ENTRY #7: Can't Be Shared

Genre: Teen Fiction

Description: Masyadong mabilis ang pangyayari dahil pinaikli ko sya. Yun din ang dahilan kung bakit diko ito madescribe.

Why: Nang malaman kong hatred, betrayal, at death ang theme, ito talaga ang unang pumasok sa isip ko. In fact, matagal ko nang pinag-iisipan na gumawa ng istoryang ganito, mahaba sana kaso wala akong time. T_T Kaya sinulat ko at sana nagustuhan nyo! This is my first time!

How: Sa totoo, wala akong pinagkunan ng idea. Sulat lang ako ng sulat. Kapag walang naisip, brainstorming. Tapos pahinga. Mayamaya sulat ulit. One day of reminiscing. Two days writing of the plot. Kahit simple lang ito at walang thrill. Lol. Mahirap din pala. Haha

-----

Time has been running too fast. Masyadong mabilis na hindi ko na matandaan ang bawat araw na lumipas. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, kahit pasko ay nakalimutan ko na.

Sumabay ang kulot at mahaba kong buhok sa hampas ng hangin na nanggagaling sa timog silangan. Taglamig na ngunit bakit tila yata mainit pa rin ang mga luhang dumadaloy sa aking magkabilang pisngi. Pinunasan ko ito gamit ang palad na naging sanhi kung bakit ako nagkakaganito.

Kulay kahel na ang langit at nasisigurado kong malapit nang dumilim ang paligid. 

"I miss you, Cindy." Tears fell down to my cheeks like a raging river, walang tigil. I missed her a lot. I missed her so much. For I remember her smiles I saw a long time ago. Nakakapanibago. 

"Can you please... hate me no more?" Naiiyak kong sabi habang pinagmamasdan ang nasa ibabaw niya. Pinupulot ang mga nagkalat na tuyong dahon sa puntod niya. "S-sorry sa nagawa ko."

But, am I really deserve her forgiveness?

"Are you done?" Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harap ko. I felt guilty, no, I felt regret for what happened from my past. I feel like.. the memories about my selfishness came back and born again for a purpose. 

"You think she will be happy? Sa kasal natin?" Tanong ko sa lalaking kaharap. Hindi sya agad nakasagot. Tumitig sya sa akin na para bang alam niya na kung bakit ganoon ang tanong ko.

Humikbi ulit ako. Nawawalan ng pag-asa. Pilit na pinapakalma ang sarili kahit mahirap gawin iyon.

"Why not?" Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Don't feel sorry about it, Ella. About the thing you've done before. It wasn't your fault." Ngumiti ako ng mapait.

Inangat niya ang baba ko upang maglevel ang aming paningin. "Okay?" Tumango ako. Huminga ng malalim. "Now, get up. Its getting dark here. We have to go." Tumayo na ako at hinawakan siya sa braso.

Siguro nga kailangan ko na lang tanggapin ang katotohanang wala na siya, wala na talaga siya. Kahit ako man o hindi ang may kasalanan niyon, ang maling ginawa ko ay hindi na dapat tularan pa. Dahil walang katumbas ang sakit na dulot ng pagkamatay ni Cindy sa sakit na dulot ng kahit ano pa man. Wala nang mas sasakit pa doon lalo na't alam mong ikaw ang may silbi sa nangyari. Ngayon, ang mga alaalang labis kong pinagsisihan, iniyakan.. kailangan kong tanggapin at kailangan ko nang kalimutan..

Pumikit ako ng mariin. Dinadama ang bawat hakbang palayo sa kapatid ko.

***

"Siya ba iyong Romart na sinasabi mo, Cindy?" Tanong ko pagkatapos pasadahan ng tingin ang lalaking naglalakad patungo sa resto.

Tumango ang kapatid ko tsaka ngumiti. Narito kami ngayon sa isang mall kung saan namasyal ang ultimate crush ni Cindy. Ewan ko ba dito, masyadong stalker kaya sinamahan ko na.

"Ang gwapo niya, diba ate?" May kilig sa tinig na tanong niya.

Umiwas ako ng tingin. "Hindi naman masyado."

Napawi ang malapad niyang ngiti. "Haynaku, ate Ella! Alam kong nauumay ka na kasasama sakin. Kung gusto mo, mamasyal ka muna. Mag-ikot ka. Magkita na lang tayo-"

"Hindi na, Cindy. Samahan na kita." Putol ko.  

"Sigurado ka?"

"Yep." Sabi ko, nakatingin kay Romart.

"Huwag mong sabihin na crush mo din sya?" Nanliit ang mga mata ni Cindy.

Tumaas ang isang kilay ko. Naexpose tuloy ang gamit kong Avon True Color Wide Awake Mascara. "So what, Cindy?"

Parang literal na umusok ang ilong niya sa narinig. Natawa ako. "Mang-aagaw ka talaga!" Galit na sabi niya tsaka ako tinalikuran.

Napaawang ang bibig ko. Nagugulat sa sinabi niya.

"Cindy, ano ka ba! Joke lang yun!" Natatawa kong sabi habang hinahabol siya.

"Joke ang mukha mo!" Sigaw niya. Inirapan ako. Lumabas na siya ng mall.

Napakaprangka niya talaga. Sanay na ako sa ugali niyang ganun. Minsan, kahit simpleng asaran ay napipikon agad siya.

Nang maiwan ako doon ay nakaisip ako ng magandang ideya.

Dali-dali akong pumasok sa resto dala ang mga cupcakes na ginawa namin kanina. Para daw ito kay Romart. Nakalimutan ibigay ni Cindy kaya ako na lang ang magbibigay. Tutal may kasalanan ako sa kanya, para hindi na siya magalit sakin.

Palapit na ako kay Romart ng mapansin niya ako. Kumunot ang noo niya.

Ngumiti ako ng makalapit. "A-ah.. uhm, pinabibigay ng kapatid ko. Si Cindy Buenavente." Inilahad ko sa kanya ang isang balot na chocolate cupcakes.

Tinanggap niya ito. Nagtataka.

"Cindy Buenavente? The psycho?"

Nawala ang magandang ngiti ko sa labi.

"Excuse me? Psycho? Ibang Cindy ata ang sinasabi mo!"

Nagkibit-balikat siya.

"Well, isang Cindy Buenavente lang ang kilala ko. The girl who always stalking me."

Hindi ako nakapagsalita. May parte sa isip ko na naniniwala sa sinasabi ng lalaking ito. Dahil ang totoo, minsan ko nang narinig si Cindy na kinakausap ang sarili. Binabalewala ko na lang dahil alam ko naman na ganoon sya, lalo na pagdating sa crush niya.

"Bakit.. mo nasabing psycho ang kapatid ko?" Curious na tanong ko.

Bumuntong-hininga siya.

"One time, when she grabbed me outside of my classroom with an urgent, I was staring like an idiot that time.. curious and shocked. She introduced me to her so called bestfriend, but I didn't see anyone.. anything. I pretended to because she seemed so bright and happy, laughing to an invisible thing only she can see. Sabi niya pa, kapag daw namatay siya.. kami ng invisible bestfriend niya ang magkakatuluyan. Thats weird. She's weird, actually."

Natulala ako.

"By the way, thanks for the cupcakes. Whats your name?" He asked.

"Ella." Nagawa ko pa ring sumagot sa tanong niya kahit na.. hindi ko na kaya ang mabigat na pakiramdam.

"Nice meeting you."

"Same to you."

At umalis na ako.

***

Dumaan ang mga araw na hindi kami nagpapansinan ni Cindy. NapakaOA niya talaga. Nagbibiro lang naman ako.

Ilang beses ko ring nakikita si Romart sa campus. Kilala ko na kasi ang hitsura niya. Minsan, binabati ko sya at nagngingitian kami. Minsan naman ay dedma lang.

Naging abala ako sa mga buwan na walang kumakausap sa akin. Patapos na ang taon ngunit hindi pa rin ako pinapansin ni Cindy, kahit sa bahay. Kaya naman tumango na ako sa alok ni Romart. Mamasyal daw kami mamaya kung gusto ko. Pumayag ako.

Sa totoo lang, ilang alok na ang ginawa ni Romart pero lagi akong humihinde sa kanya. Baka kasi magalit si Cindy kaya ganun. Pero ngayon, siguro naman pwede na. Baka sabihin niya trying hard ako dahil lagi akong tumatanggi. Elem ke keseng nenlelegew sye. Enebe! Hehe

Tsaka pake ko dun kay Cindy! Mang-aagaw ako? Eh kung ipakita ko sa kanya lahat ng inagaw niya sakin!? Yung room kong violet? Yung malaki kong teddybear? Yung mga gummybears kooo? Yung damit kong floral with crisscross revealing my cleavage? Mga gamit kong inagaw niya!! Ngayon, sino sa aming dalawa ang talagang mang-aagaw!? Haaa??

"Alright. Sunduin kita sainyo?" Tanong niya.

"Okay.. Sige.." Tumango-tango ako.

Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong nagsisi kung bakit nagpasundo pa ako kay Romart. Makikita siya ni Cindy!

Narinig ko ang busina ng sasakyan. Hudyat na mayroong paparating. Hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko si Romart sa labas na may dalang isang bouquet. 

Napatingin ako sa taas. Sa may veranda. Doon ay nakita ko si Cindy, matalas ang kanyang mata at parang nagpipigil ng galit. Nanlamig ako.

"Lets go?" Nakangiting yaya ni Romart sabay bigay sakin ng flowers.

"Yeah." Tugon ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Pumasok ako at muling liningon si Cindy. Nabigla ako nang ngumiti siya. Eh?

***

Katapusan ng Marso. Busy ang lahat ng estudyante para sa kanilang huling mga projects. May natanggap akong text mula kay Romart. Napangiti ako. Three weeks na kami.

Romart:

Good morning, baby! I'm done with my presentation. What about you? Maybe I could help?

Me:

No need, baby! Matatapos na ako.

Habang nag-eencode ako sa aking laptop para sa gagawing thesis, may nagvibrate sa aking cellphone, may tumatawag.

Kumunot ang noo ko nang tingnan kung sino iyon. Sinagot ko ito.

"Hello? Cindy?"

"Ate Ella! Help me, please! Babarilin ako ng bestfriend ko! Papatayin niya ko!" Hinihingal na sabi ni Cindy sa kabilang linya.

"Wait, what happened? Nasaan ka?" Nag-aalala kong tanong.

"Sa rooftop! Sa rooftop, ate! Bilisan mo! Natatakot na ko! Sa rooftop ng LAT Building!"

Pinatay ko ang tawag. Mabilisan kong sinara ang laptop. Nilagay ko ito sa lalagyan at sinabit sa aking balikat. Tumakbo ako paakyat ng hagdan. Papunta sa kapatid ko..

Nang nasa pinakataas na ay nagmadali akong hanapin si Cindy. Hinihingal pa ako ng mag-ikot doon.

Ngunit.. hindi ko sya makita, hindi ko sya mahanap. Bigla akong kinabahan.

Nagulat ako ng marinig si Cindy sa likod ko. May hawak siyang baril!

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan.

"Kung hindi mo sana inagaw sa bestfriend ko si Romart, hindi sana ako magagalit sa'yo."

"Inagaw mo eh!" Parang bata ang boses niya.

Naestatwa ako. Lalo na nang itutok niya sakin ang baril.

"Cindy, please.. don't do that to your ate.." Pagmamakaawa ko.

"Ate? Hmm. Alam mo bang hindi tayo tunay na magkapatid?"

"What? No! Magkapatid tayo, Cindy! Hindi mo yan magagawa sa kapatid mo!"

Nawawalan na ako ng pag-asa. Eto na ba ang katapusan ko?

"Hindi tayo magkapatid! Alam mo ba kung bakit?" Ngumiti siya, ngiting-aso.

Bakit ngayon ko lang ito napagtanto? Dapat pala sinabi ko na kay daddy at mommy noon pa na may problema sa pag-iisip si Cindy!

"Sabi ni Daddy, kay Cinderella daw galing ang pangalan nating dalawa. Nagtaka ako nun kasi nauna kang ipanganak kaysa sakin kaya dapat ikaw si Cindy at ako si Ella, right?"

What? Hindi ba pwedeng mas bagay talaga sa akin ang pangalang Ella, kaya ganun?

"You are too overacting, Cindy. Hindi totoo yan." Sabi ko. Nanlulumo.

"Yes, it was true! Nakita ko mismo sa DNA result natin na hindi tayo magkapatid, biologically. We were just abandoned by our parents because they couldn't have a child. Now, don't ever call me sister cause we're not! You are bound to death. Say you bid goodbye.."

Kakalabitin niya na sana ang gatilyo nang ihampas ko sa kanya ang isang tubo na nakita ko malapit sa paanan ko. Natumba siya kaya nabitawan niya ang baril. Dali dali ko itong pinulot. Ngunit! Hinawakan niya ang paa ko.

"Hayop ka!" Sigaw niya.

Nadulas ako at nauntog sa may pader. Dumugo ito. Ang sakit!

Sinipa ko ang baril palayo sa kanya. Hawak hawak niya pa rin ang isang paa ko kaya tinadyakan ko ang kamay niya. Napasigaw siya.

Tumakbo ako papunta sa baril. Papunta sa kung saan, may pag-asa akong mabuhay. Sa kung saan.. kahit papatay man ako, masasalba pa rin ako.

Nang makuha ko na ito, huminga ako ng malalim. Handa nang pumatay..

Liningon ko si Cindy. Nakatayo na siya. Nakatingin sa akin. Ang kanyang mata ay nagmamakaawa. Naiiyak.. Handang sumuko. Sapagkat, huli na ang lahat.

"Ate Ella..." nanlulumo niyang sinabi.

Imbes na paputukan, mabilis akong naglakad papalapit sa kanya. Inihampas sa ulo niya ang hawakan ng baril, kung saang parte may mali siya..

Nang mawalan siya ng malay, kinuha ko ang kamay niya at hinila ito patungo sa kung saan siya nararapat, sa kung saan mapagkakamalan siyang baliw, sa kung saan pwede siyang magsuicide. Buong lakas ko siyang tinulak.

Maya-maya. Sumilip ako sa baba. Maraming tao. Nakadapa ang kapatid ko. Maraming dugo sa ulo. Nanghina ako.

"I'm sorry, Cindy. We can't be shared." Bulong ko. 

-----

Written by: gutinstinct

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top