Entry #4: Inlove Ako sa Bestfriend kong BADING!!
"Yummy Abs."saad ni Alshan na tila kinikilig pa.
Kainis!Ba't ba ang hilig niya sa mga Lalaki?
"Akin na nga yan!"inis na sabi ko saka hinablot ang cellphone niya.
"Ang KJ mo.Patingin lang naman."pangungulit niya pa.
Dahil sa inis ko,naitapon ko bigla iyong cellphone niya.
"Ba't mo tinapon?Sayang yung picture."nanghihinayang na saad niya.
"Alam mo,nakakainis ka na!Sobra!Ang labu-labo mo!Bwiset ka talaga!"naiiyak na sumbat ko sa kanya.
Alam kong wala akong karapatang magalit o di kaya nama'y mainis.Pero tao lang din naman ako eh.Nasasaktan.
Agad na akong lumayas sa harap ni Alshan.Baka mawalan pa 'ko ng kontrol,mayakap ko pa siya.
Nakakainis!Maiinlove na nga lang,sa bakla pa?Nakakatawa diba?Hindi ko nga alam kung bakit naging bakla yun eh, ang gwapo naman.
'Wag na wag ko lang talagang mabali-balitaang may BOYFRIEND na siya.Baka,itanan ko pa sya ng di oras.
********
Kinakabahan ako.Ano ba naman kasing nasinghot ni Alshan at inilista pa 'ko sa 'Show Your Talent' dito sa school?Bwiset.Masusuntok ko talaga yun pagnagkataon.
Sana naman mapaayos ko ang pagkanta,Dahil kung hindi,kahihiyan ang kahahantungan ko.Ayoko pa namang maging peymus dito sa school ng dahil lang dun.
Huwag ka lang talagang magpapakita sakin ngayon,Alshan baka masubsob ko pa yang pagmumukha mo sa putik.
Tamang-tama ang pagdating ko sa backstage dahil ako na ang kasunod.
******
Salamat naman at nakakanta ako ng maayos.Ang galing ko talaga!
"Sabi ko naman sayo eh.Maganda boses mo."saad ng lalaking pamilyar ang boses.
Tumalikod ako para makita siya.
"ALSHAN!WALANG-HIYA KA-"hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko tila ba natameme ako sa yakap niya.
"Ikaw na bakla ka,ba't ba ang hilig-hilig mong pagtripan ako,huh?Pwede ba tigilan mo nang pagpapaasa sakin."naiiyak na sabi ko.
"Bakla?Sino?"gimbal na tanong niya at kumawala sa yakap namin.
"Ikaw.Huwag mo na ngang i-deny,tanggap namin na kita eh.Diba nga,lahat ng barkada mo babae.Mahilig ka pa sa mga KPOP boy bands,tas gustong-gusto mo din yung abs nung lalaki na nasa cellphone mo."pagpapaliwanag ko.
Napanganga naman si Alshan.Siguro nahihiya siya dahil alam ko.
"What the.Ano ka ba naman Bessie,hindi ako bading noh!Tas,naggawa ko lang namang makipag kaibigan sa mga barkada mo dahil sayo."
A-ano daw??
"Eh,ano yung abs?"nakayukong tanong ko.
"Tss.Sa tingin mo ba gustung-gusto kong titigan yun?Ikaw kasi eh,palagi kitang niyayang magsine,pero palagi ka namang umaayaw.Pero pag si Drew ang nagyaya,game na game ka naman!"naiinis na sabi niya na syang nakapagpanganga sakin.
"S-sorry.Eh ikaw naman kasi eh,nawawalan ka na ng time sakin dahil dyan sa mga idol mong Kpop."
"Selos ka lang eh."pangungutya niya.
"Hoy,ang kapal mo.H-hindi kaya!"pagsisinungaling ko naman.
Napasimangot naman agad siya.
"Oo na,nagseselos na nga,diba!Kasalanan mo naman kasi ang landi mo!"
"Hindi ako malandi no,sayo lang."saka niya ako niyakap.Napangiti naman ako at yumakap din sa kanya.
Writteb by: BabyChinRy
----------
For more of hers works, please follow BabyChinRy. Thank you and God bless.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top