Entry #5: The Grimoire Game
Napaliligiran ako ng mga Akuma, hindi ko alam kung paano ko magagawang makatakas sakanila. Si Aelliya ay ganun rin at pansin kong pagod na siya.
Sana'y hindi namin pinakelaman ang libro, sana'y wala kami sa lugar na ito.
"Kung magagawa niyong malampasan ang mga akuma ay makakamit niyo ang Talent na ninanais niyo.", sabi ng boses na hindi namin alam saan nagmumula.
Sa ngayon ay may 7 talent nalang ako, yun ay tumakbo, lumaban, dumipensa, at apat roon ay napanalunan ko kanina.
Samantalang si Aelliya ay 4 nalang, dumipensa, tumakbo at liksi ng isip, Isa roon ay napanalunan niya.
Dinumog na ng mga akuma si Aelliya at ang sigaw ng paghingi ng tulong ang naririnig ko.
Inipon ko pa ang natitira kong lakas at tumalon ako ng napakataas, isa sa mga talent na napanalunan ko ay maging matalim na espada ang aking mga kamay.
Lahat ng sumunod sakin sa ere ay hiniwa ko lahat, pababa ay inapakan ko sila isa-isa hanggang nakalapit ako kay Aelliya.
Dumidepensa lang siya mula sa mga atake ng mga akuma. Kaya ng lumapag ako sa kanyang tabi ay hinawi ko lahat ng nasa paligid gamit ang aking BladeFist-Talent. Ang talent na napanalunan ni Aelliya ay PhoenixWing-Talent. Pero sa pagkakataong ito ay wala na siyang lakas.
Isinakay ko na siya sa aking likod at sinuong ang nagkumpulang mga akuma. Ginamit ko na ang lahat ng natitirang Talent ko. Eagle's eye, Superior Reflex at Warrior's Courage.
Habang buhat ko siya ay tumakbo ako ng napakatulin at ang lahat ng humarang ay hinihiwa ko na parang papel.
Natatanaw ko na ang pinto. Ang pinaka huling pinto.
Ngunit!
Ngunit biglang may lumabas mula sa kadiliman na halos 12 na talampakang ang laki.
"Azazel!!!", sigaw ng mga akuma.
Wala na akong pagpipilian kaya hinarap ko siya. Humingi ako kay Aelliya ng pagsangayon, hindi siya tumutol.
Nagulat ako dahil inilabas niya ang kanyang PhoenixWing. At hinawakan ako sa aking balikat at inilipad.
Matulin siyang bumwelo na parang sinasabing kailangan namin matalo ang Azazel na yun.
Tinira niya kami ng apoy at nailagan namin yun. Tuloy-tuloy ang pag atake niya saamin.
At ang huling pagkakataon. Ibinuhos ko na ang lahat-lahat para sa isang tira. Lumipad kami ng napakataas, at bumulusuk pababa.
"Aelliya!!!"
"Gillfred!!!"
Sa tulin ng aming pagbulusok pababa ay nakalikha kami ng apoy na bumalot samin.
Itinuon ko ang lahat ng aking konsentrasyon sa aking BladeFist patungo sa kanyang dibdib.
Tumagos ako mula sa dibdib niya at tumumba siya. Nasindak ang mga akuma at umatras sila ng bahagya.
Ginamit namin yun para tumakbo papunta sa pinto.
*-*-*-*-*-*-*-
"Gilfred! Gilfred!", naririnig ko ang isang boses. Kaya binuksan ko ang aking mga mata.
"Aelliya!!", niyakap ko siya.
"Nakabalik tayo Gilfred".
Tumayo kami, nakita ko ang libro at kinuha ko ito at ibinalik sa shelf, isang tagong bahagi ng shelf.
"Sana ay wala ng makakita sayo.", nakangisi kong sabi.
Umalis kami ni Aelliya, at ramdam ko na nasa amin parin ang mga Talent na napanalunan namin mula sa Grimoire Game.
Written by: ButiNalangTanga
Description: Ang kwento na ito ay umiikot sa isang mundo na kung tawagin ay Grimoireal Eternity, na nag-eexist sa loob ng isang libro. Naikulong sa libro na yun ang isang Primal-Jinn ang Pangalan niya ay Azazel. Nakita ang libro ng dalawang magkaklase sa loob ng library at accidentally na nagawa nilanv makapasok sa loob nito.
Why: Isinulat ko ito para malaman ng iba ang kakayahan ko sa pagsusulat ng Fantasy na story. At malaman nila na sa totoong buhay ay kahit anong meron ka ay pwede mo pang maimprove ito kung desidido ka na mapanalunan yung talent na gusto mo (idiomatic).
How: Naisip ko ang concept na ito dahil sa monter rancher. Pero nananaig sa isip ko yung concept ng dark fantasies na nababasa ko.
------------
For more of his works, please follow ButiNalangTanga. Thank you and God bless.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top