Entry #3:Goodbye Friendship

Nakilala ni Dhez ang kanyang gay best friend na si Justine noong magtransfer ito sa kanilang school. Buong akala niya ay talagang lalaki ito dahil na rin sa masculity na taglay nito pero ang bruha! Nilantad nito sa kanya ang totoong pagkatao nito ng walang keme.

"I'm girl who was cursed inside this man's body." malanding sabi nito sa kanya. "At mas maganda ako sa 'yo. Angal ka?"

"Hindi. Sa 'yo na ang kagandahan basta ako crush kita." sabay ngiti niya rito.

"Yuck!"

She just laugh. Ano'ng magagawa niya? Tinamaan siya ng sobra sa kagandahan nito kaya naging magbestfriend sila. Ka-wavelength niya ito pagdating sa kalokohan. Hindi naman daw talaga ito magta-transfer sa school nila kung hindi dahil kay Nelxon. Schoolmate nilang hertthrob sa school but in the end iniyakan ng lola mo dahil napag-alaman nilang bakla rin pala ito.

"Sakit Mare, turon na nga malambot din pala."

Hindi naiwasang pagtawanan ni Dhez ang kamiserablehan nito. "Eh kung mahalin mo na lang kaya ako?"

"Kapal talaga ng mukha mo Mare. Brokenhearted na nga ako pinagsasamantalahan mo pa ang kahinaan ko. Eh kung itapo kaya kita sa imburbal?"

Pero sa huli, naka-recover na ang bestfriend niya kay Nelxon. Grade 10 ang kanyang best friend at Grade 9 siya. Palagi siyang nagpapaturo rito since napagdaanan na nito ang lessons na inaaral nila kaya palaging advance study si Dhez at nakakapasa sa exams dahil na rin sa turo ng kanyang bestfriend.

"Sino 'yong lalaking kalalabas lang kanina?" tanong sa kanya ni Justine isang araw ng bumisita ito sa kanilang bahay.

"Ah. Si Lester 'yon. Manliligaw ko." sagot niya rito sabay alok ng cake dito. "Have some. Masarap 'yan."

"Galing din ba 'yan sa kanya?"

"Oo."

"I don't eat cake from a stranger." mataray na sabi nito na para bang galit pa sa kanya.

"Galit ka?"

"Hindi kayo bagay ng Lester na 'yon."

"At ikaw ang bagay sa kanya kaya ka galit dyan?" tinapatan na rin niya ang katarayan nito.

"Inaalala ko lang ang kaligtasan mo. Malay mo masamang tao pala ang Lester na 'yon. Pa'no kung gawan ka niya ng masama?"

"Excuse me, bago pa kita maging kaibigan matagal ko ng kilala si Lester. Mabait siya at hindi masama gaya ng binibintang mo sa kanya."

"Fine! Eh 'di kayo na. Hmph!" iyon na ang huling sinabi nito bago ito magwalkout palabas ng bahay nila.

"O, nakita ko si Justine na lumabas. Nakabusangot ang mukha. Nag-away ba kayo?" bungad na tanong ng Kuya ni Dhez sa kanya.

"Ewan ko sa baklang 'yon. Biglang nagalit ng sabihin kong nanliligaw sa akin si Lester. Ang dami na niya agad kuda."

"Baka nagseselos."

"Ha?"

"Alam mo naman ang mga lalaki. Malamang nagselos 'yon."

"Bakla ang bruhang 'yon, Kuya." pagtatama niya rito.

At iyon na ang huling pag-uusap nila ni Justine dahil nalaman na lang ni Dhez sa kapatid nito na doon na sa New York ipagpapatuloy ang pag-aaral nito sa kolehiyo.

That made her sad because of their broken friendship.

Written by: Eljey_Olega

Goodbye Friendship

Description: Masarap sa pakiramdam na may tinuturing kang best friend pero dahil lang sa misunderstanding sa pagitan nina Dhez at Chris Justine bigla na lamang 'yon nawala.

Why: More on friendship kase ako. Hindi ako mabuhay ng walang interaksyon sa mga kaibigan ko. Hindi lang kase ako nakabase sa puro love-love-love. Kakasura kung puro 'yan na lang ang binibigyan ng pansin hahaha xD Gusto ko ring bigyang-pansin ang kahalagahan ng pagkakaibigan.

How: inisip ko kung paano kaya isang wala na akong friends? Saket no'n kaya ayon nagcame up ako sa ganyang concept heheh :)
----------
For more of her works, please follow Eljey_Olega. Thank you and God bless.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top