Entry #17: Liham


Description: Isang liham para sa kanya. Sa pagmamaalam ko.

Why: Idk, ito kasi yung unang pumasok sa isip ko when I thought of '300' words. May mga times lang kasi na biglang may mga pop up sa mind ko, and this is the first to come in mind. Nabibitin lang nga ako kasi para sa akin parang kulang pa. Loles. Basta, yun lang. HAHAHA

How: Well, iniisip ko yung 300 words and then I asked myself, "Pano kaya?" So then, boom. Isang liham. Liham ng pamamaalam na may kasamang pagmamahal at pagsisisi ng isang lalaki na handa ng mamatay dahil sa kasalanang ginawa niya. That's how I started the scene. Well, hope you enjoy!

PLAY THE MEDIA BEFORE YOU PROCEED

•••


'Babasahin niya kaya?' Isip ko, naghihinayang sa mga posibilidad na maaring mangyari.

Without a minute, I wrote what I have to say, gathering all my courage in one swift movement of my hand. Isang liham para sa kanya, aking mahal.

'Mahal kong Rosa,' Napipilitan akong palitan ang mga salitang nasulat ko. Magagalit kaya siya kung ito ang umpisa ng liham?

"Kung mahal mo ako, Leon, hindi mo ako pababayaan." Boses niyang nag-aalingawngaw sa aking isipan. Hindi maalis. Nakaukit at sugatan.

'Ako'y nagagalak na nakasama kita sa huli kong pagkakataon. Hindi ko man nasabi sa iyo kung ano ang dahilan ng aking paglisan, ako'y naghihingi ng patawad.' Huminga akong malalim. Mga luha ko'y kusang pumatak. It stained some parts of the paper.

'Rosa, mahal na mahal kita. Huwag na huwag mong kakalimutan. Pasensya na kung wala ko nasabi sa iyo ito pero, mamatay na ako.' I took a deep breath, coughing as I felt my lungs tighten.

'Masaya ako dahil nakasama kita, nakilala ka, at higit sa lahat, minahal kita. Lumayo ako sayo dahil alam kung hindi mo kakayanin kapag nakita mo ang katawan kong walang kabuhay-buhay. Sa panahong nabasa mo na ito, wala na ako. Pasensya na kung hindi ko sinabi sayo ng maaga. Hindi ko kayang tanggalin ang masaya mong mga ngiti. Gusto ko na palagi kitang nakikitang nakangiti, Rosa.'

Isang boses ang dumisturbo sa aking pagsusulat. Tatlong katok at isang malakas na pagkabukas ng pintuan.

Hindi ko na kailangang lumingon sapagkat alam ko na kung sino iyon. "Oras na, Leon." Wika nito.

'Tandaan mo, mahal na mahal kita.'

'Nagmamahal, Leon'

Tinupi ko ang liham na aking sinulat at binigay kay Alejandro.

"Siguraduhin mong makakarating iyan kay Rosa." Mahina kong tugon sa kaniya.

Tumango lamang siya.

"Handa kana?"

Napalunok ako at binigyan siya ng huli kong ngiti. "Handa na."

Written by:  FloweringMind

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top