Battler #3: Deceived
Description: Si Miko ay isang masipag at matiyagang empleyado,dahil sa isang panlilinlang ay magbabago ang takbo ng buhay niya.
Why: Habang nagtatrabaho ako,marami akong napansin sa mga tao. Isa na rito ay iyong hindi mo makikilala ng lubusan ang isang tao kahit pa ilang beses pa kayong nagkakasama o magkausap. Beware tayo sa paligid natin.
How: Nainspired ako sa isang american movie noon. Pasensya na,marami itong flaws. Wala akong time mag edit. Bwahaha. Critique niyo na ng matindi.
----
Inihagis ni Ms. Santos ang mga papel sa harapan ni Miko. Dahilan para mapunta ang atensyon sa kanila ng ilang katrabaho sa opisina.
Sari-saring bulungan ang maririnig sa paligid. Ang iba ay naaawa sa sitwasyon ng mabait na si Miko. Isa kasi ito sa mga matiyaga at masipag na empleyado. Kaya lang ay talagang under siya ni miss Santos,bukod sa masungit ito ay bossy pa.
"Ano ba iyang idea na binigay mo! That's a crap! "
Yumuko na lamang si Miko at hindi na nagsalita pa. Isa iyong insulto para sa mga katulad niya na matiyagang nagtatrabaho at nag-iisip ng bagong konsepto ngunit sa bandang huli ay hindi pa pala ito sapat.
"Ano? Hindi ka man lang magsosorry?"tanong ni Annie Santos sa binata.
Napaangat siya ng tingin."Ginawa ko po ang best ko. Iyon lang po,"
Ngumiwi ito sa sinagot niya. "You did your best? Wow. Sa tingin mo best na iyang nagawa mo? We are in advertising company, paano mabibili ang produkto mo kung hindi magiging maganda ang ad mo! Wala na lang akong pinagawa sa iyo na nagawa mo nang tama! Puro ka palpak,"
"Mag-iisip na lang ulit ako ng---"
"Dapat lang! Hindi kita tinanggap dito para tumambay lang. I want another concept,ipasa mo tonight."hindi na siya pinatapos pa ng mahadera at ipinipilit ang sarili nitong kagustuhan.
"But ma'am---"
"No buts. Pass it tonight or you're fired!"duro sa kanya nito bago matalim siyang inirapan at nag-walkout.
Ang pag-iisip ng bagong advertise ay hindi singdali ng pagpiprito ng hotdog, kailangan mong pag-isipan, bigyan ng pansin at 'yon talagang matatandaan ng manonood ang produkto mo. Malaki ang porsyento ng advertising kaya naman kulang ang isang tao at isang gabi para rito.
Naikuyom na lang niya ang kamao habang sinusundan ng tingin si Annie.
"Ang lupit naman ni Ms. Santos sa'yo,"nabigla siya sa pagsulpot ni Megan kaya nabitiwan niya ang kape na galing sa vendo machine. Napaso ang kamay niya,napamura na lang siya ng palihim.
Iisang company lang sila ni Megan pero sa ibang department ito nakaassign.
Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang kamay niya.
"Hay nako,ewan ko ba. Kung bakit nagtitiyaga ka diyan sa demonyitang iyan. Sa amin ka na lang kasi,"suyo nito sa kanya.
Hindi niya ito gaanong kilala pero ang sabi ng mga katrabaho niya, bukod sa maganda ito ay masiyahin ding tao.
Nginitian niya lang ito saka naghanap ng mauupuan. Hinila siya nito papunta sa mga katrabaho nila na nakaupo sa table 3. Ayaw niya sanang makisali sa mga ito pero wala na siyang nagawa.
"Alam niyo kung bakit siya natitiyaga diyan?" sabi ni Andrei, ang mapanukso. Napadako naman sila ng tingin rito. Sa hiya ni Miko ay humigop na lang siya ng kape.
"Kasi crush niya! "pagbulgar nito sa nalalaman. Napuno naman ang cafeteria ng buyuan.
"Ayie,kaya naman pala."
"Pero 'di ba may boyfriend na siya?"biglang sabi ni Christy.
"Ano naman? Magbibreak din ang mga iyon 'di ba bro?"wika ni Dylan.
"Hayaan mo na iyon,masaya sila ng boyfriend niya. Ayoko nang umeksena pa,masaya na rin ako para sa kanila,"iyon na lang ang tangi niyang tugon. Ang hindi alam ng mga ito,classmate sila ni Annie since high school. Alam niyang may pagkamaldita ito at seryoso lagi pagdating sa trabaho. Matalino rin ito kaya high school pa lang ay humanga na siya. Ito nga ang dahilan kung bakit nag-apply siya sa kompanyang iyon.
"Bakit ka naman sasaya? Hindi ba't nakakalungkot ang gano'n? "Natahimik ang lahat sa tanong ni Megan. Tila ba may isang sigaw na nagpatahimik sa isang sanggol. Ganoon ang pakiramdam ng lahat.
"Kung ako iyon,hindi ko sila hahayaang maging masaya. Tsaka pinapahirapan ka niya. Dapat lang mahirapan din siya,tama ba?"
Saglit na natahimik ang lahat sa sinabi nito bago magsalitang muli si Christy."Oy,Megan 'wag kang bitter. Bawal ang bitter sige ka,papangit ka."
Awkward na nagtawanan ang iba samantalang si Miko ay hindi na kumportable kaya tumayo na siya.
"Tapos na ang break ko,mauna na ako." paalam niya sa mga ito.
Alas onse na ng gabi pero nasa office pa rin siya. Sa sobrang stress niya ay kung anu-ano ang sinulat niya sa papel saka ito nilukot. Halos kalahating dangkal na ang mga ideyang sinulat niya pero parang hindi parin talaga magaganda ang mga ito. Ang dami nila sa marketing department pero siya lang ang inaasahan nito para sa new ideas.
Napasabunot siya sa kanyang ulo. Kailangan niya ng pampagising kaya napag-isipan niyang bumili ng kape.
Habang naglalakad ay natanaw niya si Megan sa harap ng vendo machine. Naramdaman nito ang pagdating niya kaya lumingon ito.
Nagulat siya nang iabot nito ang cup of coffee sa kanya. Dalawa pala ang binili nito.
"Black coffee,"sabi nito sabay ngiti. Tiningnan niya lang iyon. Ayaw niya sanang kunin pero nahiya naman siyang tumanggi, baka magtampo ito sa kanya. "Kailangan mo iyan,"sabi ulit nito sabay higop ng kape.
Ngumiti siya rito."Salamat, bakit nga pala nandito ka pa,mago-overtime ka rin?"
"Ah!"tumingin ito sa wristwatch. "Pauwi na ako,may hinihintay lang ako."
"Hinihintay,sino?"
Mataman siya nitong tiningnan. "Gusto mong kwentuhan kita?"
Hindi malaman ni Miko kung bakit hindi niya matanggihan si Megan. Nakaka-intimidate ang ganda nito at ang hirap tanggihan.
"Bahala ka," humigop siya ng kape.
Nagsimula silang maglakad-lakad.
"Mayroon akong kaibigan,nainlove siya sa isang babae. Almost perfect yung girl. Naging sila ng two years,but in the end. Nagsawa ang babae at iniwan siya. Pinagpalit siya nito sa mayamang lalaki, sobra siyang nasaktan to the point na gusto na niyang kitilin ang sarili niya. Pero bigla niyang naisip,bakit niya papatayin ang sarili niya at hahayaang maging masaya ang babae sa iba?"
Natawa siya sa kwento nito. Isang tipikal na love story. Para nga siyang pinatatamaan nito eh. Pwera na lang sa naging sila ng babae.
"Ano sa tingin mo ang gagawin niya?"
Napatingin siya rito. Lumunok muna siya bago tumawa. " Is he a psychopath?crazy."umiiling-iling niyang sagot. "Hayaan na lang niya iyon,maghanap na lang siya ng iba,maraming babae diyan,"
"Sa tono ng pananalita mo,parang hindi mo naexperience iyon ah,"
"Hmm. Alam mo kasi yung kay Annie,paghanga lang iyon. Nawawala rin iyon."
"Pero pagmamahal ang naramdaman niya,hindi iyon kaagad nawawala,"
Hindi na niya kayang tumingin pa sa seryosong si Megan. Gusto na lang niyang tapusin ang conversation nila ang maglaho na lang sa harap nito.
Tumawa si Megan."Baka nga psychopath siya,"
Naiilang siyang tumawa na lang din. "Sige,una na ako. Thanks for the coffee,"
Nagwave lang ito sa kanya. Umakyat na siya para sumabak muli sa matinding pagsubok. Humigop siya ng humigop ng kape habang naglalakad.
Nagulat siya nang madatnan si Annie na nasa cubicle niya at binabasa ang mga gawa niya.
"Concept ba 'to?"tanong nito nang makalapit siya.
Napalunok na lang siya ng laway dahil hindi siya makasagot. Sa hilatsa ng mukha nito siguradong hindi ito nasiyahan sa nabasa.
Nilukot nito ang papel at tinapon sa malapit na trash bin.
"Ano ba'ng problema mo,Miko?" tanong nito sa kanya.
Ikaw,anang isip niya.
"Napapansin ko distracted ka na. Ito lang ang masasabi ko sa 'yo. H'wag mong isama ang personal mong buhay sa trabaho."lumapit ito sa kanya at tatlong beses na sinundot ang sentido niya. "H'wag mo kaming idamay sa problema mo,naintindihan mo ha!" sigaw nito sa kanya.
Napakuyom siya ng kamao. Naiinis na siya rito,lagi na lang siya nitong pinapahiya.
Kung makasabi ito ng distracted siya,parang hindi ito ang nakakaranas n'on.
Patuloy ito sa panenermon sa kanya. Pumapasok ang mga masasakit na salita sa kanya na ikinasisikip ng dibdib niya. Nahihirapan na siyang huminga at parang may kung anung apoy na gustong kumawala sa kanya. Pakiramdam niya sasabog na siya.
"Napakawala mong kwenta! Dahil sa'yo nadadamay ako! Eh kung patalsikin kita rito? May magagawa ka ba ha?"
May umuudyok sa isip niya na saktan ang babae. Hindi na niya ang alam ang sumunod na nangyari. Nagdilim na ang paningin niya at gusto na niyang manakit.
Nakita na lang niya na humiyaw ang babae sa sobrang init ng kape na bumuhos sa mukha nito.
"How dare you,asshole!"bulyaw nito sa kanya.
Nahagip ng mata niya ang gunting sa mesa at isinaksak niya ito sa tiyan ng ilang beses. Isang unday ang tuluyang nagpaupo rito habang hawak ang nasaktang bahagi.
Nakaramdam siya ng saya nang makita ang dugong kumalat sa sahig na galing sa taong nagpapahirap ng buhay niya sa loob ng opisina. Nagmamakaawa ang babae na gumagapang palayo sa kanya.
'patayin mo siya,patayin mo siya'
"Miko,please. Wag!"umiiyak na pagsusumamo nito.
Wala na siyang ibang naririnig kundi ang palahaw sa isip niya.
"Takbo!!"sigaw niya.
Hirap man ay tumayo si Annie at tumakbo. Naghabulan sila hanggang sa may elevator.
Pinagmasdan niya ang kaawa-awang sitwasyon nito habang pinipindot ang buton. Umiiyak ito at takot na takot na hinihintay ang pagbukas ng makupad na elevator.
Lumapit siya rito pero hindi na niya nahawakan ang babae dahil nakapasok na ito sa loob.
Pinilit niyang pindutin ang buton ngunit wala na siyang nagawa. Bumaba siya sa hagdanan.
Nang makababa siya ay wala nang laman ang elevator. Tanging bakas ng dugo na lang ang natagpuan niya.
"Annie," malambing niyang bigkas. "Nasaan ka na? Annie?"
Walang nagpapakita sa kanya,napansin niya ang bakas ng dugo sa sahig at sinundan ito. "Annie,come here baby,"nakaamba na ang gunting niya nang mamatay ang mga ilaw.
Isang liwanag mula sa flashlight ang nagsilbing liwanag niya.
"Sir,Miko? Ano ho'ng ginagawa niyo diyan?" tanong ng security guard sa kanya. Hawak nito ang flashlight.
Ibinaba niya ang gunting at naglakad palapit rito.
"Wala,hinahanap ko lang si---"
"Manong guard,lumayo ka sa kanya! Papatayin ka niya!"
Hindi man niya makita kung sino ang babae ay alam niyang si Annie ito.
Tiningnan siya ng guard na nagtataka. Hindi na niya hinayaan pang makabunot ito ng baril at sinaksak na niya ito sa dibdib ng ilang beses. Hindi na nakagalaw pa ang guard.
Humiyaw bigla si Annie at tumakbo na naman palayo.
"Napapagod na ako,Annie!" hinabol niya ito. Nahablot niya ang buhok nito,sinakal niya ito gamit ang braso saka pinagsaksaksak muli ang tiyan. Hindi niya tinigilan hangga't hindi ito tumatahimik sa paghiyaw.
Tuluyan nang bumigay si Annie. Binitiwan niya ito at bumagsak ito sa sahig.
Nakadilat ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Bumubulwak sa bibig nito ang sariwang dugo.
Ngumisi siya bago humalakhak ng malademonyo.
Habol hiningang nagising siya.
Ang bilis ng paghinga niya na akala mo hinahabol siya. Akala niya totoo ang lahat,Panaginip lang pala. Nakatulog pala siya sa cubicle niya.
Napasabunot siya sa buhok niya. Tiningnan niya kung nandoon pa ang gunting na ginamit niya at nakumpirma niyang panaginip nga lang ang lahat.
Ang weird naman no'n. Anang isip niya.
Ganoon ba siya kagalit kay Annie? Hindi niya maisip na magagawa iyon sa totoong buhay.
Huminga siya ng malalim sa pag-aakalang isang bangungot lang ang lahat.
"M-miko?"
Napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita niya si Megan. Nakakunot ang noo nito,mukhang takot na takot na nakatingin sa kanya.
"Paano mo ito nagawa?"
"Ano?"naguguluhang tanong niya.
Lumingon si Megan sa kanan niya. Tumayo siya upang makita ang kinatatakutan nito.
Hindi niya malaman ang gagawin nang makita si Annie sa sahig. Kagaya ng nakita niya sa panaginip,ganoon rin ang posisyon nito. Puno ng dugo at nakadilat ang mata.
Naubusan siya ng lakas kaya natumba siya. Hindi siya makapaniwala sa nakita.
"Hindi bangungot ang lahat,pinatay mo siya Miko,"
"A-ano?"wala siyang pinapatay na tao! Hindi niya iyon magagawa.
"Parating na ang mga pulis. Wala ka nang mapupuntahan,"
"Hindi,hindi! Hindi totoo yan!"umiiling-iling na sabi niya.
"Hindi ko akalaing gagawin mo iyon,Alam kong galit ka sa kanya pero paano mo nagawang pumatay?" halos mangiyak-ngiyak na tanong nito.
"Hindi ko iyon magagawa! I didn't kill her!"nag-hysterical na siya. Siya nga ba ang pumatay kay Annie? Panaginip lang ba ang lahat o totoo talagang ginawa niya iyon?
Gusto niyang tumakbo,tumakas roon ngunit huli na ang lahat dahil dumating na ang mga pulis. Pinosasan siya nito kahit humihiyaw na siya na wala siyang kasalanan.
Walang naniniwala sa kanya dahil itinuturo siya mismo ng ebidensya. Nagulat nga siya nang mapansin na may talsik ng dugo ang damit niya. At ang gunting na ginamit niya ay nasa drawer niya pa.
Tumestigo rin ang nag-iisang witness sa pagpatay,si Megan. Puno ng takot ito nang tumingin sa kanya.
"I didn't kill her,attorney."may diin sa bawat salita niya nang magharap sila ng abogado niya sa visiting area sa kulungan. Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang mangyari ang krimen.
"Hmm," ang matanda na may suot na salamin sa mata ay napakamot sa baba nito. "Kung totoo ang sinasabi mo,wala ka dapat ipangamba. I will do everything para makalabas ka.vPero lahat ng evidence pati ang witness tinuturo ka,"
"Basta hindi ko magagawa iyon, inosente ako."
"May iba ka pa bang naaalala?"
"Wala na,"
Hindi siya nito pinansin at tiningnan ang mga documents na dala nito."Mayroon kaming nalaman tungkol kay Ms. Annie. Meron siyang naging kasintahan na hanggang ngayon ay obsess pa rin sa kanya. Base sa nakita namin sa locker niya,sari-saring pictures nila pero cut out ang mukha ng ex nito. Bina-blackmail siya nito,tinakot pa siyang ipapakalat ang scandal once na hindi ito nakipagbalikan sa kanya. Kailangan namin siyang mahanap. kung sakali,magiging suspect siya,but sad to say hindi namin maipapangakong mahahanap namin siya agad. Dahil kahit ang parents ng biktima,hindi ito kilala."
"Gawin niyo ho ang kaya niyo. Hulihin niyo po ang lalaking iyon,"
Napakunot noo ang abogado.
"Sino'ng nagsabing lalaki siya?"
Siya naman ang naguluhan. "Ho?"
"Based on our source,she's a girl. Maybe a lesbian or a bisexual,"
Tumayo na ang lawyer niya,"Kapag may iba ka pang natatandaan,sabihin mo sa akin,"
"How are you,Miko?"
Hindi makaconcentrate sa kanyang bisita si Miko. Iniisip niya kung sino ang ex ni Annie. Kaya siguro stress din ang babae at pinag-iinitan siya dahil may problema rin ito.
"Dinalhan kita ng makakain. In case na magutom ka. Nagdala na rin ako ng instant coffee. Wala nga lang hot water. Hahaha,mukhang wala silang ganoon rito,"
Ngayon lang dumalaw sa kanya si Megan at pakiramdam niya masaya ito sa nangyari sa kanya.
"Megan,hindi ba't naging close kayo ni Annie?"
Nahinto ito sa paglalabas ng mga pagkain sa paperbag.
"Baka kilala mo ang naging ex niya,"
"Wala akong alam roon,bakit kailangan mo pang malaman?"
"Baka siya talaga ang pumatay kay Annie,"
Tumawa nang nakakaasar si Megan,"Ikaw ang pumatay sa kanya. Witness rin ako,so bakit naman siya nasali sa usapan? Ano,na na-frame up ka or something like that, siguradong masaya na iyon dahil hindi na siya masasaktan pa ni Annie at mababaliw na rin ang boyfriend niya sa nangyari sa kanya. Kung ako siya,hindi ko sila hahayaang maging masaya."
Naalala ni Miko ang sinabi ni Megan noong araw na nagbreaktime siya kasama ang ibang katrabaho nila.
"Kung ako iyon,hindi ko sila hahayaang maging masaya. Tsaka pinapahirapan ka niya. Dapat lang mahirapan din siya,tama ba?"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Megan,ang sabi mo sa akin pauwi ka na noon, bakit nandoon ka parin?"
Napatingin sa gawing kanan ang babae. "Nakarinig ako ng sigaw kaya napabalik ako,"
"Kung napabalik ka,hindi ba dapat hinanap mo kung sino ang sumigaw? Nakita mo ba siya?"
"Nakita ko siya pero tumakbo siya dahil akala niya ako ikaw, tinawag ko yung guard para tumulong sa amin,"
"Natagpuan ang bangkay sa tabi ng cubicle ko,pero ang sabi may bloodstains sa elevator. Kung ang bangkay ay mula sa ibaba,sino ang nag-akyat sa kanya pabalik sa taas?"
Hindi umimik si Megan.
"At paano mo nalaman na ako ang humahabol kay Annie?"
Tinitigan niya ang babae,nahintakutan siya nang sumilay ang demonyong ngiti nito sa labi.
"Nag-positve ka sa drugs when in fact you are not a user,"
"Did you..." nanlaki ang mata niya nang maalala ang coffee na binigay nito.
Posibleng may nilagay siyang kung ano sa kapeng iyon.
Planado nito ang ginawa sa kanya.
"Ikaw ang pumatay sa kanya,"nagtatagis ang mga bagang niya,ibig sabihin ito ang salarin! "Pinatay mo si Annie,"
"No,no,no. Ikaw ang pumatay sa kanya, fingerprints mo ang nakita sa biktima, ako lang ang tumapos,"ngumiti ito sa kanya nang nakakaloko na para bang simple lamang ang ginawa nito.
"Kung hindi dahil sa iyo hindi ako magiging ganoon! Ikaw dapat ang nandito!"
Itinukod nito ang dalawang kamay sa mesa at nagpalumbaba. Hindi pa rin inaalis nito ang ngisi.
Ito dapat ang nasa masikip,madilim,at may nakakasulasok na amoy na lugar na iyon at hindi siya. Ito dapat!
"Ikaw ang pumatay sa kanya!"tumayo siya para sana saktan si Megan,pero hindi niya magawa dahil babae pa rin ito.
"Alam mo,kahit totoo ang mga sinasabi mo..."
"Sino naman ang maniniwala sa'yo?"
Written by: mystshade
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top