Entry #2: #Waley
Description: May mga taong gusto kang mapasaya kahit na sa isip mo ay nangungulit sila o pinapasakit lang nila ang kapiranggot mong ulo. Ang mga taong ganito ay mga totoong nagmamahal talaga sa'yo. Madaling magbigay ng effort,pero mahirap makahanap ng taong makaka-appreciate ng effort mo. Pahalagahan mo sila dahil hindi mo alam kung kailan sila magsasawang gawin iyon.
Why: Uhm, ewan. Nag observe lang ako,may mga tao kasi talagang hindi nakakapansin o hindi pinapahalagahan ang ginagawa ng iba para sa kanila. Tsaka madaldal ako talaga kapag nakakakita o nakakausap ako ng taong malungkot. Alam ko kasi ang pakiramdam ng ganon at ayaw kong may taong magiging katulad ko. Kaya kahit nagmumukha akong feeling close at weird ay ginagawa ko makausap lang sila.
How: 299 words. As usual kalaban ko parin iyang word count. Hahaha. Ewan pagnagtype ka na kasi wala ka nang iisipin na ganyan. Sinulat ko rin ito sa genre na gusto ko,CORNY este medyo HUMOR Hahaha. Mahal ko si Corny,sana mahal din niya ako. Lels. Message ko rin ito sa mga lalaking nawi-weirduhan sa mga babaeng palatawa,to the point na pinag-iisipang baliw na. XD
~*~
"Okay lang iyan,classmate. Ganoon talaga ang buhay. Ang relasyon ay parang sasakyan na walang gas,pwede kang magstay sa isang lugar pero walang mararating."baling ni Lalie sa classmate na si Romeo. Parehas silang naghihintay ng jeep.
"Pwede ba'ng tigilan mo ako sa pagiging waley mo? "irita nitong sabi sa kasamang lagi siyang ginugulo ARAW-ARAW.
Nang dumating ang jeep ay sumakay na sila.
"Ano ba ang gusto mo?"tanong ni Lalie na sumunod sa classmate. Tumabi siya rito.
"Kapayapaan. Kaya tumigil ka na." masungit nitong sagot sa kanya.
"May mga tao talaga na magii-stay sa puso natin pero hindi sa tabi natin."
Pinapayuhan niya ito dahil ang ultimate crush nito ay may nobyo na. Nakita niyang matamlay ang lalaki.
"Intindihin mo na lang ang school natin kesa isipin ang crush mong tutubuan ka na lang ng pigsa sa kili-kili ay hindi ka mapapansin."
"Petmalu te!" komento ng lalaki sa harap nila.
"Lodi!"palakpak naman ng katabi nito.
Ngumiti lang ang dalaga na sanay na sa papuri na isa siyang lodi.
Magbabayad sana si Romeo pero sinalo na ito ni Lalie.
"Manong,bayad ho."sabi niya sabay pasuyo sa pasahero sa unahan nila. "Ang hirap kasi sa'yo,pinakilig ka lang,minahal mo na agad."panenermon na naman niya."Tumawa ka na kasi!" may halong pakiusap niya.
"Hindi ka naman nagpapatawa eh."masungit at iritable nitong sabi.
"O sige,ano ang pangalan ng kapatid ni Conan?"
Bored itong tumingin sa kanya. "Wala siyang kapatid."
"Meron."
"Ewan. Sige ano?"suko niya sa makulit na babae.
"Edi,COLIWA! HAHAHAHA!"
Bunghalit ang tawa ng babae na lalong nagpasalubong ng kilay ni Romeo.
"HASHTAG WALEY! BUSET!"inis nitong sabi.
"Saan yung bente?"tanong ng driver.
"Kaaabot ko lang,nawala agad?"balik-tanong ni Lalie.
Tila nag-init ang ulo ng nito. "Ilan dito sa bente?"
"Dalawa po.Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim."
Napatingin si Romeo sa kasama niya na napatingin sa labas ng jeep.
Written by: mystshade
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top