Chapter 14: Society
Chapter 14: Society
Maingay? Sobrang ingay? Walang kasing ganda ko este kasing ingay?
Hindi ko na alam kung anong tamang term 'yong gagamitin para i-describe 'yong ingay ng mga tao ngayon dito sa bus. Pati 'yong katabi ko kaninang tulog at balot na balot ng kumot niya, may pasigaw-sigaw pang nalalaman na akala mo naman ay may sinusuportahan sa instrams.
Napasapo ako sa mukha ko gamit 'yong pareho kong mga kamay. Gustong-gusto kong sumigaw sa inis. Gusto ko lang naman kasing matulog!
Naglalaro kasi sila ngayon ng Pinoy henyo. Na sa tingin ko ay kakatapos lang din. Wala namang prizes pero bigay na bigay sila.
At itong si Steven naman kasi, na ngayon ay kilala ko na dahil popular siya sa mga tao rito, naka-mic pa at ginagalingan masyado sa pagiging host. Kaya ayon, lalong naeengganyo sa pag-iingay 'yong mga nandito.
Pero, in fairness, he has the looks and the talents.
Huminga ako nang malalim at saka umayos ng upo. Nahuli ko si Steven na nakatingin sa direksyon ko. Nang makita niyang napatingin ako sa kaniya, kaagad niya kong nginitian. I tried my best to smile back.
Smiling is actually my talent pero nakakapagod din pala dahil lahat ata sila, panay ang ngiti sa 'kin. Akala ko nga ay tumatakbo silang mayor and they want to get my vote.
It was so unusual because I grew up being surrounded with people who don't smile a lot. Si Laurice pa lang, panay na ang simangot at pagseseryoso sa laro niya.
When it comes to work and university, people there aren't the type to smile at someone they don't know.
"Ang unang makakalimang puntos, mabibigyan nitong tatlong pack ng marshmallows!" nakangiting anunsyo ni Steven.
Nagtilian naman ang mga tao dahil sa sinabi niya. Habang ako, napatulala sa packs ng marshmallows na hawak niya.
That's my favorite! Lalo na 'yong chocolate flavor. Mawala na lahat ng matatamis na pagkain sa mundo, huwag lang ang marshmallows.
What Elise wants, Elise gets!
"For our first question, anong full name ni Dr. Jose Rizal?" ngiting-ngiti na tanong ni Steven.
Well, he has that ability to make people feel thrilled. O ako lang 'yon kasi kinakabahan na ko?
Nang ilang segundo na, wala pa ring sumasagot, naglakas na ko ng loob na magsalita. Nanginginig na itinaas ko 'yong kanan kong kamay at saka napasigaw sa nagmamadaling tono, "José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda!"
"Speed," namamangha na natatawang puna ni Steven.
Binaba ko na 'yong kamay ko at napatingin sa paligid.
I saw them staring at me. Medyo nako-conscious tuloy ako kahit sanay naman na kong nililingon at tinititigan. Sa ganda ko ba naman kasing 'to?
May iba pang mga sumipol kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. Pero nand'on 'yong feeling na ang saya sa hindi ko malaman na dahilan. I unconsciously smiled because of their support.
"Ang gandang ngiti naman niyan, Elise! Oh, i-encourage niyo pa siyang makisalamuha sa 'tin," nakangiting saad ni Steven habang nakatitig sa 'kin.
People started cheering for me. I didn't expect them to welcome me this warm. Akala ko kasi kanina, I am an outcast for them but they proved me wrong.
Maya-maya lang din, binigay na ni Steven 'yong pangalawang tanong.
Pabilis na nang pabilis 'yong tibok ng puso ko. Pabagal na rin nang pabagal 'yong hininga ko.
Para sa marshmallows, lahat gagawin ko!
"Naging controversial 'to noon eh," panimula ni Steven at may pagkunot pa ng noo. "Bakit nga ba nakaupo lang si Mabini sa pelikulang Heneral Luna?"
Nagmamadali akong sumagot dahil baka maunahan pa ko, "Polio!"
Nagpalakpakan sila dahil sa bilis ko. Lalo tuloy akong napangiti dahil d'on.
Halos hindi na nga ko humihinga sa sobrang tense. Parang mas nakaka-tense pa 'to kaysa sa mga exam namin sa university.
"Next question is related to our destination— Sierra Madre. From the north, saan ito nagsisimula?" pa-thrill na tanong ni Steven.
Binaba niya sa unahang upuan 'yong mga marshmallows kaya na-distract ako. Pero agad din naman akong nakasagot ng, "Cagayan!"
"As expected," natatawa niyang saad pagkatingin sa 'kin. "Hindi na ata kayo pagbibigyan ni Elise para makapuntos," pagbibiro niya na ikinatawa ng lahat.
This is true because, in things I want, I am competitive enough to get what I want.
"Before I give the fourth question, alam naman siguro nating lahat kung gaano ka-importante ang Sierra Madre sa bansa? It acts as the natural shield that protects us from strong typhoons coming from the Pacific Ocean," pagbibigay-alam ni Steven sa lahat.
Hindi na ko mapakali. Kaunting puntos na lang, makukuha ko na 'yong marshmallows.
Nag-iisip na ko ng mga pwede niyang itanong at kung anong tamang sagot d'on.
When he finally asked, "As the longest mountain range in the country, ano pa nga ba ang kataga na kilala rin ito?" I immediately stood, pointed my index finger at him, and answered, "Backbone of Luzon!"
Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. Steven looked impressed as well. Ni hindi nga siya nakapagsalita kaagad.
This is Elise Quiseo, everyone. The beauty and brains of the Quiseo family.
Ngiting-ngiti ako nang umupo na ko dahil sa takot na ma-out of balance. Umaandar kasi 'yong bus at halos makalimutan ko 'yon sa sobrang engaged ko sa palaro ni Steven.
I heard my seatmate cheer for me kaya napalingon ako sandali sa kaniya. I was shocked and amazed by the way she supports me. Ni hindi niya nga alam 'yong buo kong pangalan.
Binalik ko rin naman kaagad 'yong atensyon ko sa unahan nang magsalita si Steven.
"Pwede na atang si Elise na rin ang mag-host," natatawa niyang saad. "Tinatalo 'yong energy ko," dagdag niya pa habang nakangiti.
It doesn't sound offensive because Steven has that friendly aura. I actually like how he sees me in a way that is impressive.
Sana all na lang talaga. Sana ganiyan din ako nakikita ni Eli.
I felt a pang in the heart but it was immediately replaced by overflowing happiness when Steven announced that he won't ask another question anymore. "Itigil na natin 'no, may nanalo na. Congratulations, Elise! Ito na ang prizes mo," saad niya sabay kuha at wagayway ng packs ng marshmallows ko.
Napapalakpak ako sa sobrang saya. Halos mapunit na nga ang mga labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko.
Kahit umaandar pa rin ang bus, hindi ko na napigilang mapatayo. Nakahawak ako sa upuan na nasa unahan ko para hindi matumba.
Ready na sana akong lumapit sa kaniya nang sabihin niyang, "And Elise will be sharing these to everyone. Right, Elise?"
Unti-unting nawala 'yong ngiti ko sa mga labi. I was dumbfounded for a second or two.
Napansin kong nakatingin silang lahat sa 'kin at naghihintay sila ng isasagot ko kaya napilitan akong ngumiti.
Pilit na pilit lang din akong sumagot na, "Sure."
Napaupo ako bigla at napatulala kay Steven habang binubuksan niya na 'yong isang pack. Binigay niya 'yon sa mga tao na nasa harapan at sila na ang kumuha ng kaniya-kaniyang marshmallows nila.
"Ang ganda mo na, ang talino mo pa," narinig kong bulong ng katabi ko sa 'kin.
I turned my head to her as I saw her shyly smiling at me. Pero kita ko 'yong sincerity sa mga titig niya.
Kahit gusto kong magluksa sa marshmallows kong kinakain na ng iba, I felt a different kind of happiness inside me because of what she said.
I hear these praises all the time kaya minsan parang nagsasawa na rin ako, but the way she said it? Kakaiba.
"Thank you," saad ko.
Hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin kasi nakatingin pa rin siya sa 'kin. Parang may hinihintay siyang sabihin ko.
Should I praise her back? Or should I open another topic?
Wala sa sarili ko na lang tuloy nasabing, "Ikaw rin, ang ganda mo."
Nagulat ako nang hampasin niya ko sa braso. Tawang-tawa pa siya habang nakalagay 'yong isa niyang kamay sa bibig. Literal na napanganga ko dahil sa gulat.
Hindi ko ma-reach 'yong pagiging feeling close niya, in fairness!
"Ito naman, baka marinig ng iba. Dapat humble lang," sagot niya sabay hagikhik.
Pero aaminin ko, maganda naman talaga siya.
She has darker skin than I have. Her hair is in a bun and her eyes are sparkling with joy. Wala siyang make-up pero kitang-kita 'yong natural beauty niya.
Hindi ko lang ine-expect na naghihintay pala talaga ata siyang sabihin ko 'yon.
So, I also have to make puri of them aside from smiling all the time? As well as sharing my food with them?
Ang dami ko namang kailangang gawin! Gusto ko lang naman kagabi ay gawin 'yong mga nasa 2023 bucket list ko. Pero bakit ito 'yong binigay ng tadhana sa 'kin?
This is mommy's fault!
"Here, Elise."
Napalingon ako sa gilid ko, sa bandang aisle, nang marinig kong nagsalita si Steven mula r'on.
Napatingin ako sa hawak niya. Bukas na 'yong pack at nangangalahati na lang 'yong laman nito. Sigurado akong dumukot na r'on 'yong ibang mga kasama namin.
I was contemplating whether to get some or just tell him to give all of these to others. Baka kasi dirty 'yong hands nila. Malay ko ba kung ano-anong hinawakan nila.
Pero 'yong tiyan at puso ko kasi, sinasabi na huwag na kong mag-inarte dahil paborito ko 'yong laman n'on.
I bite my lower lip and slowly raised my hand in the air to get five marshmallows inside the pack.
I want all of the marshmallows. I am not fond of sharing, so this is really heartbreaking for me.
Bakit kasi kailangang may kahati pa? Kung pwede namang lahat ay akin.
Pagkasubo ko ng dalawang marshmallows, binigyan na rin ni Steven 'yong katabi ko. Kumuha naman siya kaagad at mukhang tuwang-tuwa siya.
Seeing her smile like that makes me feel guilty for not wanting to share.
Naubos ko na kaagad 'yong sa 'kin. Pinanood ko na lang siyang ubusin din 'yong kaniya.
I pity myself.
"Elise," bulong ni Steven. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at sobrang kaunti na lang, magdidikit na 'yong mga labi namin.
Bigla akong kinabahan. Baka may CCTV dito tapos kasabwat pala siya ni mommy. Tapos ipapadala nila kay Eli 'yong footage na mukhang hinahalikan niya ko para iwasan ako lalo ni Eli!
He leaned towards my left ear before he said, "I hope it was really fine with you to share these. Sorry, Elise, I want everyone to feel welcomed and included."
Nawala na 'yong kaba ko nang tumayo siya nang maayos. He gave me a sweet smile before he passed by.
Sandali akong natulala dahil sa sinabi niya.
It was his purpose to do that for everyone's sake? Pero ako... I only think of enjoying the marshmallows with myself.
Para akong napahiya dahil d'on kahit hindi niya 'yon intention.
"Ang gwapo 'no? Kinikilig ka rin ba kaya natulala ka na riyan?" bulong ng katabi ko sa 'kin.
Nagtataka akong napalingon sa kaniya. She is all smiles and her cheeks are blushing.
"Hindi mo ba siya type?" tanong niya ulit sa 'kin nang hindi ako sumagot. Mabilis naman akong umiling to say no. "Ay! Wala kang taste, sis," saad niya saka napasimangot.
Napataas naman 'yong kilay ko dahil sa sinabi niya. "May boyfriend kaya ako," pagmamalaki ko.
I crossed my arms in my chest.
"Bongga! Anong pangalan? Kasing gwapo, matulungin, at bait ba ni Steven?" sunod-sunod niyang tanong sa mahinang boses.
"Mas pa," sagot ko. "Eleazar Maceda. Pinakabatang CEO ng isang travel and tourism company. He helps people as well by being part of different organizations," dagdag ko nang may ngiti sa mga labi.
Other people can't see his kindness but for me, especially when I first met him, Eli is actually a kind man. Ewan ko ba r'on at naging super sungit sa 'kin n'ong inamin ko sa kaniyang gusto ko siya.
At saka halata namang may pakialam siya sa iba, sobrang dami na kaya niyang natulungang mga tao. I am proud of him pero hindi ibig sabihin n'on, gagayahin ko na siya. Joining organizations is not my thing.
"Panalo ka naman pala!" nangingiti niyang sambit. Mas lumapit pa siya sa 'kin at saka bumulong, "Yummy ba?"
Nanlaki 'yong mga mata ko dahil sa narinig. Bumilis din 'yong kabog ng puso ko.
That never crossed my mind.
Kahit naman sobra-sobra 'yong pagmamahal ko kay Eli at kahit ang ganda niyang lalaki, I know my limitations. I am not into sexual objectification.
I was thinking twice whether to tell her not to objectify bodies or to keep silent when I remembered Aika telling me before, 'staying silent is letting the misconception continues'.
I bite my lower lip as I stared at her.
"I don't want to sound rude but," huminto ako at saka napahinga nang malalim. I made sure that my voice is as low as possible. "Objectifying bodies, whether it is owned by males or females, should not be normalized."
She was stunned when I said that. Parang gusto ko tuloy kurutin 'yong sarili ko dahil sa sinabi.
Baka itapon ako nito palabas ng bus!
Kabadong-kabado ako habang hinihintay siyang magsalita. Pero laking gulat ko na lang ng bigla siyang ngumiti.
"Akala ko hindi ikaw 'yong tipong may pakialam sa mga bagay-bagay pati sa mga isyung panlipunan pero nagkamali ako r'on," saad niya bago niya ko hinawakan sa kamay. Pinisil niya pa 'yon bago sinabing, "Salamat sa pagko-correct sa 'kin."
I couldn't help but smile back because of what she said.
Binawi niya rin naman kaagad 'yong kamay niyang nakahawak sa 'kin at saka nagsimulang mag-kwento-kwento.
Ni hindi ako nakaramdam ng awkwardness because of what I said. Hindi niya 'yon pinaramdam sa 'kin. Sa sobrang dami niya ngang kwento, halos pwede na kong gumawa ng talambuhay niya.
She said that her name is Stephanie but I can call her Steph dahil panatag na raw ang loob niya sa 'kin. I cannot doubt that dahil sa sobrang panatag nga ng loob niya sa 'kin, pati exact date and experience niya sa first menstruation niya, nai-kwento niya na.
Ako na 'yong nahihiya para sa kaniya but she initially said to me that there is nothing to feel ashamed of.
Pero in fairness, because of her, nawala na 'yong antok ko.
Nag-inat-inat ako at saka in-extend ang kaliwa kong kamay para buksan 'yong kurtina sa gilid niya. Just right in time I pulled the curtains to the side, someone just told me, "Pakisara, please, nakakasilaw."
Palihim akong napasimangot dahil sa narinig. Sinara ko na lang kaagad 'to at saka naupo nang maayos.
I grabbed my clutch bag para kunin na lang ang phone ko. I want to check if Eli already sent me a message. Baka lang miss niya na ko after kong mag-pabebe. Pero halos natanggal ko na lahat ng gamit ko sa loob, wala pa rin akong nakikitang phone.
Kinakabahan ako habang sinisilip ko ulit 'yong bawat bulsa. Maybe, I wasn't attentive while looking for it a while ago. Baka nalingat lang ako.
Oo, ganiyan, Elise, pakalmahin mo ang sarili mo.
"Anong hinahanap mo, sis? May nawawala ba?" nag-aalalang tanong ni Steph sa 'kin.
I tried my best to give her a smile before I said, "Wala, wala."
Binalik ko 'yong atensyon ko sa bag at sinubukang maghanap ulit.
"Wala pero naghahanap ka?" nagtataka niyang tanong kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
I pouted my lips as worry is already wrapping my whole face.
"'Yong phone ko kasi, hindi ata nalagay rito," pag-amin ko sa nag-aalalang tono.
Bigla kong naisip si mommy. Siya 'yong nagpaayos ng gamit ko kaya dapat alam niya kung nasaan 'yong phone ko. I need to ask her!
Nasa isip ko pa lang 'yon, tinanong na kaagad ako ni Steph, "Gusto mo maki-text?" Inabot niya rin kaagad 'yong phone niya sa 'kin.
I was kind of hesitant at first. Nag-aalangan ko ring tinitigan 'yong cellphone niya until she laughingly said, "Huwag ka ng mahiya."
I immediately grabbed it and gave her my thanks. Baka magbago pa ang isip eh.
Medyo nahirapan nga lang akong mag-type dahil hard touch screen 'tong phone niya.
Pero magrereklamo pa ba ko? Buti nga siya, may phone ngayon.
+639*********
Mommy? Bakit wala po 'yong phone ko sa clutch bag? Nasa maleta ba?😭 - Elise ganda
Isasauli ko pa lang sana 'yong phone ni Steph nang makapag-reply kaagad si mommy.
Sobrang bilis ng reply niya ah! Pero magtataka pa ba ko, malamang nag-o-online shopping 'yon ngayon.
+639*********
Nasa kwarto mo.
Nanlalaki 'yong mga mata ko nang mabasa ko 'yong reply niya. Hindi ako makapaniwala.
She does know about it?
Sinasadya niya ba 'to?! Ginagawa niya ba 'to para isagad ang pangto-torture niya sa 'kin?
Gustong-gusto kong mainis at bumaba ngayon dito sa bus para umuwi. Napadiin 'yong hawak ko sa phone ni Steph dahil sa sobrang panggigigil.
"Hala! Baka lalong masira 'yan," awat ni Steph sa ginagawa ko. I got back to my senses because of that.
Nahihiyang napatingin ako sa kaniya at saka ko binalik 'yong phone niya.
Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ni mommy. Knowing her, sinadya niya 'to! At ano namang purpose niya?
Inis na inis tuloy ako buong biyahe.
Sabi nila, don't let one bad second ruin our whole day. Pero paano naman 'yon? Sana all naman kasi patient!
Nagtulug-tulugan na lang ako sa mga sumunod na oras dahil wala ako sa mood makipag-usap kay Steph.
Nang makarating kami sa destination namin, hinintay ko munang makababa lahat.
"Masyado ka namang mapagpaubaya, sis, gusto ko na ring makababa," atat na sambit ni Steph sa gilid ko.
Wala talaga ko sa mood kaya hindi ko na siya pinansin pa. Nang makababa na ang karamihan, nagsimula na rin akong maglakad habang bitbit 'yong clutch bag ko pati 'yong shirt na kapareho n'ong sa kanila.
May mga sumalubong sa 'min pagkalabas sa bus but I simply passed through them.
Mahangin at malamig ang paligid. Nagtataasan din 'yong mga puno sa hindi kalayuan. Mabato at hindi pa gan'ong kalawak 'yong kalsada. There is nothing more to see so far.
Dumiretso na lang ako kaagad sa compartment ng bus at kukunin ko na sana 'yong maleta ko nang may magbitbit n'on.
Gulat na gulat ako sa ginawa niya. I looked at him to ask him why did he do that but I stopped from doing so when he smiled at me. Sobrang lapad ng ngiti niya.
Sa tingin ko, he is a native of this place dahil sa physical attributes niya. May mga kasama rin siyang kinuha 'yong mga gamit ng iba.
"Tara na!" nakangiting aya niya sa 'kin. Matigas 'yong pagkakasabi niya n'on pero naiintindihan naman.
Wala sa sarili ko siyang sinundan nang magsimula na siyang maglakad habang hatak 'yong maleta ko. Medyo nahihirapan ako maglakad dahil may ilang parte na maputik. Mukhang umulan dito kanina, lalo na't makulimlim 'yong paligid.
Napatingin ako sa maleta ko, I was a little shocked nang buhatin niya 'yon para hindi siguro madumihan.
Ang bigat kaya n'on!
Naaawa ako pero wala naman akong magawa dahil sa takot na madumihan ang gamit ko. Hindi ko naman siya pinilit kaya hindi naman ako dapat ma-guilty.
Ilang sandali lang din, narating na namin 'yong tapat ng mga dikit-dikit na bahay na gawa sa kahoy. Maliliit lang 'yon na parang kasing sukat ng mga bahay kubo.
I saw him walked towards one of the houses, so I followed him. Pinagbuksan niya pa ko ng pinto at kaagad na bumungad sa 'kin 'yong loob ng bahay.
"Labas ka ah," sambit niya na bakas ang saya sa boses pero hindi ko na siya nagawang lingunin pa dahil sa pagiging busy ko sa pagmamasid sa loob.
Umalis din naman siya kaagad pagkapasok niya ng maleta ko sa loob.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman o sasabihin ko nang tuluyang na kong makapasok.
The place is very simple. As in simple.
Maliit lang. May isang kama na nasa tabi ng pader at may dalawang bintanang nasa ulunan ng kama. Mukhang gawa sa kahoy lahat ng nakikita ko.
Sinarado ko muna 'yong pinto na ang lock ay iisang stainless steel door lock lang. Tapos pumunta na rin ako sa kama para maupo. Kahoy lang 'to at walang kahit anong foam o malambot na mahihigaan. Isa lang din 'yong unan na napakanipis pa at may pundang Disney princess.
This is it? Paano naman ako tutulog dito? Baka magkasakit ako sa buto sa sobrang tigas ng higaan! Tapos 'yong unan, iisa lang din.
Napahiga na lang ako, napatingin sa taas, at saka ipinagsalikop 'yong mga kamay ko sa bandang tiyan ko.
"Anong gagawin ko rito, mommy?" nanlulumo kong bulong. Para namang maririnig ako ni mommy at mapapauwi kaagad kung makapagtanong ako.
Pero siyempre ang sagot ay hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top