Entry #8: Protagonist Author

Description: Isang manunulat na nakapasok sa ginawa niyang sariling mundo. Ang paghihirap niya at pagsubok na nangyari sa kanya para lang matapos ang kuwento.

Why: Ako yung tao na ang main character ko ay nagagawa ko dahil sa insecurities ko sa katawan. Gusto ko ring pumasok noon sa mga stories kaya ko ito nagawa.

How: 2995k words. Hirap pa ako dahil sumobra na naman ako. Haha. Three days ko itong ginawa ng putul-putol dahil sa maraming pumapasok sa isip ko na pwedeng entry pero nastuck ako sa story na ito. Hindi gaanong maganda,pero nag effort ako. Nahihirapan ako talaga ,seryoso. Tamad kasi talaga akong mag-isip,hahaha. Ayaw ko sana itong ipasa ang kaso ayokong masira sa pangako kong makikipag cooperate sa activities. Yun lang.


---


Isa siyang butil ng asin sa isang garapon. Maraming butil ang nasa paligid niya,kagaya niyang nagpapalasa sa isang putahe. Importante pero hindi gaanong napapansin.
Pero sa mundong kanyang ginawa, siya ang natatanging bida. Ngunit,matutuwa pa kaya siya sa magiging takbo kapag siya na ang bida?

Nagtimpla siya ng kapeng nanghahamon ng away sa tapang ng aroma bago muling umupo sa harap ng kanyang Laptop. Mayroon siyang tinatapos na akda at nais niya sanang matapos na ito ngayon para makatulog na siya ng mahimbing sa kanyang malambot at komportableng higaan ngunit hindi pa pwede sapagkat inuudyok na siya ng kanyang amo na matapos ang akda niya. 

Isa siyang manunulat. Sa dinami-dami ng butil na nagnais mapasali sa kilalang palimbagan ay isa siya sa masuwerteng napasali.

Sa kanyang kwento na ginagawa ngayon,may isang babae na kilalang-kilala sa kanilang bayan. Nasa lumang panahon naganap ang lahat. Isang mayumi,mabait at matalinong babae ang kanyang bida,ang pangalan nito ay Nisa. Maraming may nais kunin ang kanyang kamay. Maging ang mga prinsepe sa kabilang bayan ay nais siyang makaisang dibdib.

Subalit may isang problema ang babaeng ito. May isang tao na nais itong nakikitang naghihirap. ~ang mahal na prinsesa,ang anak ng malupit na reyna. Dahil sa kagandahan niya kaya nabibighani lahat ng kalalakihan. Kaya naman nais ng prinsesa Esmeralda na patayin o di kaya'y pahirapan siya. Napakalupit ng prinsesa at halos walang magawa ang reyna sa gusto ng kanyang sutil na anak.

Napangiti siya nang maalala ang kanyang susunod na eksenang gagawin, ang gagawin niya ay hahabulin si Nisa ng mga kawal ng prinsesa sa isang pamilihan.

Habang nagsusulat siya ay hindi niya mapigilan ang pagsara ng talukap ng kanyang mata. Nilalabanan niya ito subalit hindi na niya kaya. Alas tres na ng madaling araw kaya naman talagang lupaypay na siya. Bigla nalang bumagsak ang kanyang ulo sa tiklado at nakatulog siya. Walang nagawa ang kanyang tinimplang kape. Kung anu-anong letra ang naitipa dahil sa ulo niyang nakapatong.

Ang hindi niya alam ay magsisimula na ang mahika sa kanyang pagtulog. Nagsimulang magtipa ng sarili sa monitor at biglang natipa ang salitang, "HULING KABANATA."

Nagising siya sa ingay ng mga tao sa paligid niya. Parang nasa pamilihan siya sa sobrang ingay at samu't-saring boses na sabay sabay na nagsasalita.

Paano siya napunta sa pamilihan? Ang alam niya ay nasa tahanan siya at nagsusulat.

Napansin niyang nakatayo siya sa gitna at ang damit niyang t-shirt at shorts ay naging mahabang damit na parang suot ng mga lumang tao sa inglatera. Matingkad ang kulay rosas niyang suot. Mahaba rin ang manggas nito na mula sa ilalim ng kanyang balikat hanggang sa kanyang pulso. Nakalabas rin ang itaas ng kanyang dibdib dahilan upang makita ang dibisyon nito. Mayroon siyang kwintas na hugis korona.

Biglang pumasok sa isip niya na ito ang suot ng kanyang bida sa likha niyang kwento,ang suot ni Nisa Fritz.

Natutop niya ang  bibig. Nagmura siya ng maraming beses sa kanyang isip. Hindi,panaginip lang niya ito. Sa papaanong paraan naman siya magiging si Nisa ? Eh isa lamang itong kwento.

Nakarinig siya ng tunog ng mga nagtatakbuhang kabayong palapit sa kanya. Napalingon siya sa likod niya at laking gulat nang makita ang mga armadong kawal ng reyna.

"Ayun siya! Hulihin ang babaing iyan!"sigaw ng kawal na nakasakay sa puting kabayo habang may hawak na matulis na armas.

Hindi siya makapaniwala, ang kanyang isinulat ay nangyayari ngayon sa kanya!

"Nisa! Takbo!" sigaw ng lalaking nakasuot ng sira-sirang damit habang nakatali ang kanyang mga kamay ng lubid. Mahaba ang kanyang buhok na parang hindi napasadahan ng ligo ang katawan. Nasa likod niya ang mga kawal. "Takbo na,bilis!!!!"

Wala na siyang nagawa kundi ang tumakbo. Pambihira,nakasuot pala siya ng takong at ang haba ng damit niya,tuloy kailangan niya pang itaas ng bahagya ang damit bago tumakbo kundi ay matatapilok siya.

Sandali lang,nangyari nga ang sinulat niya! Ibig sabihin,napunta siya sa mundo nito at ang malala pa,siya si Nisa sa panahong ito!

Naihawi niya ang mga taong nakaharang sa daan. Tuloy ,nagkandalaglagan ang mga dala ng mga ito at mga paninda. Mayroon pang nakalipad na manok dahil nasangga niya  ang may hawak niyon. Ngunit wala na siyang maisip pang paraan kundi ang tumakbo lang.

"Nisa! Dito!"napalingon siya sa sumigaw sa pangalan ni Nisa. Nakita niya ang lalaki sa kabilang daan. Ang lalaking nagsabi na tumakbo siya . Sumama siya rito saka sila tumakbo sa kabilang daan.

Nagpaliko-liko sila sa kung saan-saan hanggang sa mailito nila ang mga kawal.  Nagtago sila sa malaking kahon na imbakan ng malalaking gamit. Kasya lang silang dalawa roon.

Hingal na hingal sila nang pumasok. Huminga siya ng maluwag nang marinig niya ang mga yabag ng papalayong mga kabayo.

"Wooo. Grabe! Pakiramdam ko nabawasan ako ng sampung kilo sa pagtakbo." bigkas niya.

Ipinadapo ng lalaki sa kanyang hita ang malapad nitong palad. Napahiyaw siya sa lakas ng hampas nito.

"Aray naman!" daing niya. Nagdilim ang paningin niya sa lalaking hindi niya mawari kung taong grasa ba o istilo lang niya ang pagsusuot ng mga pinaglumaan at inamag na ng panahon. "Bakit ba?"

"Sinabi ko naman kasi sa iyong wag ka nang lumusong sa dagat ng pag-ibig ng prinsepe."

Saka naman niya naisip ang kwento ni Nisa at prinsepe  Gnimrahc(Nimrac).

"Nasaan si Nisa?" tanong niya na ikinakunot ng noo ng lalaki.

"Ikaw si Nisa."

"Hindi ako si Nisa."

"Ano ka ba,nakatira ka ba ng opyo? Ikaw si Nisa! Ang tintugis ng hayok sa pag-ibig na si prinsesa Esmeralda. Dahil sa iyo,nadamay ako sa pagtugis."

"MAKINIG KA SA AKIN,HINDI AKO SIYA. Ngunit ako ang gumawa sa kanya."naiinis na siya.

"Kung ganon,ikaw ang ina niya?"

Inikot niya ang mga mata sa inis."Haaayy. Paano ako makakabalik sa lugar namin?"

"Sssh. Wag kang maingay baka mahuli tayo."

"Kailangan kong makabalik. Kailangan kong makaalis rito. Alam ko na! Kailangan kong magising!"

"Magising? Ngunit gising ka na at hinahanap ka nila."taka nitong sabi.

"Sampalin mo ako."utos niya rito pero hindi ito kumilos. "Sige na please."

"Sige."sagot nito saka siya sinuntok sa pisngi.

"Aray! Suntok naman ang ginawa mo eh!"sinamaan niya ito ng tingin ngunit nagkibit balikat lang ito.

Pero bakit hindi siya nagising?

Bigla nalang may nagbukas ng takip ng kahon at ang mga matutulis na sandata ang tumambad sa kanila at  mga makulimlim na pagmumukha ng mga kawal.

"Dalhin siya!"hindi na siya nakapalag nang hawakan siya sa magkabilang balikat ng mga kawal at itali ang kanyang kamay.

Itinali siya sa likod ng kabayo at ipinahila rito. Mabagal lang ang takbo ng kabayo kaya hindi naman siya gaanong nahirapan.

Habang nasa daan ay nagdadasal siya na sana matapos na ito. Kapag namatay siya rito paniguradong hindi na siya makakabalik pa sa mundo nila. Naiyak nalang siya sa naisip.

"Hoy,wag kang panghinaan ng loob. Makakaalis tayo rito." ngiti ng lalaking kasama niya. Hindi niya alam kung bakit lalo siyang naiyak sa sinabi nito.

Pumasok sila sa palasyo,tinanggal ang pagkakatali niya sa kabayo at iginiya sila sa loob ng tanggapan ng palasyo. Magara at puno ng palamuti ang lugar na iyon. Mahaba ang daraanan bago ka makapunta sa harap ng trono ng reyna. Huminto siya sa gintong pintuan ng palasyo. Itinulak sya ng kawal kaya naman napilitan siyang pumasok kasama ang lalaking kasa-kasama niya kanina pa.

Nang makarating sila sa harap ay pinaluhod sila ng pwersahan.
"Binibining Nisa. Mabuti naman at narito ka na." Napatingin siya sa nakangising demonyong prinsesa. Pakiramdam niya nagsisi siya sa paggawa rito,pambihira sobrang taray ng mukha nito at hindi talaga gagawa ng kabutihan.

Tumayo ito sa trono katabi ng trono ng reyna. Lumapit ito sa kanya at iniangat ang kanyang mukha. Ang makinis at maputi nitong balat ay lalo pang pinaganda ng manipis nitong labi. Mayroon itong kulay langit na mata at ang buhok nito ay kulay ginto na kulot-kulot.

"Alam mo ba ang ginagawa ko sa duming katulad mo?Nilinis ko o di kaya'y tinatapon ko para mawala na sa landas ko."

"Grabe,pak na pak bes. Ang galing ng pagkakagawa ko sa iyo. Talagang kontrabidang-kontrabida."iyon ang tangi niyang nasabi sa sobrang mangha sa obra niya.

"PANGAHAS KA! Sino ka para pagsalitaan ng ganyan ang mahal na prinsesa?"sigaw ng heneral sa kanya.

"Ikulong siya!"

Itinayo siya saka hinila palayo. "Hala,grabe wait lang!"

Ipinasok siya sa isang madilim na selda. Sari-saring amoy ang malalanghap mo. Pahiwatig na marami nang nagdusa sa lugar na ito.

Sumiksik siya sa pinakagilid ng kulungan. Ngayon lamang siya nakulong sa buong buhay niya.  Itinukod nalang niya ang ulo sa tuhod at umiyak.

Kailangan niyang makaalis rito. Ngunit paano? Kung panaginip lamang ito,bakit kahit ano'ng gawin niya ay hindi siya magising. Bigla tuloy siyang naawa sa tauhang nilikha niya,ganito pala ang pakiramdam ni Nisa.Pakiramdam niya tuloy ang sama-sama niya.

"Nisa,huuy." nakakailang tawag na ang lalaki sa kanya. Nasa kabila itong kulungan. "Nisa,hoy Nisa!"

Napalingon siya sa pinagmulan ng boses. Humihikbi pa siyang lumingon sa nakangiting lalaki. Hindi niya man lang napansin kanina na ikinulong rin ito.

"Kabute?" kabute ang itinawag niya sa lalaking hindi nagpapakilala. Lumapit siya sa selda nito kung saan pwede niyang mahawakan ang kamay nito.

Ngumiti lang ang lalaki sa kanya. "Narinig kong paparating ang mahal na prinsepe. Ililigtas ka niya."

Si prinsepe Gnimrahc. Sana nga ay dumating na siya.

"Darating ang prinsepe. Mag-ayos ka para pagdating niya ay maganda ka."iniabot nito sa kanya ang kulay bughaw na salamin. May hawakan ito,ito ay ginagamit ng maharlikang tao.

Subalit hindi ang isang mayuming si Nisa ang nakita niya kundi siya mismo. Nanlaki ang bilog niyang mata sa nakita. Ang mabilog ngunit malamlam niyang mga mata  dulot ng pagpupuyat.

Bigla siyang nabato ng katotohanan. Hindi siya ang iniisip ng iba na siya,bagkus ang iniisip niya ang tunay na siya.

"Hindi ako siya." bigla niyang nasabi. Hindi maipintura ang mukha ng binata sa winika niya.

Sinuyod niya ito ng tingin. "Kaya ko itong pahintuin!"

Sa kanyang pagkakaalala,nakatulog siya sa harap ng kanyang kompyuter.  Sa kanyang balintataw ay naalala niya ang huling pangyayari na nasulat niya.

Papatayin siya ng prinsesa.

Iyon lamang ang huling pangungusap na nasulat niya bago siya hilahin ng antok.

Kung magagawa lang sana niyang sumulat ay mababago niya ang kuwento. TAMA!babaguhin niya ang kwento sa paraang gusto niya.

"Ako ang gumawa nito,ako lang din ang may karapatan na tapusin ito. Maniwala ka sa akin,kaya ko itong pahintuin,ako ang sumulat nito. "

"Oo sige,sabi mo eh. Ngunit kailangan mo nang gumawa ng paraan. Paano nalang kung hindi ka maligtas ng prinsepe?"

"Meron ka bang panulat diyan?"tanong niya rito.

"Wala ako'ng ganoon."iling niya.

"Paano na to?" tumitig siya sa lalaking hindi nagpakilala."Kailangan ko ng tulong mo,hanapan mo ako ng panulat. Sige na."

Nakita niya na ang mga kawal na papunta sa kulungan niya."Sino ang kausap mo?"

Hindi siya nakaimik.

"Ilabas niyo siya!" utos nito sa dalawang kawal na kasama nila.

Pumalag siya ngunit wala nang nagawa pa nang kaladkarin siya nito.

Dinala uli sya sa bulwagan. Nakita niyang nasa harap ng reyna at prinsesa ang prinsepe ng kabilang bayan.

Sa isang banda ,natuwa siya dahil gwapong tauhan ang nagawa niya sa prinsepe.  May kasama itong mga kawal. Nakasara ang pinto ng bulwagan. Maraming kawal roon na may kulay asul at pulang kasuotan.

Hinila siya ng prinsesa palapit  rito saka tinutukan ng espada."Hindi ka makikipag-isang dibdib sa akin? Pwes,magpaalam ka na sa mahal mo! Bwahahah!"

"Hindi maaari!"tiim-bagang na sigaw ng prinsepe saka bumunot ng sandata. "Ipaglalaban ko siya,sugod mga alagad!"

"Sugod!"sigaw ng mga naka-asul na kawal saka sumugod sa mga nakapula. Nagsimula ang pagdanak ng dugo sa loob ng palasyo. Maging ang reyna ay sinugod na.

Tinapakan niya ang paa ng prinsesa kaya nabitawan siya nito. Tumakbo siya palayo,papunta sa gilid ng palasyo. Puno ng takot niyang sinulyapan ang nangyayari sa loob.

Mapipigilan niya ang di kanais-nais na pangyayaring ito. Kailangan lamang niyang magtiwala na magagawa niya ang naisip niyang plano.

Hindi niya alam kung gagana ang plano ngunit hindi niya pwedeng pagmasdan lang ang karahasang nangyayari.

"Nisa!" sigaw ng pamilyar na boses kaya naman pumihit siya rito. Inihagis nito sa kanya ang isang maliit na papel at isang panulat.

"Salamat." abot tainga ang ngiti niya bago nagsimulang magsulat ngunit inagaw iyon ng mahaderang prinsesa. Itinapon nito ang papel kung saan nagsasagupaan ang mga alagad nito at ng prinsepe.

Sinampal siya nito na ikinabuwal niya,naitapon niya ang panulat,napunta ito sa sulok. Sa inis niya tumayo siya agad saka nakipagsabunutan sa prinsesa. Itinulak niya ito at pinagsasampal. Kung alam lang niyang mangyayari ang lahat ng ito sana pala binigyan niya ng kapangyarihan ang bida niya nang magamit naman niya ito para sa prinsesa.

Maabot lang niya ang panulat,makakatikim talaga ito ng hampas ni hudas.

Napasandal ito sa pader na kulay ginto kaya naman inuntog niya ito roon. Nawalan ng malay ang malditang prinsesa.

"Nasaan na iyon? Pambihira talaga,ayoko na! Kailangan na itong matapos!" hanap niya sa panulat.

Ibinalik niya ang paningin kung saan niya huling nakita ang panulat. Natuwa siya nang makita iyon. "Ayun!" patakbo siyang pumunta roon subalit may humarang na kawal sa daan niya.

"Hala,kuya peace tayo." sabi niya rito sabay ngiti ng alanganin. "Mama!" napasigaw siya nang itaas nito ang espada at akmang hahatiin  siya sa gitna. Tumakbo siya palayo rito ngunit nahila nito ang paa niya dahilan para madapa siya at masubsob ang mukha niya sa sahig. "Anak naman  ng ano oh!"

Napatingin siya sa humila ng paa niya. Nakangisi pa ito sa kanya. Buong lakas niyang sinipa ang mukha nito na ikinatiimbuwang nito. Gumapang siya palayo at maaabot na sana ang panulat nang hilahin naman siya palayo ng kawal na kanina niya pa kaaway.

"Ano ba,si Mike Enriquez ka ba? Ayaw mo akong tantanan ah!"sigaw niya rito. Nasugatan nito ang hita niya dahilan para maputol ang damit niya at umagos ang dugo sa hita niya. "Araay!"

Lalo pa siyang nasaktan nang tapakan nito iyon.
"Aray,kuya. Doble na ang hapdi!" hindi niya mapigilan magreklamo sa sakit ng ginawa nito. Ngumingisi pa talaga ang demonyo.

"Katapusan mo na!" tutusukin na sana siya ng espada nito. Napadasal at napapikit nalang siya ng wala sa oras,pakiusap sana ay magising na siya kung panaginip man ito.

"Arh!" narinig niyang sigaw ng kawal kaya napadilat siya ng mata. Nakita niya si prinsepe Gnimrahc sa harap niya kasabay ng pagbagsak ng sugatang kawal sa kanya. Nakadilat pa ang mga mata nito.

"Uwaa!" sa takot niya,pinagsasapok niya ang mukha nito. Naawa naman ang prinsepe kaya tinanggal niya ang kawal sa pagkakadagan nito.

"Nisa."niyakap siya ng prinsepe kaya napahawak narin siya."Akala ko mawawala ka na sa akin."

"Oo na. Sige mamaya nalang." kumalas siya sa pagkakayakap nito saka ininda ang sugat niya.

"Ako na'ng bahala."sabi ng prinsepe saka tinalian ang hita niya ng tela.

"Salamat. Ngunit kailangan kong makuha iyong panulat."itinuro niya ito. Nagtaka naman ang prinsepe pero hindi na nagtanong pa at kinuha ang panulat. Pagkabigay nito sa kanya ay bumalik na ito sa pakikipaglaban.

Wala na siyang mahanap na pwedeng pagsulatan kaya naman ginamit na niya ang katawan niya at doon nagsulat. Nagsimula siya sa palad niya. Maliliit na letra ngunit nababasa.

"Nagapi ng mga kawal ng prinsepe ang kawal ng palasyo. Sinaksak ng prinsepe ang huling kawal na buhay pa."bawat sinusulat niya ay sinasabi niya rin upang bumisa.

Natuwa siya nang gumana ang naisip niyang solusyon. Nakita niyang sinaksak ng prinsepe ang kawal.

"Nagdiwang ang lahat at ipinakulong ang reyna at prinsesa. Dumating ang pinuno ng kagawaran ng katarungan at idiniin ang reyna sa salang pagnanakaw sa kaban ng bayan." hindi na nagkasya pa sa palad niya kaya naman sa braso na siya nagsulat.

Naghiyawan ang mga nagwagi. Dumating nga ang makisig na ministro at ipinadampot ang reyna at prinsesa,nagprotesta pa ang prinsesa ngunit wala na itong nagawa nang dakpin siya.

Umabot ang ngiti niya sa magkabilang tainga. Napaupo nalang siya habang pinagmamasdan ang nanalong panig na sabay-sabay nagdiwang.

Sa wakas tapos na.

Tapos na nga ba?

Nakita niyang napatingin ang prinsepe sa kanya. Lumapit ito at niyakap siya. Kahit hindi niya isinulat ay kusa itong gumalaw upang gawin iyon. Napayakap nalang din siya rito.

Lumapit sa kanya ang lalaking nakasama niya. Nakangiti ito sa kanya. "Bibigyan mo ba ng magandang wakas ang kwentong ito?" tanong nito sa kanya.

Tumango siya. Ibibigay niya ang magandang wakas para sa prinsepe at kay Nisa. Hindi man perpekto at puno man ng pagsubok ang buhay nila,nararapat lamang niya bigyan ito ng kaligayahan sa huli.

"Namuhay si Prinsepe Gnimrahc at  Nisa ng maligaya sa palasyo at nakabalik ng ligtas ang may-akda sa tunay niyang mundo. Wakas."

Pagkatapos niyang magsulat ay bigla namang nahinto ang oras sa mundong iyon. Tanging siya lang ang may kayang kumilos. Sumulpot sa likod niya ang isang malaking salamin. Umilaw ito at para siyang inaakit na pumasok rito ngunit bago pa man siya makapasok ay nakita niya muna ang repleksyon niya sa salamin. Nakangiti siya sa repleksyon subalit hindi naman talaga siya nakangiti.

Bago pa man siya lamunin ng liwanag ay tumanaw muna siya sa mga tauhan sa kwento. Nakita niya ang tauhang si Nisa kung saan siya nakapwesto kanina. May sugat rin ito sa hita gaya niya. Kumaway sa kanya si Kabute. Napakaway lang din siya hanggang sa nawala na siyang bigla roon. Saka lang niya naalala na tumigil ang oras ngunit bakit nakakaway ang lalaki?

Humahangos na nagising siya. Napahawak pa siya kanyang dibdib sa sobrang hingal. Nasa harap na siya ng kanyang laptop. Napatingin siya sa sinulat niya. Sa wakas! Natapos na ang panaginip niya!

"Totoo ba ito? Nakabalik na ako?"hinawakan niya ang kanyang mukha pati ang laptop niya. Kinuha niya ang maliit na salamin sa ilalim ng drawer. "Oo nga,ako na nga ito!" ang damit niya ay hindi na tulad ng damit ni Nisa.

Nagtatalon siya sa tuwa."Nakabalik na ako!nakabalik na ako!!"

Akala niya matatapos na ang buhay niya roon. Salamat nalang at panaginip lang ang lahat.

Tiningnan niya ang akda niya. Nagulat siya nang makita na nakatipa na ang kwento na nangyari sa kanya sa panaginip niya. Paano'ng nangyari iyon? Hindi ba't panaginip lang ang lahat? Ang weird. Natapos na pala niya ang storya,kaya ba napanaginipan niya iyon?

Ngunit meron siyang naalala.
Ang lalaki na nakasama niya at tumulong sa kanya... Ang misteryosong lalaki na iyon.

Ay wala sa kuwento na ginawa niya.

---the end.

Written by: mystshade

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top