Mystery Battler #1: Rosaryo

Description: Ang imbestigasyon sa nangyayari sa hospisio de San Lorenzo.

Why: Di ko rin po alam kung bakit. (T.T) wala po akong maisip, nanibago po talaga ako sa genreng napili at saka sa elements.

How: Pumasok po bigla ito nung nakita kong hawak-hawak ng kaklase ko yung rosary nya. At yung iba eh lumabas nalang bigla sa utak ko hehehehehe. Hope you like it :3

>I<

Kumakapal na ang hamog sa salamin dahil sa malakas na buhos ng hangin. Dumadagdag sa ingay ng paligid ang tila sirang tunog ng makina ng kotseng minamaneho ni Sister Julie.

Di ko alam pero sumisikip ang aking dibdib at pinagpapawisan ako, kahit na malamig naman ang loob ng sasakyan. Naramdaman ko bigla ang malamig na kamay nya na nakapatong sa kanang kamay ko, dahilan upang mapalingon ako.

"Hwag kang mag-alala Jane mababait ang makakasama mo sa hospisyo" pangiti at malumanay nyang sabi.

"Araw iyon ng linggo Nobyembre Sais" nakayuko kong sabi, di tinitignan ang lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng maliit na mesa.

"Ano pa?" tila naiinip nyang tanong.

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang lumang gusali. Di pa man ako nakakabukas sa pinto ay bumungad na sa akin ang isa pang madre, kumakatok sa bitana ng kotse habang bitbit-bitbit ang payong.

"Sister Anna" masiglang sabi bati ni Sister Julie, at binaba ang salamin ng bintana ng kotse.

Sya ang naghatid sa akin sa aking magiging silid. Nakasunod lang ako sa kanya habang hinihila ko paakyat sa hagdan ang aking pulang maleta. Hindi sya umiimik, nagsasalita at lumilingon man lamang sa akin, diretso at mabilis lamang syang naglalakad sa madilim na pasilyo ng hospisyo.

"Andito na tayo" aniya ng syang huminto sa isang nakabukas na kwarto.Inilibot ko ang aking tingin sa buong kwarto at nakita ang isa pang kama, may nakahiga dun pero di ko masabi kung sino yun dahil nakatalokbong.

Ipinasok ko na kaagad ang aking mga gamit at ipintong ito sa maalikabok na kama. Isasara ko na sana ang pinto ng silid ng biglang hinawakan ni Sister Anna ang pihitan at lumapit sa akin.

"Magpapakabait ka" matalim at makamandag nyang sabi habang hinahaplos nito ang aking buhok.

>I<

Lumipas ang ilang araw ng pananatili ko sa ampunan ay wala pa rin akong naging kaibigan, lahat ng makakasalubong at makikita kong bata ditto ay natatakot at nandidiri sa akin. Imbes na magagandang bati ay panglalait at mambubully ang ibinungad nila sa akin. Hanggang sa dumating yung araw na...

"Ano to ha?!" sabi ni Vicky ng bigla nyang kunin ang notebook ko.

"Marunong palang magdrawing ang baliw?"pilosopong sabi ni Mika ng kunin nya kay Vicky ang notebook ko. Pero nagulat ako ng bigla nya itong punitin at tumawa ng malakas.

Naramdaman ko nalang ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Dala ng naghahalong emosyon ay bigla kong sinugod si Mika at hilahin ang buhok nya. Di ko alam kung anong ginagawa ko at kung bakit ko iyon ginawa. Pinagtulungan akong bugbugin ng mga kaibigan ni Mika. Nang biglang dumating ang isang batang babae at pinagbabato sina Mika ng papel. Matapang nyang hinarap ang mga katropa ni Mika, isa-isa niya itong sinipa, sinuntok at hinila ang buhok. Napaka-astig nya grabe~ ngayon lang may nagtanggol sa aki-

"GIRLS! STOP IT" sigaw ni Sister Julie, dahilan upang mapahinto silang lahat.

"GO TO MY OFFICE NOW!"

>I<

"Sister Julie sorry po" Nag-ibang anyo at tila naging anghel si Mika sa harap ni Sister Julie.

"Sila po yung nagsimula ng gulo" walang galang na sabi nung batang babae.

"Tama na. Walang dapat na sisihin kundi kayo" saad niya.

Sister Julie's POV

Binigyan ko sila isa-isa ng karampatang parusa sa gulong ginawa nila. Ayokong maging malupit ngunit ito lamang ang nararapat upang silang lahat ay magtanda.

"Sinabi po ng isa sa mga bata na galing sa mental si Jane, totoo po ba yun?" tanong ng imbestigador.

"Opo, dumanas dati ng depresyon ang bata dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Di namin sya kayang alagaan noon dahil sa kalagayan nya kaya minabuti naming ipasok sya doon. Nung gumaling naman sya ay kinaha ko sya ulit at inalagaan, bilang magkapatid kami ng kanyang Ama, at ako nalang ang natitira nyang kamag-anak.

Jane's POV

"Salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina" nahihiya kong sabi sa batang babae.

"Wala yun. Nga pala ako si Clarisse. Ako yung kasama mo sa kwarto" masaya nyang sabi

"Ikaw pala yung nakatalokbong nung pumasok kami ni Sister Anna nung nakara-" bigla nyang tinakpan ang bibig ko. At gulat na gulat na nilapat ang kanyang hintuturo sa bibig, narinig ko pang sabi nya "Shhhh"

"Hwag mong mabanggit banggit ang pangalan nya" Aniya at dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga.

"Aswang yun" bulong pa nya. Biglang kumawala sa bibig ko ang malakas na tawa, di talaga ako makapaniwala sa sinabi nya.

"Kung aswang sya, bampira naman ako" pabulong ko pang sabi sa kanya saka tumawa.

"Totoo aswang yun, siya ang dahilan ng mga nawawalang bata dito sa hospisyo" seryoso nyang sabi.

"Alam kong suplada si Sister Anna at medyo nakakatakot pero ASWANG? Grabe sya oh"

"Bahala ka na nga dyan" inis nyang sabi at iniwan akong tumatawang mag-isa.

>I<

"AHHHHHHHH!" nagising ang lahat sa malakas na sigaw na nagmumula sa hardin ng hospisyo. Dali-dali kong ginising si Clarisse na tumutulo pa ang laway sa himbing ng pagkakatulog.

Patakbo kaming bumaba at lumabas sa hospiyo, tumambad sa amin ang wala ng buhay na katawan ng isang batang babae na nakahandusay sa damuhan. Wakwak ang sikmura nito at naliligo sa sariling dugo. Halos maduwal ako nakita, sobrang nakakadiri, pero ang mas nakapanglulumo ay ng malamang ang babaeng yun ay si Mika. Nakita din sa kanang pulso ni Mika ang number 11 na parang ginuhit gamit ang matalim na bagay.

Ayon pa sa mga pulis mabangis na hayop daw ang gumawa nun sa kanya. Pero nagtataka sila kung bakit may kulay itim na rosaryo sa loob ng wasak na tiyan ni Mika.

"Jane? Jane! Si Sister Anna" aniya habang hinihila ang aking damit.

"Ano na naman?" Irita kong tanong.

"Nakita ko sya sa may likod ng kusina, duguan" Nagulat ako sa sinabi ni Clarisse, at agad na sumunod sa kanya papunta sa kusina.

At totoo nga ang kanyang sinabi, nakita naming si Sister Anna na hinuhugasan ang kanyang kamay na puno ng dugo.

"Isumbong na natin sya sa mga pulis" bulong ko pa sa kanya.

"Shhh! Hwag kang maingay, baka makita nya tayo!" aniya habang tinatakpan ang bibig ko.

>I<

"Clarisse dapat sinabi na natin yun sa mga pulis!"

"Hindi pwede! Wala pa tayong sapat na ebidensya.Pagtatawanan lang nila tayo" paliwanag pa nya.

"Anong gagawin natin?"

"Mag-iimbestiga tayo. Aalamin muna natin ang buong pagkatao ni Sister Anna" paningkit pa niyang sabi.

Palihim naming pinasok ang kwarto ni Sister Anna, habang abala sya sa labas sa paggawa ng gawaing bahay. Maayos ngunit madilim ang kanyang kwarto kahit naka-on na ang ilaw. Sinimulan naming halughugin ang kanyang cabinet, kama at mesa pero wala kaming nakita. Lalabas na sana kami ng bigla kong napansin ang isang lumang kahon na nakalagay sa ilalim ng cabinet.

"Ano yan?" tanong pa sa akin ni Clarisse. Pero nagulat kaming dalawa ng makitang ang laman ng kahon na yun ay mga buhok. Nakatali ang mga ito, at may nakasulat na pangalan at numero sa bawat buhok.

"Ella-1. Julian-6. Mika-11" basa pa ni Clarisse sa bawat mahawakang bugkos ng buhok.

"Vicky-12" kinabahan ako ng makita ang pangalan ni Vicky.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko pa sa kanya, iling lamang ang sagot nya.

"Teka, parang may naalala ako" saad pa nya

"Naalala mo kagabi? Yung pulso ni Mika?" aniya

"Oo" nagkatinginan kaming dalawa

"Yung numero" sabay naming sabi.

"kagaya rin ng numero na nakasulat sa buhok. Pero bakit?" kamot ulo kong tanong sa kanya.

"Di kaya numero iyon ng biktima nya? At ang susunod ay si Vicky?" kinabahan ako sa sinabi ni Clarisse. Kahit di kami magkasundo ni Vicky, di ko naman gustong mapahamak sya.

>I<

"Vicky?" pilit syang tumatakbo kahit na naririnig nya naman ako. Pero napahinto din sya sa huli, alam nya sigurong hindi ako titigil hanggang di sya nakakausap.

"What?" irita pa nyang tanong.

"Hwag kang lalabas mamayang gabi at hwag na hwag kang magpapapasok ng kahit na sino sa kwarto mo"

"At bakit?" aniya.

"Dahil may papatay sa'yo, delikado ang buhay mo." Paliwanag ko pa sa kanya pero tumawa lang sya ng malakas.

"Yeah right" sabi nya at agad na naglakad palayo, pilit ko syang tinatawag pero ayaw nyang lumingon.

"Jane, hwag mong sisihin ang sarili mo, ginawa mo naman ang lahat. Kasalanan nya na yun kung mapapahamak sya dahil ayaw nyang maniwala sayo" pilit na pinapagaan ni Clarisse ang loob ko.

"Nga pala Jane, tignan mo to" Iniabot nya sa akin ang isang lumang diyaryo.

"Nakita ko yan sa opisina ni Sister Julie" dugtong pa niya.

"Emily Gamboa, yung pumatay sa mag-Amang Alcantara? Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Tignan mo yung litrato nya, kamukha nya si Sister Anna"

"At tignan mo to, kagaya nung rosaryong nakita sa katawan ni Mika. Parehong pareho" nang makita ko iyon ay agad akong tumayo at patakbong lumabas sa kwarto.

"Teka saan ka pupunta?" tanong pa ni Clarisse dahilan upang mapahinto ako.

"Sa pulis, sasabihin ko ang tungkol dito para matigil na ang kademonyohan ni Sister Anna" paliwanag ko sa kanya.

>I<

"Nasaan po- yung pulis- na may hawak sa kaso- ng pag-pa-papatay kay Mika Morales?" hinihingal kong tanong.

"Bakit Miss?" tanong naman ng lalaking nasa front desk. 'Paralto' basa ko pa sa name tag nya.

"Sir Paralto, alam ko po kung sino ang pumatay kay Mika" sabi ko pa sa kanya, at saka sya napatingin ng diretso sa akin.

SPO1 Paralto's POV

"Sabi nya sa akin na isang madre ay pumapatay sa mga bata sa hospisyo" mahinahon kong sabi.

"Sabi pa niya na yun daw si Emily Gamboa, yung pumatay sa Gobernador dito sa San Lorenzo" napatawa ako dahil sa naalala

"At nagwala talaga sya nung malaman nyang hindi ako naniniwala sa kanya"

"Nandito na sundo mo" sabi ko habang binubuksan ang pinto ng selda.

"Sa susunod hwag kang mag-aangas dito sa presinto kung ayaw mong makulong ng wala sa oras bata" pagbibiro ko pa sa kanya.

Jane's POV

Tahimik si Sister Julie habang nagmamaneho, sya ang sumundo sa akin sa presinto. Tumagal ang sampung minutong pagmamaneho ay wala syang imik, ni hindi nga nya magawang lumingon sa akin, haggang sa makarating kami sa hospisyo.

"Pasensya na Jane pero ito lang naisip kong paraan" saad pa ni Sister Julie at nilock nya ako sa loob ng aking kwarto.

"Sister Julie, palabasin nyo po ako dito!" pilit kong sinisigaw pero di sya nakikinig.

Ilang oras lang ang lumipas ang biglang bumukas ang pinto ng kwarto, nagulat ako ng makitang si Sister Anna ang pumasok. Binalot ako ng takot sa buong katawan, halos di ko maigalaw ang mga binti ko para tumakbo.

"Masyado ka ng maraming nalalaman Jane" aniya, at biglang humaba ang kanyang mga kuko at pangil. Naging kulay pula din ang kanyang mga mata. Kakagatin na nya sana ako ng bigla syang nangisay at nagsisisigaw.

"Ahoy! Janie~" Ang mga salitang huli kong narinig bago nagdilim ng aking paningin.

"Jane, gising! Wala na sya" narinig kong boses ni Clarisse. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang duguang damit at mukha ni Clarisse habang hawak-hawak pa nya ang kutsilyong puno ng dugo. Sa isang sulok ay nakita ko ang chop-chop na katawan ni Sister Anna.

"Anong ginawa mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Wala akong ginawa Jane! Ikaw ang may gawa ng lahat ito" saad pa nya at nakita kong hawak-hawak ang kutsilyo. At biglang nawala si Clarisse, naiwan akong mag-isa sa kwarto.

Bigla nyang naalala ang lahat ng nangyari, kung paano nya pinagtanggol ang sarili sa mga nang-away sa kanya, paano nya brutal na pinatay si Mika, sinet-up ang mga buhok sa kwarto ni Sister Anna, kung paano nya ito pinag-tatataga hanggang sa mamatay at ang bakanteng kama na pinatungan ng mga lumang gamit habang tinatakpan ng kumot.

3rd Person POV

"Hindi ako ang pumatay! Maniwala kayo sa akin! Si Clarisse ang pumatay! Si Clarisse ang pumatay sa kanilang lahat" sigaw pa niya habang hawak-hawak sya ng mga nurse. Inilock sya sa loob ng kwarto at iniwan syang nagsisisigaw.

"Welcome back" bulong na babae na mula sa kabilang kwarto, hawak-hawak pa nito ang itim na rosaryo. Nakita nya sa pinto nito ang pangalang "Emily Gamboa".

--

Written by: cutterpillow19

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top