Entry #13: Bestfriend
Description: Masakit mafriendzoned pero wala nang mas hihigit pa na sakit sa sitwasyon ko ngayon.
Why: Matagal ko na siyang naisip. Naisulat ko na nga ata 'to dati pero 'di ko makita yung pinagsulatan ko. So ayun sinulat ko ulit siya ngayon at tinry yung skills ko sa pagsusulat. Dahil mahaba haba ang pahinga ko.
How: Inimagine ko na ako 'yung nasa posisyon ng bida habang nagsusulat.
--
"Ang ganda niya 'diba?"
Mangha mong tanong sakin habang nakatitig sa kanya. Nakangiti ka pa nga. Mga ngiti na nagsasabing buo na ang araw mo ngayong nasilayan ang kagandahan niya.
Alam mo ba?
Kahit papano masaya na rin akong nakikita kang masaya. Na kahit ang sakit sakit na, atleast nakahanap ka na nang taong magpapatino sa'yo. 'Yung tao na tinanggal ang pagiging babaero sa sistema mo.
Nakakapanghinayang nga lang dahil hindi ako yun. Minsan nga napapaisip ako, paano kaya kung ako ang nasa kalagayan niya? Nakakakilig siguro. Araw araw na kasama ka ba naman tapos-
"Vince!" natigil ako sa pagiilusyon nang tawagin niya ang pangalan mo. Sa isang iglap bumalik ako sa reyalidad at lihim na minura ang aking sarili sa pagiilusyon.
Nagising ako sa katotohanang walang wala nga pala ako kumpara sa kaniya. Sa kaniya na mala artista ang kagandahan, na miski paglalakad lang parang commercial na ang epekto.
At ako?
Ako lang naman yung extra sa lovestory nyo. 'Yung panget mong bestfriend na laging nakasuporta sa'yo. Na sa hirap at ginhawa tulungan kase nga barkada tayo. Oo, barkada lang. Tangina.
Ako nga pala yung panget mong bestfriend na lihim na kinikilig tuwing inaakbayan mo.'Yung panget mong bestfriend na nakakaramdam ng spark tuwing magdidikit ang balat natin at nakakaramdam ng sakit tuwing binibida mo siya sa'kin.
At huli, ako nga pala yung panget mong bestfriend na...
MAHAL NA MAHAL KA.
Oo Vince Mahal kita.
Tuluyan ka nang tumayo nang makalapit siya sa'tin. Tumingin ka muna sa'kin at ngumiti. Otomatiko akong napangiti ngunit agad ding naglaho nang marinig ang sinabi mo.
"Una na kami Pre, ihahatid ko pa si Monica." Paalam mo. Saglit kang tumigil para tapikin ang balikat ko sabay pabirong nagsabing "Nga pala, basketball ulit tayo bukas, magdadala na ako ng chicks para magkagirlfriend ka na"
---
Written by: msAtura
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top