyang sumabat si Steph, "Siyempre, alam niyo na, hindi 'yan galing sa 'kin. Wala nga kong meryenda sa araw-araw," pagbibiro niya na ikinatawa ng marami.

Pinapila nila 'yong mga bata tapos isa-isa namin silang binigyan ng school supplies at snacks.

They kept on thanking us and whenever I personally give them the goods, may kung anong kakaibang saya sa puso ko.

Maya-maya lang din, natapos na rin kami sa pamimigay n'on at magta-tanghalian na raw muna kami.

Makikisalo na sana ako sa kanila nang may nakita akong mga bata na nakaupo sa gilid ng kalsada kaya nilapitan ko sila.

I saw that they were trying to write the alphabet pero hindi na nila alam 'yong kasunod ng "k". By looking at them, sa tingin ko ay wala pa silang five years old.

It was good to see them craving to learn. Kaya kahit nahihiya ako, tinabihan ko sila. Pinagdikit ko 'yong mga binti ko dahil naka-skirt lang ako.

"Pwede ba kong sumali?" nahihiya kong tanong.

Tuwang-tuwa sila nang makita ako. Hindi sila nagsalita pero kita 'yong excitement sa mga mata nila.

Hiniram ko 'yong isang papel at lapis saka nagsimulang isulat 'yong mga kasunod na letra ng "k" sa alphabet.

"Basta tatandaan niyo lang na itong nasa unahan, ayan 'yong tinatawag na malaking titik. Tapos ito namang katabi 'yong maliit na titik," pagtuturo ko sa kanila at saka tinapos ang ginagawa.

Tinuro ko rin kung paano 'yong mismong pagsulat ng bawat letra pati tawag dito para hindi sila malito.

Inabot ko kaagad sa kanila 'yong papel nang matapos ako at dali-dali nilang ginaya 'yong mga sinulat ko.

I was amazed by how they easily understood what I did. Nagawa rin nila isa-isa 'yon nang walang kahirap-hirap.

"Ang gagaling naman!" I praised them at saka ko sila tinapik-tapik sa mga balikat.

Kahit hindi pa gan'ong ka-perfect 'yong sulat nila, nakakatuwa lang na they easily got everything right.

"Salamat," nahihiyang sambit n'ong batang babae na kulay dilaw 'yong suot na bistida.

Ginaya rin siya n'ong mga kaibigan niya bago ako pinuri n'ong isa pang batang babae na color blue naman ang dress.

"Ang ganda mo," saad niya sabay natawa. 'Yong tawang nahihiya.

Hindi ko naiwasang mapangiti. Normally, I would say that "I know right", "Nothing's new", or any other Elise's statement knowing how beautiful herself is.

Pero ngayon, para akong nagda-dalagang nahihiya.

"Salamat! Kayo rin, napakaganda niyo," papuri ko sa kanila at saka hinawakan ang mga pisngi nila.

They got darker skins than mine, curly hairs, and brown eyes. Sobrang gustong-gusto ko 'yong mga mata nilang parang kumikinang.

Maya-maya lang din, nagpaalam na sila dahil kakain na raw sila. "Alis na kami. Kain na kami!"

I waved my hands as a goodbye. Hindi ko alam kung magsasalita ba ko ng "bye" pero parang ang awkward ng "paalam" kaya hindi na lang ako nagsalita.

The moment I got to my feet, nakita ko si Steven na papalapit sa 'kin.

We smiled at each other.

"Tinuruan mo sila?" tanong niya pertaining to the kids I were with a while ago.

Nahihiya akong napangiti. Bakit ba parang puro hiya nararamdaman ko rito? This is so unusual for me! Knowing I love being praised and acknowledged.

"Magsulat lang ng alphabet, hindi kasi nila kabisado," pagku-kwento ko sa kaniya.

His smile gets wider, "You did teach them. Your mommy will surely get happy to know this."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Huwag mo ng sabihin! Baka next month magulat ako, ipadala na naman ako sa ganito."

His forehead creased with what I said. He curiously asked, "Hindi ka ba nag-e-enjoy?"

Matipid akong ngumiti. "It's enjoyable but not really my thing."

Hindi na siya nagtanong pa. Inaya niya na lang ako kumain kasama 'yong iba.

He instructed me to make use of the stubs he gave me when we first met. Kinuha ko 'yon sa loob at saka ako kumuha ng pagkain.

During the whole day, we busied ourselves by distributing groceries to the people. Akala ko nga kakaunti lang 'yong mga tao rito pero hanggang gabi, may mga pumupunta pa rin.

Some of them were actually the same persons who asked for food during day time. I was contemplating whether to give them another set of food or not dahil baka hindi mabigyan 'yong iba. Steven told me that this is expected to happen and I should just give them as long as we have stock.

Hindi ko naintindihan n'ong una but he said that they do it out of needs and poverty.

When we wrapped up and cleaned everything, pagod na pagod akong dumiretso sa tutulugan namin ni Steph. Magkatabi kaming humiga sa kama. We are sharing the same pillow there is.

She kept on talking and talking.

Narinig ko pa siyang magsabi ng, "May bata ngang nagbigay sa 'kin ng mani. Sobrang cute!" Hanggang sa nakatulugan ko na lang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top