Entry #15: Meant To Be Apart

Description: Sometimes, it's better to let go of your feelings than holding on.

How: Uhm, ti-nype? Charot haha. It just comes to my mind after listening to the cover for like hundred times. Kaya bago pa ito mawala dahil ulyanin na ako at mawalan ng ganang mag-type, ay tinapos ko na.

Why: I don't know and I don't care. Joke lang. Hahaha. Basta lumitaw lng sa isip ko ganern.

PLAY THE MEDIA BEFORE YOU PROCEED

•••

"Aalis na ako. Ikaw na ang bahalang magsabi sa magulang ko nito."

"Sigurado ka ba Denrey?" Hinawakan ni Denrey ang kamay ng dalagita at tinignan ito sa mata.

"Oo Grace. Sigurado na ako. Para ito sa ikabubuti ng lahat."

"Denrey..." Kinagat ni Grace ang kanyang labi. Naiilang kung sasabihin pa ba niya ang kanyang nararamdaman para kay Denrey.

Biglang nag-announce na paalis na ang flight papuntang States. Nag-paalam na ang binata at umalis.

Napatingin si Grace sa kamay na kakabitaw lamang ng binata. Inilagay niya iyon sa dibdib niya at umiyak. Hindi na sila muling magkikita. At iba ang buhay ni Grace kapag wala si Denrey.

Wala ang lahat sa kanya.

Nakauwi na siya sa kanyang bahay. Tinanong siya ng kanyang ina kung bakit umiiyak siya at sinagot niya lang ito ng isang pekeng ngiti at pumunta sa kanyang kuwarto.

Ibinagsak niya ang kanyang sarili sa kama at kinuha ang litrato nila nina Denrey nung mga bata pa sila. Napangiti siya habang umiiyak. Masaya siya sa mga pinagsamahan nila nina Denrey. At nagluluksa siya dahil hindi na muli silang makakapag-usap pa.

Ang rason kung bakit kailangang umalis ni Denrey at magpakalayo-layo dahil nabuntis ni Denrey ang kanyang kapatid. Parang tinusok ng sandamakmak na karayom ang puso ni Grace nang malaman niya iyon ngunit nagawa pa niyang ngumiti. Isang pekeng ngiti pero kita sa mata niya na siya'y nalulungkot.

Ipinikit na lang ni Grace ang mata niya at pilit na pinatulog ang sarili dahil sa sakit na nadarama.

❀♦❀

Tinignan ni Denrey ang mga ulap na kanyang natatanaw. Napayuko siya.

Kahit na labag sa kanyang loob, kailangang mawala ang komunikasyon nila nina Grace...na mahal na mahal niya.

Lasing ang dalawang magkapatid kaya nabuntis niyon ni Denrey. Pinagpupukpok niya ang kanyang upuan.

"We're not meant to be." Aniya.

The end.

Written by: Miss251

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top