Entry #5: Stays

Description: Maaari nga bang maging posible ang imposible? Isang hangad na nabubuhay lamang sa panaginip at pantasya. Iyong hangad kaya'y maaari maging posible? O ito'y mananatiling nalang imposible?

Why: Dahil malapit na ang deadline. Wahaha. Joke. Dahil ito 'yong pangawalang naisip ko para sa gantong activity. Di ko na nasulat 'yong una dahil ang hirap haha. Buti nalang talaga may ganto pa kong napulot mula sa aking utak haha.

How: Actually, medyo nahirapan ako dahil ilang buwan na ako hindi nagsusulat nang matino hahaha. Sinulat ko 'to nang may determinasyon. Naks nemen. Promise, mamatay ka man haha. Basta basahin mo nalang, no choice ka haha. Chaar. Buti rin may napulot ang determinasyon. Nakalimutan ko saan galing pero basta haha.


~>•<~

Sa isang mababang dalampasigan, may isang dalagang libang na libang sa panonood ng mga batang naglalaro sa ibaba.

May ngiti sa kanyang labi habang siya'y mag isang naroon.

Ngunit iyon lamang ang inaakala niya dahil mula sa ilang hakbang ay may binatang nanonood rin sa kanya.

Ang dalaga'y nakaupo sa lupa habang ang mga palad ay nakatungkod rin rito. Hindi alintana ang duming makukuha.

Tumingala ang binata para makita ang langit at tinignan ang sariling anino para malaman kung anong oras na. Nang malaman niya ang tamang oras ay nagmartsa na ito patungo sa dalaga.

Ngunit napahinto ito sa gulat matapos marinig ang malakas na halakhak ng dalaga. Awtimatikong napatingin ang binata sa ibaba kung saan naglalaro ang mga bata. Hindi naman nila narinig ang paghalakhak ng dalaga. Kaya pala ganoon na lamang ang reaksyon ng dalaga, ang isa sa mga pinakamaliit na mga batang naglalaro ay natisod at ngayo'y umiiyak na. Mabuti na lamang ay tinulungan siya ng mga batang kalaro niya at hindi tinawanan katulad ng ginawa ng dalaga.

Huminto na ang dalaga sa paghalakhak at napalitan rin ng ngiti.

Nang makalapit ang binata sa kanya ay nagsalita na ito. "Oras na, Isabela."

"Oh." Nagulat ang dalaga sa pagsulpot ng binata. Nilingon niya ito at nanatili sa kanyang posisyon. "Anong ginagawa mo dito?" Binalik niya muli ang paningin ngayon sa mga batang naglalaro ng piko.

"Isabela, hindi ka ba naiinitan diyan sa puwesto mo? Nakatirik ang araw."

Tiningala naman niya ang matirik na araw. Tinakpan niya ang mata dahil sa pagkakasilaw at ipinikit ang kabilang mata.

Gumuhit rin ang ngiti sa kanyang labi. "Ang ganda." Gumalaw ang ulap dahilan para matakpan ng ulap ang araw.

"Hindi ka na maaaring manatili pa rito, Isabela. Kailangan na nating umalis."

Nilingon naman siya ng dalaga. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Ang alam niya kasi ay wala siyang gagawin sa araw na ito kaya't narito siya sa mababang dalampasigan.

Humakbang ang binata sa kanya upang lumapit pa. Ngumiti ito. Ipinagtaka naman ng dalaga ang ikinilos niya.

"Mula kaninang umaga, simula nang ihatid kita rito, narito ka lamang habang libang na libang sa panood ng mga naglalarong bata."

"Nasagot ba niyan ang aking katanungan?"

"Hindi siguro dahil hindi mo ako naintindihan."

Nagulat muli ang binata sa paghalakhak ng dalaga. "Hindi kita maintindihan." Ibinalik ang paningin sa ibaba.

"Dahil ayaw mong intindihin ang katotohanan." Ani ng binata. "Isabela, umalis na tayo."

"Ayoko, Edwardo. Gusto ko pang manatili rito." Wala na ang ngiti sa kanyang labi. Nawalan ng emosyon ang kanyang muka.

"Ngunit kailangan na nating umalis."

"Bakit? Sagutin mo ang tanong ko para maintindihan ko."

"Sinagot na kita ngunit hindi mo pa rin naintindihan."

Yumuko ang dalaga. Tumayo at lumayo mula sa binata. Naiingayan siya rito at hindi na niya marinig ang pinag uusapan ng mga bata sa ibaba.

"Kung aalis ka ay umalis ka." Ani ng dalaga. Umupo ito. Gumuhit agad ang ngiti sa labi nang makita ang mga ngiti rin ng mga bata.

Lumapit ang binata at tinabihan muli ang siya. "Huwag ka nalang gumawa ng ingay, Edwardo. Hindi ko sila marinig."

Tumahimik nga ang binata. Nasa isip nito'y hindi niya na pwedeng hintayin pa ang dalaga katulad ng ginawa niya kahapon.

Ngunit anong magagawa ng binata? Kahit anong gawin niya ay hindi siya pinaniniwalaan ni Isabela.

"Magpahinga muna tayo!" Sigaw ng batang pinakamalaki sa kanila. Huminto naman sa paghahabulan ang mga bata at sila'y umupo at nagpabilog. "May sasabihin ako sa inyo."

"Ano?" Tanong naman ng mga kalaro niya.

"Alam niyo ba? Magkakaroon daw ng pagtitipon mamaya." Masayang ani ng bata.

"Bakit daw may pagtitipon?" Tanong ng batang natisod kanina.

"Ah, nakalimutan ko."

"Bakit mo kinalimutan?"

"Hindi ko sinasadya. Nakalimutan ko lang talaga--"

"UMUULAN!"

Dali daling nagsitakbuhan ang mga bata pauwi dahil sa maliit na ulan.

"Huh?" Agad naman sumibangot ang muka ng dalaga pagkatapos ng paglisan ng mga bata.

Napangiti ang binata. "Halika na. Tayo'y nababasa."

"Pero--"

Hinila ng binata ang kamay ng dalaga. Sila'y tumakbo patungo sa karwaheng siyang ginamit ng binata patungo rito. Ito'y may apat na gulong at isang kabayo sa harapan. Mabuti na lamang ay may silong ito sa harapan at sa mismong upuan.

Binuksan ng binata ang pintuan ng loob at inalalayan ang dalagang makapasok. Nang makapasok ay dumalo naman siya sa harapan upang kontrolin ang kabayo.

Tinanggal niya ang taling nakatali rito sa bato at sinakyan na ang kabayo.

Habang sila'y nasa karwaheng umuusad, walang ibang maririnig kundi ang takbo lamang ng kabayo. Tahimik ang dalaga at ganoon din ang binata. Ngunit binasag rin ito ng dalaga.

"Saan tayo tutungo?" Walang emosyong tanong niya. Nakayuko  siya habang ang mga kamay ay nanatili sa mga hita. "Edwardo, bumalik tayo."

Sinagot naman siya ng binata. "Hindi ko maaaring ipaalala sa iyo ang ating tutunguhan."

Agad naman siyang nagtaka at nag angat ng ulo. "At bakit?"

"Dahil hindi mo ako paniniwalaan." Sagot nito.

"Ano? Iyan ka na naman. Hindi uli kita maintindihan. Kung ito'y iyong ihahayag, aking malalaman. Kung hindi ko malalaman, lalong 'di ko paniniwalaan."

"Hindi mo ako paniniwalaan." Ulit niya.

"Sige. Huwag mo nang ipaalala dahil wala naman akong dapat maalala. Saan mo ako dadalhin?" Tinanong niya iyon na may kunot sa noo.

"Sa iyong dapat paroonan."

Nadismaya siya sa sinagot nito. Napahilamos niya ang isang kamay sa muka dahil rito.

"Kung mayroon man akong dapat paroonan, iyon ay ang mababang dalampasigan."

"Isabela, araw araw kang naroon pero hindi na ngayon. Simula sa araw na ito, hindi ka na maaari pang bumalik sa mababang dalampasigan."

"At bakit?" May kataasan ang tonong pagbabalik ng usapan niya sa binata.

"Dahil hindi na maaari--"

"Edwardo, ipaliwanag mo para maintindihan ko! Bakit hindi na ako maaaring bumalik roon?"

"Dahil  ang lugar na iyon ay hindi tama sa iyo."

" Iyan na ba ang walang kwenta mong paliwanag? Edwardo, walang makakapagsabing hindi ako nararapat na naroon."

"Mayroon."

"Imposible ang sinasabi mo! Wala akong magulang o kahit na sinong mas mataas pa ang nariyan para sabihing hindi na ako maaaring bumalik pa."

"Mayroon."

"Imposible!" Malakas na sigaw ng dalaga na imposibleng hindi marinig ng binata. "Bakit ganito? Anong ipinaglalaban mo?" Natahimik ang dalaga sa sariling tanong dahil kahit anong itanong niya ay hindi niya makukuha ang dapat na isagot.

Pumikit ito at sa kanyang pagdilat, ito'y nag isip.

Ngunit sa kanyang pag iisip, ipinakita muli ang senaryo kung saan nakakita siya ng isang piraso ng papel noon. Binasa niya ang mga nakasulat rito.

Patawarin mo ako. Mahal kita.

Pagkatapos pumasok ng senaryong iyon sa utak niya, nawalan muli nang emosyon ang kanyang muka. Ngunit kumuyom ang mga kamao.

"Edwardo, iliko mo ang kabayo."

"Hindi maaari--"

"Babalik ako sa mababang dalampasigan!"

Kasabay noon ay ang pagtulo ng kanyang luha.

"Itigil mo na ang pagtutol sa akin, Edwardo. Kahit ngayon lang." Naroon ang kahinaan ng boses.

"Ngayon lamang kita tinutulan, Isabela. Nakalimutan mo na naman ba ang mga ginawa ko para sa iyo?" Tanong ng binata sa dalaga.

Napailing siya. Wala siyang maalalang tinulungan siya nito. Tanging pagtutol lamang ang kanyang naaalala.

"Wala akong nakalimutan." Puno ng kumpyansa sa sariling aniya. "Wala."

"Kung sasabihin ko bang mayroon at iyon ay marami, maniniwala ka?" Nagtanong muli ang binata.

"Kung totoo, bakit hindi?"

"Paano mo nalamang totoo kung hindi mo pa naman nalalaman?"

Hindi sumagot ang dalaga.

"Gusto mong malaman ang totoo—iyan ang sinasabi mo. Ngunit ika'y nagkakamali dahil kahit anong katotohanan ang sabihin ko, hindi mo paniniwalaan dahil ito'y katotohanan."
"Kahit anong katotohanan iyan, kung imposible ay mahirap itong paniwalaan." Sagot ng dalaga.

"Mismo, Isabela." Pag sang ayon ng binata. "Hindi mo iintindihin ang mga sasabihin ko dahil naniniwala kang imposible lahat iyon."

"Totoong namang imposible. Una, mayroon akong magulang—imposible. Pangalawa, hindi na ako maaaring bumalik sa mababang dalampasigan—imposible!"

"Ngunit iyan ang katotohanan, Isabela. Anong maaari kong gawin para ako'y iyong paniwalaan?"

"Imposibleng paniniwalaan kita. Sa unang pwesto, hindi na kapani paniwala."

"Posible." Sagot ni Edwardo. Mabilis napanganga ang dalaga.

"Tama na. Itigil na ito. Sinasayang mo ang oras ko--"

"Prinsesa Isabela." Ani ng binata.

Agad nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa sinabi ng binata.

"Hiniling mo sa aking huwag na kita tawaging prinsesa kung tayo lamang ang magkasama noong nakaraang tatlong taon."

Ang mga salitang iyon ay nagsilbing susi para makabukas na naman siya ng panibagong senaryo sa kanyang utak. Doon naalala ng dalaga. Sampung taon ang nakakaraan, bumisita ang prinsipe Erwardo sa palasyo ng prinsesa Isabela upang makipaglaro muli. Simula nang malaman ng ama ng prinsesa Isabela na gusto nito ng makakalaro ay nag imbita ito ng ibang hari at itong anak sa kanilang palasyo upang matupad ang kagustuhan ng anak. Simula noon, palagi nang dumadalaw ang prinsipe Edwardo sa kanilang palasyo. Namuo ang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang magkalaro.

"Prinsesa Isabela, paano mo nakalimutan ang iyong ama't inang nag aalala sa iyo? Paano mo nakalimutang mayroon ka pang dapat uwian?"

Nanatili ang pagkagulat ng dalaga sa mga sinasabi ngayon ng binata. Ang mga salitang binitawan ng binata ay nagbigay ulit ng panibagong susi para buksan ang bagong senaryo sa kanyang utak. Doon muli naalala ng dalaga. Labing limang taon ang nakakaraan, isang matamis na gabi mula sa kuwarto ng prinsesa Isabela. Gumuguhit ito ng imahe ng palasyo sa kuwaderno. Naroon sa kanyang ginuguhit ang sarili, ama at ina. Pati ang totoong kasuotan ng mga iyon ay kanyang iginuhit. Ang kani-kanilang korona, buhok at mga ngiti ay kanyang isinama. Wala nang mas tatamis pa sa ngiti niya noong pinuri siya ng ina ganoon na rin ang ama sa kakayahan nitong gumuhit kahit hindi gaanong totoo.

"Tinitiyak kong naaalala mo na ang iyong sarili at pinagmulan ngayon."

Ngunit ganoon na lamang ang pagkakagulat ng dalaga sa salitang 'pinagmulan' na dinaig pa ang pagkakagulat sa mga sinabi ng binata noong una. Ang pagkakagulat niya ngayon ay dinala siya sa isang senaryong pinagmulan ng kanyang pagbabago.

"Ang ganda ng iyong pagkakaguhit sa aking balbas." Biro ng ama ni Isabela. Pagkatapos ipakita nito sa ina, tumakbo siya sa kanyang ama naman para ipakita ang kanyang pagguhit.

"Maniniwala po ba ako, aking mahal na ama?"

"Oo." Natawa ang hari sa tinanong ng anak. "Bakit mo naman hindi paniniwalaan ang aking sinabi?"

"Hindi po kasi totoo. Imposible din na maganda ang pagkakaguhit ko sa balbas mo."

"Hindi imposible iyon, anak. Ang sinasabi ko ay katotohanan." Nakangiting opensa ng ama sa kanyang anak na ngayo'y napangiti din.

"Maniniwala po ako dahil ikaw ang nagsabi." Binigyan niya ang ama ng matamis na ngiti at yakap.

Masayang nagbalik ang maliit na prinsesa sa kanyang silid. Binigyan niya muli ng isa pang ngiti ang kanyang iginuhit. Tinupi niya ito nang maayos at naghanap ng pwedeng lalagyanan nito para maitabi.

Inikot niya ang paningin ngunit hindi pa rin siya makakita ng lalagyanan.

Sa ilalim ng kanyang kama, siya'y naghanap roon. May isang parihabang gawa sa kahoy ngunit makinis. Kinuha niya iyon. May kalumaan na ang parihabang iyon. Hinipan ni Isabela ang mga alikabok.

"Ano naman kaya ito?" Tanong niya sa sarili. "Tama, ngayon ko lang sinilip ang ilalim ng kama ko kaya siguro nagkaroon na ito ng mga alikabok. Ngunit..." Natigilan ang bata sa pagsasalita. "Bakit narito ito? Ayon sa aking kaalaman ay laging narito ang ilan sa matataas na alipin upang linisin ang aking silid at nililisang malinis."

Dahil sa pagtataka, ito'y kanyang binuksan.

Naglalaman ito ng isang pirasong papel. Sa kanyang edad, hindi niya kayang basahin ang mga salita roon. Kumunot ang kanyang noo dahil kahit gusto niyang malaman ang sinasabi ng papel, hindi niya maaaring gawin.

Sakto namang may pumasok na isang mataas na alipin sa kanyang silid.

Tumingin si Isabela rito. Hindi na pinagtaka ng bata na wala na namang suot na kahit anong emosyon ang babaeng iyon. Palaging ganito ang kanyang itsura.

Ngunit ang ikinagulat ni Isabela ay ang pagsasalita nito.

"Nakita mo na pala iyan, mahal na prinsesa." Yumuko ito.

"Nagsasalita ka na!" Ngumiti pa ang babae kaya lalong nagugulat ang bata.

Lumapit ito kay Isabela. Nasa isang pirasong papel ang paningin. "Nababasa mo ba ang mga salitang iyan, mahal na prinsesa?"

"Hindi. Wala pa akong kakayahang magbasa." Sagot ng prinsesa. "Ngunit maaari mo bang basahin para sa akin?"

"Patawarin mo ako, mahal na prinsesa, dahil ako'y tatanggi." Mabilis na nagtaka ang prinsesa.

"At ang dahilan ay?"

"Mas gugustuhin mo itong mabasa ng iyong sarili dahil ito'y importante."

Pagkatapos bigkasin ang mga salitang
iyon ay tumalikod na ang tiga paglingkod. "Pinapunta ako rito ng iyong ina para silipin ka. Aalis na ako."
Lumabas nga ng silid ang babae. Binalik muli ni Isabela ang papel sa parihabang kahon at ibinalik ito sa ilalim ng kama.

"Mababasa rin kita sa tamang panahon."

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Sa mabilis na paglipas niyon ay unti unti ring nakakalimutan ni Isabela ang kagustuhan niyang mabasa ang nakasulat sa papel.

"Labing limang taon ka na. O kay bilis ng panahon." Nakangiti ani ng kanyang ina.

Ngumiti rin naman siya. Ngunit ito rin ay napalitan ng pamumuo ng luha. "Ina, magpagaling ka. Kayo ni ama." Kasabay ng kaarawan ni Isabela ay ang pagkakaroon ng sakit ng ama niya. Ngunit ang sakit naman ng kanyang ina ay lumala.

Noon ay may sakit na ang kanyang ina. At sa pagdating ng panahon, ito'y lumalala.

Pagkatapos ng maiksing pag uusap ng kanyang ina, kinausap niya naman ang ama at hiniling rin na magpagaling sila. Naroon naman ang mga manggagamot sa tabi ng kanyang magulang.

Pumasok ang dalaga sa kanyang silid na may namumulang ilong at mata. Sa kanyang paghiga sa kama ay nag isip isip siya ng maaaring magawa para sa kanyang mga magulang.

Doon ay naisip niyang ipatingin muli ang kanyang iginuhit sampung taon ang nakakaraan. Kinuha niya ang parihabang kahoy na naglalaman ng kanyang iginuhit.

Ngunit sa kanyang pagbukas niyon ay nagulat siyang hindi lamang ang kanyang iginuhit ang naroon. Kundi ang isang piraso ng papel na sobra na ang pagkakaluma.

Naalala niyang gusto niya nga palang basahin ang mga salita roon. Kinuha niya ito at binasa.

Patawarin mo ako. Mahal kita.

Nang basahin niya iyon, tinawag niya ang isa sa mga matataas na aliping nagsabing importante ito. Nang makapasok ang babae, ito'y napangiti muli.

"Nabasa niyo na, mahal na prinsesa."

"Oo. Kanino ito nanggaling?"

Lumapit ang babae sa prinsesa. "Mula iyan sa iyong tunay na ina."

Agad nangunot ang noo ng dalaga.

"Si Raquel, isang araw rito sa palasyo, may estraherong dalaga ang pumarito." Nananatiling kunot ang noo ng dalaga. "Hinarang siya ng mga kawal nang magtangka itong pumasok sa palasyo. Naroon ako. Dinaluhan ko ang iyong tunay na ina at ang agad niyang salubong sa'kin ay dalhin raw kita sa reyna. Hawak niya ang isang magandang sanggol na mahimbing na natutulog, ikaw. Ang sabi niya pa ay ibigay ko ang papel na iyon—iyan." Turo niya sa papel na hawak ng dalaga.

"Kinuha ka nga ng reyna at tinanggap. Ibang kasiyahan ang idinulot mo sa hari at reyna kaya napagdesisyunan nilang gawin kang anak. Samantala, ang iyong tunay na ina ay namatay dahil sa kanyang sakit."

"Mayroon pa bang katibayan?" Nakayuko ang dalaga.

"Mayroon. Tanungin mo ang iyong ama't ina."

Nagtungo ang dalaga sa kanyang ama. Tinanong niya rito ang katotohanan. Itinanggi iyon ng kanyang ama ngunit nang makita ang luha ng sa kanyang muka ay sinabi nga nito ang totoo. Katotohanang wala siyang dugong bughaw.

Simula noon, nag iba ang takbo ng buhay ng dalaga. Simula noon, inisip niyang wala siyang magulang, hindi siya prinsesa, walang kahariang naghihintay at palaging nalang na nasa mababang dalampasigan.

Palagi niyang hinihiling kay Edwardo na samahan siya sa mababang dalampasigan.

"Nagpapahatid ka sa akin sa mababang dalampasigan ngunit ang dahilan nito'y kailanman hindi mo binanggit. Maaari ko bang malaman?"
"Wala akong dugong bughaw. Hindi nila ako totoong anak." Lumuluhang sabi ni Isabela.

"Oo. Alam ko iyan." Ani Edwardo. "Ang dahilan ba kung bakit ka lagi nasa dalampasigan ay para makita lagi ang mga batang naglalaro?"

"Oo."

"Bakit iyon ang dahilan?"

"Dahil dapat isa ako sa mga batang iyon! Nabubuhay sa normal na pamumuhay! Nakatira sa lugar na iyon at hindi sa palasyong hindi ko dapat ikalagyan!" Sigaw ng Isabela habang lumuluha.

"Ngunit IMPOSIBLE, Isabela." Huminto ang kabayo ni Edwardo. "Bumaba ka na riyan at narito na tayo."

Binuksan ni Isabela ang pintuan. Tumambad sa kanya si Edwardo. Ang suot nito'y naging terno.

"Ang imposible ay nabubuhay lamang sa panaginip at pangarap-mga bagay na hindi kalalagyan ng posible. Sa ngayon, kailangan mo ng itigil ang iyong pangarap. Dahil sila'y naghihintay, mahal ko."

Tinuro ni Edwardo ang mga mamamayan, ilang pamahalaan at ang ina at ama ni Isabela na naghihintay sa kanila. "Kinakailangan nila ng bagong reyna at hari. Mangyayari lamang iyon pagkatapos ng ating pag iisang dibdib."

Tinignan ni Isabela sila. Silang lahat ay malungkot. Agad itong pinagtaka ni Isabela.

"Ngunit hindi magaganap at maibibigay ang kanilang pangangailangan kung iniwan mo ang iyong koronang naghahayag na may dugo kang bughaw." Ani Edwardo. Kinapa naman ni Isabela ang kanyang ulo. Wala roon ang kanyang korona.

"Dahil iniwan mo iyon sa mababang dalampasigan." Naaalala nga ni Isabela na iniwan niya ito roon. Kapag dumadating siya roon ay iniiwan niya iyon ngunit kapag lumilisan ay ito'y kanyang muli ibinabalik sa ulo para makita ng kanyang mga magulang. "Ngunit, hindi pwede itong matuloy."

May inalagay si Edwardo sa ulo ni Isabela—ang korona. Kinuha ito ni Edwardo bago nila lisanin ang lugar kanina. "Maaari na nating ituloy ang ating pag iisang dibdib na iyong pinagsang ayunan. "

Nang magising si Isabela, idinilat niya ang mga mata.

Doon ay naalala ni Isabelang pumayag siyang hahalili siya sa pwesto ng ina kahit wala siyang dugong bughaw. Ang kagustuhan ng kanyang mga magulang ay kanyang sinunod dahil sa pagmamahal niya sa kanila.

Sa kanyang gilid ay naroon si Edwardo na pinapanood siya sa pagtulog.

"Maganda umaga, mahal ko." Bati niya.

Napangiti naman si Isabela.

"Mamaya na ang ating pag iisang dibdib, ika'y maghanda na." Ani Edwardo.

"Oo, salamat sa pagpapaalala." Makahulugang anito. May parte kay Edwardo na nagtataka sa kanya. "Huwag kang mag alala. Ang aking pangarap ay mananatiling imposible dahil ito'y imposible."


Written by: RengRnsy






















































Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top