ENTRY #3: PARANOIA

"PARANOIA

Life's really sucks. Di ko nga alam kung bakit pa ako ipinanganak sa mundong ito. 

Yes, I have this so called family but they doesn't care about me. About my existence. Their attention was too focus for my little sister who has a leukemia, kay Misha. Si Misha na maysakit kaya dapat ko 'daw' intindihin. Si Misha na mas lagi nilang pinagtutuunan ng pansin. Si Misha na lagi nilang inaalagaan. Si Misha na lagi nilang sinusunod ang gusto.

Puro sila Misha!

Buti na lang talaga maganda ako kaya kahit kinulang ng atensyon sa pamilya, busog naman ako sa atensyon dito sa school.

Yun nga lang mas maraming basher. Hindi sa pagmamayabang, former intramural's and J.S prom queen ako kaya di na nakakapagtakang maraming insecure sa'kin. Well, di ko sila masisisi, kainggit inggit naman kase ang kagandahan mo.

I flipped my hair and walk confidently. As usual marami nanamang schoolmates ko ang nakatingin sa'kin. Mga Inggitera.

"Aaaaaaastrid!" natigil ako sa paglalakad nang marinig ang mala-megaphone na boses ni Aya. Ang bestfriend ko 'kuno'.

Bestfriend? Baka nga pag nakatalikod ako bina-backstab ako ng gagang 'yan e.

Sa mundong ito kase, walang katiwa tiwalang tao. Tawaging nyo na akong paranoid or what pero ganun ang paniniwala ko. In my perception, life is full of trap. Even the one you trust the most, might hurt you.

Kaya mas mabuti nang walang pagkatiwalaan diba?

"Aya" sabi ko nang tuluyan na siyang makalapit sakin sabay beso.

"Oh bakit ganyan ang boses mo?" tanong niya. Napansin niya siguro ang pagiging malalim at garalgal ng boses ko.

"May ubo kase ako kaya ganyan. Badtrip nga eh sinabayan pa ng buwanang dalaw" angil ko. Nagulat ako nang bigla siyang humagalpak ng tawa.

"Edi bulwak pa more ang peg mo ngayon? hahaha-Ouch!"
Binatukan ko siya ng hard kaya tumigil siya sa pagtawa at napasigaw.

"Gross" sabi ko habang binibigyan siya nang nakakadiring tingin. Sabagay nakakadiri din naman ang pagmumukha niya.

"Pashnea, ang hard mo bumatok" sabi niya tapos ay nagpout. Aww ang cute niya, mukha siyang tuta.

Galising tuta to be exact haha.

"Kababuyan mo kase di mo nilulugar. Kailangan talagang isigaw dito sa corridor?"

Akward siyang ngumiti at nagpeace sign sa'kin. "Ay Oo nga noh. Sorry"

Inirapan ko na lang ang katangahan niya at dumiretso na sa paglalakad. Pero di pa man ako nakakalimang hakbang may lalaking humarang na sa'kin. Base sa uniform, kapareho ko siyang ABM student. May hawak siyang bouquet of roses and box of chocolates. Aaminin ko, gwapo siya at cool magdala ng uniform pero parang tingting naman ang katawan. Payatot in short.

"For you" pa-cute niyang sabi habang inaabot ang hawak.

Ooh another admirer eh? One of my pathetic admirers who just like my physical appearance.

Pabalagbag ko itong kinuha. Malakas na ibinagsak ang bouquet of roses at tinapak tapakan. Syempre itinabi ko lang ang chocolate para sa chocolate lover na si Aya.

Nagigting ang panga nang lalaki sa ginawa ko.

I smirk "Try mo munang magpataba. Puro ka pacute, di mo atupagin 'yang katawan mong buto't balat" pangiinsulto ko tapos ay nilagpasan siya. Sinadya ko pa ngang banggain yung balikat.

After that, sunod sunod na ang mga lalaki na ang humaharang sa dinadaanan ko. Lahat sila'y may inaabot sa'king kung anu-ano. Lots of chocolates from expensive to cheapest one. Different kind of flowers, cute teddy bears and so on. All those corny stuff that guys give into gals, name it because they have it. Pero tanging chocolate lang ang pinagkukuha ko.

Yes kuha lang ako ng kuha kahit wala akong ideya kung bakit sila nagbibigay nito sa'kin. May sinasabi silang kung ano pero di ko ito iniintindi, masyado kase akong naka-focus sa pagpili ng binibigay nila.

Napahinto ako sa paglalakad at napaisip.

Oo nga noh. Bakit pala sila nagbibigay sa'kin nito? Anong meron?

Nilibot ko ng tingin ang buong corridor. Ngayon ko lang napansin na tadtad ng heart decoration ang ceiling dito. Nakasuot ng red ang karamihan. May mga babaeng abot tenga ang ngiti habang may hawak na bulaklak.

After a few seconds, realization hits me. That today is the day I hated the most.

Valentine's Day.

Araw ng kakornihan. Araw ng mga taong naniniwala sa forever. Araw ng mga taong nagpapakatanga sa pagibig. At bukod duo'y birthday din ng taong pinakaiinisan ko.

Birthday ni Misha.

~*~

"Hala di ka na manonood ng program?" sabi ni Aya nang magpaalam ako sa kanyang uuwi na ako matapos ang half day class namin

"Hindi na, puro kakornihan lang ipapakita duon" Nakangiwi kong sabi habang sinusukbit ang shoulder bag.

" Pinapairal mo nanaman ang pagiging bitter mo sa valentines"

"And so?" mayabang kong sabi at naglakad na palabas.
Dali dali niyang pinasok sa bag ang mga chocolates na ibinigay ko, isinukbit ito at sumunod sa akin.

"Di ko alam kung bakit ba napakibitter mo Astrid. E Ikaw 'tong NBSB na biniyayaan ng maraming admirer pero kung umasta ka para kang brokenhearted na iniwan ng jowa. Sa three years na friendship natin hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit hate na hate mo ang Valentine."

"I don't hate the Valentine's day itself Aya. I just hate the fact that it's celebrates LOVE" which is thing that I don't have.

Love? Pagak akong natawa.

Sa pamilya ko nga hindi ko 'yon nararamdaman sa ibang tao pa kaya. At sa ugali 'kong to? Sus! Sino bang tanga ang magmamahal sakin. Ni totoong kaibigan nga wala ako.

"Di kita gets" kunot noong sabi ni Aya.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Hindi mo talaga maiintindihan dahil wala ka sa posisyon ko" pilit akong ngumiti. "Sige beh mauuna na ako" tatalikod na sana ako pero agad akong natigilan nang hawakan niya ang aking braso. "what?"

"ahmm valentines ngayon kaya..." may kinuha siyang handmade card sa bulsa at iniharap sa akin "Tadda! Happy Valentines day Astrid"

Kunot noo ko itong inabot. Ang dugyot kase ng pagkakagawa niya. Kalat kalat ang glitters sa bondpaper at ang panget ng sulat sa harap. Pati yung heart sa gitna parang basa pa, halatang kadidikit lang. "ahhm thanks?"

"Andami ko kaseng nakuhang chocolates galing sayo, so ayun naisipan kitang gawan ng card. Sorry yan lang nakayanan ng budget ko"

Matutuwa na sana ako dahil kahit papano nageffort siyang gawan ako nito. Pero lahat ng tuwa ko napalitan ng pagkadismaya dahil ginawa niya ito dahil lang binigyan ko siya ng chocolates. So kung di ko siya binigyan, hindi niya to gagawin? Napilitan? Ganun?

Nakangisi ko itong itinaas sa ere at nilukot sa harap niya. Kitang kita ang gulat at sakit na bumalatay sa kanyang mata. Aaminin ko nakaramdam ako ng guilt pero mas nagingibabaw pa rin ang inis at pagkadismaya ko. Iiling-iling ko siyang tinalikuran, itinapon ang basura niya sa kung saan at naglakad na ako paalis.

~*~

Habang naglalakad pauwi, may isang bagay ang umagaw ng atensyon ko. Isang pink na teddy bear ang nangingibabaw sa tumpok ng mga stuff toy dito sa bangketa. Ewan ko ba kung bakit bigla kong naimagine ang masayang mukha ni Misha habang yakap yakap ito. Kung gaano siya kasaya habang sinasabi ang 'thank you ate!' gamit ang matinis ngunit nanghihina niyang boses.

Makalipas ang ilang minuto... natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatayo sa harap ng pinto ng aming bahay. Nakangiting tinitignan ang pink na teddy bear at isang manipis na libro na regalo ko para kay Misha.

May part sa pagkatao ko ang nagsasabing itapon na lang ito at wag nang ibigay pa. Pero mas malaki ang parte na nagsasabing kahit inis ako kay Misha, hindi mababago ang katotohanang kapatid ko siya at may pakialam pa rin ako sa kanya. Na kahit abot langit ang inggit ko.... deep inside gusto ko pa rin siyang mapasaya, kahit ngayon lang.

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Lahat ng excitement na nararamdaman ko biglang naglaho dahil wala akong naabutang tao dito sa sala. Ineexpect ko kase na gaya ng dati, maabutan ko silang nakaupo dito. Sa pagkakaalam ko mamayang gabi pa naman ang maliit na salu-salong inhananda ni mom para sa mga kamag-anak namin.

Napalingon ako sa part ng bahay kung saan matatagpuan ang ang dining area. Mula sa pwesto ko, rinig na rinig ang tawanan at palakpakan habang kinakanta ang happy birthday kay Misha.

What the hell? Nagsimula na silang magcelebrate nang wala ako?

Oo nga pala...

Sa pamilya ko, wala nga pala silang pake sa presensya ko. Hindi nga pala ako mahalaga. Bakit pa ako magtataka? Ganun naman sila e. Kinakalimutan ako.

Labag man sa loob ay tinungo ko pa rin ang dining area nang mabigat ang dibdib. Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga ba ako para lang mawala ang paninikip ng dibdib ko. Kung ilang lunok na ba ang nagawa ko para lang pigilan ang luhang namumuo sa mata ko.

Huminto ako sa entrada, tuluyan nang naglandasan ang luha ko nang makita kung gaano kasaya si Misha habang pinapalibutan ng mga kamag-anak namin. She's damn happy as hell. Di ko alam kung bakit ba ako lalong naiiyak. Inggit? Galit? Pagkadismya? Di ko alam! Naghalo halo na ang nararamdaman ko.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa teddy bear na hawak ko. Hindi na niya kailangan ng bear na 'to para yakapin... nandyan naman sila mom and dad na mahigpit ang pagkakayakap sa kanya. Hindi na niya kailangan ng bear na'to para maging masaya ngayong birthday niya... meron naman siyang maraming regalo na galing sa mga kamaganak namin.

Hindi na niya 'to kailangan!

Malakas ko itong ibinato pabagsak. Tumama ang plastic nitong ilong sa tiles kaya nagdulot ito ng ingay. Dahil duon nagtigilan sila sa kanya kanyang ginagawa at tumingin sa direksyon ko.

"Ate Astrid" gulat na sabi ni Misha sa'kin.

Agad kong pinunasan ang luha ko at dahan dahang naglakad sa direksyon niya. "Happy birthday" cold kong sabi tapos ay inihagis ang libro.

Ineexpect ko na mabilis ang reflexion niya at masasalo ito. Pero mali ang akala ko, sa halip ay tumama ang dulo nito sa kanyang noo

Shit!

Walang salita ang lumabas sa bibig ni Misha pero hinawakan niya ang kanyang noo at yumuko. Indikasyon na nasaktan siya.

Rinig ang kanya kanyang pagsinghap nang mga taong nasa paligid namin. Miski ako, nagulat din. Sa kondisyon pa naman niya, alam kong madali itong magpapasa.

"Astrid!" Napaigtad ako sa gulat nang sumigaw si Dad at pumunta sa harap ko. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang malakas niyang pagsampal sakin. Sobrang lakas to the point na gumilid na ang ulo ko.

"Dad" Gulat akong humarap habang nakahawak sa pisngeng sinampal niya.

"Yung pangaaway mo kay Misha mapapalampas ko pa, pero yung saktan siya? Sumusobra ka na" gigil na gigil niyang sabi habang nakaduro sakin. Sa takot ay nanahimik na lang ako, lumingon kay mommy upang manghingi ng tulong pero umiling lang siya na para bang dismayado din sakin.

At this moment...

I just feel unloved. Unloved by my parents who supposed to love, guide and protect me. And all of this was because of my weak and pathetic little sister.

Lumipat ang tingin ko kay Misha "I hate you Misha, I really really hate you" i said beetween sobs.

I hate you for making my life shitty as hell.

~*~

Dito ko sa park inilabas ang lahat ng iyak at hinanakit ko matapos nang nangyari kanina. Iyak lang ako nang iyak habang inaalala ang nangyari sa party ni Misha bago ako magwalkout.

Sana...sana iba na lang ang magulang ko. Sana yung pantay magmahal ng anak, hindi bias. Hindi kagaya ng walang kwenta kong magulang. Paulit ulit ko 'yang sinasabi sa sarili.

Natigilan ako sa pagiyak nang may lalaking umupo dito sa bench na inuupuan ko. Kunot noo ko siyang hinarap. Andami kaseng bakanteng bench pero dito talaga siya umupo. Kitang nagdradrama ako.

"Hi" aniya tapos ay ngumiti. Pogi na sana e kaso kung ngumiti si kuya parang joker, anlapad. May iniharap siya sa'king panyo. "Here, Take this"

Di na ako nagdalawang isip na kunin pa ito. Bukod kase sa wala akong pamunas, nasisinga din ako.

"Mukhang problemado ka miss" gusto ko siyang barahin, hindi ba halata? Pero masyado akong busy sa pagpunas at pagsinga sa panyo. "Alam mo bang masarap maglabas ng problema sa taong di mo kilala"

"And so?"

"Share mo kaya sakin yung problema mo para gumaan naman 'yang pakiramdam mo"

"what? Gusto mong ikwento ko sa'yo kung gaano ka-shit ang buhay ko?" mangha kong sabi.

"Kung gusto mo, tahimik lang akong makikinig dito"

Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa lalaking 'to. There's something in his smile na para bang kino-comfort ako.

Kaya natagpuan ko na lang ang sarili kong nagkukwento ng mga kaganapang nangyari sa'kin ngayong Valentine's day. Mula sa mga inggitera kong basher sa school, sa 3 years kong plastic na bestfriend, sa mga siraulo kong manliligaw na mukha lang ang habol sa'kin at syempre sa pamilya kong walang pakialam kung nag-eexist ba ang isang Astrid Alejo.

"Paranoia" Yan ang una niyang sinabi matapos 'kong magkwento.

"Huh?"

"Masyado ka lang paranoid magisip."

"Excuse me? I'm just stating the fact here"

"Alam mo bang stalker mo ako kaya marami akong alam sa'yo?"

Hindi ako nakapagsalita sa gulat.

"Speechless?" nakangising aniya. "Gaya nga ng sabi ko kanina paranoid ka lang magisip Astrid. First of all wala kang basher sa school at lahat ng babaeng tumitingin sa'yo ay hinahangaan ka lang. Second, relate ako sa sinasabi mong mga 'manliligaw', believe me hindi lang mukha ang nagustuhan namin sa'yo. Ikaw kase yung tipo ng babae na GGSS pero alam mo yun? Di nakakainis tignan. Boyish kumilos pero anlakas ng dating. Third, about your bestfriend. Tingin mo kung plastic ba 'yun tatagal ng 3 years ang friendship nyo? and last ikaw na rin nagsabi na may sakit ang kapatid mo, kaya dapat hindi ka na magtaka na mas higit ang atensyong binibigay nila sa kanya. Ikaw lang 'tong nega magisip"

"Woah" mangha kong sabi "Kung makapagsalita ka parang kilala mo ako ah" mababakas ang pagigng sarkastiko sa aking tono.

"I guess being a 3 years stalker is enough to know you"

"creepy" 'yan lang ang nasabi ko sa gulat.

"Hey! wag kang macreep-out please. Hindi ako kagaya ng stalker na iniisip mo, ako lang yung tipo ng lalake na torpe kaya patago magmahal- oh shit" mukhang nagulat din siya sa huli niyang sinabi.

"magmahal?...you love me?" i asked sarcatically "Ngayon mo lang ako nakausap tas sasabihin mong mahal mo ko?"

Pansin ko ang pamumula niya "No- Yes- No, argh! Fine Y..yes and i have this plan to... court you"

Love? Court? Nang gagago ba 'to?

Tatayo na sana ako pero agad niyang nahawakan ang aking braso.

"Aalis ka na?"

"Oo, nakakagago ka kaseng kausap. Andami mong sinabi at ayaw maabsorb ng utak ko. Parang kanina lang stranger ka lang tapos ngayon aamin kang mahal mo ako at liligawan pa?! Baliw ka ba?!"

"Oo baliw sayo." aniya. Napairap ako sa kawalan at tuluyan na akong tumayo at naglakas paalis. Argh! Mababaliw ako sa kanya!

"Lance nga pala name ko!" Sigaw niya pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Lance pov

Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad sa gitna ng mga kumikinang na bituin kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin.

Kada gabi kasi ganito ang ginagawa ko, para makapag-isip isip. Makapag-isip isip ng mga bagay na makatutulong para mas maunawaan ko pa lalo kung ano talaga ang ibig sabihin ng buhay.

Napansin ko nalang ang aking sarili na nakatayo sa isang park na tinatambayan ng mga magjojowa. May Nagyayakapan at may naghahalikan at meron din namang naka-upo lang. Ano pa bang aasahan ko? Eh valentines day ngayon. Araw ng pagmamahal. Naalala ko tuloy yung kanina,

nung nagtapat ako sa kanya.

*Flashback*

"I guess being a 3 years stalker is enough to know you."

"creepy," sabi ni Astrid.

"Hey! wag kang macreep-out please. Hindi ako kagaya ng stalker na iniisip mo, ako lang yung tipo ng lalake na torpe kaya patago magmahal- oh shit."

*End of flashback*

Matagal ko na siyang gusto pero ayaw lang niyang maniwala. Oo, matagal na, at matagal na kaming magkakilala. Pero nakalimutan na niya siguro ako dahil na humaling na siya masyado sa magandang syodad na ito.

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid, kitang-kita ko ang mga nagagandahang mga kumikinang na ilaw sa mga bahay at naglalakihang mga buildings.

siguro nakalimutan na niya na nanggaling siya sa probinsya katulad ko, eh ako nga nakalimutan na niya eh! ni hindi man lang niya ako nakilala kanina.

Na ako yung kababata niya.

*Flashback*

"Astrid, alam mo bang mahal kita?" sabi ko.

"Hindi!" Aniya at tumalikod na sa akin.

"Sandali," sabi ko at hinawakan ko ang braso niya kaya humarap siya "seryoso ako."

"Seryoso din naman ako ah, alam mo din bang gusto kita----"

"What? gusto mo ako?" Tuwang-tuwa ako sa narinig ko dahil hindi ko akalaing magugustohan din pala ako ng taong mahal ko.

Subalit napawi nalamang ang tuwa ko nang sumagot siya. "Oo, gusto kitang batokan dahil sa ka cornyhan mo! Sinabi nang bata pa ako kaya wala pa akong time sa mga ganyan-ganyan. Siguro kalandian lang yang nararamdaman mo kaya ka ganyan. god! 11 years old pa tayo! Maybe paglumaki na tayo magbabago lang yang nararamdaman mo sakin. Walang forever noh!"

*end of flashback*

Hay! Hanggang ngayon hindi ka padin nagbabago Astrid, napaka-bitter mo pa din hanggang ngayon.

Di bale, makikita mo. Dadating ang taong magpapabago ng pananaw mo na masasabi mo na may forever nga at asahan mong ang taong yun ay—— ako.

***

Pauwi na ako sa bahay nang may nakita akong isang babaeng estudianteng parehong-pareho ng uniform ng pinapasukan kong paaralan.

Gabi na ah! Bat hindi pa siya nakakapagbihis at bakit nandito pa siya? Eh alas 9 na ng gabi? At parang wala pa siyang planong umuwi dahil nakaupo lang siya sa gilid ng hagdanan sa harap ng isang market habang tumitingin sa kawalan.

Nababaliw na ba siya? Alam na ngang uso ngayon ang mayna-rrape na mga estudiante, naisipan pang magtambay dito ng mag-isa.

Lumapit ako sa babae para mas makita ang mukha niya subalit laking gulat ko nang makita ko si---

Astrid? na umiiyak?

Astrid's POV

Tulala lang ako sa kawalan, iniisip na sana isang bangongot lang ang lahat ng ito.

Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. Guilt, inis, sakit, poot, galit ang nararamdaman ko ngayon. Kung sana binigay nalang ng diyos ang right family I mean perfect family para sa akin edi sana hindi ako nagkakaganito.

Habang nag-iimo pa ako dito eh laking gulat ko nalamang nang may nagsalita.

"Gabi na ahh! Bat hindi kapa umuuwi sa inyo?" Sabi na isang pamilyar na boses ng lalaki.

Parang aatakihin ako sa puso dahil sa gulat, tiningnan ko kung sino iyon habang nakataas ang isang kilay at laking gulat ko ng makita ko siya.

nakita ko na naman siya.

"Kung ano pang mangyari saiyo dito lalo pa't maraming nagkakalat na mga masasamang loob ngayon." Dagdag niya pa.

"Ano bang paki mo hah? Kaano-ano ba kita? Kung makapagsalita ka daig mo pa mga magulang ko. Eh isa ka lang naman sa mga letsugas na mga admirer ko." Pinunasan ko ang mga luha ko at pagkatapos ay umiwas ng tingin kay Lance.

Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa at ang naririnig ko nalamang ay tanging mga dumadaang sasakyan.

"Ano bang nangyari sa yo?" Aniya.

"At ano bang paki mo?" Pagtataray ko sa kanya.

"May paki ako sayo dahil mahal kita." Mahinang sabi niya.

Tumindig ang lahat ng balahibo ko sa likod at napalingon ako kay lance ng wala sa oras "yuuuck! Umalis kanga dito! Kung ano-ano nang pinagsasabi mo, kinikilabutan ako."

"Ok, pero bago ako umalis maari ko bang matanong kung bakit ka pa nandito sa labas?"

Hay naman oh! Ang kulit talaga "Oo na! Wala akong matutuloyan ngayong gabi dahil nga nag-away kami ng parents ko, ok na? makakaalis ka na"

"Ano?!" Muntik na akong gumolong sa inuopoan kong hagdanan dahil sa lakas ng pagkakasigaw ni lance.

"Ang oa mo, kakasabi ko nga lang kanina sa park na nag-away kami nila mom at dad, kung makapagreact ka wagas!" Sabi ko sabay tingin uli sa kawalan.

Umopo siya sa tabi ko at sinabing "hindi naman yun issue sa akin, ang akin lang hanggang ngayon hindi ka pa nakakauwi matapos niyong mag-away ng parents mo? plus wala kang matutuloyan ngayon slash umiiyak ka pa? Daig mo pa ang mga palabas sa TV sa kadramahan ng buhay mo ahh."

"Cheh! Eh ano ngayon? Umalis ka na nga! Baka uminit pa lalo ang dugo ko sa iyo," sabi ko sabay irap sa kanya. "Dumadagdag kapa sa kalechehan ng buhay ko!"

"Sabi mo eh," aniya at nagsimula na siyang tumayo pagkatapos ay agad na naglakad.

Ok na sana eh kaso lumingon siya sa akin at nagsalita "I-kumusta mo nalang ako sa katabi mo." Nakangising sabi niya sabay kaway at takbo.

Medyo tumayo ng kaunti ang mga balahibo ko sa likod, Tumingin ako sa kanan pero wala naman.

pinaglololoko ba niya ako? Eh wala naman. Dahan-dahan akong lumingon sa kanan at pagkatapos

"Ahhhhhhhhhh!" Nakita ko si Romeo, isang baliw na taong grasa na nakangisi sa akin ng malapad. Agad akong tumakbo at sinundan si Lance at napansin kong sumonod din si Romeong baliw sa akin at hinabol ako.

Tumakbo nang mabilis si Lance at ako naman parang baliw na hinahabol siya "hoy Lance! gumawa ka ng paraan, ayoko pang mamatay. Jusko!" Sabi ko habang naghahabol ng hininga dahil sa kakatakbo.

Nginitian lang ako ni Lance "ayoko nga! Ginusto mo yan eh hahaha."

Takbo lang ako ng takbo habang lumilingon sa likod para ma check ko kung maaabutan ba ako ni Romeong baliw.

Sigaw lang ako ng sigaw kay Lance para tulongan akong huwag habolin ng madumi at mabahong taong grasa na yun pero wala siyang ibang ginawa kundi tuksohin ako, mangiyak-ngiyak na nga ako dito dahil parang maaabutan na ako ng baliw na yun eh.

Maya-maya napahinto ako sa pagtakbo kahit na alam kung maabotan ako ni Romeong baliw. Kahit na natatakot ako at nandidiri sa kanya ay pinili kong huwag nalang tumakbo.

Lahat ng tao iniiwan ako, sinasaktan, iniisahan, pinaglalaroan. Minsan naisip ko sa sarili ko bakit pa kaya ako nabuhay sa pesteng mundong ito kung puro lang naman kasakit ang matatamasa ko dito?

Bigla nalang tumulo ng kusa ang luha sa aking mga mata at parang nag sink in lahat ng mga bagay na nagpapasakit ng dibdib ko. Siguro nung nagpasabog ang langit ng kamalasan, nasalo ko ata lahat.

Napansin kong dahan-dahang huminto si Lance sa pagtakbo at lumingon sa akin.

Nag-iba ang expresyon ng mukha niya. Ang kaninang Lance na maloko ay napalitan na ng Lance na punong-puno ng pag-aalala.

Kanina lang tinutukso niya ako tapos ngayon mag gaganyan siya? Mas baliw pa ata siguro to kesa sa humahabol na baliw sa akin eh.

Iyak lang ako ng iyak kasabay ng mahinang paghikbi habang nakayuko ako at dahan-dahang lumohod, hanggang sa namalayan ko nalang ang pagbaksak ng malakas na ulan.

Wala akong silbi! napaka useless ko. Lahat nalang ng tao hindi ako minamahal, hindi ako pinapahalagahan. Ano bang kwenta ng buhay ko sa mundong ito? Ako lang siguro ang hindi alam kung saan patungo ang daloy ng buhay ko. Puro nalang sakit at ingit ang naramdaman ko.

Sakit ng dibdib dahil walang nagpapahalaga sa akin at ingit dahil sa kakulangan ng atensyon saakin ng parents ko kumpara sa iba. Ewan ko nga kung anak ba talaga ako, mas anak pa nga siguro ang turing sa isang ampon eh! kumpara sa akin.

Napansin kong wala na si Romeong baliw sa likod ko na dapat inabotan na ako. Bahagya akong napangiti. buti nalang talaga umolan, takot kasi yun sa tubig.

Pero hindi parin nawawala sa isip ko kung gaano ka worst ang buhay ko. Hay!

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko subalit natigilan ako ng may humawak sa kamay ko.

"Astrid," ani ni Lance. Bahagya kong tinignan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"S-Sorry," dagdag pa niya."hindi ko naman akalaing maooffend---"

hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil kumalas na ako sa pagkakahawak niya at pagkatapos ay umalis na ako doon.

Habang papalayo ako nang papalayo sa kinatatayuan ni Lance ay dinig na dinig ko naman ang papahinang pagsigaw niya ng pangalan ko.

Hindi ko siya pinansin ni lumingon man lang saglit ay hindi ko ginawa, bahala siya. mabulok siya diyan!

Papatawid na akong kalsada at ramdam ko parin sa balat ko ang pagbuhos ng ulan, basang-basa na ako pati yung mga libro sa bag ko. wala pa naman akong dalang damit.

"Kung umuwi nalang kaya ako?"

Sabi ko sa isip ko pero nangibabaw parin ang desesyon kong huwag umuwi, ayoko kasing makita ang mga nakakainis ko 'kunong' mga magulang at tsaka ang napaka OA'ng Misha na yun. Kung ano pang magawa ko sa kanila, paguuntugin ko sila ng wala sa oras.

"Astriiiiiiiiiiiid!"­ Rinig kong sigaw ni lance pero hindi ko lang pinansin hanggang sa napansin ko nalang ang pagbusina ng isang malaking truck kasabay ng papalapit na masakit sa matang kulay yellow na ilaw.

Bigla nalang akong nahilo kasabay ng pagdilim ng paningin ko kaya hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari.

***

Third person pov

Tumatakbo si Lance papuntang bahay nila habang kinakarga niya ang walang malay na dalaga.

Kitang-kita sa mukha ni Lance ang matinding pag-aalala sa dalaga kasabay ng namomoong konsensya sa dibdib niya, dahil para sa kanya kung hindi sana niya na offend si Astrid hindi sana mangyayari ito.

Agad na umakyat si Lance sa kanilang kuwarto ng kapatid niya at inilagay ang kaawa-awang walang malay na si Astrid sa double deck na kama.

Hindi alam ni Lance kung ano ang kanyang gagawin, naglalakad-lakad siya paikot sa buong kwarto habang hinihimas-himas ang noo nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kanyang kapatid na si Jerome.

"Kuya, kanina pa kita hinihintay." Sabi ni Jerome habang humihikab papuntang higaan niya "ilo-lock ko na sana yung gate eh, buti nalang sinabihan ako ni nanay na---"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Jerome nang makita niya ang isang babaeng nasa ibabaw ng kanyang kama.

Lumaki ang mga mata ni Jerome dahil sa gulat at pagtataka "bakit nandito yan kuya? At anong nangyari sa kanya?" Sabi ni Jerome na may bahid na kaba at pag-aalala.

Astrid's POV

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Pinipilit na alalahanin ang mga nangyari pero napaka-slow talaga ng utak, ni hindi ko man lang maalala kahit kunti ang mga nangyari.

Tumayo ako at nagpalinga-linga sa paligid. Napansin kong nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako.

"Nasan ba ako?"

Sinuri kong mabuti ang mga sulok nitong room, umagaw ng atensyon ko ang isang picture frame na may litrato ng isang batang lalaki na inaakbayan ang isang nakasimangot na batang babae.

Tiningnan ko pa ang ibang mga pictures. May nakita akong isang lumang family picture at kinuha ito. lahat sila naka ngiti at kahit na luma na yung picture ay mahahalata mo talaga ang pag mamahalan nilang magkakapamilya.

Nagkaroon ako ng kaunting inggit.

Naalala ko tuloy bigla yung mga panahon na masaya pa kaming tatlo nina mom at dad. Hay!

Kung di lang sana dumating yang buwesit na Misha na yan eh! Sana masaya pa kami.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya bigla akong napalingon doon at nakita ko si Lance.

"Buti gising ka na!" Aniya at napatingin sa hinahawakan ko.

Napansin kong kanina ko pa pala hawak-hawak yung picture frame kaya agad ko itong ibinalik kung saan ito dati nakalagay.

Lumapit siya sa akin at tiningnan yung picture na hawak ko kanina "nakakamiss," aniya.

Kumonot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"nakakamiss yung mga panahon na masaya pa kayo." Dagdag pa ni Lance. Tumingin siya saakin at ngumiti na halata namang pilit lang.

Pinagsasabi niya? Ako sana magsasabi niyan eh! Hindi kaya pareho kami ng pinagdadaanan?

"b-bakit?" Yun nalang ang nasabi ko sa kanya nang biglang may tumolong luha sa mata niya.

Pinunasan niya ang luha gamit ang kanyang kamay.

Pumunta siya sa may bintana tsaka sumandal doon at dumungaw sa labas "limang taon na pero di parin nawawala sa aking isipan ang mga ala-alang binigay sa amin ni itay."

"Mga ala-alang mananatiling buhay sa aking puso at isipan na kailan man hindi mapapantayan ng kahit ano mang bagay"

Tahimik lang akong nakatingin kay lance habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin

"Kung di lang sana nangyari yung aksidente, sana buhay pa siya."

So, it means wala na ang tatay ni Lance?

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa buong silid.

"Sana buhay pa siya para marami pa kaming mga gagawing masasayang ala-ala." Dagdag ulit ni Lance "kaya ikaw Astrid, dapat masaya ka dahil kompleto pa ang pamilya mo. Pasalamat ka nga dahil nandiyan pa sila, kapag wala na? Tiyak na magsisisi ka."

Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ni Lance. Tama siya, dapat maging masaya ako dahil buhay pa sila mom at dad. hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag mawala sila anong oras ngayon, hindi naman kasi natin alam ang takbo ng panahon.

Kaya dali-dali akong bumalik sa bahay at humingi ng sorry kina mom at dad, pati narin kang Misha.

"Sorry din anak kung medyo hindi ka namin napapansin, akala kasi namin na naiintindihan mo ang lahat na kailangan lang talaga namin pagtoonang mabuti ang kapatid mong may sakit. Hindi naman namin alam na iba pala ang ipekto nun sayo."

Bigla akong nalinawan sa mga sinabi ni mom. Siguro masyado lang talaga akong paradoid kaya ganun.

Mula noon, nagsimula na kami ulit gumawa ng masasayang ala-ala nina mom at dad ng kasama si Misha.

"Salamat talaga Lance, salamat sa mga payo mong nagpa-antig ng puso ko." Sabi ko.

"Wala yun, ikaw pa! Eh mahal na mahal kaya kita." Aniya "sana tayo naman ang gumawa ulit ng masasayang ala-ala,

DATING KAIBIGAN."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top