Entry #3: Mirrorcle
SWORD #1: THE PAST
﹏﹏﹏
Description: Our story is based from historical happenings in the Philippines (19th century.) Ito ang panahong naghahari pa ang mga Kastila sa ating bansa.
Why: Sa totoo lang, wala kaming matinong maisip ni Anna kung paano ang magiging plano namin dito kasi hindi ako sanay sa ganitong genre. Nabo-bored ako kapag ibang genre na hindi ko naman kinasanayan ang sinusulat ko kahit din si Anna. Nabanggit din niya na bago sa kanya ang genre na 'yon kaya kahit na hirap kami ay nagbalangkas pa rin kami ng magiging concept. Kayo na lang ang humatol kung matino, maayos o hindi ang gawa namin.
How: Bilang starter ng kwentong ito, isinabay ko ang pagsusulat nito sa Empacho 11 ko kaya natagalan ang ending ng series ko HAHAHA! Oras ng trabaho sinusulat ko ito. Mabuti na lang night shift ako at walang gano'ng tao sa office kaya malaya akong nakakapagsulat. Si Anna naman bilang ender sa kwentong ito ay pumupunta pa ng computer shop para dugtungan ito dahil nasira raw ang cellphone niya kaya nagtsatsaga siya na magrenta kahit na super busy rin ang schedule niya. Masaya sa feeling na natapos namin ito ng walang naging aberya. Nag-enjoy din akong isulat ang part na napunta sa akin kaya nainspired tuloy akong gumawa ng Historical Fiction na genre. Sa future try kong gumawa ng ganyang genre. Me and Anna really love Alfonso here. Hahahaha! Ewan, bigla na lang kaming nain love sa kanya kaya baka magkaroon kami ni Anna ng sariling version nito sa future. :)
----
"As you can see, Metropolitan Deco Theater witnessed all the historical happenings during Spanish colonization era." Panimula ni Sir Mikee, isa sa mga nangangalaga sa theater, habang tinatalakay nito sa kanila ang naging malaking kontribusyon ng teatro sa bansa. "Kaya isa na ito sa pinakamatandang teatro sa Pilipinas."
Nagtaas ng kamay si Shai, ang co-actress ni Choleng. "Naisip din ba ng management na ipa-renovate itong teatro, Sir?"
"Yes. Our management thought about it too. Sa sobrang luma na rin ng MDT nag-aalala rin kami na baka bukas-makalawa bumigay na ang mga pundasyon nito. Hinihintay na lang namin ang approval for renovation."
Miyembro si Maria Soledad Magsalin o mas kilala sa tawag ng kanyang mga kaibigan na Choleng ng Philippine Historical Theater Club. Naging successful kasi ang pagtatanghal ng kanilang teatro sa pagsasadula ng walang kamatayang El Filubusterismo para sa mga kabataan at mag-aaral na nais matutunan ang tunay na kwento ng obra maestra ng mga fans ni idol Rizal. Natuwa si Rico–ang kanilang director at leader ng club nila–kaya nagpasya itong magkaroon sila ng one week tour sa Metropolitan Deco Theater para matuto sa mga batikang miyembro ng MDT.
Pumasok sila sa loob ng isang studio. Well-equipped ang mga kagamitan at may advance technologies na rin na gamit-gamit sa loob.
"This is the Studio 1. Dito nagre-rehearse ang actors and actresses namin for their preparations."
Sunod naman nilang pinuntahan ang Studio 2. Mas malaki iyon kumpara sa Studio 1.
"And this is the Studio 2. Dito ginaganap ang lahat ng mga pagtatanghal ng theater club."
Awtomatikong huminto si Choleng sa kanyang paglalakad ng lagpasan ng kanilang grupo ang isang pinto na may pangalang Studio 3.
"Sir Mikee!" Pagkuha niya sa atensyon nito. "Nalagpasan natin itong Studio 3. Ano naman ang ginagawa sa silid na 'to?" Tanong niya habang nasa pinto lang ng silid ang kanyang atensyon.
"Oh! I forgot. That's the Studio 3. Actually, 'yan ang kauna-unahang main studio ng MDT pero hindi na 'yan ginagamit ng club."
Na-curious ang lahat kaya agad din iyong sinagot ni Mikee.
"Well, ayon sa mga kwento ng mga naging dating miyembro ng club na 'to ay parang may kakaiba sa silid na 'yan. Hindi nila alam kung ano pero kinikilabutan sila kaya pinasara na 'yan matapos mag-open ang Studio 2."
May iba na natakot at kinilabutan.
"Anyway, dahil galing pa kayo sa Batangas alam kong napagod kayo sa traffic kaya nagpahanda na kami ng tanghalian para sa inyo. Pagkatapos niyong kumain ay ipapakilala na namin kayo sa mga miyembro ng teatro..."
Marami pang sinabi si Mikee pero parang unti-unting humihina ang boses nito hanggang sa namalayan na lang ni Choleng na tuluyan ng nakaalis sa hallway ang mga kasama niya.
Naiwan siya roon sa tapat ng Studio 3. Sa kuryosidad na makita ang loob niyon ay lumapit siya sa nakaawang na pinto saka sumilip.
Nakita niyang nakabukas ang isang ilaw na nagbabadya nang mapundi sa may entablado. Iyon lang ang bahaging may liwanag and the rest ay madilim na. Pumasok siya sa loob niyon at doon niya nakita ang samu't saring alikabok sa paligid niya. May ilang kagamitan ding natatakpan ng puting tela.
Mula sa ibabaw ng entablado, nakita niya ang isang old grand mirror. Kailangan din niya ng salamin dahil hindi siya sigurado kung tao pa ba siya o mukhang lamang-lupa na kaya tamang-tama lang na may nakita siyang inaagiw na salamin. Full-length mirror 'yon at halata naman sa intricate designs na nagsisilbing border ng salamin na 'yon ang kalumaan. Antique kumbaga.
"Don't touch me?" Basa ni Choleng sa may kaliitang karatula na nakasabit sa salamin. "Ang sensitive naman ng salamin na 'to. UmeAilee lang? Eh sa gusto kitang hawakan? Walang makakapigil sa 'kin!"
Hinipan pa ni Choleng ang mga alikabok at inalis ng kanyang mga kamay ang mga agiw na bumabalot sa salamin dahil hindi niya masyadong maaninag ang kanyang kagandahan.
"Ayan Choleng, isa ka ng dyosa. Maiin love uli lahat ng kalalakihan sa 'yo." Tumawa pa siya sa kalokohan niya bago niya inalis ang huling agiw na nakadikit sa salamin. Lumapat ang balat ng daliri niya roon at laking gulat na lang niya ng bigla itong magsabog ng liwanag sa kanyang mukha.
Pashnea! Bastusing bata!
Paanong bigla na lang lumiwanag ang salamin na 'yon ng gano'n?! At saka, susmeh! Nasisilaw siya kaya no choice siya kundi pumikit. Hindi rin naman nagtagal ay naramdaman din niya ang paghupa nang nakasisilaw na liwanag. Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang isang malawak na silid.
Hindi lang iyon isang pangkaraniwang silid gaya sa silid niya na may posters ng BTS, BigBang, BlackPink, 2NE1 at kung ano-ano pa. Ang silid na 'yon kung saan naroroon siya ng mga oras na 'yon ay nahahawig sa silid ng mga taong nabuhay sa panahon ng nineteenth century. Isa 'yong silid na kung saan uso pa ang canopy bed na hawig sa four-poster bed. Napapalibutan iyon ng puting tela. May mga lumang kagamitan din siyang nakikita roon gaya ng upuan, aklat, pluma, at iba na nakita na niya noong dumalo siya sa isang historical museum. Sa lawak at ganda ng silid na 'yon, nakatitiyak siyang hindi iyon simpleng bahay lang kundi hacienda ng isang Peninsulares.
Lumapit siya sa nakabukas na bintana at laking gulat niya na makita ang mga taong naka-baro't saya na nagpaparoon-parito. May kalesa at kutsero rin siyang nakita na may sakay-sakay na mga dugong-bughaw. May mga gwardiya sibil din na pakalat-kalat at tila nagbabantay sa mga kaganapan sa labas. Mga Intsik na naglalako ng kani-kanilang paninda. May mga paring Pransiskano o Dominikano rin siyang natatanaw na naglalakad mula sa di-kalayuan na mukhang kagagaling lang sa simbahan.
"Sh*t! What's happening in this country?!" Bulalas niya.
Tsinek ni Choleng ang sarili niya. Wala namang pinagbago sa kasuotan niya. Nakasuot pa rin siya ng white T-shirt na may imprenta sa harap ng pangalan ng kanilang club. Nakasukbit pa rin naman sa kanya ang bagpack niya. Kaya bakit ganoon ang kasuotan ng mga taong nasa labas? At ano'ng ginagawa niya roon?! Na saan na ang Metropolitan Deco Theatre? Na saan na ang mga club mates niya?
Mabilis na nilabas mula sa bulsa ng suot niyang black jeans ang kanyang cellphone. Kailangan niya ng tulong. Minamaligno yata siya! Kailangan niyang makaalis sa lugar na 'yon!
"Ano? Message cannot be send?!" Bulalas uli niya.
Kakapa-load pa lang niya ng unli kanina bago umalis kaya paanong hindi makapagsend ang message niya kung kailan emergency!
Mayamaya ay dumako ang kanyang tingin sa petsa ng kanyang cellphone. Lahat na yata ng mura sa mundo binanggit na ng isip niya nang makita niya ang taon at petsa.
It's 1855!
"Year 1855? Pero 2017 lang kanina! Twenty-first century na at millenial na ang panahon ko kaya paano ako napunta rito?" Hindi na naiwasan ni Choleng ang maglakad-balik sa tapat ng bintana habang kinakausap niya ang kanyang sarili at iniisip kung paano siya napunta sa panahon na uso ang diskriminasyon at kalupitan? "Nagtime travel ba 'ko? Pero wala namang time machine kanina kaya paanong..."
Huminto siya sa kaka-side comments niya ng maalala niya ang salamin kanina na nagbuga ng nakasisilaw na liwanag.
Hindi kaya...
"Quién eres tú?" (Sino ka?) Narinig ni Choleng na tanong sa kanya ng isang lalaking may baritonong boses.
Tila bulang naglaho ang kanyang iniisip ng mapagtanto niyang hindi na pala siya nag-iisa sa loob ng silid na 'yon.
She turned herself to the man standing right in front of the door inside the room. Mukhang kapapasok lang nito sa loob ng silid. At base sa kasuotan nito, hindi lang ito basta-bastang Kastila kundi isang gwapong Gobernador-Heneral. Nasa kutis nito ang pagiging Kastila ngunit habang pinagmamasdan niya ang mukha nito ay para bang unti-unting nag-iiba ang tingin niya rito. Teka, may lahi ba itong Pilipino?
"Ahm..."
Huminto siya sa kanyang sasabihin ng mapansin niyang humugot ito ng baril mula sa suot nito.
"Que clase de criatura eres tu?" (Anong klaseng nilalang ka?) Sa tono ng pagtatanong nito sa kanya ay parang galit ito at gusto siya nitong tsugihin agad.
"Oh my gosh...in love yata ako." Sambit niya bago siya panawan ng malay. Baka sakaling nananaginip lang siya.
* * *
Humikab si Choleng habang tinatanaw ng kanyang mga mata ang mga taong nadaraanan nila sa kalsada ng kalesa kung saan sila nakalulan. Katabi niya sa loob niyon si Alfonso Emmanuel de Tavera y Montojo, ang Gobernador-Heneral at bagong kinatawan ng hari ng Espanya na pinadala rito sa Pilipinas upang isakatuparan nito ang mga utos ng hari. Tama nga ang unang assessment niya sa gwapong heneral. Isa nga itong Peninsulares pero may kutob siyang may lahi rin itong Pilipino batay na rin sa kulay nito na may pagkakayumanggi ang balat na hindi gaya sa ibang Peninsulares na nakasalamuha niya na sobrang puti na halos pagkamalan na niyang lumunok ng glutathione.
Isang mamahaling Filipiniana ang kanyang suot-suot. Hindi siya pinayagan ni Alfonso na isuot ang mga damit niyang galing pa sa twenty-first century. Hindi raw iyon ang angkop na pananamit ng isang Pilipina. Kaya sa ayaw man niya at sa gusto napilitan siyang magsuot niyon.
Simula noong magkaroon siya ng malay isang linggo ang nakalipas ay marami na siyang nakitang di-kanais-nais sa panahon na 'yon. Bukod sa suplado, masungit at kinakatakutan niya si Alfonso, her super duper uber crush, ay isa siya sa mga Pilipinong hindi sang-ayon sa pamamahala nito. Akala niya mabait ito dahil maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya maliban sa mga katulong nito sa hacienda nito. 'Yon pala, wala rin palang pinagkaiba ang ugali nito sa ugali ng mga kasuklam-suklam na prayle! Lalo na ang mga lecheng Pransiskano! Mga mukhang manyak! Sarap batuhin!
Hindi rin maatim ng puso ni Choleng na makita ang kanyang mga kapwa Pilipino na tinuturing na mga Indio ng mga dugong-bughaw na Espanyol at ilang mga Pilipinong mapagpanggap na sila'y kabilang sa lahi ng mga Espanyol at nangunguna sa pang-aapi ng kanilang kapwa!
Sa loob ng isang linggong iginagala siya ni Alfonso sa bayan ay marami na siyang napunang maling pamamahala ng mga Kastila. Mga gahaman!
Naiinis na binalingan ni Choleng si Alfonso na saka lang niya napagtantong kanina pa nakamasid sa kanya.
"Ang boring dito. Gusto kong pumunta sa mall at magStarbucks."
"Boring? Mall? Starbucks? De qué estás hablando?" (What are you talking about?) Nawiwirduhang tanong nito sa kanya.
"Ako, tantanan mo 'ko sa kaka-Spanish mo ha? Magsalita ka nang maayos. Alam kong naiintindihan mo ang ilan sa mga sinabi ko dahil narinig na kitang magsalita ng Tagalog kahapon." Okay! Siya na matapang! Sana 'wag siya nitong gilitan pag-uwi nila sa hacienda nito.
At oo, narinig niya itong nagsalita ng Tagalog nang pagalitan nito ang isa sa mga katulong nito kaya malakas ang kutob niyang hindi ito dugong Peninsulares.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.
"Ano ang ibig ipahiwatig ng iyong mga tinuran?" Seryosong tanong nito sa kanya.
"Sa wakas! NagTagalog ka rin. Alam mo bang isang linggo na akong masisiraan ng bait sa kaka-Spanish mo? Hindi na nga rin ma-detect ng translator ng cellphone ko ang ibig sabihin ng mga salita mo." Reklamo niya rito.
"Kung ang nais mong sabihin ay nagugutom ka na, mamaya na. Paroroon pa tayo sa itinatayong simbahan sa silangan upang maningil ng lingguhang buwis sa mga manggagawang Indio."
"Ano? Lingguhang buwis? For your information, ang buwis o tax sa amin hindi lingguhan. Kinsenas katapusan kada buwan ang singil. Hindi makatarungan ang lingguhang singilan. Wala pa silang gaanong kikitain lalo na kung sapilitan niyo lang silang pinagtatrabaho na walang bayad kaya ano'ng sisingilin mo sa kanila?"
Yeah, polo y servicio ang tawag sa ganapang nangyayari sa panahon na 'yon. Iyon ang sistemang sapilitang paggawa at paglilingkod ng mga kalalakihang Pilipino at Intsik. Bata man o matatanda ay sapilitang pinagtatrabaho ng mga Kastila.
Dumilim ang mukha ni Alfonso sa mga pinagsasasabi niya saka nito hinila ang isang braso niya. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bakit hindi na lang kasi siya nagshut up? Mukhang nagalit niya ang gwapong heneral.
"A-Alfonso, n-nasasaktan ako - "
"Sino ka ba talaga Maria Soledad? Bakit napakarami mong nalalaman sa klase ng pamamahala ng Espanya rito sa Pilipinas?"
"S-Sabi ko naman kasi sa 'yo last week, hindi ako tagarito. Hindi ito ang panahon ko."
"Bakit napakarami mong nalalaman?"
"Dahil napag-aralan ko na ang kasaysayan ng Pilipinas noong pumapasok pa ako sa paaralan namin. Lahat ng mga lihim at kabalahuraan niyo ay alam ko." Nakipagtagisan pa siya ng titigan dito. Matira matibay kung sino ang unang magbabawi ng tingin nila.
May sasabihin pa sana si Alfonso ngunit hindi na nito iyon naituloy sapagkat inagaw na ng kutsero ang atensyon nito. Nasa tapat na pala sila ng ginagawang simbahan. Doon ay binati siya ng kanyang mga kapwa Pilipino na tanghaling tapat ay nagsusunog na ng balat sa pagtatrabaho. Ang iba naman ay nilalatigo ng mga gwardiya sibil ang mahuling hindi kumikilos.
Agad kumawala si Choleng sa mahigpit na pagkakahawak ni Alfonso sa kanya ng makita niya ang isang batang lalaki na natumba sa magaspang na semento dahil hindi nito kayang magbuhat nang mabibigat na kagamitan. Nilapitan ito ng gwardiya sibil. Sinigawan at nilatigo.
Hinubad agad ni Choleng ang suot niyang bakya at binato sa gwardiya sibil na nagmamalupit sa bata. Napatanga lahat ng mga nakakita lalo na si Alfonso sa kanyang ginawa. Pero wala na siyang pakealam do'n. Ang mahalaga sa kanya ay matulungan ang kanyang kapwa.
"Okay ka lang ba bata?"
"S-Salamat, Binibini..." sabi nito sa gitna ng paghugugol nito.
Mapalo nga lang sinturon masakit na, malatigo pa kaya?
"Ngunit hindi mo dapat iyon ginawa. Maaaring magalit sa iyo ang Gobernador-Heneral at si Padre Agustino." Tukoy ng bata sa prayleng Pransiskano.
Mataas ang katungkulan nito sa simbahan at mainit ang dugo nito sa kanya matapos niya itong sabihang kalbo at walang buhok matapos siyang ipakilala noon ni Alfonso bilang nobya nito. Yeah, nobya ang naisip ni Alfonso para walang makahalatang naiiba siya sa lahat. Mapanganib daw na matuklasan ng iba ang totoong pagkatao niya.
"Ikaw na naman?" Sigaw agad ni Padre Agustino na nagmamadaling lapitan ang direksyon nila. "Matapos mo akong kutyain noong isang araw gumawa ka naman ng kalapastangang hindi mapapatawad ng Panginoon!"
Hinarap niya ang balyenang pari.
"Hoy! 'Wag mong gamitin ang pangalan ng Diyos. Ginagamit niyo lang ang Kristyanismo at ang Diyos para samantalahin ang mga Indio. Ang mga PILIPINO."
"Padre Agustino," tawag ni Alfonso sa pari ng makalapit ito kay Choleng. "Ako na ang humihingi ng paumanhin sa mga ikinilos ng aking kasintahin. May kaunti lamang kaming hindi pagkakaunawaan kaya mainit pa ang kanyang ulo."
Tila nakumbinsi ng heneral ang pari. Nagsalita ito.
"Mawalang galang Gobernador-Heneral Montojo. Paumanhin din sa aking inasal sa inyong kasintahan. Ngunit sa susunod na mangyari uli ito, kinakailangan ng bigyan ng karampatang parusa ang magiging maling galaw ni Binibining Choleng."
Nang makauwi ng hacienda ang dalawa, napatakbo bigla si Choleng sa kanyang kwarto. Oo, May sarili siyang silid sa hacienda ni Alfonso dahil sa pagkakaalam ng lahat ay kasintahan siya ng isang Gobernador-Heneral.
"Maria Soledad! Bumaba ka rito!" May pagbabantang tawag ni Alfonso.
"Ayoko! Alam kong gwapo ka pero baka ibalibag mo 'ko sa sahig. Mahirap na! Mas okay na 'yong nasa safezone Alfonso Emmanuel de Tavera y Montojo no!" Sigaw ni Choleng mula sa taas ng hacienda nito.
"Maria Soledad Magsalin, bumaba ka na rito bago pa kita makaladkad mula sa itaas. At anong salita ang iyong binigkas kanina? Iyong Seeepp–? Qué es eso? (Ano iyon?)" Nalilitong tanong ni Alfonso sabay kamot sa kanyang batok.
"Ito na! Bababa na nga! Naglalakad na oh!" Sigaw ni Choleng. Nakanguso si Choleng habang pababa. Nasa sala si Alfonso habang nakaupo. Nakaharap sa hagdan ng hacienda ang kanyang inuupuan.
At kung hindi ka ba naman dapuan ng sandamakmak na malas ay nadulas pa si Choleng. Nahagkan ng mabuti ni Choleng ang panglatag sa sahig o mas kilala sa tawag na "karpet." Walang nagbabalak magsalita. Pati ang mga katulong na naghahanda ng hapagkainan nakanganga at nawindang sa hindi inaasahang pangyayari. Nabalot nang katahimikan ang buong paligid bago marinig ang halakhak ng isang Alfonso Emmanuel de Tavera y Montojo.
Nagmamadaling tumayo si Choleng at nagpagpag. Nanlilisik na tingin ang kanyang pinukol kay Alfonso. Pati ang mga katulong sa hacienda nagpipigil ng tawa. Ngumuso si Choleng at dumiretso sa hapag.
"Binibini, Ayos lang po ba kayo?" Tanong ng isang katulong sa hacienda.
"Okay lang po ako, 'Nay! Sadyang, may isang tao lang atang di okay dito. Nabaliw na yata sa katatawa!" Malakas na utal ni Choleng. Tatayo na sana si Alfonso mula sa kanyang inuupuan ng may isang panauhin ang pumasok.
"Juanito, Cuándo llegó?" (Kailan ka pa nakarating?) Tanong ni Alfonso ng may pagkabigla.
"Justo Ahora." (Ngayon lang.) Walang ganang sagot ni Juanito.
Habang nag-uusap sa sala ang dalawang magkapatid. Matiwasay na kumakain si Choleng sa hapagkainan na parang walang pakialam sa paligid niya. Hanggang sa dumating na nga ang oras ng karma. Nabulunan siya ng bongga. 'Di siya makapagsalita. Nakahawak siya sa kanyang dibdib hanggang sa may mag-abot sa kanya ng tubig.
"Salamat" Matiwasay na sabi ni Choleng ng makahinga na siya nang maayos. Pagtingala niya sinalubong siya ng bagong mukha.
"Qué?" (Ano?) Tanong ni Juanito. Natulala si Choleng. Wala siyang masabi. Isang Espanyol ang kanyang kaharap. At halata sa itsura nito na parang hindi nakakaintindi ng salitang Filipino. Parang ewan lang silang nagtitigan sa isa't isa. Hanggang sa dumating si Alfonso.
"Quién es? / Sino siya?" Sabay tanong ng dalawa. Nasapo ulit ni Alfonso ang kanyang noo nang mapagtanto niyang 'di pa pala niya naipapakilala ang dalawa sa isa't isa.
"Maria, mi novia Juanito." (Si Maria, kasintahan ko Juanito) Pakilala ni Alfonso.
"Maria Soledad, kapatid ko si Juanito" Simpleng pakilala ni Alfonso sa kapatid niya.
"Como un filipino tu novia?" (Papaanong isang Pilipino ang iyong kasintahan?) Nakangiting aso na tanong ni Juanito. Matalim na tingin ang pinukol ni Alfonso sa kanyang kapatid.
"No interfiera en la materia, Juanito." (Huwag kang makialam sa bagay na iyon, Juanito.) May diin na sabi ni Alfonso kay Juanito. May tensyon na namamagitan sa dalawa.
"Cómo voy a hacer?" (Papaano pag ayoko?) Ngiting-aso na sabi ni Juanito sabay hila papalapit kay Choleng.
"Ano ba! Feeling close ka!" Piglas na sabi ni Choleng. Matalim ang tinginan ng dalawa. Walang nagbalak bumitaw ng tingin. 'Di nakatiis si Alfonso. Hinala niya si Choleng mula kay Juanito at kinuwelyuhan ito.
"No toque!" (Huwag mo siyang gagalawin!) May diin na sabi ni Alfonso sabay marahas na pagbitaw nito kay Juanito. Hinila ni Alfonso si Choleng at isinama sa taas.
Walang maintindihan sa bawat sinabi ng dalawa si Choleng kaya ngayon para siyang baliw na naguguluhan. Pinili niyang pumuslit sa hacienda para magpahangin. Napadpad siya sa pagawaan ng asukal at kape. Ngunit ang dapat na tahimik at maaliwalas na gabi na kanina pa niya hinahanap ay napalitan ng matinding galit at poot.
Nasaksihan niya kung papaano patayin ang kaawa-awang pilay at pagmamalupit sa mga kababayan niyang Indio. Tumulo ang luha ni Choleng ng hindi man lang namamalayan. Hindi siya makapagsalita habang minamasdan ang 'di kanais-nais na tanawin. Nabato siya sa kanyang tinatayuan.
"Sorry... Sorry... Sor – ry!" Tahimik na humagulgol nang iyak si Choleng. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa sakit na kanyang nadarama ng mga sandaling 'yon. Unti-unting lumalabo ang kanyang paningin at napalitan ng ibang larawan.
Kaguluhan.
Kagubatan.
Kamatayan.
Napaiyak lalo si Choleng sa kanyang mga nakita. Sumakit ang kanyang ulo. Sobrang sakit na parang mabibiyak. May mga lumitaw na mga larawan uli sa kanyang utak.
Ang kalangitan ay nahahati sa dalawa.
Maaliwalas na buwan. Makulimlim na ulap.
Tatlong bituin. Malakas na pagbuhos ng ulan.
"Arrgghhh!" Sigaw ni Choleng at nawalan ng malay.
* * *
Hindi pa umuuwi si Choleng at 'di mahagilap ni Alfonso kahit anino nito sa buong hacienda. Nag-aalala ang Gobernador-Heneral para sa binibini. 'Di niya napansin ang pag-alis ng dalaga sa gabi at dumating ang umaga na kahit isang hibla ng buhok nito ay 'di niya maaninag. Hindi mapalagay ang Gobernador-Heneral buong araw. Nasanay na siya sa presensya ng dalaga. Asaran sa umaga at bangayan buong araw.
Sa kabilang dako, nagising si Choleng na nasa isang kubo. Siniyasat niya ang kanyang sarili. May damit pa naman siya. May mga kamay at paa. Nakakakita at nakakarinig. Lumabas na siya sa kubo.
"Manong, nasaan po ako?" Tanong niya sa isang lalaking nasa labas na nagsisibak ng kahoy.
"Ayos na po ba ang inyong pakiramdam, Señorita? " Magalang na tanong ng matanda.
"Ano ka ba Manong! 'Wag niyo na po akong tawaging Señorita para namang ang yaman ko sa lagay na 'yan" Natatawang sabi ni Choleng sa matanda.
"Ang punto ng iyong pagsasalita Señorita ay hindi katulad ng sa amin. At ang inyong mga galaw ay naiiba sa mga babaeng nasa pulo na ito. May mga salita akong 'di maintindihan datapwat alam ko na hindi ito salitang Espanyol. Saang lugar ka po ba nanggaling Señorita? " Nagtatakang tanong ng matanda kay Choleng.
"Masyado ka pong magalang at magaling Manong. Ang "po" sa lugar namin ay ginagamit lang sa mga matatanda at sa mga taong karapat-dapat galangin. Tawagin niyo na lang po akong Choleng, Manong!" Nakangiting sagot ni Choleng.
Naglibot si Choleng sa buong lugar. Napag-alaman niyang ang taong kumupkop sa kanya ay si Manong Andres at tatlong araw na siyang walang malay. Pinakain na rin siya ni Manong Andres kanina at hinayaang makapaglibot. Nagtataka pa din si Choleng kung ano ba'ng ibig sabihin ng kanyang mga nakita nang sumaglit sa kanyang isipan si Alfonso.
"Kailangan ko ng bumalik. Baka nag-aalala na si Alfonso. Patay ako nito panigurado. Tatlong araw akong nawala. Kasintahan niyang Missing-In-Action habang gumagala sa gabi. Hay naku! Patay ka ngayon Maria Soledad." Litanya ni Choleng sa kanyang sarili.
Sa paglilibot ni Choleng marami siyang natuklasan. Mga pulbura at sandata. Mga kumpulang bolo at itak. Kahit kinakabahan siya hindi pa rin niya pinagdududahan si Manong Andres. Malapit ng maggabi kaya nagpaalam si Choleng kay Manong Andres at nagpahatid sa bayan.
Bago pa maghiwalay ng daan ang dalawa ay nag-usap sila sandali. Kahit ayaw ni Manong Andres na pauwiin si Choleng sa dahilang gabi na ay nakumbinsi pa din ng dalaga ang matanda.
"Manong Andres, salamat sa pag-aalaga sa 'kin ng tatlong araw. Kung anumang balak meron kayo tandaan niyo po sana ito. Kapag ang kalangitan ay nahati sa dalawa. Maaliwalas na buwan ngunit may makulimlim na ulap. May tatlong bituin ngunit umuulan. Dadanak ang dugo sa kagubatan. Puno ng kaguluhan at nagbabadya ang kamatayan. Sana madaming buhay ang masagip ng simpleng babalang sinabi ko. Ingatan niyo po sana ang sarili niyo Manong Andres."
Hindi na siya maihahatid ni Manong Andres sa pamilihan kaya naglakad mag-isa si Choleng. Suot pa rin niya ang kanyang damit noong araw nang mawala siya. Umalis si Manong Andres na 'di makuha ang mga sinasabi ni Choleng at napaisip ng malalim.
Madilim na sa dinadaan ni Choleng ngunit may mga ilaw naman na nagsisilbing liwanag sa kanyang dinaraanan. Medyo malayo na si Choleng subalit naging makulimlim ang ulap ngunit may mga bahagi na masisilayan mo ang aliwalas ng buwan. Kinabahan si Choleng. Nagsimula nang umulan. 'Di maipikit ni Choleng ang kanyang mga mata. Tinatanaw ang tatlong bituin na iyong masisilayan kahit sa 'di inaasahang panahon.
May putok ng baril na maririnig mula sa 'di-kalayuan.
Hindi makagalaw ang dalaga. Tila nabato siya sa kanyang tinatayuan. May luhang tila isang kadenang 'di maputol ang tumulo mula sa kanyang mga mata.
Sakit.
Sobrang sakit ang kanyang nadarama.
Katotohanang wala siyang ibang magawa.
Katotohanang 'di niya mababago ang nakatadhana.
Katotohanang sana naging isang panaginip na lang ang lahat ng ito.
Ngunit...
NAPAKASAKIT.
Sobrang sakit na 'di na siya makahinga. Namamanhid ang kanyang buong katawan. Wala na siyang ibang maramdaman kundi sakit.
May biglang yumakap kay Choleng. 'Di niya maaninag ang taong yumakap sa kanya. Unti-unting luminaw ito hanggang sa masilayan ang mukhang puno ng pag-aalala ni Alfonso. Napangiti siya at unti-unting nawalan ng lakas hanggang sa mahimatay.
* * *
Nagising si Choleng na nasa kanyang silid, sa hacienda ni Alfonso. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng kanyang kwarto kung kaya't narinig niya ang usapan nina Alfonso.
"Gobernador-Heneral may mga nahuli po kaming mga Indio. May mga ilan pong patay ngunit may mga nahuli naman kaming buhay na kasapi ng Kilusan. Ano po ang nais mong gawin sa kanila?" Ulat ng isa sa mga tauhan ni Alfonso.
"Ikulong mo muna sila pansamantala." Tugon ni Alfonso.
Hindi mapigilan ni Choleng na mapaiyak na lamang sa mga narinig. Hindi siya nagkamali sa kanyang babala. Dumanak ang dugo. Nakarinig nang yabag ng paa si Choleng kaya muli siyang pumikit. Nakaligtaan niyang punasan ang mga luha sa kanyang pisngi kaya nakita iyon ni Alfonso.
Kahit maraming tanong si Alfonso pinabayaan niya na lamang si Choleng na matulog nang matiwasay. Pinunasan nito ang mga luha ng dalaga sabay dampi ng kanyang labi sa noo ni Choleng sa pag-aakala nito na ito'y tulog. Nabigla ang dalaga sa paghalik ni Alfonso kaya ito'y napamulat bigla.
Napakurap ang dalawa.
Sobrang lapit ng kanilang mga mukha.
Napatitig sila sa isa't isa.
Hanggang sa...
Kumatok si Juanito sa pintuan kahit bukas naman ito.
"Yo te moleste?" (Naistorbo ko ba kayo?) Mapang-asar na tanong ni Juanito.
Napatayo si Alfonso nang maayos habang napaupo naman si Choleng sa kanyang kama bigla. Pulang-pula ang mukha ni Alfonso kaya umalis na lang siya bigla sa kwarto. Habang tinapunan naman ng unan ni Choleng si Juanito. Tawang-tawang sinalo ni Juanito ang unan at umalis.
Hindi mapakali si Choleng sa kanyang mga narinig kanina. Kung kaya't buong araw iyon na lamang ang kanyang iniisip. 'Di siya lumalabas ng kwarto kaya dinadalhan na lamang siya ng pagkain sa kanyang silid ng mga katulong.
Hanggang sa 'di natiis ng kanyang konsensya ang kanyang mga iniisip. Napagdesisyunan niyang pumuslit ulit ngayong gabi. Nais niyang pumunta sa kulungan ng mga kababayan niyang Pilipino. Wala na siyang ibang iniisip kundi ang maitakas sila.
Nasa labas na siya ng kulungan ngunit maraming nakabantay. Nalito siya saglit papaano lagpasan ang mga bantay. Gamitin niya kaya ang simple Martial Arts niya? 'Yon ang unang pumasok sa utak ng dalaga ngunit baril ang katunggali niya.
Nasa labas pa din si Choleng nakamasid nang mapag-alaman niyang palitan na ng bantay. Pumasok sa kanyang utak ang isang ideya. Mabilis siyang pumunta sa kung saan at may kinuha. At nang pagbalik niya may hawak hawak na siyang alak at handang harapin ang mga bantay na may hawak na mga baril
"Ako ba'y kilala niyo?" May pagkamayabang na tanong ni Choleng sa parang isang diktator at isang makapangyarihang tao.
"Opo, Señorita." Magalang na sabi ng mga bantay sabay yuko ng mga ulo nila ng bahagya.
"Mabuti. Ang Gobernador-Heneral ay may ipinabibigay sa akin. Dapat ito'y bukas pa pero hindi ko na pinatagal pa at wala din naman akong gagawin ngayon." May pekeng ngiti na sabi ni Choleng.
"Ito, tanggapin niyo ang alak ng buong puso. Ito'y galing sa Gobernador-Heneral. Inumin niyo ito at magpakasaya ngayong gabi. Ang mga tulisan na kasama sa Kilusan ay nahuli na sa kabilang bayan. Wala na dapat kayong alalahanin pa." Bigay ni Choleng sa alak at napagkwentuhan sandali. Nagsimula nang mag-inuman ang mga bantay. Makalipas ang ilang oras nakatulog ang lahat.
"Advantage talaga ang pagiging galing sa future." Utal ni Choleng sa kanyang sarili at hinanap ang susi. Pumasok na siya sa loob at pinakawalan ang mga bilanggo. Pero dahil sa pagmamadali ng mga unang bilanggo ay natamaan nila ang tanglaw na naging dahilan ng nagbabadyang sunog.
Naiwan si Choleng sa loob. May isang bilanggo ang 'di makatayo. May kapansanan ito kaya nahihirapan ito sa pagtayo. Tinulungan siya ni Choleng at sabay silang pumunta sa pinto ngunit napapalibutan na ito ng apoy.
"Lumayo kayo sa pinto." Sigaw ni Alfonso mula sa labas. Taliwas sa kaalaman ni Choleng na buong araw siyang binabantayan ni Alfonso sa takot nitong mawala ulit ang dalaga. Kahit may alam na ang binatilyo sa pinaplano ng dalaga ay pinabayaan niya lamang ito pero sa pagkakataong ito kailangan na niyang makialam. Nakalabas na silang Choleng mula sa loob dahil sa tulong ni Alfonso. Walang ibang nasa isip ni Alfonso sa mga oras na iyon kundi si Choleng.
Sinubukan ng may kapansanan na makalayo sa lugar na iyon habang niyayakap pa ng mahigpit ni Alfonso si Choleng. Nagkamalay siyang ang Gobernador-Heneral pala ang kanyang kaharap kaya mas pinili niyang makatakas at makawala sa mga mata nito. Hindi nito alam na may nakatutok sa kanyang baril. Baril na ang may hawak ay si Juanito.
Nakita iyon ni Choleng. Kaya bago pa maiputok ang baril ay tumakbo na si Choleng sa may kapansanan at isinangga ang kanyang sarili.
Pumutok ang baril at natamaan si Choleng sa bandang puso.
Tila huminto ang mundo para sa kanila.
Napatakbo si Alfonso patungo kay Choleng at sinalo ang dalaga. Ang may kapansanan ay tila naging pipi at naparalisa sa nasaksihan. Si Juanito naman ay napaluhod at nawalan ng lakas.
Napaluha ang lahat.
Bumuga ng dugo ang dalaga at ngumiti kay Alfonso.
"Salamat. Sa pagpapanatili sa akin ditto sa panahon niyo. Marami akong natutunan. Salamat sa pagmamahal sa 'kin kahit 'di halata. Assuming ako huwag ka na lang makialam, Okay?" May tawang pahayag ni Choleng. 'Di makapagsalita si Alfonso dahil sa mga luha nitong tuloy ang pagtulo kahit kanina pa niya pinipigilan. Hinawakan ni Choleng ang mga pisngi ni Alfonso at pinahiran ang mga luha nito.
"Alam mong 'di ako galing sa panahong ito. 'Wag kang mag-alala tayo pa rin naman sa hinaharap. Ako pa rin ang magiging kasintahan mo kahit anong mangyari Alfonso Emmanuel de Tavera y Montojo." Ngumiti si Choleng habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha mula sa kanyang mga mata.
Tumingin siya kay Juanito at ngumiti.
"Hindi mo kasalanan. Ito'y nakatadhana." Nakangiting sambit ni Choleng bago lagutan ng hininga.
-----
Written by:
Anna_Marie_Marata & Eljey_Olega
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top