Chapter 13: Surprise
Chapter 13: Surprise
"Ang tagal mo namang gumising, Elise!"
Gulat na gulat akong nagising dahil sa narinig na sigaw ng kung sino.
May nararamdaman din akong yumuyugyog sa katawan ko. Nakakahilo ah, in fairness!
Iritado kong kinusot-kusot 'yong mga mata ko. Nang makapag-adjust na ko sa ilaw, nakita ko si mommy sa gilid ng kama ko. She finally stopped shaking my body.
Buti naman!
Kung makayugyog siya sa 'kin, akala mo naman piggy bank ako tapos gustong-gusto niya makuha 'yong pera ko.
Hindi ako piggy bank pero sure akong gusto ni mommy ng pera. Duh! Siya kaya ang shopping queen ng Pilipinas.
"Kanina pa kita ginigising! Male-late ka na, Elise. Bumangon ka na!" Sobrang sama niya makatitig sa 'kin. Parang ang laki naman ng kasalanan ko.
Dahan-dahan akong bumangon at saka nag-inat.
Ano bang sinasabi ni mommy?
Kunot-noo ko siyang tinitigan. I was slightly annoyed when I said, "Wala naman po akong lakad—"
"Mayr'on," mariin niyang saad. Hindi man lang ako pinatapos sa sinasabi ko!
Napahawak ako sa ulo ko at saka nag-isip.
I only planned everything I want to do during this year's vacation period last night. Wala pa naman akong na-book na flight. Wala rin akong maalalang lakad na ipinagpaalam ko kay mommy.
Kita mo 'to si mommy, kung kailan wala akong lakad saka ako pinapaalis. Tapos n'ong umaalis ako, lagi ng binantayan 'yong oras ng uwi ko.
I was in doubt when I looked at her. Nakapameywang pa siya habang nakataas 'yong kaliwa niyang kilay. I wasn't able to stop myself from bursting into a laugh when I remembered a meme na kamukhang-kamukha ni mommy ngayon.
"Anong tinatawa-tawa mo, Elise? Bumangon ka na sabi!" gigil na gigil niya kong nilapitan at saka kinurot sa tagiliran.
Napadaing naman ako sa sakit. "Grabe naman po makakurot, mommy!" reklamo ko.
Hindi pa siya nakuntento dahil hinawakan niya na ko sa magkabilang kamay at saka hinatak patayo.
Muntik na kong masubsob dahil sa ginawa niya.
Kapag ako talaga nasubsob tapos pumangit 'yong lips ko, buong buhay ko talagang sisisihin si mommy! Hahalikan ko pa ulit si Eli. Hindi pwedeng magkasugat 'yong lips ko!
"Gusto ko pa pong magpahinga, mommy. Leave me alone, please," pagmamakaawa ko at babalik na sana sa kama nang mariin niya kong hawakan sa kanang braso.
Inis ko siyang tinignan pero nasindak na lang ako nang panlakihan niya ko ng mga mata.
"Bakit, pagod ka ba, Elise? Nakakapagod bang matulog maghapon, manood ng kung ano-ano, at mag-lakwatsa?" nanggigigil niyang tanong sa 'kin.
As I cannot frown in front of her, I simply pouted my lips.
Grabe naman kasi si mommy, masyadong masakit magsalita. Masyadong honest. Dahan-dahan naman 'no, kagagaling ko lang d'yan eh! Hindi pa nga fully healed 'yong puso ko dahil sa mga sinabi ni Eli eh.
"Maligo ka na," utos niya sa 'kin habang hawak pa rin 'yong braso ko.
Napatingin ako sa kama. Gusto ko pa talagang mahiga at matulog. Pero bakit ba ko nilalayo ni mommy sa kama ko?
Binalik ko 'yong tingin ko sa kaniya. She's still pissed and she looks very serious when she said that I need to be somewhere today. Pero saan?
I conceded defeat when I removed her hand on my arm and walked towards my walk-in closet.
Pagkapasok ko sa loob, saka ako sumimangot— 'yong gustong-gusto kong gawin kanina pa.
"Hindi ko nga alam kung anong oras pa lang. Makagising akala mo gabi na," naaasar kong bulong sa sarili.
"Dalian mo, Elise! Huwag kang matulog diyan sa loob," sigaw ni mommy.
Parati na lang siyang galit. Kaya nagtataka talaga ako n'ong mga nakaraang araw na hindi niya ko ginugulo.
I cannot help but feel uneasy. Parang may mali kasi eh.
Kumuha na lang ako ng tuwalya. I cannot decide which to wear kaya sumilip ako sa kwarto mula sa walk-in closet.
"Ano pong isusuot ko?" tanong ko sa kaniya.
I saw her widely smiling while doing something on her phone.
Nilingon niya ko at saka sinabing, "Bahala ka," bago niya ibinalik 'yong tingin niya sa cellphone niya.
Napakunot ako ng noo.
May damit na bang 'bahala ka'? Akala ko, pagkain lang.
Nakasimangot akong namili ng damit.
I run through my sweatsuits, dresses, casual, formal, pajamas, and so on. Pero hindi pa rin ako makapili.
Malay ko ba kasi kung saan ako pupunta!
Napalaki 'yong mga mata ko nang may maisip.
Hindi kaya nagsabwatan sila ni Eli? Tapos ide-date ako ni Eli?
Kilig na kilig ako sa naisip.
I also thought of other possible scenarios. Baka gusto akong ipag-shopping ni mommy? Ipadala sa island? Surprise party?
The latter was impossible. Sobrang tagal pa ng birthday ko.
"Elise, ano ba!" inip na sigaw ni mommy mula sa labas kaya napatalon naman ako sa gulat.
Galit na galit? Gustong manakit?
At dahil pagod na kong mamili, I just grabbed the nearest red mini skirt with short slits on the side and my white turtleneck long sleeve shirt.
Kinuha ko na rin 'yong mga panloob ko at saka lumabas sa walk-in closet.
"Grabe sa tagal! Akala ko nakaligo ka na sa loob," pagtataray ni mommy.
Napatawa ako sa sinabi niya. "Grabe sa pagiging OA!"
Napatigil ako sa paglalakad nang makita kong may maleta sa gilid ng pinto. Nakapatong na rin d'on 'yong clutch bag ko.
Gulat na gulat kong nilingon si mommy, "Ikaw po nag-ayos niyan? Saan ba ko pupunta? Sa Korea?"
Inirapan niya ko.
"Of course not to both of your questions. Maligo ka na lang, ang dami mong tanong," pagtataray niya ulit at saka nahiga sa kama ko.
Napa-pout ako sa nakita.
Ako dapat 'yong nand'on eh. Ako dapat 'yong masarap ang higa at tulog ngayon.
I took a deep sigh before I entered the bathroom.
I made sure na maayos 'yong pagkuskos ko sa katawan ko. Malay ko ba kung saang lupalop ako pupunta ngayong araw.
Pagkatapos ko maligo, mag-toothbrush, magsuot ng damit, at magsuklay, lumabas na ko.
Napalingon ako sa gawi ni mommy.
Sobrang tawang-tawa ako pagkakita ko sa kaniya.
Kaya naman pala hindi na siya nagsisisigaw habang nasa CR ako dahil tulog na siya.
Napailing na lang ako at saka kumuha ng white sneakers.
Pagkatapos ko mag-ayos, tumabi ako kay mommy at saka ko siya niyakap.
"Elise! Umalis ka na," wala sa sarili niyang sigaw pagkagising.
Tawang-tawa ko pagkakalas ko ng yakap sa kaniya.
Napabangon na ko at saka pumunta sa may pintuan para kunin 'yong maleta.
"Tulog well pa, mommy," pang-aasar ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako. Hindi na ko magugulat kapag nahilo siya bigla dahil sa kakairap niya.
Tumayo na rin naman siya at saka lumabas sa kwarto.
Sinundan ko siya hanggang sa makababa kami sa may living room. Mang Nestor is already there sipping his coffee.
"Good morning po!" bati niya sa 'min nang may malapad na ngiti sa mga labi.
"Good morning po," bati ko sa kaniya pabalik nang malapitan ko siya.
"So, does anyone wants to let me know where am I going?" nakangiti kong tanong.
Walang imik si mommy nang buksan niya 'yong pinto. Si Mang Nestor naman, nagkibit-balikat lang.
Napa-pout na lang ako.
I turned around to go outside and I was very surprised when I saw the darkness there.
"Sobrang dilim pa!" gulat na puna ko. "Anong oras pa lang po ba?"
Napatingin ako kay Mang Nestor na siya namang tumayo na rin.
"Wala pa pong five ng umaga," sagot niya at saka kinuha 'yong hawak kong maleta. Hindi ko na pinadala pa sa kaniya 'yong clutch bag ko dahil nakakahiya naman. May mga kamay naman ako.
I stared at mommy looking so confused with a lot of things.
"Bakit naman po ganito kaaga?" takang-taka kong tanong pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. "Ako lang po ba mag-isa? Hindi ka sasama, mommy?"
"Bakit naman ako sasama?" natatawa niyang tanong pabalik.
"Passport? Ticket? Hindi ko ba kailangan ng mga 'yon?" sunod-sunod kong tanong pero umiling lang siya bago sinabing, "Enjoy, Elise!" at saka siya umalis sa harapan ko.
"Mommy!" tawag ko sa kaniya nang pumunta na siya sa hagdanan. Hindi niya ko nilingon kaya tinawag ko ulit siya. "Mommy! I deserve an explanation. I deserve to know where I need to go. I deserve to be aware of what to expect today."
Wala na kong nagawa nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Padabog akong lumabas sa bahay at saka dumiretso sa may garahe.
The engine has already been started.
Pumasok ako sa passenger's seat.
Nang maiayos ko na 'yong seatbelt ko at masara ang pinto sa gilid ko, nilingon ko kaagad si Mang Nestor.
I was kind of suspicious when I asked, "Wala po ba talaga kayong alam?"
Umiling siya at saka napakamot sa may batok, "Wala po talaga. Napag-utusan lang ako na dalhin ka po sa isang lugar."
"Saan daw po?" tanong ko kaagad.
"Sa Quezon City po," sagot niya at saka nagsimulang magmaneho.
Napahinga na lang ako nang malalim. Mukha namang hindi rin ako makakakuha ng sagot na gusto ko mula kay Mang Nestor.
Pinili ko na lang ipikit 'yong mga mata ko dahil antok na antok pa talaga ko.
Who knows what time mommy woke me up. Baka nga wala pang three n'on kanina eh!
After a while, hindi ko na napansin na tuluyan na kong dinalaw ng antok.
Nagising na lang ako nang kalabit-kalabitin ako ni Mang Nestor sa braso.
"Nandito na po tayo," narinig kong kalmado niyang anunsyo.
Napaayos ako ng upo at saka napatingin sa paligid.
Hindi ko alam kung nakailang lingon ako sa kaliwa at kanan dahil sa pagtataka sa mga nakikita ko ngayon.
"Ba't po rito?" hindi makapaniwala kong tanong. "Anong gagawin ko mag-isa rito?" dagdag ko pa.
Nilingon ko si Mang Nestor sa gilid ko.
"Sasakay po kayo sa isa sa mga bus na 'yan," sagot niya sabay turo sa unahan.
Napatingin din ako sa tinuturo niya.
"Mommy!" naiinis kong sigaw. "Kasalanan 'to ni mommy! Anong gagawin ko sa loob ng bus?"
Iritang-irita akong napasabunot sa nakalugay kong buhok.
Based on what I am currently seeing, nasa Cubao kami. To be exact, nasa terminal kami ng mga bus at hindi ko alam kung bakit dito. Bakit hindi sa airport? Bakit hindi sa bahay nina Eli?
"Labas na po kayo," nahihiyang utos sa 'kin ni Mang Nestor.
Naka-pout ko siyang nilingon, "Uwi na po tayo, please," pagmamakaawa ko.
Napangiwi siya dahil sa sinabi ko. "Hindi po pwede 'yan. Mapapagalitan ako ni ma'am," sagot niya sa natatakot na tono.
Napahinga na lang ako nang malalim. Inayos ko 'yong buhok ko habang nakatingin sa salamin ng kotse sa labas.
Wala na kong nagawa kundi ang lumabas na habang dala-dala 'yong clutch bag ko.
May nakalagay na tarpaulin doon sa harap ng bus na tinuro ni Mang Nestor kanina. Hindi ko pa mabasa nang maayos dahil medyo malayo pa kami mula r'on. Ano 'to, field trip? Pero parang imposible naman.
I am sure, something is off with this.
Napatingin ako sa paligid. Medyo maliwanag na at marami-rami rin ang tao rito.
I can see different people holding different kinds of bag. Marami rin akong nakikitang mga nagtitinda ng mga pagkain. Tapos 'yong iba pa nga sa kanila, may buhat-buhat pa na mga tray.
Ang ingay rin dito. Maraming nagku-kwentuhan, nagtatawanan, nagtatawag, tapos may mga busina pa ng sasakyan na naririnig mula r'on sa highway sa labas nitong terminal.
I've never been in this kind of place. I only rode a bus during field trips in elementary. Pero 'yong mga bus 'yong pumupunta sa school namin noon.
"Ito na po 'yong maleta."
Napalingon ako sa likod ko nang marinig kong nagsalita si Mang Nestor.
I bite my lower lip as he handed over my luggage. Ngayon ko lang napansin na ang laki-laki pala nito. Gaano naman karaming damit 'yong mayr'on dito sa loob? Gaano katagal ko bang kailangang umalis?
"Punta na po kayo r'on sa may blue na bus," Mang Nestor instructed me as he pointed at the bus I saw a while ago.
Napalingon ako r'on.
"Sila na po 'yong mag-e-explain ng mga gagawin at saka pupuntahan. Tapos ito po pala," saad niya.
Napatingin ako sa kaniya nang may iabot siya. White envelope 'to na half lang 'yong size compared sa usual.
Kinuha ko na lang 'yon at saka ko siya nginitian.
"Thank you, Mang Nestor. Una na po ako," pagpapaalam ko.
Ni hindi ko na nagawang makakaway dahil sa dami ng bitbit ko.
I clung my clutch bag on my left arm while holding the envelope. Hila-hila ko naman 'yong maleta ko gamit 'yong kanan kong kamay.
Mabagal lang 'yong lakad ko papunta r'on sa blue na bus na may tarpaulin. Medyo marami kasing tao tapos ang dami ring mga batang nagtatakbuhan kaya nag-iingat ako. Baka mabangga pa ko tapos malaglag pa 'yong mga bitbit ko. I don't want to pity myself even more.
Pansin ko rin na ang init-init dito. May cover kasi 'yong taas na bahagi nitong terminal. Para siyang malaking covered court, gan'on.
Just right in time I reached the blue bus, I got dumbfounded with what I saw in front of it.
Nakalagay sa tarpaulin nitong bus na "Sierra Madre Outreach Program" tapos sa ilalim naman 'yong pangalan ng organization sa tingin ko.
Hindi pa ko nakaka-recover sa gulat nang may matangkad na lalaki na lumapit sa 'kin.
He looks like my age. Tall, babyface, mestizo, thick eyebrows, brown eyes, with a sharp nose.
He smiled at me and extended his hand.
Kunot-noo akong napatingin sa kamay niya. Inangat ko ulit 'yong tingin ko sa kaniya at saka sinabing, "Ang dami kong bitbit."
Napatingin siya sa mga dala-dala ko at saka naiilang na napatawa. Kinuha niya na rin pabalik 'yong kamay niya.
"Steven Garcia nga pala. Ako 'yong project manager ng organization para dito," pagpapakilala niya.
"Pwede mo ba kong tulungan sa gamit ko?" tanong ko.
Nakita ko 'yong gulat sa mga mata niya pero kaagad din naman niyang kinuha 'yong maleta ko.
Pumunta siya sa gilid n'ong bus kaya sinundan ko siya. Nakabukas 'yong malaking compartment nito sa gilid.
Ipapasok niya na sana sa loob 'yong maleta ko nang mapasigaw ako, "Wait!" Napahinto siya at saka ibinaba ulit 'yong maleta. "Hindi ba 'yan mananakaw riyan?" kinakabahan kong tanong.
Napatawa naman siya bigla dahil sa sinabi ko.
Mukha ba kong komedyante para sa kaniya kaya tawa siya nang tawa?
"Hindi," kalmado niyang sagot. "Pwede ko ng ilagay sa loob?" tanong niya habang nakangiti.
In fairness, he has that friendly aura with him. Mukha siyang mabait na tao bukod sa good looking din siya. Parang siya 'yong tipo ng tao na makita mo pa lang, sigurado ka na kaagad na mahaba 'yong pasensya niya.
Pero siyempre, iba pa rin si Eli. Wala siyang panama kay Eli. Si Eli na mahal ko at si Eli na magiging asawa ko.
Pagkalagay niya ng maleta ko sa loob ng compartment, nakita kong may nagsara na n'on. Baka driver? Ewan. Basta nakaputi siyang polo. Pare-pareho kasi 'yong polo n'ong ibang mga nakikita ko rito.
"Your envelope?" tanong ni, sino nga ulit siya? Basta tanong niya habang nakatingin sa kamay ko.
Inabot ko naman 'yon kaagad sa kaniya. Tinignan niya 'yong nasa loob at saka hinubad 'yong suot na ID.
Inabot niya 'yon sa 'kin. Nakahawak siya sa may lace. Napatitig ako ng ilang sandali r'on dahil sa takot na baka napawisan niya na 'to pero kinuha ko rin naman kaagad.
"That's your ID at ito naman," saad niya saka may inabot na naka-stapler na mga maliliit na stub sa 'kin. "Your passes for everything else."
Napatango-tango na lang ako bago sinuot 'yong ID kahit labag sa loob ko. In fairness, hindi naman mabaho.
May nakalagay rin dito sa ID ko na "team member".
"Ikaw si Elise, tama ba?" tanong niya.
Napaangat tuloy 'yong tingin ko at hindi kaagad nakasagot dahil sa bahagyang pagkagulat.
"Nakalagay 'yon sa envelope," saad niya n'ong mapansin siguro niya 'yong pagtataka ko.
Nakahinga naman ako kaagad nang maluwag.
Akala ko stalker na naman eh!
"Sakay ka na," nakangiti niyang saad sabay turo sa bandang likod ko. "Ikaw na lang kasi 'yong hinihintay namin eh," nahihiya niyang sambit.
Napatingin ulit ako sa kaniya.
I felt shy upon hearing his revelation. Napakagat ako sa ibaba kong labi at saka tumalikod at pumunta na r'on sa pintuan ng bus.
Naramdaman ko namang sinundan niya ko pero hindi ko na siya pinansin pa.
Medyo nahirapan pa kong umakyat, buti na lang at matangkad ako.
Pagkarating ko sa loob at nang nasa unahan na ko, kitang-kita ko 'yong titig ng mga tao sa 'kin. Napahinto tuloy ako sa paglalakad.
I was slightly shocked upon seeing the clothes they're wearing. Pare-pareho silang naka-puting T-shirt tapos nakasulat sa unahan nito 'yong "Sierra Madre Outreach Program" pati organization name. They were also wearing a pair of pants. All of them except me.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. I took a glance at my outfit and I must say that I look like an outcast.
Gustong-gusto kong mainis ngayon kay mommy pero hindi ko magawa. Gigil na gigil kong ikinuyom 'yong mga kamay ko.
"Doon 'yong upuan mo sa panlimang row, 'yong bakante sa kanan," saad n'ong project manager.
Ano nga ulit pangalan niya? Seven? Even? Teban?
Tumango na lang ako at saka naglakad ulit.
Sobrang naiinis na nahihiya ako ngayon but I tried to calm down myself.
Naramdaman ko na lang na biglang umandar 'yong bus kaya na-out of balance ako. Muntik na kong matumba pero buti na lang, may nakahawak kaagad sa magkabila kong braso.
His hands were warm.
Nilingon ko siya, it was him again— the project manager.
Nginitian niya lang ako at saka inalalayan na makapunta sa upuan ko.
Napasimangot kaagad ako ng makita kong may katabi ako. Bakit kailangang may katabi? Tutal pala-desisyon naman si mommy, dapat kinuha niya na rin ako ng dalawang upuan!
"Ayan 'yong shirt mo," he pointed to the shirt placed on my sit.
Inabot ko lang 'yon at saka umupo. Medyo nagkamali pa ko ng galaw kaya napalakas 'yong pagkakaupo ko.
Ang sakit n'on ah!
"Just tell me if you need something," he said with a smile before he walked away going in front.
Napangiwi ako nang maramdaman ko 'yong malamig na aircon. Tumingin ako sa taas tapos parehong bilog na aircon 'yong nakatapat sa 'kin ngayon kaya pala ang lamig-lamig.
'Yong katabi ko, tulog na. Hindi ko alam kung sino siya o ano dahil buong katawan niya 'yong nakakumot. Ang sarap pa ng sandal niya sa backrest. Feel at home na feel at home siya, sana all!
Sinimangutan ko siya.
Gustong-gusto ko siyang paalisin ngayon sa kinauupuan niya. Nasa window side kasi siya. I want that place.
Napatingin na lang ako sa paligid at napansing sarado lahat ng kurtina. I was shocked when I saw some of the people here still looking at me. Ngayon lang ba sila nakakita ng walang kasing ganda ko? Nakaka-starstruck ba?
Umiwas na lang ako ng tingin. That's the best idea to think of kaysa isipin kong tinitignan nila ko dahil I look weird.
Napahinga na lang ako nang malalim at saka napa-pout.
Si mommy kasi! Nakakainis talaga. Kasalanan niya lahat ng 'to. Gagawa na nga lang ng kasalanan, sana naman she made sure that I'll feel comfortable.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top