Chapter 10: Inspired

Chapter 10: Inspired


"I'm home!" masaya kong saad pagkapasok sa dining area.

Gulat na gulat sina mommy at daddy pagdating ko. Sila pa lang 'yong nasa mesa at wala pa sina Ate Felize at Laurice.

Hindi sanay makakita ng walang kasing ganda ko?

Nakangiting dumiretso ko sa tapat nila habang bitbit ko 'yong ilang eco bag na laman-laman 'yong mga pinamili kong pagkain. Grocery items. Ulam. Sweets.

The other bags were hand-carried by Mang Nestor. He offered to help me since naparami 'yong binili ko. Hindi kinaya ng powers ko bitbitin lahat ng 'yon. Buti na lang talaga at nagpasundo at nagpasama ako sa kaniya.

Sorry naman! Kapag pati 'yong pagiging malakas ay kinuha ko, masyado na kong swapang n'on. Akin na nga ang ganda at talino eh, ipapaubaya ko na 'yong lakas sa iba.

"Anong mayr'on, Elise?" nagtatakang tanong ni mommy pagkatayo niya.

Sinilip niya 'yong loob ng ilang bags pagkababa namin ni Mang Nestor ng mga 'yon sa kabilang dulo ng mesa.

"I got a feeling that I'll perfect all my exams a while ago," nakangiti kong saad. Totoo 'yong part na feeling ko makaka-perfect ako sa lahat ng exam kanina. Pero hindi totoong ayon 'yong rason ko.

I was so happy since the day before yesterday that I decided to spend my cash on food. Mga paborito nila 'to.

Nakita kong nagsimula na si mommy na kumuha ng mga pagkain sa loob. Sakto naman at nandito na rin sina Ate Felize at Laurice sa dining area. Baka maubusan na sila ni mommy!

Napapalakpak ako sa tuwa. "Perfect! Ayan, kuha na rin kayo ng mga gusto niyo," saad ko sabay turo sa mga pinamili ko.

Kunot-noo akong tinignan n'ong dalawa bago sila nagsimulang kumuha sa loob.

"Ay, Mang Nestor, kunin niyo na po 'yong para sa inyo nina Ate Maricor," saad ko at saka kinuha 'yong mga green na eco bag.

Nakangiting inabot ko 'yon sa kaniya.

"Salamat po," nahihiya niyang saad.

Medyo napatawa naman ako dahil d'on. Nahihiya pa talaga sila sa 'kin?

"Binilhan mo talaga kami?" hindi makapaniwalang tanong ni Ate Maricor paglapit niya para tulungan si Mang Nestor. Lumapit na rin sina Ate Karen at Ate Anne para tumulong.

"Of course!" I answered as I clasped my hands together while I was observing them.

"Ba't ka namili?" nagtatakang tanong ni Ate Felize habang bitbit niya na 'yong mga nakuha niya.

I gave them my sweetest smile.

I bought all these because of what happened two days ago. Sobrang saya ko na para kong dinala sa heaven dahil sa kiss namin ni Eli.

His lips were so soft. It felt so natural to do that. It felt as if I'm getting nearer to being his girlfriend!

Pero siyempre, 'di ko sinabi 'yon.

"To congratulate me!" pagsisinungaling ko. "I have this gut feeling na I will ace my final exams. Tapos last day ko na bukas sa university. Then, fourth year na ko sa susunod na academic year!" masaya kong dagdag.

She doesn't look convinced. No one does.

I don't care. Basta hindi ko sasabihin ang totoo!

Bukod sa I treasure that moment, naiisip ko na hindi dapat pinagkakalat 'yong mga gan'ong bagay, lalo na't sa lips kami nag-kiss! It's a private thing between Eli and me.

"Akyat ko muna 'tong mga 'to sa kwarto ko," pagpapaalam ni Ate Felize bago siya umalis habang dala-dala 'yong mga kinuha niya.

"Me too," saad ni Laurice bago umalis din habang bitbit 'yong kaniya.

They have their small ref in their rooms, so they do not stock their food inside the ref here in the dining area. Kami lang ata ni daddy 'yong walang sariling ref. Magkasama sila ni mommy sa iisang kwarto pero 'yong ref ni mommy ay ref niya lang.

I do not find it a necessity. Eli is my necessity! I know my priorities.

"Karen, paakyat naman ng lahat ng 'to sa kwarto namin," pagpapasuyo ni mommy.

Kinuha naman kaagad 'yon ni Ate Karen at saka umalis.

"Daddy, binili ko nga po pala 'yong favorite chocolate mo!" pagbibigay-alam ko sa kaniya.

Umupo na ko saka ko siya tinignan. He was sincerely smiling at me. "Thank you, Elise."

As I took a seat, I already started eating my dinner. Gutom na gutom na ko, hindi ko na sila kayang hintayin pa.

"S'an mo nga pala kinuha 'yong pambili sa mga 'to, Elise? Nasa akin pa 'yong credit at debit card mo ah," nagtatakang tanong ni mommy.

Inangat ko 'yong tingin ko sa kaniya at tinapos munang nguyain 'yong nasa bibig ko bago sumagot, "I have a cash."

Mukhang 'di siya nakumbinsi sa sinabi ko pero kumain na rin siya. Daddy didn't start eating until Ate Felize and Laurice came.

Good thing that mommy didn't ask more questions. Ang hirap kayang mag-isip ng isasagot sa kaniya palagi! Pero mas mahirap na mag-weigh between answering her or not. Minsan kasi kapag sinagot ko 'yong tanong niya, sasabihan pa ko ng 'sumasagot na ko sa kaniya'.

Pagkatapos naming kumain, umalis na ko sa dining area para umakyat sa taas. Kasabay ko si Laurice na pumunta sa second floor.

I wanted to ask her what's up with her since she doesn't look fine. Pero mabilis lang siyang pumasok sa kwarto niya at saka padabog na sinara 'yong pinto.

Anong nangyari d'on?

Hinayaan ko na lang siya. Baka naubusan lang ng pera 'yon kakabili ng kung ano-ano para sa games niya.

Pumasok na ko sa kwarto ko at saka hinagis ang sarili sa kama.

I was smiling when I reached for my phone under my pillow.

Dumapa ako at saka naisipang mag-text kay Eli.

My sugarcakes honeypie Eli

I miss you, my Eli!!!!💙💙💙

Miss mo na rin ba ko?

How was the kiss for you? Siguro naman this time, hindi mo na 'yon makakalimutan!!!

Binaba ko 'yong phone ko at saka nagpagulong-gulong sa kama ko. Para akong sirang ngiting-ngiti.

Nang mapagod, tumigil din ako at saka napatingin sa ceiling. Kagat-kagat ko 'yong labi ko nang iunan ko 'yong ulo ko sa sariling mga braso. Pinipilit kong huwag masyadong ngumiti pero ang hirap magpigil!

It was just a peck but the happiness that I'm feeling is already overflowing. Grabe sa kilig! Tipong hanggang ngayon, hindi ko pa 'yon nakakalimutan. Mukhang 'di ko naman 'yon makakalimutan eh.

P'ano pa kaya kapag ibang level na ng kiss 'yong makuha ko mula kay Eli? P'ano pa kapag na-love back niya na rin ako?

I was in the middle of my thoughts when a bright idea crossed my mind. Napangiti tuloy ako lalo.

Dumapa ako at saka kinuha 'yong phone ko. Dali-dali akong nag-text ulit kay Eli.

My sugarcakes honeypie Eli

Gusto ko mag-travel, Eli.

Pero gusto ko sa 'yo lang iikot ang mundo ko.

Pagka-send ko n'on, napakunot 'yong noo ko.

Tama lang ba 'yong pagkaka-compose ko ng banat ko? Mga ganito kasi 'yong naririnig ko sa ibang mga nanliligaw sa 'kin. Parang nakakakilig pero 'di ako kinikilig dahil hindi naman sila si Eli.

I want to do the same thing to Eli pero medyo may twist. I made sure to use something he's familiar with. Travel ginamit ko kasi 'yon 'yong business niya.

I took a sigh and decided to send more of my entries. The more entries I have, the more chances of winning Eli's heart!

My sugarcakes honeypie Eli

Gusto ko sumakay sa airplane kasama ka.

Pero huwag kang mag-alala dahil hindi kita iiwan sa ere 'di katulad ng iba.

BOOM!😱

Hangin ka ba?

Kasi ikaw ang dahilan ng paghinga ko.😩🥰

Ba't ko pa kailangan ng pakpak kung lumilipad naman ang utak ko kakaisip sa 'yo?

Nagta-try pa ko mag-isip ng mga pick up lines pero wala na talagang lumalabas sa utak ko.

Nakangiti kong pinatay 'yong phone ko at saka umayos ng higa.

Kinikilig kaya ngayon si Eli? Kasi ako, sobrang kinikilig ako ngayon!

Kunware pa 'yon, ayaw lang n'on umamin na iba na rin 'yong epekto ko sa kaniya. The way he reacted when I kissed him, I know he liked the kiss! Gulat na gulat kaya siya.

Kung nagulat man siya dahil nagalit siya, eh 'di gumanti siya ng halik para quits na kami.

Impit akong napatili dahil sa sariling naisip.

Kahit anong pilit ko, hindi ako makatulog dahil sa kilig kaya pinili ko na lang na bumangon.

I grabbed my readings and my laptop before I have decided to go downstairs. This is the first time na magre-review ako para sa exams kaya dapat makita 'to ng sambayanan.

To my disappointment, pagbaba ko sa living room, wala man lang katao-tao rito. Tulog na ata silang lahat.

Napasimangot ako bago ko umupo sa sahig. Pinatong ko na 'yong gamit ko sa center table.

Sabi nila, gumawa ka raw ng mabuti kahit walang nakakakita. Pero sabi naman ni Elise, gumawa ka ng mabuti sa harap ng mommy mo.

Dahil nandito na rin naman ako sa living room, itutuloy ko na lang din 'yong pagre-review ko.

Hashtag Elise is inspired!

I strongly believe in myself and that I can ace my exams without reviewing pero naninigurado lang. Last naman na 'to ngayong third year!

I was so focused on what I am doing that I didn't notice the time. Halos mag-uumaga na n'ong natapos ako sa pag-aaral.

Kinabukasan, nagising na lang ako sa sobrang lakas na katok sa pinto ko.

"Elise! Open the door," nanggagalaiti na utos sa 'kin n'ong kumakatok sa pinto.

Napabangon ako at saka kinusot-kusot 'yong mga mata ko.

Batay sa pagkakarinig ko, boses lalaki 'yong kumakatok. I am very sure that it's Laurice.

"Elise!" sobrang lakas na sigaw niya.

Nagulat naman ako r'on. Pwede na niyang palitan 'yong mga announcer.

Tumayo na ko at saka binuksan 'yong pinto ko.

"Ang aga-aga naman—"

"Here," galit na putol niya sa sinasabi ko at saka may inabot sa 'kin.

Kinuha ko 'yon at saka pinagmasdan.

"Credit card at debit card ko 'to ah?" nagtataka kong sambit at saka ko inangat 'yong tingin ko sa kaniya. "Ganito mo ba ko kamahal Laurice? Na kukunin mo pa mga 'to sa wallet ni mommy? Ibalik—"

Hindi ko na natuloy 'yong sinasabi ko dahil sumingit na naman siya, "Stop your nonsense. Mommy told me to give those to you," masungit niyang saad.

Nagulat ako at napahawak pa sa bibig.

"Talaga? Bakit daw? Nasarapan ba siya sa mga pasalubong ko kagabi?" sunod-sunod kong tanong.

"She said that she saw you studying last night," sagot niya bago umalis sa harap ko.

Bastos na 'yon! 'Di man lang ako pinagsalita ulit.

Napatingin ako sa cards ko at saka napangiti nang sobrang lapad.

"Yes!" sigaw ko at saka sinarado na ang pinto.

Dumiretso ko sa kama ko at saka nagtatatalon dito dahil sa sobrang saya.

Akala ko mawawalan na ng saysay 'yong pagre-review ko kagabi! Buti naman at nakita pala 'yon ni mommy.

Tumigil ako sa pagtalon at saka naupo.

Ano kayang mga bibilhin ko today?

I thought of various things to buy but something came to my mind. A really bright idea!

Masayang-masaya akong tumayo at saka nilagay ang pareho kong card sa clutch bag ko.

Naligo na ko at saka namili ng uniform na susuotin. Hindi naman talaga uniform na uniform ang mayr'on sa university namin. We only have three kinds of uniform polo.

Kinuha ko 'yong puting polo at 'yon ang sinuot ko. I partnered it with my pink high-waisted pants. Black na rubber shoes naman 'yong huli kong kinuha at sinuot.

I applied light make-up before I left the house with Mang Nestor.

Pagdating sa university, kaliwa't kanan 'yong mga nagre-review. Some were holding their papers as they walk while others are sitting on the bench with books on their lap.

Dumiretso na ko sa assigned classroom para sa first course na may exam today.

The professor was already inside when I entered the room, preparing the examination papers to be distributed later.

Umupo ako sa dulo at takang-taka na wala pa sina Sophia at Aika.

Just one minute before the exam starts, they already came and have seated beside me.

"Baka lagpas-lagpas pa sa perfect score 'yong makuha niyo ah," biro ko.

It took us five straight hours before we finished the last set of exams based on my computation.

Dumiretso kami nina Sophia at Aika sa may Freedom Park na nasa loob lang din ng campus at doon muna nagpalipas ng oras.

Makulimlim ngayon at malamig ang hangin. Kaya kahit 2 p.m. pa lang, hindi na matindi ang sikat ng araw.

Umupo kami sa gilid. Parang may mahaba na sementadong bench kasi rito na nakapaligid sa buong Freedom Park.

Pagkaupo ko, humiga si Sophia at saka ipinatong 'yong ulo niya sa hita ko. Pinatong naman niya 'yong mga binti niya sa mga hita ni Aika.

"Ang bilis ng panahon, isang taon na lang ga-graduate na tayo," pag-uumpisa ni Aika.

Napangiti naman ako dahil sa narinig.

"Parang kahapon lang n'ong nagda-dalawang-isip pa ko kung kakausapin ko ba si Elise o hindi," saad ni Sophia kaya sabay-sabay kaming napatawa.

"Friendly kaya ako!" depensa ko sa sarili. "At tignan mo naman ngayon, ni hindi ka na nga humihiwalay sa 'kin," dagdag ko pa.

Napatawa ulit kami.

"Oo nga pero 'yong datingan mo kasi, parang mayayaman lang na anak ng senador 'yong kinakaibigan," sambit ni Sophia.

Dinagdagan pa 'yon ni Aika ng, "At anak ng mga mayor."

Napairap ako pero may ngiti sa mga labi ko.

Grabe sila sa 'kin ah! Pero alam ko namang mahal na mahal nila kong dalawa.

"Anong kukunin niyong trabaho?" pag-iiba ko ng topic.

Sophia answered, "Reporter," and Aika said, "Photojournalist at kapag hindi pinalad, yare sa nagpaaral."

Napatawa kami nang sabay-sabay.

Napaisip tuloy ako bigla.

They look so sure about their career path. Ako naman, may nasimulan na ko pero hindi ko alam kung ipo-pursue ko ba ang pagiging fashion model.

"I haven't decided yet which job I'll pursue a year from now. Marami naman tayong trabahong pwedeng pagpilian as Communication students," saad ko. Pinipilit kong i-cheer up 'yong sarili ko pero medyo nalulungkot talaga ako. I added, "Basta ang sigurado ko lang, papakasalanan ko si Eli."

Tinignan ko sila na parehong nagpipigil ng tawa. "Sige, pagtawanan niyo ko para hindi kayo invited sa kasal at sa reception namin ni Eli!" kunwareng naiinis kong sabi.

"Dream as high as you want, Elise," natatawang sambit ni Sophia kaya inirapan ko siya.

We talked about a lot of things at puro lang kami tawanan. Good thing talaga na naibalik sa face-to-face ang klase. Ito 'yong mga masasayang moment na wala sa online classes— the stress reliever time we have with our friends after classes and exams.

Puro kwentuhan at tawanan kahit pagod na sa mga bagay.

Aika suddenly asked about my contract with the company I am working for as a fashion model.

"'Di ko pa sure," nag-iisip na sagot ko. Napatingin ako sa langit. The clouds formed into a heart shape. "Parang hindi na ko magre-renew. Alam niyo ba," pabitin kong saad bago tinignan si Aika. "Ramdam kong may sumusunod-sunod pa rin sa 'kin."

"Huh?" gulat na tanong ni Sophia. Napaupo na siya nang maayos sa gitna namin ni Aika. "Wala ka bang balak na aksyunan 'yan?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. "I actually know the person," sambit ko na ikinakunot lalo ng noo nila. "Bryan Tiongco. He's actually a fellow model of mine," dugtong ko.

They asked a lot of questions na bakit ngayon ko lang daw sinabi, paano raw 'yon, ano raw set-up namin sa trabaho, and so on.

After a while, we decided to go home already. Nagyakapan pa kami na parang hindi na kami magkikita-kita.

Mga drama queen din ang mga beauty queen!

"Kapag nagkaanak kami ni Eli, kukunin ko kayong mga ninang ah!" saad ko na medyo naluluha-luha pa.

Binatukan naman ako ni Sophia habang tawang-tawa si Aika.

"Una sa lahat, may isang taon pa tayo sa college. Pangalawa, magkikita pa naman tayo after graduation!" pagtataray ni Sophia.

Hiniritan kaagad 'yon ni Aika ng, "At panghuli, hindi pa nga tayo sure kung magkakatuluyan talaga kayo niyan ni Eleazar kung tao talaga siya."

Pinagkaisahan na naman ako!

Maya-maya lang, nagpaalam na rin kami sa isa't isa bago ko umalis. Hinintay ko muna si Mang Nestor at pagkakita ko sa kotse namin, sumakay kaagad ako sa passenger's seat.

"Sa mall po tayo!" masayang saad ko.

He seemed confused about why we would be going to a mall, but he just drove me to the nearest one.

Tuwang-tuwa ako pagkarating namin sa mall. Habang nag-iikot, ang dami kong gustong bilhin pero naisip ko na magpo-focus ako sa plano ko.

Sinamahan na rin naman ako ni Mang Nestor kaya hindi na ko nag-alala na kapag napasarap ako sa pag-iikot, matatagalan siya sa paghihintay sa loob ng kotse.

As planned early in the morning, I bought accessories and jewelry for my family and the Maceda family.

Ngayon pa lang, hindi ko na ma-contain 'yong saya ko. Sobrang lapad ng ngiti ko habang nagbabayad sa mga pinamili ko.

Dumiretso kami sa watch shop. Parang kuminang-kinang 'yong mga mata ko nang nakakita ako ng sobrang daming display na mga relo. Iba't iba rin 'yong designs.

I bought these for my friends, Ate Maricor, Ate Karen, Ate Anne, and Mang Nestor.

They say that money can't buy happiness, but I beg to disagree; money allows me to buy things for my loved ones, making us all happy. The thing is it just becomes more precious because of the love and appreciation we put in.


(Disclaimer: The photo provided above is mine. For reference only.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top