Entry #18: Why can't it be?
Description: Posible nga bang mag-ibigan ang dalawang taong nasa magkabilang mundo at sa chat lang nagkakilala? Posible nga ba na maramdaman ang pagmamahal na ito kahit na ni minsan ay hindi pa nila nakita ang isa't isa? Totoo bang love knows no boundaries? Kahit na may malaking pader at distansya sa pagitan nila? Is love really conquers all? Will tears fall as joy? Is smile really means happiness? Or is pretending worth it? Will happiness finds it way for these two hearts? Let's see.
Why: Sinulat ko ang kwentong to dahil gusto ko ipakita na KAHIT MALI, POSIBLE KANG MAGING MASAYA. Na sa mundong ito, minsan kahit piliin mo pa ang tama HINDI KA SASAYA. Gusto kong malaman niyo na hindi lahat ng MALING NAGAWA AY DAPAT KALIMUTAN, hindi lahat ng MALI AY DAPAT PAGSISIHAN lalo na kung naramdaman mo doon ang WALANG KATUMBAS NA KALIGAYAHAN. Hindi ko sinasabi na okay lang gumawa ng mali, gusto ko lang iparating sainyo na wag kayo matakot magkamali. Dahil kahit konti, may matatagpuan kayong kasiyahan sa iyong pagkakamali. Gusto ko rin ipakita na ang kaligayahan ay matatagpuan sa mga simpleng bagay kahit sa simpleng paguusap lamang. Happiness is not requiring an expensive value. It is how you value everything in life
How: Habang pinapakinggan ang kanta at binabalikan ang lahat ng sakit at pagkakamaling nagawa.
PLEASE PLAY MEDIA BEFORE YOU PROCEED
•••
"Kung nandito ka lang sana, mas mapaparamdam ko sa'yo gaano kita kamahal, Mine."
"Paano ka nga ba magmahal?"
"Hind ako naga-iloveyou. For me, action speaks louder than voice. Pero sige, iloveyou, mine."
"Iloveyoutoo, mine. ❤ Salamat minahal mo ako kahit chat lang tayo nagkakilala, kahit malayo ka at kahit hindi pa tayo nagkikita."
~*~
"Maglalaba pa ako, Mine. Sige na matulog ka na, oras na oh."
"No! Gusto pa kita kausap, Mine. Pleaseeeee. Iloveyou!"
"Ang kulit ng Mine ko."
"Kasi mahal kita! Isang selfie nga, Mine!"
"Huhu murder ka sa'kin, alam mo namang di ako nagseselfie eh."
"Dali na! Mahal mo naman ako eh!"
"*sends selfie*"
"Gwapo talaga!"
~*~
"Goodmorning, Mine. *sends selfie*"
"Gwapo talaga ng Mine ko kahit bagong gising!"
"Pasok na po ako, Mine. *sends selfie*"
"Ibaba mo yang buhok mo, Mine! Gusto ko ako lang makakita ng gwapo mong mukha!"
"Okay po, iloveyou, mine."
~*~
"Talaga Mine? Gagawin mo yun para sa'kin?"
"Yes, even it means my death."
~*~
"Naiintindihan ko, mine. Mamahalin nalang kita sa paraang alam ko. Salamat naging akin ka even just for one day. Matalino ako pero walang utak ang puso ko. Hindi ko makakalimutan ang January 23 ng buhay ko."
"Sobrang salamat din, Mine. Kahit isang araw lang naging tayo, ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Wag mong isipin na hindi ka karapat-dapat piliin dahil kung magkikita man tayo sa ibang buhay at malaya tayo, ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Hindi ko pinagsisihan to, Mine."
~*~
Naging masaya ako sa relasyon natin, Mine. Walang kapantay ang kaligayahang nadama kahit pa nagpapanggap lang tayo na okay lang lahat. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo kahit malayo ka. Kahit pa may kanya kanya tayong karelasyon...
Napangiti ako ng mapait habang binabalikan ang usapan natin sa messenger kasabay ng pagtulo ng aking mga luha...
Kung sana mas nauna lang ako sa girlfriend mo at mas nauna ka sa boyfriend ko, baka pwede tayo.
Lovingly Yours,
Mezuke Heart
Written by: PrincessMela
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top