Entry #3: Nandito lang ako

Description: "Don't tell the world who you are, let the world discovers you."

Why: kasi feel ko ang story na ito, naiinis kasi ako sa mga taong ipinagkakalat kung ano sila, kung gaano sila ka talino, kung ano na ang estado nila sa buhay, minsan nilolook-down na nila iyong mga taong nasasalamuha nila. Kagigil!

How: dahil gusto kong makapasa para hindi ako masabihan na 'nagbubusy-busyhan lang' kaya walang entry. Hahaha, kidding aside.

Nagawa ko ito dahil sa kaklase kong bright 'kuno'. E-minememorize lang naman ang mga nakasulat sa notebook. Tapos kung makaasta kala mo nalamangan na si Einstein sa sobrang talino. Tapos ipinagsisigawan pa sa sambayanan kung gaano siya ka talino, at kung ano na siya ngayon. Hindi niya alam eh mas nauna ako sa kaniya. Hahaha, kaya ito nasulat ko.

--

Pauwi na ako sa bahay nang biglang huminto ang taxing sinasakyan ko dahil sa mga taong nagkukumpulan sa kalsada.

"Ano ba'ng nangyayari?" sabi ko kay manong driver.

"Mukhang may naaksidente ata," sabi niya at agad na bumaba ng taxi at tiningnan kung anong nangyayari kaya ganoon nalang din ang ginawa ko.

Agad akong pumunta at nakisoksok sa nagkukumpulang mga tao. Pahirapan pa bago ako makarating sa pinangyarihan ng aksidente.

At pagkatapos ay bumungad agad sa akin ang isang duguang lalaki na nakaratay sa daan kasama ang isang motor na hindi na mawari ang itsura.

"Buhay pa siya," sabi naman ng isang lalaki matapos niyang tingnan ang pulso ng naaksidente.

Tiningnan ko ang taong nagsalita mula ulo hanggang paa at napansin kong nakasuot pantulog lang siya. Nahiya tuloy ang suot-suot kong pang nurse na uniporme sa kagalingang taglay ng lalaking ito.

Napairap nalang ako dahil doon. As if naman may maitutulong siya, eh mukha naman siyang walang pinag-aralan.

Nagulat naman ako nang bigla niyang inangat ang ulo ng naaksidente.

"Manong, anong gagawin mo sa kaniya?" sabi ko dahilan para tumutok sa mukha ko ang mga mata ng mga taong nandirito. "Ako na po riyan, tutal nurse naman po ako. Alam ko ang mga gagawin kaya ako nalang. Baka ikamatay pa ng lalaking 'to ang mga maling gagawin mo."

Natigilan naman siya sa sinabi ko. "Sigurado ka ba, miss?"

Tumango naman ako sa kaniya subalit tinitigan niya lang ako. Napakunot tuloy ako ng noo, wala bang tiwala ang lalaking 'to sa akin?

"Oo nga po, manong. Nurse ako kaya alam ko ang mga gagawin at sanay na ako sa ganitong mga insedente." Sabi ko pa.

Natahimik naman ang lalaki at agad na tumayo mula sa pagkakayuko kanina. "Okay," mahinahong sabi niya. "Pero kapag kailangan mo ng doctor... Nandito lang ako."

--


Written by: Jayromantico

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top