Chapter 1: Foundation Week

Chapter 1: Foundation Week


"Ano bang mayr'on? Baka madapa ako ah! Hindi ako pwedeng masugatan," tuloy-tuloy kong saad habang nakapiring.

May mga nakaalalay naman sa likod ko, sina Sophia at Aika, pero binabagalan at dinadahan-dahan ko pa rin 'yong lakad ko dahil sa takot na matisod.

"Ang ingay mo! Hindi ka ba napapagod magsalita?" naiiritang tanong ni Sophia na nagpasimangot sa 'kin.

"Ikaw kaya piringan ko—"

Hindi ko na natuloy 'yong sasabihin ko dahil bigla silang tumigil sa paglalakad kaya tumigil na rin ako.

Foundation Week ngayon dito sa university kaya kaliwa't kanan ang ingay at walang klase. Pero napansin ko na medyo tumahimik sa paligid namin na parang nakalayo kami sa ingay ng mga tao.

Bigla tuloy akong nagtaka kung nas'an kami.

"Ang aga naman ng surprise niyo para sa birthday ko," pagbibiro ko at tatanggalin ko na sana 'yong piring nang may humawak sa mga kamay ko.

Walang nagsasalita. Pero kahit hindi ko nakikita kung sino 'yong humawak sa mga kamay ko, sigurado akong hindi ko siya kilala. Hindi pamilyar 'yong laki at gaspang n'on. Parang kamay ng isang lalaki, just my hunch.

Bigla siyang kumanta ng kung ano. Napataas 'yong kilay ko nang mapansin kong parang wala siya sa tono kahit 'di ko alam kung anong kanta 'yon. Dama ko lang. Cringe!

At confirmed, lalaki nga.

Napahinga ako nang malalim. Another guy I have to turn down.

N'ong matapos siya sa pagkanta. Tinanggal niya na 'yong piring ko at amoy na amoy ko 'yong pabango niya. Masyadong matapang. Ang sakit sa ilong!

N'ong maka-adjust na 'yong mga mata ko sa liwanag ng paligid, inangat ko 'yong tingin ko sa kaniya. We are only a few inches away from each other so I stepped back.

He's tall, mestizo, and handsome, but will never be my type. I'm loyal to one and will always be— Eleazar Maceda.

Napatingin ako sa paligid ko at nakitang nasa may garden part pala kami ng school kaya hindi g'anong rinig ang ingay mula sa open field.

Lumingon ako sa likuran ko at saka nakita r'on sina Sophia at Aika. Pinanlakihan ko sila ng mga mata, asking why did they bring me here.

Hindi nila ko pinansin at umiwas lang ng tingin. Yare silang dalawa sa 'kin mamaya!

"Elise," tawag n'ong lalaking nasa harapan ko.

Nilingon ko naman siya at pilit na pilit akong ngumiti.

"Can I court you?" nahihiya niyang tanong at saka ibinigay sa 'kin 'yong bouquet ng sunflowers.

Na-amaze naman ako sa nakita. Hindi ako mahilig sa mga bulaklak pero nakahiligan ko na lang sa sobrang dami kong natatanggap sa loob ng isang taon.

In fairness, sobrang nagustuhan ko 'yong binigay niya!

Did he spend a lot of money on me? Para i-busted ko?

"Hindi ba sinabi sa 'yo nina Sophia," putol ko sa sasabihin at saka nilingon 'yong dalawa sa likod ko sabay pinanlisikan sila ng mata. Ibinalik ko 'yong tingin ko sa lalaki. "I'm taken."

Hindi siya nakapagsalita agad. Natulala siya sa 'kin at halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Eli," sambit ko. "Eleazar Maceda. 'Yong boyfriend ko."

Hindi siya kaagad nakabawi. He was in total shock. Pero ako 'yong mas nagulat n'ong bigla niyang kinuha sa 'kin 'yong mga bulaklak!

Aba! Ang bastos? Binigay tapos babawiin?!

Napataas 'yong kaliwa kong kilay dahil sa ginawa niya.

How rude!

"Ano, una na ko," nagmamadali niyang sabi at saka umalis sa harapan namin.

Sandali akong natulala dahil sa ginawa niya. He was the weirdest of all the men who tried to court me!

Nabalik ako sa katinuan n'ong narinig ko 'yong malakas na tawanan nina Sophia at Aika.

Iritado ko silang nilingon at nilapitan naman nila ko.

"Hindi ko... hindi ko..." Hindi matuloy-tuloy ni Sophia 'yong sasabihin niya dahil sa kakatawa. Nakahawak na siya sa tiyan niya at parang namimilipit pa.

Napasimangot ako n'ong nakitang gan'on din si Aika.

"Hindi ko kinaya 'yong apog n'on!" nagpipigil ng tawang tuloy ni Sophia sa sinasabi niya kanina.

"Grabe, the nerves of that guy!" pagrereklamo ko. "Pero kayong dalawa kasi, ba't niyo hinayaang may magtangka na namang manligaw sa 'kin!" naiinis kong sabi at saka sila hinampas-hampas.

"Aray ah!" reklamo ni Aika at saka lumayo.

Tumigil na ko sa paghampas sa kanila at saka ipinag-krus 'yong mga braso ko sa may dibdib ko.

"Ni hindi mo man lang kasi tinanong 'yong pangalan n'ong lalaki," disappointed na sabi ni Aika.

Bigla akong natawa sa sinabi niya. "What for?" nagtataka kong tanong.

Nagkatinginan sila ni Sophia na parang alam nila 'yong iniisip ng isa't isa. Pagkabalik nila ng tingin sa 'kin, sabay pa silang bumuntong-hininga.

"Stop fantasizing about Eli and you," malungkot pero worried na saad ni Aika.

Napa-pout naman ako dahil sa lungkot.

"Hanggang kailan mo ba kasi sasabihin sa lahat ng manliligaw sa 'yo na boyfriend mo 'yong si Eleazar? Ni kahit isang beses nga, hindi pa namin nakita sa personal 'yon! Tao ba talaga 'yon?" mapang-asar na tanong ni Sophia.

Inirapan ko naman siya. "Tao siya, okay? Kaibigan nga siya ni ate! Ang hindi lang totoo, 'yong boyfriend ko siya," pagpapaliwanag ko. "At saka bakit ba! Sinasabi ko lang naman 'yon kapag may nagtatangkang manligaw. Para hindi na ko guluhin! Effective naman kaya," pagpupumilit ko pa.

Tumango-tango na lang sila at saka ako nilapitan. Kumapit sila sa magkabila kong braso at saka nagsimulang maglakad kaya sinabayan ko naman sila.

"Worried lang kami," seryosong saad ni Aika nang hindi ako nililingon.

I gave them an assuring smile kahit hindi nila nakikita dahil diretso ang tingin nila sa harapan.

"Magiging kami rin," confident kong saad pero sa loob-loob ko, nand'on 'yong takot na dumating 'yong panahong may papakasalan na talaga si Eli.

For years that I paid my full attention to him, he has had different girlfriends. Minsan tumatagal ng taon, minsan buwan lang. Pero wala akong pakialam, not unless it's about the break-up stage.

Hindi na nagsalita pa 'yong dalawa tungkol sa bagay na 'yon. Good thing.

Malapit na kami sa crowd kung nas'an 'yong mga booth, stage, at set-up indoor playground, tulad ng bungee jumping at iba pa. Excited na excited akong maikot lahat 'to at ma-try 'yong ibang pagkaing 'di ko pa natitikman.

This is one of the best things that I missed about face-to-face classes. Akala ko talaga, makaka-graduate kaming hindi na makakabalik sa university dahil sa pandemic.

Good thing that things get to normal in the country, a new normal, after successfully vaccinating millions of Filipinos. It's been months since we came back to school!

Nag-ikot-ikot lang kaming tatlo. Minsan tina-try namin 'yong mga pakulo sa booth, like games, at minsan bumibili ng pagkain.

I like how the seniors managed to make things organized and entertaining. Imagine, ang tagal naming nakatutok lang sa laptop at phones!

Napatigil kami sa tapat ng isang booth na nag-o-offer ng affordable henna tattoo. Napangiti ako nang may biglang idea na pumasok sa utak ko.

"Pasok tayo!" tuwang-tuwa ako habang hatak ko sina Sophia at Aika papasok sa booth.

Wala masyadong tao r'on kaya hindi nagtagal, kami na 'yong inasikaso.

"Pwede po ba name?" tanong ko sabay upo sa harap ng nag-iisang mesa sa booth niya.

"Of course! Huwag lang mahaba ah," natatawang sabi niya.

"Eli, as in E-L-I," I spelled out Eli's name while a bright smile is showing on my face.

Natawa sina Sophia sa gilid ko kaya napasimangot ako.

"Crush mo?" tanong ni ate na mag-he-henna tattoo sa 'kin.

Nahihiya akong napailing.

"Hindi raw crush?" hindi makapaniwalang sambit ni Sophia kaya nilingon ko siya't tinitigan nang masama.

Binalik ko 'yong tingin ko sa babaeng nagre-ready na sa gagawin niya.

"Masyadong mababaw 'yong crush. I love him, okay?" pagtatama ko.

Hindi ko na sila pinansin n'ong tumawa pa sila.

Tinuro ko na lang sa nag-a-assist sa 'kin 'yong kaliwang braso ko kung s'an ko ipapalagay 'yong henna tattoo. Pero siyempre hindi naman 'yong kitang parte sa braso ko; d'on sa tago na pwedeng ipitin. Baka mapansin pa sa bahay! Lagot na naman ako.

Ngiting-ngiti kong pinanood habang inuukit 'yong pangalan ni Eli sa braso ko.

When she was done, I gave her my thanks as I paid for it.

Umalis din kami nina Sophia r'on at habang naglalakad, ingat na ingat ako sa henna tattoo ko. Bawal daw kasi madikit muna sa kahit ano.

It was only late in the afternoon when most of the booths decided to close since heavy rain poured in.

Todo takbo kami sa kung s'an man pwedeng sumilong. Hindi pwedeng mabura kaagad si Eli sa braso ko!

Habang alalang-alala ako sa braso ko, nauna naman ng umuwi si Aika dahil saktong dumating 'yong kuya niyang sumundo sa kaniya.

Sa shed kami sumilong ni Sophia dahil medyo malayo pa 'yong pinakamalapit na building. Hindi ko pwedeng ipagsapalaran 'yong henna tattoo ko!

Sa sobrang lakas nga lang ng ulan, medyo naaanggihan kami at ang lamig-lamig pa kapag humahangin. Napayakap ako sa sarili ko. Tuyo naman na talaga 'yong nasa braso ko, natatakot lang akong masira agad.

After a while, Sophia bid her goodbye. Nandiyan na kasi 'yong dad niyang sinundo siya kahit galing pa 'yon sa trabaho.

Napa-pout ako dahil sa inggit. Buti pa sila, may sumusundo!

Nakailang try na ko na mag-book ng private car sa isang mobility service app pero wala talagang nag-a-accept.

I was totally worried. Kaunti na lang 'yong mga estudyante sa shed na sinilungan ko. Pati sa mga building kung s'an sumilong 'yong iba, natanaw ko ring paubos na 'yong mga tao r'on.

Nagwo-worry na ko dahil dumidilim na rin. Baka mamaya palabasin na kami rito sa campus. Ayaw kong abutan ng gabi rito!

Hindi ko rin alam kung p'ano ko magko-commute dahil sa lakas ng ulan. For sure baha na sa Espanya. Wala pa man din akong dalang payong ngayon.

Ba't kasi kung kailan ko nakalimutan 'yong payong ko, saka naman umulan nang malakas?! N'ong nakaraang linggo nga, hindi man lang umambon pero dala ko 'yong payong ko. Parang nananadya 'yong tadhana!

Nawalan na lang ako ng choice n'ong lumipas na ang ilan pang minuto pero ang lakas pa rin ng ulan. Tinawagan ko na lang si Ate Felize. After few rings, she answered my call.

"Bakit?" tanong niya sa nagmamadaling tono mula sa kabilang linya.

Napakagat ako sa ibaba kong labi bago sinabing, "Pwede ba kong magpasundo? Sobrang lakas kasi ng ulan tapos 'di ako makapag-book."

Halos gusto ko ng magmakaawa sa kaniya pero pinipigilan ko lang. I am so afraid to ask for favors from her, especially that she's busy with her business that she launched two years ago.

I heard her took a deep sigh.

"Eli's just around Manila, ipapasabay na kita," nag-aalinlangan niyang saad.

Napatigil ako bigla. Hindi agad ako nakapagsalita. Parang huminto 'yong mundo ko sa sinabi ni ate.

I was in total shock and my heart was pounding so hard when she broke the silence.

"Elise?" pagkuha niya ng atensyon ko.

Nabalik naman agad ako sa diwa ko pero 'yong kabog ng puso ko, ang bilis-bilis pa rin.

"Ano kasi, ate, hindi ba pwedeng pasundo na lang ako sa driver natin?" naiilang kong tanong.

Una sa lahat, pawis na pawis ako dahil sa kakaikot namin kanina nina Sophia kaya ang baho ko na. First time ko magkakar'on ng solo moment with Eli 'no! Hindi pwedeng ganito ako.

Pangalawa, 'yong henna tattoo ko, baka makita niya. Kahit tago 'yon, hindi ko maiwasang mangamba.

"Elise, ikaw ba 'yan?" natatawang tanong ni Ate Felize. Napairap naman ako kahit hindi niya nakikita. "I have no choice. Aalis ako at magpapasama ko kay Mang Nestor. Just tell me if you don't want—"

"Joke lang!" mabilis na bawi ko sa nauna kong sinabi.

Hindi ko kayang manigas sa lamig dito.

At siyempre, opportunity na 'yon, tatanggihan ko pa ba? Lumapit na 'yong opportunity, iga-grab ko na lang! Who am I to say no to destiny? Duh!

Ako si Elise, I always seize an opportunity, lalo na kung tungkol kay Eleazar.

"Okay, okay. Just wait for around 30 minutes."

Pagkatapos magsalita ni ate, pinatay niya na kaagad 'yong call kaya inilagay ko na 'yon sa loob ng clutch bag ko. Nanginginig pa 'yong kamay ko n'ong kunin ko r'on 'yong make-up kit ko at dali-daling inayusan ang sarili.

I can't help but imagine myself alone with Eli. Iniisip ko pa lang, para na kong maiihi sa kilig!

Uminom din ako ng tubig bago kumuha ng candy sa bag ko.

Good thing at ready ako palagi! Hindi pwedeng pati hininga ko, mabaho.

Huling ginawa ko 'yong magpabango. It was a strawberry perfume that I like best.

At viola! Fresh na ulit ako. Palagi naman akong pretty kaya hindi na ko nahirapang ayusan 'yong sarili ko.

Ngiting-ngiti ako habang naghihintay ng tawag. Ilang sandali lang din naman, tumunog na 'yong phone ko.

Excited na excited akong kinuha 'yon sa bag, expecting Eli to finally call me. To my disappointment, it was just Ate Felize.

Pagkasagot ko, "Nasa gate 4 na raw siya. Behave, Elise, please," pagmamakaawa ni ate.

Hindi mo sure!

Pinatay ko rin kaagad 'yong tawag at saka tinakbo 'yong gate 4 mula sa shed.

Sobrang basang-basa ako at ramdam ko rin 'yong pagtalsik ng tubig sa sahig doon sa pantalon ko habang tumatakbo. Feel ko ang dugyot ko n'ong nakalabas na ko sa gate. Good thing, natanaw ko naman kaagad 'yong pulang kotse ni Eli na palagi niyang gamit.

Lumapit ako r'on at saka binuksan ang pinto.

"Basa ako—"

"Get inside," nakasimangot niyang saad. Medyo napalakas 'yong pagkakasabi niya n'on.

Nahiya ako pagkaupo ko. Sinara ko kaagad 'yong pinto at saka nag-seat belt.

Naghahanap ako ng panyo sa bag ko ng abutan niya ko ng bimpo. Alanganin kong tinanggap 'yon.

Pagkakuha ko, nagmaneho na siya kaagad.

Pinunasan ko 'yong sarili ko at saka inayos 'yong aircon. Nakita ko namang hininaan 'yon ni Eli kaya napangiti ako.

He cares for me now?

"I'm 20 years old now, Eli, hindi na ko sakitin," pagmamalaki ko at akmang lalakasan sana 'yong aircon ng tapikin niya 'yong kamay ko.

It was the first time that we had a hand to hand contact! Nagulat ako r'on ah. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Dapat na ba kong hindi maghugas ng kamay nito?

"Don't touch anything here. Ang dumi mo," seryoso niyang sabi nang hindi ako nililingon.

Napasimangot tuloy ako bigla pero nawala rin 'yon kaagad n'ong naisip ko na baka ayaw niya lang talaga kong malamigan.

"Sorry kung nabasa ko 'tong passenger's seat," I apologized in a low tone of voice while looking at him. He didn't respond but it's okay for me.

Mas nagka-chance akong titigan siya nang close-up ngayon.

Hindi ko alam kung ako lang 'to pero parang lalong gumagwapo si Eli. His muscles' size is increasing than the first time I saw him.

Medyo hipit din 'yong long sleeves niya sa kaniya dahil sa malaki niyang pangangatawan. Pero sakto lang naman para sa 'kin, hindi naman nakakatakot tignan.

Napansin ko tuloy bigla 'yong coat niyang nakapatong sa backseat ng kinauupuan niya.

Ano kayang feeling kapag ako na 'yong magsusuot n'on sa kaniya? Kapag asawa ko na siya? O girlfriend niya na ko?

A sweet smile formed on my lips upon thinking about that.

"Don't stare at me. It's rude," pagpupuna niya sa pagtitig ko.

Lumingon na lang ako sa labas habang tinitignan 'yong malakas na pagbuhos ng ulan. Medyo nahiya kasi ako, baka mukha akong ewan tignan.

Napansin kong lumiko si Eli sa kabilang way dahil baha na d'on sa road na dadaanan sana namin.

Tahimik lang kaming pareho n'ong ihagis niya sa binti ko 'yong isang jacket.

Napalingon ako sa kaniya saka kinuha 'yon.

I was waiting for him to say something but he kept silent. Kaya sinuot ko na lang 'yon.

Sinisinghot-singhot ko pa dahil ang bango-bango. Pero may napansin ako, "Bakit amoy pabango ng babae?"

"My girlfriend wore that last week," he said with no hint of interest.

Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil sa narinig. So, sinusuot lang pala 'to ng kung sino-sino?

At may girlfriend na ulit siya? Balita ko kay ate n'ong nakaraang buwan, nag-break sila n'ong dati niyang girlfriend. May bago na pala ulit?

I was wondering, ba't kaya kung makapagpalit siya ng girlfriend, parang namimili lang siya ng o-orderin na pagkain?

"Elise, my current girlfriend is a jealous type," pagbubukas niya ng panibagong topic. "Can you stop sending me messages?"

Napairap naman ako dahil sa narinig.

Pakialam ko sa girlfriend niya! Huwag niyang basahin kung nagseselos siya.

Siya nga, girlfriend eh, nagrereklamo ba ko?

Sana all na lang! Sana all nakakaranas ng sweet side ni Eli.

"Hindi mo ko mapipigilan. Magte-text ako kung kailan ko gusto," pagpupumilit ko. Umayos ako ng upo para tignan siya. Nakataas ang kilay ko n'ong sinabing, "So, binabasa mo rin siguro?"

Mabilis siyang napalingon sa 'kin.

"Eyes on the road," nakangising saad ko.

Bumalik naman kaagad 'yong tingin niya sa daan.

I was all smiles when he denied it, "Never, Elise. Never."

Hindi ko na lang siya pinansin. N'ong sinabi niyang manahimik na raw ako dahil ang sakit ko sa tenga, tumahimik na lang ako dahil ramdam ko na rin naman 'yong antok.

Dahil na rin siguro sa pagod ko sa university kanina, hindi ko na nalabanan pa 'yong antok ko. Even though I want to watch him drive me home, I was so sleepy at that time.

Nagising na lang ako n'ong naramdaman kong may tumutusok sa pisngi ko.

Napatingin kaagad ako r'on pagdilat ng mga mata ko. Napangiti kaagad ako n'ong nakitang tinutusok pala ni Eli 'yong pisngi ko gamit 'yong hintuturo niya.

"We're here. Don't expect me to get you inside too," he said in a cold tone.

Umiwas siya kaagad ng tingin. Nakatitig siya sa harapan habang hawak ang stirring wheel.

Inayos ko 'yong sarili ko at saka hinubad 'yong jacket. Wala sa interes kong itago 'yong jacket niyang sinuot na ng ibang babae. Bahala siya maglaba n'yan!

Nilagay ko 'yon sa back seat at saka pumormang bubuksan na ang pinto nang may maalala ko. Bigla akong napangiti sa naisip. Bumilis din 'yong kabog ng puso ko.

Nilingon ko siya.

"My parents taught me to always thank people who did something good to us," sambit ko. Hindi niya ko pinansin.

I immediately leaned towards him. Muntik pa kong ma-out of balance pero nahalikan ko siya kaagad sa pisngi.

Kaagad siyang napalingon sa 'kin. Sayang! Nakausog kaagad ako.

Bago pa siya may masabi, binuksan ko na 'yong pinto.

I heard him shout my name before I closed the door.

Ngiting-ngiti akong tumakbo paalis. Nabasa na naman ako dahil medyo umuulan pa rin. Ambon na lang naman.

Buti na lang at bukas 'yong gate. Nakapasok kaagad ako.

Pagkasara ko n'on, napasandal ako sa gate at ngiting-ngiti na napahawak sa mga labi ko.

I made it! I made it.

My heart was pounding so fast. I was so happy that night! The most memorable moment I had with Eleazar... so far.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top