Wave of You

WAVE OF YOU
written by Endee (loveisnotrude)



ANG DAMING CELEBRATION sa araw na ito---New Year's Eve, birthday ng pusa ko, wedding anniversary nina lolo at lola, at monthsary namin . . . kung hindi lang sana siya nakipag-break sa akin, six days ago. Ang dami dapat na ise-celebrate sa araw na ito, pero heto, mag-isa ako ngayon dito sa isla.

Pagkatapos kong sisihin ang universe sa plot twist na ibinigay niya sa akin bago matapos ang taong ito, nagpakawala na akong muli ng isang malalim na buntonghininga. Malapit nang sumikat ang araw. Sabi nila, sunrise means new beginning. Pero bakit pakiramdam ko ay na-stuck na ako at hindi ko na kaya pang magsimula ulit?

"Mabuti pa 'tong mga alon, kalmado," bulong ko. "Ano kaya pakiramdam nang malunod?"

"Hindi masarap sa feeling."

"Ay, pusang busog!"

"Pusang---what?"

Tiningnan ko yung bigla-bigla na lang nagsalita sa gilid ko. Mukhang tuwang-tuwa pa si gaga na siya ang magiging cause of death ko.

"Wave," aniya sabay lahad ng kaniyang kanang kamay. "Blame my parents for giving me a weird name."

Masyado akong nabigla sa pagsulpot at pagpapakilala niya kaya hinayaan ko muna ang aking utak na iproseso ito.

"Alon," sabi ko habang nakikipagkamay sa kaniya. She gave me a weird look kaya naman sinabi ko agad na, "Don't blame my parents for giving me a weird name."

Tinawanan niya na naman ako. "Totoo ba?"

"Sagittarius ako kaya mabenta talaga humor ko pero wala ako sa mood makipagbiruan ngayon, e. Kaya yes, totoo talaga."

"So, who gave you that name? Is that your birth name? O nickname mo lang? What's your real name then?"

"Slam book ka ba?" tanong ko na siyang nagpakunot ng noo niya. "Dami mong tanong, e."

"Ang benta nga ng humor mo," natatawa niya na namang sabi.

Napailing na lang ako. May isa na naman akong nauto na mabenta humor ko. Hindi ko na lang ulit siya pinansin at muli ko nang itinuon ang atensyon sa papasikat na araw, kalmado pa ring mga alon sa karagatan, at hindi mapakaling hangin.

"Broken ka, 'no?" Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko sa tanong niyang 'yon. At bago pa ako makapagsalita, dinugtungan niya na ito ng, "Ilang araw ko na ring napapansin, e."

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Are you stalk---"

"No," mabilis na pagputol niya sasabihin ko. "I'm observing you. You caught my attention, e."

"Hmm . . . Sabagay, sino ba naman kasing hindi makukuha sa ganda ko, 'di ba?"

"Agreed."

Doon na ako natawa---sa mabilis niyang pag-agree. Mukhang seryoso pa siya kasi she just weirdly stared at me when I laughed my ass off. Kaya bago pa niya ako i-judge nang bongga, tinikom ko na ang aking bibig.

"Sabi mo, you've been observing me. So, paano mo nasabing broken ako?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Sa mga mata mo," mabilis niyang sagot. "Sobrang lungkot, e. Na kahit gaano ka pa ngumiti o tumawa, hindi pa rin nito matago yung lungkot at sakit na dala-dala mo. And you know that our eyes can't lie, right?"

Muli akong nagpakawala nang buntonghininga. "Sino ba naman kasing hindi malulungkot at masasaktan kung sasalubungin ko ang bagong taon na may sugatang puso?"

Naalala ko tuloy ulit kung bakit ba ako napadpad dito.

At bago ko pa tuluyang ungkatin ang masakit na senaryo nang pakikipag-break sa akin ng Gemini kong ex, sinabi ko na lang dito kay Wave na, "Hindi na ata ako masarap."

"What?"

"Nagsawa na raw siya sa akin, e. Gusto niya naman daw tumikim ng ibang putahe." Nang maalala ko yung sinabi sa akin ng ex ko tungkol doon, bumalik na naman yung inis at galit ko. "Gagang 'yon, ginawa pa akong ulam! Dami-daming puwedeng gamiting metaphor, e."

"Seryoso ka ba? Did he breakup with you because of that?" Tumango ako. "What a dick!"

"Pussy," pagtatama ko sa kaniya. "What a pussy dapat kasi she's actually a girl."

"Oh."

Hindi katulad ng inaasahan ko, mukhang hindi naman siya gano'n nagulantang sa nalaman. She even smiled at me! Mabilis niya nga lang binawi kaya hindi ko na na-point out. Pero nakita ko talagang ngumiti siya. Swear to God, mabulunan man yung ex ko sa pagkain niya ng kaniyang panibagong putahe.

"Wait. Bale, she broke up with you kasi gusto niya raw 'ka mo ng ibang tahong?"

"Talong," pagtatama ko ulit sa kaniya.

"What? Seryoso ka ba talaga o bâka naman pinagti-trip-an mo lang ako?"

I quickly made a serious face. "Hindi pa ba mukhang seryoso 'to sa iyo?"

And like what I expected, tinawanan niya na naman ako. Lahat na lang ba ng sasabihin o gagawin ko ay funny para sa kaniya? Kung gano'n, dapat ko siyang i-keep as a friend! Wala nang kwenta mga kaibigan ko, e. Ang dark na ng mga humor kaya hindi na benta yung akin sa kanila.

"Sorry, Alon, pero hindi ko magawang seryosohin yung mga sinabi mo kasi parang nagbibiro ka lang, e."

Dahil sa sinabi niya, inilabas ko na ang hidden card ko.

"OMG, wait . . . umiiyak ka ba? Hala, why are you suddenly crying?"

"Naniniwala ka na ba?" tanong ko sa pagitan ng aking pag-iyak.

"Kainis!"

"Aray!" reklamo ko. "Bakit ka namamalo diyan?"

"Akala ko naman kasi kung ano na nangyari sa iyo."

"Ikaw, e. Hindi ka naniniwala na totoo nga lahat ng sinabi ko sa iyo."

"Fine. Naniniwala na ako."

Pasimple ko siyang inirapan. Tingnan mo 'to. Kung ano-ano pa ginawa ko, maniniwala rin naman. Kahit babae ako mismo, hindi ko pa rin talaga maintindihan ang mga babae.

Nang biglang humampas ang malakas na alon, sabay kaming napatingin doon. We became silent after that. At bigla akong kinabahan kasi pamilyar ang katahimikan na namagitan sa aming dalawa. Agad kong pinakiramdaman ang buhay na aktibo ang pagtibok banda sa kanang dibdib ko.

"Lagot," bulong ko dahil sa kakaibang bilis nang pagtibok nito.

"Alam mo ba kung bakit ako nandito?"

Napatingin ako sa direksyon niya. Pinagmamasdan niya pa rin ang bawat paghampas ng mga alon. "Dahil crush mo ako?" mahina kong sabi na narinig niya naman kaya mabilis kong dinugtungan ng, "I mean, syempre hindi pa. Pero kung sasabihin mo, malalaman ko na."

Natawa na naman siya pero saglit lang dahil ang seryoso niya nang sabihing, "Broken din kasi ako."

"Hiniwalayan ka rin?" gulat na tanong ko.

"No," aniya sabay iling. "I broke up with him."

Iisang salita ang agad na tumatak sa akin: Him.

Ah . . . she's straight.

Delikado.

"I caught him cheating with his best friend," pagpapatuloy niya kaya muling natuon ang aking atensyon sa kaniya. "They were both passionately kissing with each other. And you know what? I just feel betrayed pero hindi ako gano'n nasaktan. Siguro dahil na rin matagal na akong may kutob na hindi talaga siya straight. Silang dalawa ng best friend niya. Mabuti na lang three months pa lang kaming nagdi-date. Kasi kung taon na ang pinagsamahan namin, bâka may nagawa pa akong pagsisisihan ko sa huli."

"Papatayin mo sila?"

"Wait, what? Saan galing 'yan? Mukha ba akong murderer sa iyo?"

And that's how we ended our conversation with a laugh.

Actually, marami pa kaming pinag-usapan after the "murder thingy" conversation. Sabihin na nating we kinda had a getting-to-know talk for a while. Nagpaalam lang kami sa isa't isa nung tuluyan nang sumikat ang araw at unti-unti na ring nagkalat ang mga tao sa isla.

At ngayong isang oras na lang bago ang panibagong taon, I just found myself staring at her. Not in a creepy way, of course. Medyo malayo ako sa puwesto niya at ng kaniyang mga kaibigan. Sa sobrang layo, hindi niya ako mapapansin. Ata.

Sa totoo lang, hindi kasi ako aware na may magaganap na party pala rito sa isla para sa pagsalubong ng bagong taon. Kung hindi niya pa nabanggit kanina, 'di ko malalaman. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong nag-decide akong maki-party dahil trip ko talaga at hindi dahil sa chance and possibility na muli ko siyang masisilayayan.

Wala, e. Na-crush at first sight ako. Kahit medyo nawirduhan talaga ako nang ilang segundo.

Para nga siyang alon na bigla na lang dumating sa buhay ko na hindi ko alam ang gagawin---kung magpapatangay ba o hihigpitan pa ang pagkapit sa kung saan para lang hindi malunod sa kaniya.

She's straight, Alon.

When I heard that voice inside my head, agad kong pinutol ang pagtitig kay Wave at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

"This is bad."

"Found you!"

"Ay, pusang gutom!"

"What the---kanina, pusang busog; and now, gutom na?" natatawa niyang sabi. "What's with you and cats?"

"At akala mo naman ang funny nang panggugulat mo sa akin? Sige ka, isa pang gulat, magiging murderer ka na talaga. Tapos ire-request ko na pangalan mo ang nakalagay sa lapida ko as my cause of death."

"Grabe! Hindi naman kita diyan ginugulat! Magugulatin ka lang talaga. Magkaiba 'yon."

At mukhang sa sandali naming pagsasama rito sa isla, may nabuo na kaming hobby: pagtawa sa mga bagay na minsan hindi naman talaga nakatatawa.

"Anyway, ayaw mo ba talagang sumama sa amin? Mababait naman friends ko. Walang nangangagat sa kanila bukod sa akin . . ." aniya tapos bigla pa siyang lumapit banda sa aking tenga sabay bulong ng, ". . . rawr."

This is really bad! Mukhang aatakihin na talaga ako nito sa puso, e.

"N-No, thanks," sagot ko. Iniwas ko agad ang aking mukha sa kabilang direksyon dahil isang maling kilos lang, bâka mga labi na namin ang magtagpo. "Okay lang ako mag-isa rito."

"E 'di, 'wag." When she said that, akala ko ay aalis na siya at babalik sa mga kaibigan niya pero nagulat ako nang tumayo siya sa tabi ko. Pero mas ikinagulat ko ang sunod niyang sinabi. "Sasamahan na lang kita dito."

I caught off guard kaya hindi agad ako nakapagsalita pero nakabalik naman agad ako sa wisyo pagkatapos kong pakalmahin ang sarili lalong-lalo na itong puso ko, na for the nth time, hindi na naman mapakali.

"Ano ka ba, you should've stay with your friends. I came here alone kaya huwag mo na akong alalahanin pa. It's refreshing din kaya na salubungin ang bagong taon nang mag-isa."

"But I want to be with you."

"Ha?"

"I mean, gusto kitang samahan."

Mukhang pareho kaming nagulat sa pa-But I want to be with you niya dahil ramdam ko ang panic naming dalawa. Mabuti na lang at nagsimula na ang fireworks display kaya nagkaroon kami ng rason para matakasan ang awkwardness na bumalot sa amin.

Sa sobrang ganda ng iba't ibang ilaw na nakikita ko sa kalangitan, napangiti na lang ako. Hindi ko alam na magagawa ko pang maka-appreciate ng mga ganitong bagay matapos masaktan. Akala ko kasi ay magiging bitter na ako. Mabuti naman---

"Okay, fine! I meant it." Nagulat ako nang bigla akong hinarap ni Wave. Halos magkasingtangkad lang kami kaya agad na nag-lock ang tingin namin sa isa't isa. "I seriously want to be with you. Like, alam kong bâka nadadalian ka o feeling mo masyadong mabilis, but hear me out first, okay?"

"Okay . . ." wala sa sarili kong tugon.

"Gusto pa kitang makilala. I find you interesting, e. Actually, the first time I saw you, na-attract na agad ako. Kaya nga I found a way para malapitan at makausap ka. And I also know that we were both brokenhearted at the moment, pero hindi naman ako nagmamadali. Hindi naman natin kailangang magmadali. We can start as friends. I'm totally fine with that, Alon. Just let me---"

"Wait, Wave---I thought you're straight?"

"Sino may sabi?"

"You had a boyfriend."

"And you assumed that I'm straight because I had a boyfriend?"

"Hindi ba?"

"Alon, stop assuming someone else's sexuality, okay?" aniya. "Anyway, I identified myself as asexual."

At doon na ako napangiti nang malawak. "Really?"

"You know what that means?"

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. "Of course! I'm pansexual, by the way. Meaning, I'm romantically and sexually attracted to all---"

"Alam ko rin meaning niyan, 'no!"

And just by that, we ended up laughing. Again.

Natigil lang kami nang marinig namin na start na ng countdown for new year.

". . . six, five, four, three, two, one . . . Happy new year!"

Habang napupuno ng ingay ang paligid, we quietly faced each other again.

"Thank you for welcoming a new year with me, Wave," I sincerely told her.

"Thank you for letting me spend your new year with me, Alon."

"Alyana Onyx. That's my real name."

She smiled at me. "That's a beautiful name. Bagay sa iyo."

"Mas bagay tayong dalawa."

At doon pa namin mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng isa't isa na hindi nawawala ang mga ngiti sa aming labi habang sinasalubong ang panibagong taon.

What a plot twist.

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top