ENTRY #2: Kaibigan lang
Masaya ako kahit wala ka sa buhay ko
Sarili't pangarap lang ang iniintindi ko
Kaibigan lang ang hanap at inaasam ko
Ngunit pag-ibig ko sa'yo ang natagpuan ko
Pagdating mo sa mundo ko'y lahat nagbago.
Nagkaroon ng kulay, madilim kong mundo
Binigyan mo ng saysay ang pagkatao ko
Pangarap at dalangin ko'y nagkatotoo.
Ipinagtapat ko sa'yo pag-ibig na wagas
Handa akong ialay ang buhay ko hanggang sa wakas
Pag-akalang ito'y bibigyan mo ng katumbas.
Ngunit pagkakaibiga'y ayaw mong lumagpas
Paano kita magagawang kalimutan?
Kung ang sigaw ng puso ko'y pangalan mo lamang
At handa kang mahalin hanggang sa kamatayan
Maging ang kapalit man nito ay kabiguan.
Written by: Falling_Destiny
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top