Chapter 11: Mission failed

Chapter 11: Mission failed


"Magandang umaga, magandang Elise!" ngiting-ngiti kong bati sa sarili pagkabangon sa higaan. Niyakap ko pa 'yong sarili ko sa sobrang sayang nararamdaman.

Who wouldn't be happy? The vacation has finally started today and I can't wait to spend my time doing a lot of things that are not academic related! Finally, mas may time na ko sa mga bagay-bagay, lalo na kay Eli.

Lumapad 'yong ngiti ko dahil sa sariling naisip.

Nag-inat-inat muna ko bago tumayo at saka pumunta sa full glass window. I pulled the curtains to the side and to my shock, the surrounding outside is still wrapped with darkness.

Napakunot 'yong noo ko. "Anong oras pa lang ba?"

I came back to my bed and I crawled as I look for my cellphone to check the time. Pagkadampot ko sa phone ko na nasa kama, umupo ako nang maayos bago binuksan 'yon.

Napataas 'yong kilay ko nang makitang 6:30 pa lang ng umaga.

Sobrang excited lang gumising, Elise? Pero kapag may pasok, kailangan pa ng alarm?

Napailing at napatawa ako sa naisip. I was about to turn off my phone when I suddenly received a message. Napatulala ako bigla sa nakita.

Just seeing the name of the sender is already enough for my heart to start beating so fast. Unti-unti na rin 'yong paglapad ng ngiti sa mga labi ko.

"Totoo ba 'to?" hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili. "Eli sent me a text again?!" kilig na kilig kong tanong ulit sa sarili.

Dahil sobrang hindi ako makapaniwala sa nakita, pinatay-bukas ko 'yong cellphone ko. After doing so, his registered name is still in my notification.

Impit akong napatili dahil sa sobrang saya. Napahiga ako at hindi ko na naiwasan ang magpagulong-gulong sa kama habang ngiting-ngiti.

"Eli texted me!" malakas kong anunsyo at bakas sa boses ko ang sobrang kilig na nararamdaman ko.

Umayos ako ng higa at saka tinitigan ulit ang phone ko.

"You're too loud, Elise!" rinig kong sigaw ni Laurice mula sa labas ng kwarto ko. Napalingon ako sa may pinto.

Hindi ko siya pinansin. Hindi na rin naman siya nagsalita ulit. Baka umalis na.

Napairap ako kahit hindi niya 'yon nakita.

Hindi ko hahayaang sirain ni Laurice ang mood ko. Eli made my day and I won't let anyone ruin it!

Huminga muna ako nang malalim bago tinignan 'yong message ni Eli.

My sugarcakes honeypie Eli

Hindi ka mang-iiwan sa ere dahil ikaw 'yong hangin. Sobra-sobra na 'yong kahanginan mo.

Hindi ko alam kung ilang beses kong binasa 'yong text ni Eli. Hindi pa rin mawala-wala 'yong ngiti ko dahil sa nabasa.

Did he just send me his own pick up line? Kunware pa siya na inaasar niya ko pero napapansin ko na way niya lang 'to para hindi ako mabigla sa character development at change of attitude niya.

At totoo ba 'to? His message contained two sentences! Improving na si Eli. Parang kiss namin, n'ong una sa cheeks lang tapos nag-level up sa lips to lips!

Impit na naman akong napatili at sandali pang napapikit dahil sa sobrang kilig. Tinapat ko sa may dibdib ko 'yong phone ko habang nag-iisip ng ire-reply ko.

I cannot come up with anything to text him, so I decided to just leave his text as the last message in our conversation. Pupunta naman ako sa kanila mamaya dahil ibibigay ko 'yong mga regalo ko para sa kanila. He just needs to wait for me for few more hours!

Napaisip ako bigla, effective kaya 'yong halik ko? O nasarapan siya sa luto ko? Baka totoo nga na a way to a man's heart is through his stomach!

Before I cleaned up myself, I decided to take a screenshot of his message.

Ipa-frame ko kaya 'yong una at itong pangalawang text niya? O 'wag na? Baka kasi hindi na masundan kapag ginawa ko 'yon!

Nakangiti akong napairap.

Ba't kasi ang in denial ni Eli? Kunware pa 'yon, alam ko namang malakas ang epekto ng walang kasing ganda ko sa kaniya. Panalo ang alindog ni Elise!

Tumayo na ko at saka dumiretso sa CR. I washed my face, brushed my teeth, and changed my clothes.

Tinignan ko 'yong sarili ko sa salamin at saka hinawi paharap 'yong buhok ko.

"Sobrang haba ng hair mo, Elise! Ikaw ang hangin na kailangan ni Eli sa araw-araw para mabuhay," natatawa kong sambit bago lumabas sa CR.

I was humming a song titled I Think I'm In Love as I picked up the paper bags containing my gifts for my family. 'Yong mga regalo ko kasi para sa mga kasambahay namin pati kay Mang Nestor, pinaabot ko na lang kay Mang Nestor kagabi. I hope they liked my gifts!

When I got out of my room and went downstairs, I was still happily humming the same song.

Pagdating ko sa dining area, si Laurice pa lang 'yong nasa mesa.

Nilingon niya ko at saka inirapan, "Can you stop doing that? It's not ear-pleasing, mind you," masungit niyang saad sa 'kin.

Napatigil ako at saka napa-pout.

"Ang sungit mo naman! Puro ka kasi games, baka puro away ginagawa mo riyan kaya pati ako inaaway mo, Laurice," pasigaw na puna ko at saka siya nilapitan. "Pero kahit masungit ka, may regalo ka pa rin mula sa ate mong mahal na mahal..." huminto ko at saka inabot sa kaniya 'yong isang paper bag. "Si Eli," dugtong ko at saka paimpit na napatili.

I took a seat beside her and placed the other paper bags on the table as I happily watch her open my gift.

Kinuha niya mula sa loob ng paper bag 'yong may kahabaang box at saka binuksan. Kaagad na kumunot 'yong noo niya pagkakita ng nasa loob nito.

"What would I do with this, Elise?" she said with disbelief in her tone.

I bite my lower lip upon hearing that. Hindi niya ba nagustuhan? Ang ganda-ganda kaya nito! Bagay na bagay sa maputi niyang balat.

It's a diamond tennis necklace. A 14K white gold!

"Try mo muna kaya," pagpupumilit ko at aabutin ko pa sana 'yong necklace pero kaagad niyang sinara 'yong lagayan at binalik sa loob ng paper bag.

She looked at me with serious eyes, "Maybe I can sell this to buy hero skins in my games."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kaagad na nanlaki 'yong mga mata ko sa narinig.

Nasisiraan na ba siya ng bait?!

"Huwag mong gagawin 'yan, Laurice," pagbabanta ko sa kaniya.

I was about to continue what I initially stated when Ate Maricor approached us.

Napalingon kami ni Laurice pareho sa kaniya. Nagtataka kami kung anong mayr'on dahil ngiting-ngiti siya.

"Bagay ba?" tanong niya sa 'min pagkaangat ng kamay niya.

There, I saw the watch I bought for her. Kaagad akong napangiti sa nakita.

"Bagay na bagay!" tuwang-tuwa kong saad.

Dumating na rin sina Ate Karen at Ate Anne. They also showed me their arms wearing the watches I gave them.

Sobrang saya ko habang nagte-thank you sila. It was so good to see them appreciating what I gave.

Nang umalis na sila sa harap namin para magluto, naka-krus 'yong mga braso ko nang tignan ko si Laurice.

"Tapos ikaw, 'di mo ma-appreciate 'yong bigay ko," saad ko na may halong sama ng loob ang boses.

Kunot-noo niya kong tinignan pabalik, "Because you gave me something we all know is not what I like!"

Sinisigawan niya ba ko? Niregaluhan ko na nga siya tapos may gana pa siyang awayin ako?

Gaganti pa sana ko ng sigaw pero hindi na 'yon natuloy nang dumating sina mommy, daddy, ate Ate Felize.

"Ang aga mo ata, Elise," nagtatakang tanong ni daddy pagkaupo niya sa harapan namin ni Laurice.

"Siyempre, wala ng pasok," hirit ni mommy at saka napairap.

Pagkalapit niya sa mesa, nakita ko siyang napatingin muna sa mga paper bag bago umupo sa tabi ni daddy. Tinabihan na rin siya ni Ate Felize.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ni mommy sabay turo sa mga paper bag.

Ngiting-ngiti kong inabot isa-isa sa kanila 'yong mga regalo ko.

"Buksan niyo na po," nae-excite kong saad.

I clasped my hands as I waited for their reactions.

Si daddy 'yong unang nakapagbukas ng regalo. He was so amazed upon seeing the gold bracelet I bought for him.

Ngiting-ngiti niya kong tinignan, "Thank you, Elise. This is so sweet of you."

My heart felt so warm.

"You're welcome, daddy," malambing kong saad.

"Wow!" malakas na saad ni mommy kaya napalingon ako bigla sa kaniya.

Parang kumikinang-kinang pa 'yong mga mata niya habang tinitignan 'yong bigay ko sa kaniya. It's a gold dangling earrings.

Mabilis niyang sinuot 'yon at saka nilingon si daddy. "Bagay ba?" ngiting-ngiti niyang tanong.

"Of course, it is," sagot ni daddy sa naglalambing na boses.

I was so happy when I heard her laugh out of happiness.

Napalingon naman ako kay Ate Felize when she suddenly thanked me, "Ang ganda nito, Elise. Salamat!"

Parehong necklace 'yong binigay ko kanila Ate Felize at Laurice. Ang pinagkaiba, mas mahal 'yong kay Laurice dahil siya ang bunso at wala pa siyang trabaho. Kaya hindi ako makakapayag na ibebenta niya lang 'yon para sa games niya!

Sinukat na rin ni Ate Felize 'yong necklace niya. Si mommy naman, nagpa-picture pa kay daddy nang side view.

"Dapat kitang-kita 'yong earrings ah!" she instructed dad with a smile on her face.

I composed myself and started earning the guts to finally ask for their permission.

A tip from Elise, make sure that your parents or guardians are in good mood when you need to go out. Hindi lang good mood, kailangan masayang-masaya!

"Pupunta po pala ko sa bahay nina Eli mamaya," nakangiti kong saad pero punong-puno na ng kaba 'yong puso ko.

Sabay-sabay silang napalingon sa 'kin. Gulat na gulat 'yong mga mukha nila.

"Anong gagawin mo r'on?" nagtatakang tanong ni mommy pagkakuha niya mula kay daddy ng phone niya.

Naiilang akong napatawa, "Ibibigay 'yong mga regalo ko sa pamilya nila," sagot ko.

"Baka masayang lang 'yong effort mo," singit ni Ate Felize. "Hindi nagpapapunta si Eli sa kanila. None of his friends has visited their house yet," kunot-noo niyang dagdag pa.

Napangiti ako sa narinig. Well, akala niya lang 'yon.

So, totoo pala 'yong sinabi ni Mommy Adrianna na wala pang nadadala si Eli na kahit sinong babae o kaibigan sa bahay nila?

"Walang kaibigan kasi future wife lang ang pwede," kinikilig kong saad sabay turo sa sarili. "Nakapunta na kaya ko sa kanila n'ong nakaraan lang!"

I was so proud of myself when I revealed that. Hindi kaagad nakapagsalita si Ate Felize pati sina mommy.

"Does Eli know about this?" Ate Felize asked with suspicion in her eyes.

Napairap ako.

Ayaw maniwala! Para naman akong sinungaling. Pero sabagay, nagsisinungaling naman talaga ko pero minsan lang kapag kailangan.

"Siyempre. Kumain pa nga kami ng hapunan nang sabay-sabay," I said with full of confidence in my voice.

At hindi lang 'yon, nakahalik pa nga ko kay Eli!

Pero siyempre, 'di ko na sinabi 'yon. Eli and I need privacy.

Hindi na nagsalita pa si Ate Felize pagkatapos kong sabihin 'yon. Baka shock na shock sa revelation ko.

Sakto lang din naman dahil dumating na 'yong mga bagong lutong pagkain nina Ate Maricor. They placed the plates and utensils after a while.

Sumandok na ko ng fried rice at saka kumuha ng sunny side up na itlog pati bacon.

In the middle of the breakfast, mommy suddenly asked something that made me frown.

"Wala ka naman ng gagawin ngayong bakasyon, Elise, baka gusto mong mag-join sa mga community serving organization," she suggested in a low tone of voice.

Hindi ako nakakibo kaagad kaya nagsalita siya ulit.

"Naging part na si Eli ng maraming organizations, baka gusto mo ring subukan," pangungumbinsi niya pa sa 'kin.

At ginamit pa nga si Eli ko para lang mapapayag ako. Akala naman nila madadala nila ko sa ganito? No! Ba't ko gagawin 'yong bagay na ginagawa ni Eli kung 'di ko naman siya makakasama? I'd rather go to his house and spend time with him.

Binitawan ko 'yong utensils at saka nakangiwing tinignan si mommy.

"Busy po kaya ako," sagot ko.

Kaagad siyang napatawa pero may halong sarkasmo 'yon. Gusto kong sumimangot kaso baka mapagalitan pa ko. Ang ganda pa naman ng mood ni mommy ngayon. Baka hindi pa ko payagan.

"Ano namang pinagkakaabalahan mo?" hindi niya makapaniwalang tanong. "Bukod sa bubuntot-buntot ka kay Eli?" dagdag niya pa.

Para akong ewang napangiti dahil sa narinig.

"Basta, marami," saad ko at saka pinagpatuloy 'yong pagkain.

Hindi na niya ko kinulit pa pagkasabi ko n'on. It was so unusual for mommy to not insist something she wants me to do. Pero nagpasalamat na lang din ako dahil, at least, walang rapper na mommy ngayong umaga. Medyo masakit kasi sa tenga kapag halos ayaw niya ng tumigil kaka-sermon.

Natapos na lang kaming mag-agahan na sina mommy at daddy lang ang magkausap. They were discussing some important things in the company. Si Ate Felize, tahimik lang. Si Laurice, tahimik naman talaga 'to. Buti nga at hindi bumabaho hininga nito.

Pagkaalis nina mommy at daddy sa dining area, sumunod din naman kaagad si Laurice. Bitbit-bitbit nila 'yong mga paper bag. Napangiti naman ako r'on.

It was so joyful to see them holding those things. Pero mas masaya kasi hindi ko naman pera pinambili ko r'on. Ginamit ko 'yong isa kong card na sina mommy at daddy ang nagde-deposit ng laman.

Sabi ng iba, huwag daw maging palaasa sa pera ng mga magulang. Pero sabi ni Elise, kung may binibigay naman, ba't mo gagamitin 'yong sariling kita mo?

Basta ako, ayaw kong gamitin 'yong mga naipon ko para sa mga luho ko. Hindi ko pa alam kung saan ko gagamitin lahat ng 'yon but maybe, one day, I'll smartly use it on properties and other investments.

Tumayo na ko mula sa upuan at paalis na sana nang biglang magsalita si Ate Felize. Her voice is wrapped with worry when she called my name, "Elise."

Nilingon ko siya nang mapahinto ko sa paglalakad. Bakas na bakas 'yong pag-aalala sa mukha niya. She's still sitted on the chair with her closed hands on the table. Nasa gilid ng plato niya 'yong magkabila niyang mga kamay na bakas ang panginginig.

She looked disturb when she finally asked, "You're aware that Eli has a new girlfriend, right?"

Hindi ko alam kung anong una kong ire-react sa narinig.

Ilang beses na 'tong nangyari yet I am still surprised and disappointed.

"He has a new girlfriend?" tanong ko sa mahinang boses na halos ako na lang 'yong nakakarinig.

Tumango siya bilang sagot.

I found myself laughing off what she said when I finally had a grasp of it. Bakas sa tawa ko 'yong sakit na nararamdaman.

Did he make a fool of me?

Nang tumigil ako sa pagtawa, napangisi ako at gigil na gigil na napahawak sa itaas na bahagi ng back rest ng upuan na nasa tapat ko.

I raised my right eyebrow as disbelief crossed my face.

"Tine-text niya na ko," nanggagalaiti kong unang nabanggit. "Kinain niya pa nga 'yong adobo na dinala ko. Tapos malalaman ko na lang na may bago na siya?" Pataas na nang pataas 'yong boses ko. "Nananadya na lang ba siya? Na pabago-bago siya ng girlfriend para saktan ako?!" hindi ko makapaniwalang tanong.

I actually want to tell her that Eli and I even shared a kiss; then, he will shock me with a news of having a new girl? Pero hindi ko lang magawang masabi dahil ayaw kong ipagkalat 'yon.

Ate Felize took a deep sigh before she got to her feet.

"Itigil mo na 'to, Elise. He doesn't see you as a woman, I'm telling you," malungkot niyang saad bago lumabas sa dining area.

Inis na inis akong napasigaw.

"Hindi pwede!" Mariin kong pinikit 'yong mga mata ko. Pagkadilat, nakita kong lumapit si Ate Maricor. Nag-aalala 'yong mukha niya. "Hindi 'to pwedeng gawin sa 'kin ni Eli!"

Padabog akong umalis sa dining area at saka madaling-madali na umakyat sa taas. Dumiretso ko sa kwarto ko at saka pumasok sa walk-in closet.

Pagkakita ko sa sarili ko sa floor-standing mirror na nandito sa loob, hindi ko naiwasang mapatawa nang sarkastiko.

"Ano 'yon, Eli? Ginawa mo ba lahat ng 'yon para saktan ako? Pwes, nagwagi ka. Pero hindi ka magwawagi na tuluyan akong maitaboy palayo!" galit na galit kong sigaw habang tinitignan ang sarili.

Umalis din ako sa tapat ng salamin at mabilis akong namili ng damit. I chose a V-neck white strap top and a pair of high-waisted jeans. Sinuot ko 'yong black sneakers ko bago lumabas sa walk-in closet.

I looked for my phone and as I saw it, I immediately grabbed it to compose messages for Eli.

My sugarcakes honeypie Eli

What was the kiss for you? Wala ka bang naramdaman na kahit ano? Then why were you so shocked that time?😡😡😡

Ba't may bago kang babae?

Binato ko 'yong phone ko sa kama at saka hinanap 'yong mga paper bag na naglalaman ng mga regalo ko para sa pamilya niya.

Before I set foot outside, pinakalma ko muna 'yong sarili ko.

"Calm down, Elise. Hindi pwedeng mabawasan ang ganda mo. Hindi ka pwedeng humarap kanila Mommy Adrianna with that kind of look," paalala ko sa sarili at saka lumabas ng kwarto.

Pagdating ko sa baba, hinanap ko kaagad si Mang Nestor. Nakita ko naman siya kaagad sa may living room.

"Magpapasama po sana ako sa bahay nina Eli, 'yong pinuntahan po natin n'ong nakaraan," saad ko sa tonong halos nagmamakaawa na.

Nginitian niya ko bago sinabing, "Tara na!"

My worries inside were lessened upon hearing his approval.

Lumabas na kami at saka pumasok sa kotse. I took the passenger's seat beside him.

Wala akong imik buong biyahe dahil sa inis. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Eli. I thought, we are having a progress. That our relationship is taking into another level. Tapos bibiglain niya ko sa balitang 'to?

No way!

If other people easily give up on what they want in life, I am not like other people. What Elise wants, Elise gets.

Medyo na-traffic kami ni Mang Nestor dahil siguro papasok sa trabaho 'yong iba ng ganitong oras. When we got in the gate of the private subdivision, I simply mentioned my name, "Elise Quiseo."

To my shock, the guard didn't ask for more questions. He simply let us in.

Napalingon ako kay Mang Nestor nang magsalita siya, "Kasali na po kayo sa visitor's list ah," nangingiti niyang saad.

I can't help but to smile as well. Baka si Mommy Adrianna ang nagpalista sa 'kin?

Whoever it is, I'm very thankful to that person. Kaya ikaw, Eli, wala ka ng kawala.

I smiled in an evil way as I thought of that.

In a few minutes, we already arrived in front of the Maceda's mansion.

Hinawakan ko nang maigi 'yong paper bags bago lumabas sa kotse. Nilingon ko si Mang Nestor, "Baka po matagalan ako sa loob," pagbibigay-alam ko sa kaniya bago sinara ang pinto.

Pagkapunta ko sa tapat ng gate, nag-door bell lang ako tapos pinagbuksan din naman ako kaagad ng kasambahay nila.

Hindi ko na nagawang pagmasdan ang paligid dahil sa sobrang focus ko na makapasok agad-agad sa loob.

When I opened the main door of the mansion, I immediately saw Mommy Adrianna. When she took a glance of me, she instantly smiled and walked towards me.

Nginitian ko rin siya pabalik bago isinara ang pinto sa likod ko.

"Hello, Mommy Adrianna," I greeted her all smiles.

Nang magkalapit na kami, medyo nagulat pa ko nang nag-beso siya sa 'kin. Is this a sign na approve niya ako?

Hindi ko naiwasan 'yong paglapad ng ngiti sa mga labi ko.

"Napabisita ka?" ngiting-ngiti na tanong niya at saka napatingin sa mga bitbit ko.

Napatitig din ako r'on at saka inabot lahat ng 'to sa kaniya.

"Para po pala sa inyo nina Ate Nilienne, Neko, Daddy Evann, at Eli. 'Yong kaniya po, baka pwedeng paabot na lang po dahil baka isauli niya lang kapag ako po 'yong nagbigay," nahihiya kong pagpapasuyo.

Marahan siyang napatawa, "'Yon lang ba, Elise? Walang kaso sa 'kin 'yan!" Hinawakan niya ko sa braso bago sinabing, "Sa ayaw at sa gusto ni Eleazar, kukunin niya 'to."

"Thank you, Mommy Adrianna!" tuwang-tuwa kong saad at napayakap na talaga ko sa kaniya.

I felt her hands hugging me back that made me feel so comfortable. Kumawala rin naman ako kaagad sa yakap at saka siya tinitigan.

"Mag-aayos pa ko sa taas, Elise. Naghihintay na si Daddy Evann mo sa kotse, magta-trabaho pa kami," pagpapaalam niya. "Hintayin mo lang si Eli, papababain ko na rin."

She gave me a sweet smile before she left the living room.

Hindi ko alam pero tuwang-tuwa ako n'ong banggitin niyang "Daddy Evann mo", it felt that I am totally welcomed by their whole family.

At gaya ng sabi niya, naghintay lang ako rito sa living room. Ni hindi ko na nga nagawang umupo pa. I just want to make things clear with Eli as soon as possible.

"Go home, Elise," narinig kong saad ng sobrang pamilyar na boses. Pero 'yon pa lang, hindi ko pa siya nakikita, tumibok na nang sobrang bilis 'yong puso ko.

Napalingon ako sa kalayuan at saka ko nakita si Eli na papalapit sa 'kin. His forehead has creased and he seemed displeased seeing me.

Sa sobrang dami kong gustong sabihin sa kaniya, natameme na lang ako nang makalapit siya. He smells so good. His white plain shirt suits him well. Parang lalo siyang naging gwapo sa paningin ko.

Magpigil ka ng kilig mo, Elise! Kailangan mong ipakita sa kaniya ngayon na hindi ka niya basta-basta maipagtatabuyan.

Huminga ko nang malalim at saka sinaksak sa isip ko lahat ng 'yon.

"What now, Elise?" he asked impatiently. Annoyance is seen on his face.

Sarkastiko akong napatawa. "Anong 'what now', Eli? Ako dapat magtanong niyan sa 'yo. Ano na, Eli?" gigil kong bungad.

Lalong kumunot 'yong noo niya at magsasalita pa lang siya, inunahan ko na siya. "What was the kiss for you? At bakit ka ba text nang text? Tapos malalaman ko na lang na may bago ka na namang babae? I've been running after you for years, Eli! Pero sa pitong taon na 'yon, ano ba ko para sa 'yo?"

It wasn't part of my plan to cry in front of him but I just found myself with my tears rolling on my face. Kaagad kong pinunasan 'yon at pinilit na huwag humikbi pero pati sarili ko, pinagtaksilan ako. Hikbi ako nang hikbi.

I cannot see his facial reactions well but I am sure that I saw sadness crossed his eyes.

What was that?

Pero mabilis din 'yong napalitan ng inis na reaksyon. His jaw has also clenched.

"You just want the chase, Elise. Do not waste my time," mariin niyang saad at tatalikod na sana nang hawakan ko 'yong braso niya.

Sobrang nao-overwhelm ako sa sarili kong mga emosyon. My heart was beating so fast but my tears can't stop falling on my face.

"Baka sa susunod, sa kagustuhan mong itulak ako papalayo, pati ate ko patusin mo na?" tanong ko sa gitna ng mga hikbi.

Tinanggal niya 'yong kamay ko sa braso niya at saka naka-ngising sinabi, "Well, better than to have you."

Lalo akong nanggalaiti sa narinig. I tiptoed and was about to snatch a kiss from him when he stopped me by holding my head and pushing it away.

Napanganga ko sa ginawa niya. Tumigil 'yong pagtulo ng mga luha ko dahil sa gulat.

Did he just reject my kiss?

"Hindi mo ba nagustuhan 'yong halik ko sa 'yo n'ong nakaraan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Binitawan niya ko sa ulo at saka hinawakan sa braso. Marahan niya kong hinatak palabas sa bahay.

Habang naglalakad kami, tuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita. Salitan 'yong tingin ko sa kaniya pati sa dinadaanan namin para hindi matisod.

"O baka naman natatakot ka lang na mahalikan ko ulit? Pinipigilan mo ba 'yong sarili mong mahulog sa 'kin?" sunod-sunod kong tanong.

I saw his jaw clenched again. Binitawan niya ko pagkarating namin sa tapat ng gate.

"See, Elise? You're so immature," saad niya sa matigas na tono. "You are just a young and impulsive girl to me. At wala akong balak pumatol sa bata, lalo nang dahil ikaw si Elise."

Napakunot 'yong noo ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng inaakto at sinasabi ni Eli ngayon.

Sobra niya ba kong kinamumuhian? Ayaw na ayaw niya ba sa 'kin? Bakit kung saktan niya ko, parang wala akong damdamin?

Ano bang mali sa ginagawa ko? Ano bang mali sa pagmamahal ko sa kaniya?

I directly looked at his eyes before I asked him, almost pleading, "What's wrong with being Elise? What's wrong with being me?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top