Entry #2: TROOOPA
Description: Mapagpatawad ang Diyos, ikaw pa kaya?
How: Nagtanong ng suggestion sa isang kaibigan.
Why: Kase bakasyon na, kaya Sali-Sali rin ng activity
Author's POv
"Whooo! Tagay!"
"Putspa! Tapos na tayo sa K-12 kuno na yan!" sobrang saya ng mga ito, habang patuloy lang sa paglaklak ng alak.
"Tapos na lahat ng research at defense! Ayoko na mag-aral!" sabi ni Obet, kahit naman ipagpapatuloy niya pa rin ang College para sa mga magulang niya.
"Hehe pwede na t-tayo m-magtrabaho." May kasama pang sinok ang bawat salita nitong si Otchog.
Halata mo na sa mga ito ang pagkalasing. Iba-iba na ang ginagawa. Bagsak na ang karamihan sa pito. Si Apet , Ruffer, Peter at Otchog na lang ang matitibay.
"Pre, tignan mo si Obet hahalikan na yung pwet ni Owen."
"T-tapos si Tupe sigeng kamot..."
"Sabay punas kay Owen."
Nagsitawanan na lang ang apat sa kababuhayan ng mga tulog nilang tropa.
"Chog, akin na cellphone mo, pasikatin natin tong mga to." Malokong sabi ni Ruffer, ang pangatlong matanda sa kanila pero una sa mga kalokohan.
"Ako na kukuha." Bulong ni Peter ang panganay sa kanila, halos dalawang taon lang naman at buwan ang pinagkatalo ng mga edad nila.
Sinimulan na nilang videohan ang mga unggoy, si Obet nakanganga habang malapit sa pwet ni Owen.
Si Owen naman siging sipsip sa daliri ni Tupe na kanila lang gamit niya pangkamot. Habang itong si Tupe sarap na sarap eh! Kala mo nakikipaglaplapan, iba rin nasa panaginip ni gago.
"Yan tulog pa." Natatawang sabi ni Apet, sabay upload sa facebook. Nagpatuloy lang sa pag-inom ang mga kolokoy, masaya sila dahil sa wakas graduate na. Susulitin muna nila ang saya, dahil marami pang pagdaraanan ang pagkakaibigan nila.
***
Ruffer's POV
Nakatingin lang ako kay Obet, anong oras ba to magigising? Hirap lang kase tanggapin, pero at least nakikita ko pa rin si kumag. Sana nga lang alam niya sa sarili niya.
"Uy pre, goodmorning!" Naghihilot ng ulo ito nang magising. Nakatulala lang ako.
"Ah a-ano pre, wala ka bang natatandaan?"
"PUTEK! NAGKALAT BA KO KAGABI NUNG INUMAN!" Di mapakali nitong pagtatanong, pilit niyang inaalala.
"P-pre, tigil mo nga yan, one week ago pa yun! Dalawang araw ka nang natutulog dito sa bahay, para kang lasing kahit hindi naman. Tapos bigla ka na lang hihiga diyan sa kama ko. Hindi na ako makatulog takte!"
"Anong sinasabi mo diyan? Kagabi lang tayo nag-inuman, baka ikaw yung lasing."
"Pre tignan mo suot mo." Luminga ako ng tingin sa iba, sana naman maalala mo.
"A-ano to? B-bakit ako nakabarong?" Naiinis at nalilito niyang tanong.
"Pre nung araw ng inuman mula kagabi, pang-isang linggo mo na..." Di ko matuloy, masakit sa akin, dahil hindi ko rin tanggap.
"P-pre isang linggo ka ng p-patay."
Narinig ko na lang ang pagtawa nito, wala nga siyang natatandaan.
"Hoy seryoso ako! Akala mo ba madaling sabihin sa tropa ko na patay na siya! Putek Pre! Pumunta ka dito noong isang araw, nung ika-isang linggo mo, tapos hanggang ngayon nandito ka pa rin."
Nawala ang mga ngiti niya, hindi ko malaman kung anu na ang iisipin niya.
"P-pano? Nangti-trip ka nanaman Ruffer e!"
"Tanda mo nung inuman natin, natulog ka habang kaming apat gising pa. Nagising ka bandang 3am, nakita mo ako at si Peter na lang ang gising. Nagpasuyo ka sa amin na ihatid ka kase hahanapin ka ng magulang mo."
"N-nagmotor tayo, tapos n-nabangga?"
"Tangeks! Wala tayong gasolina, naglakad tayo, pero oo nabangga ka."
"Patay na ko? Bakit mo ko nakikita? Nasan na ang tropa? Anung nangyare sa pamilya ko? San ako nilibing? Bak—"
"Tahimik! May third eye ako, sorry pero ito yung totoo. Tyaka Pre, aaminin ko sayo, hindi alam ng magulang mo e, tinatago namin sa kanila, sabi ko nag-hiking tayo ng isang linggo at gumala. Yung tropa nasa bahay nila, yung iba naghahanap ng trabaho. Kiniwento ko na nakikita kita, pero di naman sila naniwala. Masakit pa rin kase na nawala ka."
"ANO! HINDI ALAM NG MAGULANG KO?"
"Puntahan mo na lang tol, aalis na ako, tyaka tol kapag nakauwe ka na, sorry ah." Ngumiti ako sa kaniya at tinapik sa balikat bago umalis.
***
Obet's POV
"N-nay?" kinakabahan na nalulungkot ako hindi ko alam kung anung gagawin ko. Sana nga nakikita niya ako o kahit maramdaman niya ako.
"Oh anak, nako ikaw talaga, kamusta? Masaya ba kayong magkakaibigan?"
Nakikita niya ko? May third eye si nanay. Natuwa ako sa ganung pag-iisip. Agad ko siyang niyakap, grabe para ngang ang tagal-tagal ko siyang hindi nakita.
"Oy Obet, nasobrahan ka ata ng inom, bakit ganyan suot mo? Anu nanamang trip niyong pagkakaibigan?"
"Ate! Namiss kita ate." Niyakap ko si ate, ngayon ko lang naramdaman yung sakit, yung lungkot.
"Hoy nagkita lang t—"
"Ate pwede ka ng mag-aral ulit, nakapagtapos na ako diba? Kaya ikaw naman, kaya ko na sarili ko..." naluluha ako, pinipigilan ko lang, pilit kong inilalabas ang kulit at ngiti ko.
"Ano ka ba? Ayos lang yun bunso kailangan magsakripsiyo kung mahal mo ang isang tao, ikaw talaga!"
Niyakap ko ulit si ate, "salamat te, hindi ko yun makakalimutan." Tumulo na ang luha ko,ang sakit takte. Inuna ako ni ate makapag-aral para matulungan si nanay magtrabaho, mas pinili niyang tumigil kahit isang taon na lang, tapos ako ito sa isang inuman lang. Bigla akong babawian ng buhay.
"Anu ba naman tong mga anak ko, pinapaiyak ako, tara na nga at kumain." Napaisip ako dun, pinunasan ko muna ang luha ko. Kumakain ba ang mga multo?
"Nay hindi na po akyat na ako, kumain ako kina Ruffer." Tumakbo ako papuntang kwarto. Tinawagan ko agad si Ruffer,
"Hoy Ruffer!"
Tumatawa ito, "TOL SORRY NA ALA—"
"Tol nakikita ako ng pamilya ko, pano ko sa kanila sasabihin?"
"A-ano? Ah eh malamang kase mahal ka nila, ganun ang power of love tol, hanggat naniniwala silang buhay ka, makikita ka nila." Paliwanag nito.
"Pero kailangan na nilang malaman, huwag mong patagalin." Tama naman siya dun, mas matagal na kasinungalingan mas masakit.
***
Halos isang linggo na nang malaman ko, patuloy pa rin ako sa nakasanayan, nalaman kong pwede palang kumain ang multo. Pero hindi na ako lumalabas, hindi ko na rin nakakausap si Ruffer alam ko namang nahihirapan yun e.
Nahihirapan din ako, nakikita ko silang masaya, para akong binigyan ng mahabang oras na makasama sila. May oras na nakatulala ako dahil sa pag-iisip na patay na ako. Naiiyak ako madalas kapag naiisip na iiwan ko na sila. Ang sakit naman nito, patay na ako pero nakakaramdam ako ng sobrang sakit. Bukas pupunta ako sa bahay nila Ruffer, desidido na ako, hihingi ako ng tulong sa kaniya, sasabihin ko na sa pamilya ko ang totoo.
***
Author's POV
"Eh gago ka pala e! Hindi kita tinapu—"
Nasuntok na si Ruffer bago pa lang ito matapos magsalita. Nakaharap kase nila ang mga tambay sa tindahan ni Aling Bebeng.
"Aba naghahamon kayo ah!" Inis na sabi ni Peter, pumunta sila sa tindahan para bumili ng alak.
Anim laban sa lima. May panalo sana kung wala lang kutsilyo ang mga kaaway.
Inumpisahan ni Apet suntukin sa tagiliran ang isang lalaking mahaba ang balbas at walang hawak na kutsilyo.
Sunod-sunod nang nagsuguran ang mga ito, ilag sa kanan para kay Peter sabay tadyak sa gitna, akma na nitong sasaksakin si Peter nang mahawakan ni Otchog ang kamay ng lalaki.
Binali ni Otchog ang kamay nito dahilan para mabitawan ang kutsilyo.
Todo ilag lang ang mga ito sabay buhat ng upuan at bato sa kalaban.
Tanaw ni Obet ang mga tropa niyang nasa gulo, hindi ito nagdalawang-isip. Nakita niyang sasaksakin sa likod si Owen, dali-dali itong tumakbo. Patay na siya, pero hindi niya iiwan ang tropa niya sa gulo.
"OWEN! ILAG!" Bago pa man nakailag si Owen ay nasalo na ni Obet ang saksak.
Natigil ang lahat, may napuruhan na.
"O-obet! Tol may dugo ka!" nanginginig na binuhat ni Ruffer ang ulo ni Obet.
"Hoy tumawag kayo sa Ospital, away lang kase! Walang sakitan!" Naiiyak na sabi niya sa lahat.
"T-tol, may d-dugo a-ako? Masakit."
"Hoy! Buhay ka pa! di ka patay takte, dali mo kaseng maniwala!"
"Pre, wag kang matutulog! Sorry na, dadalhin ka namin sa Ospital." Sabi ni Peter na pilit pinapagaan ang sitwasyon.
"B-buhatin natin si Obet! Tulong!" Sigaw ni Otchog, naiiyak na ang mga ito.
"L-laban pre, mabubuhay ka, p-pagagalitan mo pa kami e." pilit na ngumingiti si Owen.
"T-tangina n-niyo."
Huling salita ni Obet.
***
"ANAAAAAAK!" patuloy ang pagsigaw at iyak ng nanay ni Obet, nasabi lahat ng tropa sa pamilya ni Obet. Sisingsisi sila sa nagawa. Hindi rin nila mapatawad ang kanilang sarili.
"T-tita Beth Sor—"
"LUMAYAS KAYO! W-WALA KAYONG K-KWENTANG KAIBIGAN! PINAGLARUAN NIYO ANG ANAK KO."
Patuloy lang ito sa pag-iyak, masakit para sa isang ina ang ganitong pangyayare. Walang nagawa ang magkakaibigan, umalis sila sa burol na umiiyak din.
***
"Gago kase tayo mga Tol e, si Obet yun oh, si Obet ang bait-bait, bakit kase siya?" Napasuntok sa pader si Ruffer.
Napatingin siya kay Peter ng masama at kinuha ang kwelyo.
"Tangina mo! Kung hindi mo ko pinigilan na sabihin kay Obet yung totoo edi sana buhay siya!"
Walang palag si Peter, hinawakan lang nito ang kamao ni Ruffer at umiiling, "h-hindi ko ginusto to tol."
"B-bakit kase sa lahat ng t-tulog si Obet pa, a-alam niyong uto-uto yun e, takte! Pwede namang ako!" suhestiyon ni Tupe.
Sinusuntok na lang nila ang pader habang patuloy na lumuluha.
"P-putek! Obet ang tanga mo! B-bakit mo kase sinalo!" Inis na naiiyak si Owen, "pwede ko namang mailagan yun tol!"
"P-patawad tol, patawarin mo kami." Pagsisising sinabi ni Ruffer.
***
Two months later...
"Aling Beth, patawad po! Patawarin niyo kam—"
"LAYAS! MGA SALOT!" Lumabas si Aling Beth na namumula na sa galit, parang isang matandang nakaduster at nalugi sa sugal.
"A-aling Beth, may d-dala kami pagkain, p-paborito niyo to sabi samin dat—"
"Hindi niyo siya kaibigan! Huwag na kayong bumalik, wala naman kayong maibabalik sa akin!" Hindi matanggal ang panlalaki ng mata nito sa magkakaibigan.
Ilang araw nilang sinuyo at ipinakitang pinagsisisihan nila ang kanilang nagawa. Pero wala silang alam gawin, upang mapalambot ang puso nito, gusto nila itong kausapin ng masinsinan pero lagi silang pinapaalis at sinisigawan.
***
Ruffer's POV
"Musta tol? Pasensya na ah, ngayon lang kami nakadalaw, hirap mag-move on sayo e."
Pumunta kami sa puntod ni Obet, nawawalan na kami ng pag-asang mapatawad kami ng pamilya niya.
"Tol, ikaw na lang pag-asa namin e, kausapin mo naman pamilya mo oh, nagsisisi kami Obet." Malungkot na sabi ni Peter.
"Tyaka kahit sa panaginip lang tol, magpakita ka naman, miss kana namin e." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Owen.
Tinitignan ko ang tropa ang laki ng nagbago sa amin, wala kaming halos maisip na kalokohan, puro kami pangarap na kasama si Obet. Kahit alam naming wala na siya.
***
Anim na buwan ang nakalipas, huli na to.
Sabay-sabay kami nanalangin, lumuhod, umiyak at nagsisi sa Kaniya. Humingi kami ng tawad at ng kahilingang mapatawad rin kami ng pamilya ni Obet.
"Ama, kung kasama niyo na si Obet sa langit, mapatawad niya po sana kami. Nakikiusap kami, kayo ang pag-asa namin, hilumin niyo ang sugat sa pamilya ni Obet." Panalangin ko sa Ama.
Lumabas kami sa Simbahan.
"Ayos! Kaya natin to, mahal ni Obet ang pamilya niya, mahalin rin natin sila, hindi dahil gusto nating magbawas ng kasalanan, kundi dahil mahal rin natin sila." Nakangiting sabi ni Otchog.
"Nice one pre! Gagawin natin to kase gusto natin." Sabi ni Tupe.
Pumunta na kami kina Aling Beth.
Si ate Kyla ang naabutan namin, pinapasok niya kami at pinaupo.
"Mahal kayo ni Obet, ang dami niyang ikinikwentong kalokohan niyo..."
Nag-umpisa siyang umiyak, "n-napasaya niyo s-siya, naging inspirasyon k-kayo sa kaniya, a-alam ko dahil kasama niya kayo sa p-pagbuo ng m-mga pangarap."
"Mahirap kayong patawarin, pero mahal kayo ng anak ko, hindi ako makakalimot sa nagawa niyo, pero oo, onti-onti mapapatawad ko kayo." Nakangiting sabi ng nanay ni Obet na may kasamang pagbagsak ng luha.
Tumayo kami, naiiyak kami sa saya, sa sobrang saya napayakap kami sa kaniya. Salamat Obet, salamat Panginoon.
Written by: QueenDollybird
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top