Special Entry: God's Command

SWORD #3: THE HONOURED

﹏﹏﹏

Description: Kapag ikaw ay nasa puntong binigyan ng misyon na may maikling oras, kaya mo bang mapagtagumpayan ito para sa ikaliligtas ng lahat? Kahit na walang naniniwala sayo? Kaya mo bang patunayan na ikaw ay karapat-dapat na pagkatiwalaan?

Why: Of course, para maging official member! Kasi sabi nila initiation ko na raw itong activity na ito eh. Kaya ayun, nag-join ako. Other than that, wala na. Char.

How: Hmm, 3 days of making. Pagkatapos namin magawa ang summary, lumipas muna ang napakaraming araw bago ako nakasulat. Hirap kasi akong mag-isip ng umpisa kasi ako ang starter. Nahirapan nga akong mag-narrate eh lalo na't may limit ang words. Well at least nagawa ko ang part ko whahaha.

---

Ethan's POV

Naglalakad na ako pauwi sa eskuwelahan. Halata sa bawat yapak ng mga paa ko ang aking inis. Sino ba ang hindi maiinis kapag hindi nabayaran ng kaibigan ang utang niya sayo?

Hindi ko namalayan na may nakabangga ako. Lalaki siya na may katangkaran at maputi, mga nasa 20s siya kung titignan mng mabuti. Mabilis naman akong nanghingi ng paumanhin at nilagpasan siya.

"I see that will God will use you mightily." Naguluhan ako sa sinabi niya ngunit pagtingin ko at nawala na siya. Anong nangyare? Multuhan lang ang peg? Pasensya na pero hindi ako duwag. Napailing na lang at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Teka, saan ba ako papunta? Hindi naman ito ang daan patungo sa bahay ko ah? Argh kainis! Ibang daan pala ang tinatahak ko!

Inis akong umuwi sa bahay at ibinagsak ang sarili ko sa kama. What a bad day naman. Gabi na pagtingin ko sa labas kaya nagtaka ako. Tumingin ako sa orasan ng telepono ko at 8:00pm na. Anong nangyare? Eh 3:00pm pa lang naman kanina ah? Ganon ba ako kabagal maglakad? Grabe ah, ano ako, uod?

At tsaka, sino yung taong nakabangga ko kanina? Itutulog ko na nga lang ito.

Mahimbing akong natutulog sa kama nang naramdaman ko ang paggalaw ng kama ko dahilan para ako'y magising. Anong nangyayari? Palakas nang palakas ang panginginig at nagumpisa nang pagbiyak ng mga pader kaya mabilis ako tumakbo sa takot. Anong nangyayari? Lindol?!

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang na ginagawa ko. Nagulat ako nang mabagsakan ako ng kahoy nung malapit na ako sa pintuan at sa ulo ko yon tumama. Tila nahilo ako sa sakit. Pilit kong tumayo at tumakbo palabas ng bahay. Tila napako ako sa kinatatayuan ko sa aking nasaksihan.

Mga tunog ng mga ambulansya at mga taong humihingi ng tulong. Mga gumuguho na mga gusali at mga nagpa-panic na mga tao. Mga taong duguan na iniiyakan ng kanilang kamag-anak. Mabilis kong pinahid ang luhang umaagos sa aking pisngi. Nabalik ako sa katinuan nang may sumigaw.

"ETHAN! TAKBO!" Napatingin ako sa kisame na pabagsak na sa akin kaya mabilis akong tumakbo. Pero dahil sa dami ng balat ko sa pwet, ay nabagsakan ako nito. Pero bakit nakatayo pa rin ako? Multo na ba ako? Binuksan ko ang mata ko at nagulat ako.

Anong nangyayari? Nasaan ako? Patay na ba ako at kaluluwa na?

Nasa loob ako ng isang buhawi na kulay alikabok. Parang nagtipon-tipon ang mga nasirang gusali kaya nagawa ito. Napatingin ako sa aking harapan at napatalon ako sa gulat sa aking nakita.

Isang lalaki na matangkad at makisig ang katawan. Maputi ito at nakasuot itong ng damit ba o blouse na kulay puti na may disenyo na kulay ginto. Napatingin ako sa kamay niya at namutla ako.

May butas siya sa kamay? Nanlaki ang mata ko at kumurap ako. Baka wala naman talaga, napa-paranoid lang ako. Pero nandoon pa rin eh! Napatingin ako sa lalaki at nanginig ako sa takot nang makita ko siyang nakatingin sa akin.

"You..." Napatingin ako sa paligid ko. Ngunit ako lang naman ang nandito kaya itinuro ko ang sarili ko. Lumapit siya  sa akin at inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko. Napatingala ako sa kanya dahil sa sobrang tangkad niya. Mga 10 ft. yata siya, tangkad noh? Pwede siya sa basketball.

"Tell them that all believes in me will be save. Go to the mountain of Arayat for I will shake this Nation." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Magtatanong pa sana ako pero nawala na siya. What just happened?

Pero nagulat ako nang sumigaw ang isang babae. Pamilyar ang boses niya kaya sinundan ko kung saan nanggagaling iyon.

Nagulat ako nang makita ko si Jenna na nakahandusay sa sahig dahil napatong sa kanya ang isang malaking kisame. Patuloy lang siya sa pagsigaw ng tulong at alam kong nasasaktan siya. Nang malapit na ako sa kanya, nagulat ako nang bigla siyang nawala.

Biglang nag-iba ang lugar na kinatatayuan ko. Okay, hindi ko na gusto ito. Mula sa gumuhong siyodad, ay naging isang lugar na hinding hindi ko makakalimutan, ang kwarto ko. Inilibot ko ang tingin ko dito at nagtaka ako. Alam ko gumuho ito kanina ah? Bakit parang wala manlang nangyari dito?

Umatras ako at nanginig ako sa takot sa mga sumunod na nangyari.

Bigla akong nahulog at puro dilim lang ang nakikita ko. Napasigaw na lang ako at ipinikit ang mata ko.

"Ah!" Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad. Panaginip lang pala ang lahat ng yun. Pero, totoo nga ba yun?

Bumangon ako mula sa kama at natapilok ako. Malas naman oh, bababa lang ang tao eh. Umupo muna ako sa kama ko at hinilot ang paa ko.

Matapos kong hilutin ay bumaba na ako para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at kinuha ang telepono ko at ti-next si Jenna. Kung itinatanong mo kung sino si Jenna, girlfriend ko siya--este kaibigan. Sa kanya ko muna sasabihin ang napaginipan ko. Pumayag naman siya kaya sinabi ko na magkita kami sa cafe.

•¤•¤•¤•

"Talaga? Napaginipan mo yun?" Aba ang kulit ah, ilang beses ko na kaya sinabi sa kanya na "oo"?

"Oo nga! Kulit!" Sabay gulo ko sa buhok niya. Tumawa siya ng malakas kaya sinabunutan ko siya.

"Panaginip lang naman yan noh, baka binangungot ka lang." Napatango na lang ako sa kanya. Sabagay, nakakatakot naman din ang panaginip na yon eh. Tinitigan ko na lang ang kape ko. Pero, paano kung totoo nga yun? Paano kung mapahamak nga kami?

"Hindi ka mananalo sa pakikipag-staring contest sa kapeng yan." Napatingin ako kay Jenna na kulang na lang eh mapunit ang mukha sa kakangisi. Ininom ko na lang ang kape hanggang sa maubos ito at binayaran. Napatigil ako sa paglalakad at tumakbo pabalik kay Jenna.

"Oh bakit?" Tinignan ko siya ng masama at mukhang naintindihan niya ang nais kong iparating at napakagat siya ng kanyang labi.

Nung aakma na siyang tatakbo at agad kong hinablot ang kanyang braso at napangiwi siya.

"Oo na, babayaran ko na!" Inis niyang wika at ngumisi ako. Akala niya makakatakas siya sa akin? Inis niyang kumuha ng pera sa kanyang wallet at binigay ang bayad ng utang niya sa akin. Agad ko namang kinuha iyon at tumakbo na pauwi.

Jenna's POV

Naku konti na lang talaga mapapatay ko na ang lalaking yun na wala sa oras! Basta pera, sugod! Padabog akong naglakad pauwi sa bahay. Pamasahe ko yung binayad ko sa kanya eh.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at kinuha ko ang telepono ko. Naka-receive ako ng message galing kay Ethan kaya agad ko namang pinindot ang "view".

Received (8:45pm)
Bakla (Ethan)

Thank you sa bayad ah! Naka-inom ako ng marami. :D

Napasapo na lang ako sa ulo ko. At kinuha niya lang iyon para magpakalasing?! Binato ko na lang ang telepono ko kesa sa sagutin pa siya. Replayan sa message ah, hindi yung sasagutin.

Kinuha ko na lang ang kumot at pinatulog ang sarili. Ano naman kaya ang gagawin ng lalaking yun? Maglalandi ng babae? Naku kapag nalaman ko iyon, ipapatapon ko siya sa pluto.

Time : 3:00am

Nagising ako dahil sa mahinang panginginig. Bumilis ang tibok ng puso ko soon at napalunok ako ng laway. Totoo yata ang sinabi ni Ethan, na palilinduhin ang buong luzon.

Napatalukbong na lang ako sa kumot habang nakikisabay sa panginginig. Kung nananaginip ako, gisingin ninyo na ako please. Nakahinga ako ng maluwang nang unting-unti humina ang panginginig. Napatingin ako sa wall clock at walanjo! 3:00am?! Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakatalukbong sa sarili ko at pilit na pinapatulog ang sarili. Antok dalawin mo ako please.

•¤•¤•¤•¤•

"So ano? Naniniwala ka na ba?" Tumango na lang ako habang pinupunasan siya. Naglasing pa kasi eh, hindi naman kaya.

Sa bahay lang naman niya siya naglasing. Nakahinga ako ng maluwang dahil doon. Pero dahil napaka-hina niya sa alcohol, iyan ang sakit sakit ng ulo. At ako pa talaga ang naisipan tawagan ah? Sakalin ko ito eh.

"Nagdududa pa rin ako. Paano kaya kung nagkataon lang?" Aniya na ikinatango ko lang. Kinalabit niya ako kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang speechless mo. Punasan mo na nga lang ito." Sabay hubad niya sa kanyang pantalon na ikinamula ng pisngi ko at ikinalaki ng mata ko. What the hell is he doing?!

Mabilis kong ibinalik ang pantalon niya habang namumula.

"Ano ba! Ang init eh." Napailing na lang ako. May tama pa itong lalaking ito. Kanina sinasabi na punasan tapos ngayon dahil ang init. Teka, pero hindi ko sinabi na gusto kong punasan yun o hawakan ah! Inayos ko na lang ang sarili ko at iniwan siyang nakatengga dun at naghanda ng isang balde ng malamig na tubig na may yelo pa.

Nang masiguro ko na malamig na malamig ito, humalagakhak muna ako sa tawa bago ito iakyat sa kwarto ni Ethan.

Ethan's POV

Ano naman kaya ang ikinakatawa ng babaeng yun? Nanonood ba yun mg comedy show? O sadyang baliw siya? Naramdaman ko ang mga yapak niya na papalapit kaya umayos ako sa pagkakahiga. Hindi ko pa rin maibuka ang mata ko. Nagulat ako sa sunod na nangyari.

What the f*ck?! Nabuhayan ang lasing kong katawan at nabangon sa kama habang namumutla. Tinignan ko naman ng matalim si Jenna na kulang na lang eh matanggal ang baga sa kakatawa.

"Oh ano?! Mainit pa ba?!" Tanong niya habang humalagakhak pa rin sa tawa at hinagisan ko siya ng unan.

"Ang lamig ng tubig, kapag ako nagkalagnat..." Sabay irap ko sa kanya.

2 weeks later

Lumipas ang ilang linggo at lumindol muli ng dalawa pang beses. Doon na kami nakumbinse na tama ang aking napaginipan. Kinaladkad pa nga niya ako palabas sumama lang ako papunta sa Mountain Arayat dun sa Pampanga.

"Pupunta ba tayo sa isang digmaan, Jenna?" Paano ba naman kasi, bukod sa mga pagkain at damit, meron siyang lubid, baril, kutsilyo, ewan ko ba. Basta lahat ng ginagamit sa digmaan. Meron pa ngang cross ni God eh. Christian kasi siya, kaya ganyan. While I'm Agnostic, I believe there's God but we can't know God. Bahala kang intindihin ang sinabi ko.

"Para handa! Malay mo may mangyaring masama." Inirapan ko na lang siya. Wala namang thunderstorms na inaasahan o anumang sakuna ah.

Hinablot ko na lang ang kamay niya at bumiyahe na. Bahala na kung ano ang mangyayari sa amin.

•¤•¤•¤•

Tahimik akong nanonood sa TV sa bus. Si Jenna naman, ayun nagbabasa ng bible. Religious naman ang pinapalabas kaya bakit hindi na lang siya manood?

Napatingin ako sa labas, wala palang halang ang kalsada. May malalim pang bangin.

Bigla na lang akong nagulat nang biglang lumiko ng malakas ang bus. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Jenna kaya namula ako.

Napatingin ako sa harap at nagulat ako nang pahulog na kami sa bangin! Hinawakan ko mg mahigpit si Jenna. Alam ko na nakatingin siya sa akin ramdam ko na naka-angat ang ulo niya.

Nagpa-gulong-gulong ang bus at halos hindi na kami magkahiwalay sa yakapan namin nina Jenna. Naririnig ko ang paghikbi ni Jenna kaya hinalikan ko siya sa noo. Pareho kaming nagulat sa ginawa ko. Bakit ko nga pala ginawa yun?

Binawela na lang namin yun hanggang sa maramdaman namin na tumigil na ang bus. Rinig namin ang singaw ng usok. Nagulat ako nang may sumigaw at napatingin ako sa driver naliligo sa dugo.

Nagsilabasan kaming lahat. May mga umakyat para siguro tawagin ang pulis. Nakayakap pa rin sa akin si Jenna. Ayaw niyang maglakad kaya ayun, bridal style ang ginawa ko. Wala akong pake kung pinagtitinginan kami. Umalis na kami papunta sa Mountain Arayat. Tinignan ko ang telepono ko at 200 km lang namam ang layo ng Mountain Arayat sa amin kaya lalakarin na lang namin ito.

•¤•¤•¤•

"Ano kaya ang nasa loob ng kwebang yun?" Napatingin ako sa kweba na madilim, mukhang malayo ang mararating mo kapag pumasok ka sa loob.

"Halika! Pasukin natin ito Ethan!" Aakma na siyang pumasok nang may lumitaw sa isip ko. Nasa loob kami ng kweba at madilim nga iyon. May nakita kaming lalaki nang may dalang kutsilyo at walang awang sinaksak si Jenna.

"Jenna 'wag!" Mabilis kong hinablot ang braso niya at iniyakap ko siya sa akin ng mahigpit.

Jenna's POV

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa pagkakayakap sa akin ni Ethan. Nakaramdam ako ng kuryenteng dumadaloy sa aking katawan at kay Ethan ko lamang ito nararamdaman. 'Di kaya...?

Hindi, imposible. At bakit naman ako magkakagusto sa lalaking ito? Oo gwapo siya, pero hindi ko alam kung ano talaga ang ugali ng isang ito.

"'Wag kang papasok Jenna, ayokong mawala ka..." Naguluhan ako sa sinabi niya. Napa-angat ako ng tingin at nagulat ako nang nakatitig pala siya sa akin. Dali-dali naman siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Halika na, pumunta na tayo sa Mountain Arayat." Hinawakan niya ang kamay ko at pinagpatuloy ang paglalakad. Ano kayang nangyayari sa akin? Ngayon ko lang ito naramdaman sa kanya. Paano kaya kung talagang...? Bahala na nga.

Ethan's POV

Ano itong nararamdaman ko? Mahal ko na nga ba si Jenna? Napailing na lang ako. Imposible, napa-paranoid lang ako.

•¤•¤•¤•

"Paano natin aakyatin ito?" Napatingala din ako sa napakataas na bundok. Matirik nga ito kaya mahirap akyatin. Bigla kong naalala ang lubid na dinala ni Jenna.

"Yung lubid na dinala mo!" Mabilis ko iyon kinuha sa backpack niya. May silbi rin pala ang pagdala niya ng mga yun.

Hinagis ko ang pagkahaba-habang lubid at umabot ito sa tuktok.

"Sa lubid ka kumapit, kaya kong akyatin ito." Buong tapang kong sabi at nagsimulang umakyat.

"Yabang." Bulong niya pero narinig ko pa rin dahilan upang mapatawa ako ng mahina.

"Ang mahuli may tae sa pwet ah!" Biro ko at umakyat ng pagka-bilis bilis. Narinig ko pa siyang sumigaw pero hindi ko na initindi yun.

•¤•¤•¤•

4 days later {'Di nga?}

"Paano ba iyan, Jenna? Ano ang nauna, ikaw ang may--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang kumulog ng pagkalakas-lakas at umulan. Napakalakas ng hangin at makaka-akyat na sana si Jenna nang maputol ng lubid kaya mabilis kong kinuha ang kamay niya at hinawakan ito ng napaka-higpit.

"Jenna! Kumapit ka! 'Wag kang bibitiw!" Buong lakas ko siyang hinatak pataas at sa awa naman ng diyos ay, nahatak ko siya. Nagulat ako nang yakapin niya ako.

"Salamat, Ethan."

•¤•¤•¤•

Someone's POV

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nasa bubong ako ng bahay.

Mga taong lunod sa tubig na abot hanggang dibdib, mga sasakyan na hindi mo na makita, mga taong lumalangoy patungo sa simbahan.

Okay, magpapaliwanag ako.

2 weeks and 6 days ago

"May sasabihin ako sa inyo..." Napatingin kami sa lalaki na nasa stage. Nagbubulungan nga sila kung ano ba ang sasabihin niya.

"Kailangan natin pumunta sa Mountain Arayat. Ayon sa lalaking aking nakausap, he will shake this nation." Nagulat kami.

"Saan mo nakuha iyan?"

"Sa panaginip ko po." Nagsitawanan kaming lahat.

Totoo pala ang lahat ng yun.

To be continued...

Written by: Miss251

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top