Final Battler #3: Fate Diary

Description: Halos lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nakasulat sa ating diary. Paano naman kaya ang mangyayari kapag mayroon tayong fate diary? May mababago ba? Ito ang kasagutan sa huling tanong,

Wala, dahil ang iyong itinakdang hinaharap ay hinding-hindi mababago ng kahit sinuman o anuman.

-Amaine Fernandez

Why: Dahil activity po ito, ano pa po ba? Haha.

How: Nag-isip ng isusulat. Hindi po ako nakapag-edit dito at lasing po ako nung isinulat ko po ito kaya, paniguradong magmumukhang patapon ito. Tingin ko nga hindi ito pasado sa kategoryang isinulat ko, hindi naman po kasing mukhang demonyo ang bida eh HAHA. At tsaka yung theme at elements, parang hindi rin eh! Ihanda mo na nga lang po ang basurahan mo! Wahaha.

ווו×

Nakaupo ako sa isang wheelchair na tinutulak ng isang nurse. Dadalhin ako sa entrance ng ospital dahil may taong sumusundo sa'kin galing sa isang orphanage.

Ang dahilan ng pangyayaring ito ay dahil sa pagkakamatay ng aking ina sa isang aksidente. Samantalang ako naman ay nawalan ng mga alaala. Kaya kaysa sa magluksa ako dahil sa pagkakamatay ng aking ina, blanko lamang ang aking pakiramdam hanggang ngayong oras na ito. Wala akong nararamdamang kahit anong emosyon, pakiramdam ko tuloy mukha na akong robot.

Malapit na kami sa entrance ng ospital nang may nakabangga akong wheelchair, dahilan upang muntikan na akong mahulog. Mabuti na lamang at may kasama akong nurse, kundi baka duguan na talaga ang ulo ko ngayon. Paniguradong magmumukha akong zombie, at ayokong mangyari sa'kin iyon.

"Ay ma'am, pasensya na po." Paumanhin ng nurse na nakabangga sa'min. Napatingin ako sa tinutulak nitong wheelchair at nakita kong may tinutulak din itong pasyente. Lalaki ito at duguan ang katawan, halatang naaksidente siya katulad ko.

Napatingin ang lalaki sa'kin at ngumiti naman ako ng matamis dito. Hindi ko alam kung bakit ko siyang nginitian ng gano'n ngunit kusang gumalaw ang aking labi para ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko nga para akong natuwa sa hindi malamang dahilan pagkakita ko sa kanya.

Ngunit kaysa sa suklian niya ang aking ngiti, iba ang naging reaksyon niya. Kabaligtaran sa aking ginawa.

Biglang nanlaki ang kanyang mata at namutla. Kitang-kita ko ang pag-usbong ng takot sa kanyang mata. Para bang nakakita siya ng multo dahil sa aking ginawa. Mabilis niyang kinalabit ang kanyang nurse habang nakatingin sa akin.

"Ate, dalhin mo na ako sa k'warto ko. Ngayon na, dalian mo." Mabilis niyang saad at halata ang takot sa kanyang boses dahil nanginginig ito. Sumunod naman ang kanyang nurse sa sinabi niya at iniwan akong naguguluhan dahil sa nangyari.

Problema ng lalaking 'yon? Alam kong punong-puno ako ng mga sugat at pasa kaya nakakatakot ang aking hitsura. Pero parang hindi iyon ang kinakatakot ng lalaking nakabangga ko sa'kin eh. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang grabehang takot. Parang mayroon pang isang mas malalim na dahilan kung bakit gano'n siya kung matakot sa akin nung nakita niya ako.

Bigla na lamang tinulak ng aking nurse ang aking upuan na nagpabalik sa'kin sa reyalidad. Napailing na lamang ako sa aking mga naiisip. Masyasdo lang yata akong naninibago dahil sa pagkawala ng aking mga alaala kaya kung ano-ano ang mga naiisip ko.

~*•*~

Bumuntong-hininga na lamang ako dahil sa pagod at humiga sa aking kama.

Lutang na lutang talaga ang aking isipan hanggang ngayon, salamat sa lalaking nakabangga ko kanina.

Hindi ko nga maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi ko maialis sa aking sistema ang lalaking 'yon. Samantalang nakabangga ko lang naman siya.

May pinagsamahan ba kaming dalawa kaya gano'n? Kasama kaya siya sa mga alaalang kumupas sa aking isipan? May koneksyon ba kami sa isa't-isa?

Napasuklay na lamang ako sa aking buhok. Bukas ko na lamang iisipin ang mga bagay-bagay. Masyado na akong napagod sa buong araw kaya't gusto ko na nang mamahinga. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Makakatulog na sana ako nang bigla akong nakaramdam na para akong nahuhulog.

Binuksan ko ang aking mata at tama nga ang aking hinala. Nahuhulog nga ako sa isang malalim at madilim na bangin. Nanlaki ang magkabila kong mata at napasigaw ng malakas dahil sa takot, ramdam na ramdam ko rin ang bilis ng pagtibok ng aking puso. Para itong bomba na sasabog sa bilis ng tibok. Napapikit na lamang ako ng mata upang maibsan ng kahit kaunti ang aking takot.

Nagpatuloy lamang ako sa pagsigaw hanggang sa bumagsak ako sa matigas na sahig. Napamulat ako ng mata at agad naman itong nanlaki dahil sa aking nakita.

Anong lugar ito?

Kulay ginto ang bawat pader na nakikita ko, kahit nga ang sahig at mga kagamitan ay kulay ginto rin. Nakakatakot tuloy humawak ng kahit anong kagamitan dito.

Napatingin ako sa aking likod at agad naman akong napatalon sa gulat nang nakakita ako ng isang babaeng nakangiti ng pagkatamis-tamis sa'kin. Mala-anghel ang kanyang hitsura ngunit grabehang takot pa rin ang idinulot niya sa aking katawan.

Tatakbo na sana ako palayo nang bigla niyang hinawakan ang aking pulso ng mahigpit. Lalo naman akong natakot sa kanyang ginawa. Ngayon nararamdaman ko na yata ang takot na naramdaman ng lalaking nakabangga ko sa ospital. Marahil ito ang nararamdaman niya nung nakita niya ako.

Muli sana akong sisigaw nang naglapat siya ng palad sa aking bibig, kaya pilit ko namang kumakawala sa kanyang mga kamay. Pakiramdam ko tuloy gagahasain niya ako kahit na babae siya.

Patuloy lang ako sa pag-alis sa kanyang mga kamay sa'kin nang bigla siyang nagsalita.

"Anak, 'wag kang matakot sa'kin. Ako ito, ang iyong ina." Kalmado niyang saad sa akin at kusang namang napatigil ako sa pagwawala. Napatingin ako sa kanya na diretsong rin namang nakatingin sa'kin.

Pinagloloko niya ba ako?

Lumuwang ang kanyang pagkakahawak sa'kin kaya't agad ko siyang tinulak ng malakas palayo sa'kin. Mukhang hindi niya inasahan ang aking aksyon kaya nakakalas ako sa kanyang piling.

Dapat ngayong oras na ito ay tatakbo na ako palayo sa lugar na ito, ngunit hindi iyon ang aking ginawa. Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa aking kaharap.

"Pinagloloko mo ba ako? Paano kita naging ina? Kahit na wala akong naalala sa aking nakaraan, alam kong namatay ang aking ina sa isang aksidente!" Bulyaw ko at hindi siya natinag, muli siyang lumapit sa akin at hindi manlang ako gumalaw sa hindi malamang dahilan. Bakit nga pala hindi ako umaalis sa lugar na ito? Kanina lamang ay malaki ang aking kagustuhan na lisanin ang lugar na ito. Pero bakit parang gusto ng aking puso na manatili dito?

May naramdaman akong humawak sa aking magkabilang pisngi na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Napatingala ako at nakita ko ang babaeng dapat kanina ko pa tinakasan.

"Amaine anak, pakiusap, makinig ka sa'kin. Nauubos na ang oras ko. Ako talaga ang iyong ina, binisita lamang kita sa iyong panaginip, nananaginip ka lang ngayon." Paliwanag ng aking kaharap at biglang kumalma ang aking katawan. Nawala na ang aking takot at kaba sa isang iglap. Marahil ay dahil ito sa kanyang sinabi sa'kin.

"Pero bakit mo ako binisita sa aking panaginip, ina?" Tanong ko at bumuntong-hininga naman siya. May kinuha siya sa kanyang bulsa at isang yong maliit na notebook.

Ibinigay naman niya ang notebook sa'kin kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Hindi 'yan bastang isang notebook, anak. Isa 'yang Fate Diary. Diyan nakalagay ang iyong nakaraan at hinaharap. Pagkabasa mo niyan sa iyong paggising, maiintindihan mo na ang lahat." Saad niya sa'kin at bigla siyang naglaho sa aking harapan. Pati ang malagintong bahay ay naglaho din. Nagumpisa nang dumilim ang aking paningin at muli na naman akong nakaramdam na parang hinihigop pababa.

"Ah!" Bulalas ko at gulat na bumuka ang talukap ng aking mata. Napalinga-linga ako sa paligid at napansin kong nakahiga ako sa aking k'warto. Nakahinga naman ako ng maluwang.

"Panaginip lang pala." Buntong-hininga ko at napasuklay sa aking buhok. Napatingin ako sa aking mga hita at laking gulat ko na lamang nang may napansin akong maliit na notebook dito. Naalala ko ang huling nangyari sa aking panaginip at napalunok na lamang ako.

Mukhang hindi basta-basta panaginip ang nangyari.

Kinuha ko ang notebook at pinagmasdan ito.

Sabi sa'kin ng aking ina basahin ko ang notebook na ito sa aking paggising.

Binuksan ko ang notebook at agad ko itong nabitawan na bigla itong lumiwanag. Laking gulat ko na lamang nang may nakita akong dalawang taong nag-uusap sa notebook. Isang babae at lalaki. Napatakip naman ako ng bibig nang nakilala ko ang babae, siya ang aking ina.

Nabalik ako sa ulirat nang nakarinig ako ng mga boses galing sa notebook. Agad naman nitong nakuha ang aking atensyon kaya't nakinig ako.

'Manuel pakiusap, 'wag mong kunin si Jonathan sa'kin! Kakayanin kong ipagpalit mo ako sa iba, pero 'wag mo namang agawin sa'kin ang bata!'

'Anak ko siya, Ameliza. Kaya kukunin ko siya sa ayaw o sa gusto mo. Pasalamat ka nga dahil hindi ko kinuha si Amaine eh.'

Napatakip ako ng bibig sa gulat dahil sa aking nakita at narinig. Kaya pala hindi kasama ang aking ama sa aksidente, mukhang naghiwalay sila ng aking ina. Pero bakit sila naghiwalay?

Biglang kumupas ang larawan sa notebook. Napalitan ito ng isa pang larawan na kung saan nando'n ang isang babaeng hindi ko mawari kung sino at ang lalaking nakabangga ko sa ospital.

Teka, paano siya nasama dito?

'Talaga Mendra? Pinatay ng aking ina ang aking ama at ang iyong ina?'

'Oo, Jonathan.'

'Pero bakit?'

'Dahil ipinagpalit ng ating ama ang iyong ina sa aking ina. Kaya pinatay ng iyong ina ang iyong ama pati ang ina ko. Baka nga ako na ang isunod ng iyong ina. O kaya ang nakababata mong kapatid ang pumatay sa'kin. Kaya Jonathan, lumayo ka sa kanila, 'wag kang magtitiwala sa kanila.'

'Oo Mendra, gagawin ko talaga 'yang sinabi mo. Hindi ako makapaniwalang magagawa ng aking ina 'yon.'

Lalo naman akong nagulat sa aking nalaman. Ang lalaking nakabangga ko pala sa ospital ay ang aking nakatatandang kapatid. Kaya pala labis akong natuwa nung nakita ko siya.

Umalis na si Jonathan sa larawan at naiwan ang babaeng nagngangalang Mendra na mag-isa. Halos tumigil ang aking paghinga nang nakita kong ngumisi siya.

'Ngayong nagtanim na ng samang loob si Jonathan sa kanyang kamag-anak, tignan natin kung makukuha pa nila siya.'

Bigla itong tumawa ng malademonyo kaya umusbong na ang galit sa aking katawan. Unting-unti kong naramdaman ang panginginig ng aking lamang-loob. Nanggigigil ako sa Mendra na ito, ang kapal ng mukha niyang ilayo si Jonathan sa'min!

Kumupas na naman ang litrato at ang pumalit dito ay ang aking ina at isang batang babae. Umiiyak ang aking ina at duguan samantalang ang bata ay pinapatahan siya.

'Ina, 'wag ka na pong umiyak, hindi mo naman pong sinasadyang mapapatay si papa at ang babaeng pinagpalit niya sa'yo eh.'

'Amaine naman kasi, dahil sa sobrang pagkagalit ko sa kanya pati sa kanyang bagong asawa, nagawa ko silang patayin. Hindi ko naman sinasadya 'yon, nadala lamang ako sa aking emosyon.'

'Kalma lang ina, tumahan ka na.'

Agad na naman akong napatakip ng bibig. Totoo ngang pinatay ni ina ang aking ama at ang kabit nito, pero dahil lang naman 'yon sa kanyang emosyon. Ang kapal talaga ni Mendra na sabihin sa aking kapatid na sinadya ng aking ina ang pagpatay sa aking ama!

Muli namang kumupas ang litrato at napalitan ng bago. Ang pumalit na litrato dito ay si Mendra, kasama din niya ang aking kapatid at nakasakay sila sa isang kotse.

'Mendra, kailangan ba talaga nating gawin ito? Sobra na yata ito, sampahan mo na lang sila ng kaso. Hindi ko kakayaning makita silang mamatay.'

'Ano ka ba Jonathan, pinatay ng iyong ina ang aking ina, kaya buhay niya ang kapalit no'n.'

'Pero si Amaine, wala siyang kinalaman dito!'

'Jonathan, grabe ang krimen ang ginawa ng iyong ina, at saksi ang iyong kapatid do'n. Kaya may kinalaman siya dito.'

'Pero---'

Naputol ang sasabihin ng aking kapatid nang umandar na ang sasakyang sinasakyan nila, at bumangga sa kotseng sinasakyan namin ng aking ina.

Kumupas na ang litrato pati ang liwanag ng notebook, kusa na rin itong sumara. Napayuko naman ako at napakuyom ang aking dalawang kamao. Madiin ang pagkakagat ko sa aking labi na para bang nagtitimpi ng galit. Pero sa loob-looban ko, tila nagliliyab na ang aking damdamin sa galit.

Ayos lang sana yung sasampahan lang kami ng kaso, pero ang patayin kami? Aba sumusobra na siya! At ang aking kapatid, inosente lang 'yan, tapos ang kapal niyang ilayo siya sa'min!

Takteng talaga ang Mendra na 'yon! Siya ang rason kung bakit namatay ang aking ina at ng pagkawala ng mga memorya ko! Ang sarap niyang latiguhin hanggang sa mamatay, gilitian ng leeg, lunurin sa tubig o kaya'y hayaang maging abo sa apoy, pagsasaksakin hanggang sa malagutan ng hininga, pagpupukpukin ang mukha hanggang sa masira ito, lahat na ng brutal!

Sa madaling salita, gusto ko siyang patayin! Gigil na gigil ako sa kanya!

Kumulo ang aking dugo at bigla na lamang nagdilim ang aking paningin. Tumayo na ako sa aking kama at kinuha ang notebook bago pumunta sa kusina. Agad akong kumuha ang isang kutsilyo at may isang babaeng tarantang pumunta sa'kin.

"Amaine, anong gagawin mo diyan? Matulis 'yan!" Gigil akong tumingin sa babae at pinanlinsikan ng mata. Nasindak naman siya sa aking ginawa kaya agad siyang napaatras.

"Ikaw babae ka, 'wag ka ngang mangielam, umalis ka sa dinadaanan ko bago pa kita mapatay!" Sigaw ko at patakbo naman siyang umalis sa aking paningin. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at padagdag nang padagdag ang aking galit sa bawat yapak ko. Napatigil lamang ako nang biglang lumiwanag ang notebook na hawak ko. Binuksan ko ito at mayroong nakasulat dito, agad ko naman itong binasa.

'/7:38am/
Sa Estrella subdivision ang bahay ni Mendra. Ang numero ng kanyang pinto ay 2036. Kailangan kong makapunta sa bahay na 'yon upang makitil ko na ang buhay ng demonyong sumira sa pamilya ko.'

Napangisi ako matapos ko itong mabasa. Sinara ko na ang notebook at pinunta ang address na aking nabasa.

~*•*~

Nandito na ako sa bahay ng taong sumira ng buhay ko. Tinadyakan ko ng malakas ang pintuan dahilan upang mabuksan ito. Agad akong pumasok sa loob at nakita ko si Mendra na gulat na tumingin sa'kin. Lalo namang siyang nagulat nang nakita niya ako.

"Buhay ka pa?" Utal niyang saad at napangisi naman ako. Tila natakot siya sa aking pagdating kaya't napaatras siya hanggang sa maabutan niya ang pader. Naglakad naman ako papalit sa kanya kaya lalo naman siyang nanginig sa takot.

Natigil lamang ako nang lumiwanag muli ang aking notebook. Binuksan ko naman ito at may nakasulat na mga salita muli dito.

'/8:04am/
Nasa loob na ako ng bahay ni Mendra. Oras na upang gawin ko ang aking pagpatay sa kanya.
/8:14am/
Walang buhay na bumagsak si Mendra sa sahig. Duguan at punong-puno ng saksak. Nangisi na lamang ako sa aking nakita. Patay na siya, nabigyan ko ng hustisya ang pagkakamatay ng aking ina.'

Lalo naman akong napangisi sa aking nabasa. Isinara ko na ang notebook at malademonyong tumingin kay Mendra.

"Ano ka ngayon Mendra? Dati wagas kang makangisi lalo na nung sinubukan mo kaming patayin ng aking ina. Tapos ngayon kulang na lang kumaripas ka ng takbo dahil sa takot." Mapanloko kong saad at lalo kong naramdaman ang kanyang takot. Ngunit agad gumuhit ang taka sa aking mukha nang nakita ko siyang ngumisi.

"Sa tingin mo pa talaga Amaine panalo ka na? Nagkakamali ka, may inihanda akong kaso para sa inyo ng iyong ina pag sakaling hindi kayo parehong namatay. At kahit patayin mo ako, nandiyan naman ang iyong kapatid upang sampahan ka pa rin ng kaso. Wala siyang tiwala sa iyo, Amaine. Kaya tignan natin kung ipagtatanggol ka niya." Mahaba niyang paliwanag. Ngunit kaysa sa matakot ako, ngumisi na lamang ako ng mas malaki.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi manlang ako natakot sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi parang hindi papayag ang aking kapatid na ako'y kasuhan.

"Manahimik ka, Mendra." Kinuha ko ang aking kutsilyo at isinaksak ang kanyang kanang dibdib. Nanlalaking mata at bukang-bibig siyang naglumpasay sa sahig. Ngunit hindi pa ako nakuntento sa kanyang hitsura. Sinaksakan ko ang kanyang bunganga nang bumuka pa ito ng mas malaki. Pinagsasaksak ko din ang kanyang makapal na mukha pati na rin ang kanyang katawan.

Unting-unti nagsisitalsikan ang kanyang dugo sa'kin sa bawat saksak ko at nararamdaman ko na ang lubusang ligaya.

Natigil lamang ako sa aking ginagawa nang biglang may nagsalita.

"A-amaine?" Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan nang narinig ko ang boses na 'yon. Nabagsak ko ang kutsilyong pinagsasaksak ko kay Mendra bago unti-unting lumingon sa taong tumawag sa'kin.

Napalunok na lamang ako nang napagtanto kong si Jonathan nga ang tumatawag sa'kin, ang aking nakatatandang kapatid.

Napapikit na lamang ako at inihanda ang sariling masabihan ng maanghang na salita.

Ngunit laking gulat ko na lamang nang naramdaman ko na parang may yumayakap sa'kin. Binuksan ko ang aking mata at nakita ko ang aking kapatid na mahigpit na nakayakap sa'kin. Napangiti na lamang ako at niyakap siya pabalik. Akala ko pagsasabihan niya ako ng masama, nagkamali pala ako.

Nasa kalagitnaan kami ng pagyayakapan nang bigla siyang nagsalita.

"Amaine, patayin mo ako." Bulong niya sa'kin kaya't napakalas ako ng yakap.

"Ha? Bakit naman?" Taka kong tanong at napayuko naman siya.

"Ako ang ugat ng lahat ng ito, Amaine. Ako ang dahilan kung bakit pinatay ng ating ina si ama pati ang ina ni Mendra. Nagalit ang aking ina dahil kinuha ako ng aking ama. At kung sana hindi ako nakinig kay Mendra, hindi mangyayari ito. Sinabi ni ina ang lahat sa akin Amaine, sa aking panaginip. At lubusan akong nagsisisi do'n. Kaya Amaine pakiusap, patayin mo na ako. Para wala na ring taong magsasampa sa iyo ng kaso." Paliwanag niya at napaluha siya. Magsasalita sana ako nang lumiwanag ulit ang notebook na nahulog pala sa tabi ni Mendra. Kinuha ko ito at may ulit nakasulat dito.

'/8:17am/
Anong gagawin ko? Gusto ng aking kapatid na patayin ko s'ya! Napabuntong-hininga na lamang ako, mukhang wala na akong magagawa pa. Kinuha ko ang kutsilyo at isinaksak---'

Nanliit ang aking mata nang sumara na ang notebook. Sino ang sasaksakin ko? Napakagat ako ng labi hanggang sa napagtanto ko na ang lahat.

Kinuha ko ang kutsilyo na nasa tabi rin ni Mendra at itinaas sa harapan ng aking kapatid. Pumikit naman ang aking kapatid na tila hinahanda ang kanyang sarili na masaksak. Mabilis ko naman itong ibinaba at isinaksak...

Sa aking sarili.

"Amaine, hindi!" Sigaw ng aking kapatid habang unting-unti akong nahuhulog sa sahig, ramdam ko ang paglabas ng dugo sa aking bibig. Ngumiti lamang ako ng mapait sa aking kapatid.

Ito ang aking hinaharap. Ang mamatay bilang isang mamamatay tao katulad ng aking ina.


Written by: Miss251

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top