Entry #5: Kung Ika'y Liligaya
•••
D
escription: lahat ng tao ay may karapatang maging masaya, pero pano kung ang tadhana'y hinahadlangan ka? Ipaglalaban mo ba siya? Siya na may iba habang ikaw nga-nga?
Why: dahil gusto kong isulat ito, paki niyo ba? Di, joke lang! Hehehe. Siguro, bakit ko isinulat ito? Iyon ay dahil gusto kong balikan ang aking naranasan sa nakaraan, at magbigay aral sa karamihan.
How: naalala ko kasi ang kaibigan ko.
PLAY THE MEDIA BEFORE YOU PROCEED
•••
Tanda-tanda ko pa no'ng huli tayong magkita.
Sabi mo pa nga non "kapag lumaki ako, gusto kong maging doktor, dahil gusto kong paghilomin ang mga pusong nasasaktan."
Napakadal-dal at napakakulit mo pa, tinanong mo pa nga ako n'on kung ano ang gusto ko eh "ang gusto ko lang naman mahalin mo ako na higit pa sa pagiging magkaibigan."
Minsan iniisip ko, sana ako nalang, sana ako nalang ang mahal mo kahit na alam ko naman na malabo iyong mangyari.
Pero malay mo naman diba? Sa kada punta natin dito sa bakanteng lote, sa palaging pagcomfort ko sa'yo, maging pwede ang Imposible.
Alam kong siya lang ang mahal mo, alam kong siya lang ang tinitibok at hinahanap ng puso mo, at ako? Lagi lang narito, laging nakikinig sa mga sinasabi mo.
Gusto kong pahiran ang mga luha mo, gusto kong sabihin na "kung ako lang sana ang minahal mo, hindi ka sana masasaktan ng ganito."
Mahal kita, mahal mo siya, mahal ka ba niya?
Ninais mong lumuwas sa maynila para malimotan siya, ninais mong magpakalayo-layo habang ako'y naiwan ditong mag-isa.
Pero asan ka na nga ba talaga?
Sana sa oras na bumalik ka, makalimotan mo na siya, na sana makayanan mo na din akong mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanya.
***
Labis akong natuwa nang muli kitang makita, subalit hindi ko inakala na sa pagbalik mo may iba ka nang kasama, at ito ang dahilan kong bakit ka ngayon ganyan ka saya.
Sabi mo pa "boyfriend ko" ng nakangiti "sana magkasundo kayong dalawa."
Nais kong maiyak, pinilit kong ngumiti at nakipagkamay sa kanya kahit na ayokong makita ka na may kasamang iba.
Gusto kong paghiwalayin kayong dalawa pero bakit ko naman yon gagawin, diba? Kung ikay liligaya sa piling niya,
Ang gusto ko lang nama'y lumigaya ka.
Written by: iamEJL
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top