Entry #15: Pansamantala


Description: Sa ating buhay may mga taong tayo ang kanilang takbuhan o sandalan sa tuwing may problema sila. Masakit magmahal sa taong hindi ka mahal, pero mas masakit umasa sa kaniya kung alam mong sa umpisa'y wala ng pag-asa.

Why?: Naisipan ko ito dahil maraming tao ngayon ang atat magkaroon ng lablayp😅(love life), lalong-lalo na po sa kabataan. Ito'y aking bibigyang pansin, hindi ko naman sila hinuhusgahan na ang aga-aga nilang nagka-love life na tumungo lang sa hiwalayan at mas masaklap... pag-aaral ay kanilang napabayaan. Pero siyempre masaya ako sa mga kayang i-balanse ang pag-aaral at pagkakaroon ng kasintahan. (Nagiging praktikal lang po ako ha😅. Wala po akong intensyon na masama, baka po kasi may mainis✌🏻)

How?: Isinulat ko ito sa paraang tinitignan kung ano na nga ba ang nangyayari sa kabataan ngayon. 😅

......

"Bakit may pasa ka? Hindi ka puwedeng pumasok sa classroom kapag ganyan ang kalagayan mo. Napasabak ka sa gulo? Basagulero ka na ba ngayon? Callix naman! Napapabayaan mo na nga 'yang pag-aaral mo dahil sa---"girlfriend mo...Hindi ko na itinuloy...

"Ayos lang ako"sabi niya at yumuko saka nakita kong kumuyom ang kaniyang mga kamao.

"Saan yung girlfriend mo?"tanong ko ngunit hindi siya umimik. Ako na naman ang sandalan mo. Siyempre, role ko naman as a bestfriend.

"Ipinagpalit na ako sa iba. Payakap nga, bestfriend"sabi niya at bigla akong niyakap. Parang tumigil ang mundo ko sa sandaling ito. 'Wag pa-fall please...

"Ayos lang ako. Konting pasa lang naman"sabi niya ngunit...

"Ang hirap palang magmahal, lalo-na kapag yung taong mahal mo ay may iba na"sabi niya at nagsimulang mag-kuwento. Hindi ko inaasahang may tumulong luha sa kaniyang mata habang nakatingin sa malao. 'Wag kang mag-alala, nandito lang ako para sa'yo.

---

Written by: ShaunnacyLeonen

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top