ENTRY #8: The Curse of Katana [Prequel of Perfectly Entangled]
Genre: Teenfic, Action, Fantasy & Romance
Description: Ang kwentong ito ay highlight ng prequel ng ongoing kong story, entitled PERFECTLY ENTANGLED. Dito makikita kung bakit action/fantasy/entangled love story (romance)/teenfiction ang genre ng kwento kong iyon. Anyway, sa season 2 lalabas ang lahat ng past at darkest secret ng book.
Sa paglalahad, medyo magulo ang kwento nila kasi buhul-buhol ang kanilang buhay. Pero sa prequel na 'to, ito ang dapat tandaan.
Si Shin at Yawne ay magkapatid na Azikawa.
Si Ruwi at Fujiero naman ay magkapatid.
Si Ruwi at Shin mag Bestfriend. 3rd Year Senior High sa Japan.
Si Yawne at Fujiero ay magbestfriend. 1st year senior high sa Japan. Member sila ng Katana Gang.
Si Shin ang Katana Gang Grand Master sa buong Japan at si Ruwi ang kanang kamay niya.
Si Yawne at Ruwi ay magbf-gf for 2 years.
Si Shin ay gf si Kheeyan.
Nagkaroon ng lihim na love affair sina Ruwi at Kheeyan kaya nagalit ang magkapatid na Yawne at Shin.
Okaye ang gulo diba? Lahat sila buhol talaga? Well, maiintindihan niyo yan kapag binasa ninyo ang story ko. Mahirap kasi magets ng ganito lang. Kulang na grabe sa character build up at malilito pa kayo.
Why: bakit ko sinulat ito? Dahil ito yung kwento na magpapakita ng tunay na kahuluhan ng pagkakaibigan at kwento ng magkapatid. Although maguguluhan kayo bakit pagkakaibigan, compressed kasi yan eh. Kulang pa. Nasa sunod pang chapter un. Pagkakaibigan kasi, kahit na magkaaway ang kuya nina Fujiero at Yawne ay nanatili pa rin silang magkaibigan. Si Fujiero ang example ng taong kakampi at papanig sa tama kahit pa kalabanin niya ang kanyang kapatid. Siya yung tipong hindi basta basta iiwan ang kaibigan. Masama man ang tingin sa kanya n kanyang kuya dahil kinampihan nito sina Yawne ay may mas mabigat siyang dahilan kung bakit niya yun ginawa at maiintindihan niyo lang yan kung sakaling mabasa ninyo ang kwento. Gusto niyang hanapin ang paraan kung paano matatapos ang sumpa sa kanyang kapatid.
Yun kasi ang ibig sabihin ng "Cursed of Katana".
How: Paanu ko nga ba ito sinulat? Actually nahirapan akong i-compressed at piliin ang highlight ng kwento, magulo kasi eh pero nagawa ko pa rin. Haha
----
Yawne POV
Kasama ko ang aking matalik na kaibigang si Fujiero na namili sa mall. Sabay na rin kaming umuwi dahil ihahatid niya pa ako sa amin. Kailangan niya raw kasing makausap si Kuya Shin.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang buksan ni Fujiero ang usapan tungkol sa amin ng kanyang kapatid.
"Alam ko na ang lahat, Yawne. Alam ko na ang ginawa ni Kuya sa inyo ni Kuya Shin."
Hindi ako sumagot, tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Sa totoo lang napakasakit ng ginawa ni Ruwi sa'ming magkapatid. Boyfriend ko siya at matalik niyang kaibigan si Kuya. Paano niya kami nagawang traydurin ng harapan? Sa lahat talaga ng babae na ipapalit pa sa'kin, bakit si Kheeyan pa? Bakit ang girlfriend pa ni Kuya? Ang girlfriend ng matalik niyang kaibigan? T*ng ina!
Tuwing naaalala ko 'yon parang gusto ko na rin mamatay. Hindi kailan maghihilom ang sakit na ginawa niya sa'kin. Minahal ko siya ng sobra, handa akong gawin lahat para sa kanya. Dalawang taon kaming magkasintahan at higit anim na taon silang magkaibigan ni Kuya. Paano niya nagawang sayangin ang panahon na 'yon para lang sa isang babaeng bagong kakilala na katulad ni Kheeyan? Paano niya ako nagawang saktan ng ganito?
Hindi ko namalayan, unti-unti na palang umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko talaga matanggap na ipinagpalit ako ng taong mahal ko sa kasintahan ng kaibigan niya.
"Sorry, hindi ko sinasadyang pag-usapan natin siya. Gusto ko lang sabihin sa'yo na kahit ganoon ang nangyari sa pagitan ninyo ni Kuya Ruwi, nandito pa rin ako, mananatiling kaibigan mo. Hindi kita iiwan, Yawne... Pangako 'yan." Seryosong sambit ni Fujiero habang nagmamaneho ng kanyang kotse. Ibinigay niya rin sa'kin ang kanyang panyo.
"Salamat, Fujiero."
"Nag-aalala lang ako para sa Karate Club. Apektado rin sila dahil sa nangyari."
"Oo, alam namin. Huwag kang mag-alala, aayusin namin ni Kuya Shin ang lahat."
Shin POV
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa'kin, Shin!" Sigaw ni Ruwi at nakikita ko sa kanyang katawan ang madilim na awra. Ang awra ng kamatayan.
Nasa kanya ang Katana na pinapangalagaan ng aming angkan. Ang makapangyarihang espada na pwedeng bumuhay sa patay at bigyan ito ng walang hanggang buhay.
"I...ikaw? I...ikaw ang huling napasailalim ng sumpa?" Uutal-utal na tanong ko. Kanina pa kami naglalaban ni Ruwi at kanina pa ako dehado. Marami na akong sugat sa katawan dulot ng hiwa ng espada. Nanghihina na rin ako sa dami ng dugo na nawala sa'kin. Masakit mang aminin pero mukhang ito na ang katapusan ko.
Pantay lang kami sa larangan ng Karate pero ang mapasailalim siya ng kapangyarihang espada ay hindi biro. Nawawala sa sariling katinuan ang taong may hawak nito, at tanging kamatayan lang ang gusto niyang manaig sa kanyang pagkatao.
Dumadanak na ang dugo sa aming bahay pero pinilit ko pa ring tumayo at harapin ang mga atake niya. Ilag sa kaliwa, ilag sa kanan. Kasabay ng kanyang mga atake ang iba't ibang combination ng martial arts na pinag-aralan namin sa mahabang panahon.
Kasabay ng pagwasiwas niya ng espada pakaliwa ang pagsalag ko nito. Pinilit kong tapatan ang lakas niya ngunit sa huli ay nanalo pa rin siya. Isang suntok sa sikmura ang natamo ko, ngunit dahil sa bilis niya at nagdidilim na rin ang paningin ko, ay hindi ko nakita ang isa pang suntok na diretso sa aking dibdib. Isang perpektong one inch punch na nagpatigil sa pintig ng aking puso. Nabitawan ko na rin ang espadang hawak ko.
"Ruwi!" Bulong ko habang unti-unti akong bumabagsak sa sahig. Ngunit hindi pa siya nakontento. Bago ko tuluyang ipikit ang mata ko, naramdaman ko ang isang matulis na bagay na bumaon sa aking sikmura diretso sa aking likod. Damang-dama ko ang sakit nito at ang pag-agos ng sariwang dugo sa aking tiyan at bibig.
Napahawak na lang ako sa balikat niya, ang balikat ng dati kong kaibigan na kakampi ko sa lahat ng bagay at lahat ng pagkakataon.
Mariin ko siyang tinitigan sa mata bago ako bawian ng buhay. Ngunit mas binaon niya pa ng husto ang espada sa aking katawan.
Kasabay ng pag-agos ng dugo ang paglabas ng kaunting luha sa aking mga mata.
"Bakit mo ito ginawa, kaibigan?" Huling salitang nabitawan ko bago ako malagutan ng hininga.
Yawne POV
Kararating lang namin sa bahay at magkasabay pa kaming pumasok ni Fujiero sa loob. Ngunit isang kagimbal-gimbal na bagay ang tumambad sa aming harapan. Agad kong nabitawanang aking bag at hindi ko napigilan ang paglabas ng mga luha sa aking mga mata. Si Fujiero naman ay nanatiling nakatayo na para bang hindi malaman ang gagawin.
Kitang-kita ng dalawa kong mata ang hawak ni Ruwi na espada at may mga dugo pang pumapatak mula rito. Nakatayo siya malapit sa katawan ng Kuya ko. Nababalot ng madilim na awra at nakakatakot na galit ang kanyang hitsura. Hindi ko maintindihan ang nangyari pero isa lang ang sigurado ako. Hindi na siya ang Ruwi na minahal ko.
"Kuya Shin!!!" Sigaw ko at tumakbo ako papalapit sa kanya, sa katawan niyang naliligo sa dugo at nakahiga sa sahig.
"Kuya! Kuya! Bumangon ka riyan! Huwag mo akong iwan!" Humahagulgol ako habang nagsasalita. Hindi ko malaman ang aking gagawin. Magkahalong galit, takot, sakit, hinanakit at pagkamuhi ang aking nadarama.
Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko upang gamutin ang mga sugat niya. Oo may kapangyarihan akong magpagaling ng mga sugat mula sa espadang Katana pero wala akong kapangyarihang ibalik ang buhay na wala na.
Patuloy ang pag-iyak ko habang niyuyugyog at hinahawakan ang mga sugat ni Kuya nang itutok ni Ruwi sa leeg ko ang Katana.
Napatingin ako agad sa kanya at hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding galit.
"Sige patayin mo ako, kung 'yan ng gusto mo!"
"Kuya Ruwi!" Sigaw naman ni Fujiero at aagd itong lumapit sa kanyang kapatid. Hinawakan niya ang kamay nitong may hawak ng espada. "Kuya, nakikiusap ako, umalis na tayo."
Pero hindi sumagot si Ruwi, tinignan niya lang ng blangkong ekspresyon si Fujiero.
"Paano mo nagawa sa'min ito, Ruwi? Paano mo nagawang saktan ako at ang kapatid ko na matalik mong kaibigan? Paano mo kami nagawang lokohin ng harapan?! Minahal kita ng sobra-sobra! Ibinigay ko lahat ng makakaya ko para maging matatag ang relasyon natin pero bakit mo ako nagawang saktan ng ganito? Bakit mo ako nagawang lokohin? Saan ako nagkulang?" Puno ng hinanakit at galit ang dibdib ko. Patuloy ang pag-iyak ko habang nakatitig sa kanya. Gusto kong malaman ang kasagutan mula mismo sa kanya.
"Bakit noong pinatay ako ng kapatid mo, naisip niya rin ba ang lahat ng kahihinatnan no'n? Noong humihingi ako ng tulong sa kanya, tinutulungan niya ba ako? Hindi 'di ba? Iniwan niya lang akong naghihingalo!" Galit niyang sumbat sa'kin.
"Hindi ka niya pinatay at hindi ka niya iniwan! Oo nasaktan ka niya ng pisikal ngunit wala siyang balak patayin ka! Pinuntahan niya ako para humingi ng tulong sa'kin ngunit pagdating namin doon wala ka na. Akala namin okay ka. Hindi namin alam ang sunod na mga nangyari!"
"Kasinungalingan! Ang sabihin mo, gumaganti kayo ni Shin dahil sa ginawa namin ni Kheeyan!"
"Hindi totoo 'yan!" Sigaw ko sa kanya.
"Kuya ano ba! Umalis na tayo rito!" Yaya ni Fujiero sa kanya.
"Oo aalis tayo rito at sa pagbalik ko, tandaan mo, Yawne... Uubusin ko ang angkan ng mga Azikawa at wala akong ititira maging ang mga kasapi ng Katana Gang!" Pinal niyang sabi sabay labas ng bahay. Naiwan naman si Fujiero sa tabi ko.
Fujiero POV
"Pasensya ka na Yawne, hindi ko alam kung saan ako lulugar sa inyo ni Kuya. Pasensya ka na talaga. Kailangan ko muna siyang sundan dahil baka kung ano pa ang sunod niyang gagawin."
Tumango lang si Yawne at muli niyang niyakap ang katawan ni Kuya Shin. Huli na ang lahat, wala na siya. Wala na ang tinuring kong panalawang kuya. Nawala siya dahil pinatay siya ng kaisa-isa kong kapatid.
Lumipas ang ilang lingo, sinubukan kong kumbinsihin si Kuya para isauli ang espada kina Yawne ngunit nagmatigas siya. Wala siyang ibang hinangad kun'di ang maghiganti at pabagsakin ang mga Azikawa. Hindi na siya ang Kuya na nakilala ko, masyado na siyang nilamon ng galit at poot sa dibdib. Siya ang mali mula sa simula pero nagmamatigas pa rin siya. Gusto niyang kampihan ko siya pero naisip ko, mali ang ipinaglalaban ni Kuya. Kaya ninakaw ko ng palihim ang Katana at ibinalik kay Yawne.
Gusto kong bumalik ang dating Kuya ko, ang Kuya ko na maalalahanin, mabait at mapagmahal. Kaya lahat gagawin ko upang hanapin ang taong magwawakas sa sumpa ng Katana. Ako ang mamumuno at ako ang tatapos sa misyon ng Katana Gang!
Hindi nagtagal, mula ng pamunuan ko ang Gang ay labis na nagalit si Kuya sa'kin. Dahilan upang umalis ako ng bahay dahil maging ako ay gusto niya ng patayin. Mula noon itinatag niya na rin ang Enforcement Team na naglalayong pabagsakin ang Katana Gang. Kailan man ay hindi niya naintindihan ang ipinaglalaban ko.
Ang layunin ng Gang na tapusin ang sumpa at maghanap ibang paraan upang bumalik siya sa dati ay sadyang mahirap. Pero kailangan alang-alang sa nag-iisa kong kapatid.
Sarado ang utak niya sa ibang ideya kaya walang akong nagawa. Kailangan ko siyang harapin upang matapos na ang lahat. Wala na akong nagawa kun'di ang labanan siya upang manatiling buo at iisa ang Gang
Ako laban sa kapatid ko!
Katana Gang laban sa Enforcement Team!
---
Written by: Falling_Destiny
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top