ENTRY #1: Take your Medicine
Genre: Humor, Drama, Horror & Romance
Description: ang kwentong "take your medicine " ay umiikot sa isip ng isang psychotic patient kung saan naniniwala siyang isa syang nurse sa hospital kung saan sya na-admit. Marami syang emosyon at kwento sa loob ng kanyang pagiisip na di naman nangyayari sa totoong buhay at di rin mahuhulaan ng nakapalibot sa kanya. Isa na dyan ang pagnanasa nya sa doctor ng mental hospital na si dok James at ang pagseselos nya sa nurse nyang si Ysabelle na pinatay nya sa kanyang isip.
How: ummmm pano ba sagotin tong how siguro Naisip kong gawin itong story na related sa mental health dahil wala masyadong nagpapahalaga sa mga baliw. Since may konting alam ako sa mga mentally ill persons gusto ko lang eshare kung ano ang posible nilang magawa.
Why: Maraming klase ang mental /psychotic disorder may mild at may delekado na talaga.Isa na jan ang schzoprenia kung saan nakakarinig sila ng mga bulong , nakakakita ng mga bagay na di nakikita ng normal.
Masyado silang delekado dahil gumagawa ang isip nila ng scenario kung saan maaring naging kaaway ka nya doon o di naman kayay naging ultimate crush ka nya ng di mo nalalaman.
Ngunit kahit ganon paman kung may kapamilya kayo o kilalang ganyan dapat ingatan nyo ang bawat mga galaw nyo para hindi sila ma provoke. Maari ring humingi ng payo sa mga mas nakakaalam kung ano ang pwedeng gawin upang hindi mapahamak sa mga taong may mental disorder.
Take your Medicine
(Rx. LOVE,500mg Tab.,OD. PO)
------
Oh My Gosh!
Heto na naman sya!
Kahit paulit ulit kaming dumaan sa harapan ko ay di parin mawalawala ang kilig at tuwa na dala mo sa tuwing nakikita kita.
This is it!Pansit!
Habang palapit ka ng palapit sa akin dok ay nasisilayan ko ang malaanghel mong mukha.
-May mapang-akit ka pang labi na sing pula ng makupa,Grr.
-at ang mata mong mapupungay na kapag tumitingin sakin , Ay dyos miyo! Abay pwede na akong mamatay agad agad!
Ito na dok oh ! ibibigay ko na ang sexy body ko.
LOL
-No!
Dapat pavirgin , dapat mahinhin ako sa harap ni dok baka naman sabihin nyang kiringking ako , naku mahirap na.
Bago ang lahat ay hayaan nyo muna akong magpakilala.Ako nga pala si Nadine ,malamang naiingayan kayo sa akin ngunit wag kayong mag alala dahil hanggang sa isip lang ako maingay,dahil ang totoo di ko kayang maipahayag ang saloobin ko sa maraming tao. Katunayan nga nyan maraming nagsasabing tahimik at mahiyain ako, ngunit kabaliktaran ang lahat lalo na pagnakilala nila ako.
Sout ang aking puting damit na nilabhan pa gamit ang ariel, lagi akong nagpapapansin kay dok tuwing nagrorounds sya sa mga pasyente.Kaya lang kulang pa yata ang foundation ko sa mukha at dinadaandaanan nya lang ako.
Ilang taon na din kaya akong nanatili sa hospital nato, kung di lang kay doktor James , ay naku! matagal na akong nagabroad at naghanap ng foreigner kaya lang ilang taon nya na din dinadaandaanan ang beauty ko.
Hanggang isang araw may nangyari na di ko talaga inasahan. Mainit ang panahon non at namumula pa ang aking pisngi dahil bagong derma, syempre para gumanda lalo.
Naglalakad ako sa pasilyo ng biglang tinawag ni dok ang pangalan ko kaya naman napalingon ako na tila nakaslowmotion ang lahat ng nangyayari.
"Nadine! Pwede bang kunan mo ng tissue specimen si ms. Amber, room 06.
Kung gaano kaslowmotion ang paglingon ko ganon naman kabilis ang pakikipagusap nya.Speechless nga lang ang beauty ko na nakatitig lang at ang tanging nagawa ko lamang ay tumango.
Hindi don nagtapos ang masasayang araw ko sapagkat habang lumilipas ang panahon,nadama kong napapansin nya na ako.
Katunayan nga lagi raw tinatawag ni dok ang maganda kong pangalan kahit nakaoff duty ako.
Iba talaga pag maganda!
Totoo yan kasi narinig ko mismo sa mga bibig nya.
"Ang ganda mo talaga Nadine. Ang swerte ng magiging boyfriend mo"sabi ni dok James.
Deep inside gusto kong magtatatalon sa sobrang tuwa ngunit sa reyalidad ay di man lang ako nakapagsalita non.
Naramdaman kong mahal na nya ako! Totoo na to promise! Alam kong may Pagtingin din si dok sakin .Pansin ko sa kanyang mga kilos na katulad sa mga nababasa kong love story sa wattpad.
Naging totoo nga ang lahat noong binigyan nya ako ng imported na tsokolate at mapupulang rosas.
Grabe ang haba ng hair ko.
Masayang Masaya ako non at ramdam kong nanliligaw na sya sakin.
Ngunit-
-natigil ang lahat noong dumating ang bagong nurse na si Ysabelle.
Pareho kaming maganda kaya naman di naglaon naging magbestfriend kami. Ang bilis kong nagtiwala sa kanya ngunit di ko lang talaga inaasahang magagawa nya akong pagtraydoran.
Di ko na napansin na nabaling na pala ang atensyon ni Dok kay bes Ysabelle.Simula paman nong dumating si bes wala ng panahon si Dok sakin poro na lang "Asan si Ysabelle? Anong shift ni Ysabelle?"Lagi nalang si bes!
Umaga nong nagpapainum ako ng mga gamot sa pasyente habang nasulyapan ko silang dalawa na magkasama patungo sa nurse station.
"Guys tingnan nyo oh! Bigay sakin to ni doc James" Isang engagement ring ang pinakita ni bes Ysabelle sa lahat ng tao sa nurse station.
Malapit lang ang room ng patient ko kaya narinig ko ang lahat ng sinabi ni Ysabelle.
Tila gusto kong matumba sa sahig at lamonin ng lupa! Nanginginig ako sa sobrang galit dahil sa ginawa nila.Di na ako halos makahinga, gusto ko talagang magwala ngunit sa kasamaang palad ay di ko magawa.Di ko maintindihan ang sarili ko dahil di ko man lang magawang ipalabas ang galit ko.
Nakayuko akong pumasok sa comfort room para doon ibuhos ang sakit na nararamdaman.
"Gusto ko ng mamatay!" bulong ko sa sarili ko habang umiiyak na nakaharap sa salamin
Di ko na mapigilan na di lumuha dahil naglaho ang lahat lahat ng pinangarap ko.
Sabado nung bumalik ako galing sa two days off nang nalaman kong namatay si Ysabelle.
Nilonod daw ng killer sa balon at halos di na makilala dahil sa pasa at sugat sa mukha.
Di ako makapaniwala sa mga nangyayari . Malungkot mang isipin na namatay si Ysabelle ngunit di parin talaga nawala ang poot na naramdaman ko sa mga ginawa nya.
"Ang bilis naman talaga ng karma" bulong ko sa sarili habang nagkatitig kay dok na nagsusulat sa patient's chart.
Ilang araw pagkatapos nangyari ang trahedya ay nagbalik ang lahat sa dati.
Isang gabi habang nasa duty ako, kumatok si dok sa kwarto kung saan magisa lang akong naghahanda ng gamot.
"Nadine? anjan ka ba? pwede mo ba akong matulungan?
Agad agad akong lumabas sa kwarto nong narinig ko si Dok james.
"Yes dok! ano po yon?"
"Maari mo bang esalin ang dugong to kay mr. Hamlion? .
Nagtaka ako sa mga sinabi ni dok James.
Maraming tumatakbo sa aking isipan bilang isang nurse.Bakit ako magtratransfuse ng dugo di pa to na check,San nya ba to nakuha?
"Ah nadine , Siguradohin mo lang na walang nakakita sayo"Sabi ni dok James sabay ngiti .
Nagdadalawang isip man ako na sundin ang mga utos ni dok,kahit na labag sa mga nalalaman ko ngunit dahil sa matamis nyang ngiti napapasunod nya nalang ako.
Magisa lang ako sa pasilyo ngunit parang may nagmamasid sa akin kaya naman binilisan kong makaabot sa kwarto ng pasyente sa takot na may mangyari sakin sa pasilyo.
"Magandang gabi sir!"
"Oh hija? anong gamot na naman ba yan?"sabi ng pasyente.
"Ay lalapatan ko po kayo ng dugo. Utos ng doktor"
"Bakit?"
Di ko alam ang sasabihin ko kung ano ang dahilan sapagkat sa pagkakaalam ko ay lalabas na sya bukas.
"AH BASTA UTOS PO NG DOKTOR PARA GUMALING KANA! WAG KA NG MARAMING TANONG"
Walang nagawa ang pasyente kundi sumunod.
Habang naghihitay na magstable ang pasyente , pumasok muna ako sa CR nya.
"Ang ganda ko talaga!" Nalalamin sabay lagay ng foundation sa mukha.
Bigla kong napansin na dahandahang tumulo ang dugo sa salamin.
Di ko agad naramdaman ang takot ngunit bigla bigla lang naalala ko ang mga scenes sa horror movie.
Gusto ko ng umihi ngunit natatakot ako kaya pinatogtog ko ang music sa phone ko habang umiihi na nakabukas ang pintoan.
Yumuko lang ako ng yumoko hangang nadama ko ang lamig na papalapit sa likod ko.
Nanginginig ako sa sobrang takot nang naramdaman kong may gumagapang na malamig sa likoran ko dahilan upang mataranta at sumigaw ako.
"Tigilan mo na ako kung sino kaman please!"
Malakas na nagsara ang pintoan at biglang nawala ang ilaw.
Tumahimik ang boung paligid hanggang narinig ko na may bumulong sa akin ngunit di ko maintindihan ang sinasabi sa akin.
Nilakasan ko ang loob ko at binuksan ang aking mga mata.
"Hindi ito totoo"
"Hindi ito totoo"
Hangang sa tumigil ang lahat ng mga kakaibang pangyayari.
Nakita kong basag na ang salamin na puno ng dugo .Naramdaman ko din ang mga sugat sa kamay ko.
Di ko na namalayan na nagtagal ako sa loob ng CR at nakita ko nalang na wala ng pulso at hininga ang pasyente.
"Nadine? ok kalang ba?" Tanong ng kasama kong nurse na kakarating lang sa kwarto ni mr. Hamlion.
"Shane ! tulungan mo ako please! tumawag ka ng Code Blue!
please pakibilisan mo" natataranta ako habang nagCPR sa pasyente.
"Ano ba pinagsasabi mo?" nakatayo lang si shane at tinatawanan lang ako.
Patuloy kong ginawa ang lahat ng makakaya ko dahil kargo de konsensya ko pa yon.
"Teka Nads bat may blood transfusion tong pasyenteng to at tasaka anong ginagawa mo jan?Alam mo ang wierd mo!" Sabi sakin ni Shane.
Kumunot ang noo ko sa mga sinabi nya.Di ko alam ang sasabihin ko sa kasama kong nurse nang bigla syang sumabat.
"Tara na nga magbigay na tayo ng meds hayaan mo na yan nads, kainang umaga pa yan patay" sabi ni shane.
"Ano?" wika ko habang kinakabahan at nalilito sa mga nangyayari.
"Sabi ko kainang umaga pa yan patay di lang nakuha ng janitor kasi nagkagulo sa janitorial service kaina." Nakangiting wika ni Shane.
Di ko na pinansin ang mga kakaibang nangyayari na di kapanipaniwala marahil resulta lang yon ng pagod sa trabaho.
Marami ng nangyari sa buhay ko at pinalipas ko lang ngunit ang tanging pinagtataka ko sa sarili ko ay di ko magawang kalimutan ang naramdaman kong pagibig.
Maraming rason upang kalimutan ko sya at magpakalayo ngunit di ko talaga kayang diktahan ang puso ko.
Kaya naman dumating na talaga ang pagkadesperada kong makita si dok at pumunta sa kwarto kung saan nagpapahinga ang mga doctor sa hospital.Pumasok ako sa locker ng mga damit at doon ko pinagkasya ang sarili ko.
Lub-Dab Lub-dab
Dinig ko ang bawat pagpintig ng puso ko.
Ilang oras akong naghintay sa kwarto ni dok hanggang sa dumating na sya.
Nanginginig na sumisilip sa butas ng locker nang nakita kong may kasama syang babae.
Umopo ang babae sa kandongan ni dok at hinalikan ito.
Naghalikan sila at hinubaran ang babae sabay pinahiga sa mesa.
"Hindi to maari! Ano ba ang pinagagawa mo sa buhay mo dok bakit mo ginagawa to?" Naiinis na kinakausap ang sarili habang nakatingin sa kanila.
Nilapitan nya ang babae at biglang tinurukan ng gamot na pampatulog.
Nagtaka talaga ako sapagkat kumuha sya ng scalpel, binuksan ang tyan nito at isa isang kinuha ang lamang loob.
tinitigan kong mabuti ang ginagawa nya nang biglang nawala ang ilaw.
Napakadilim ng lugar at wala akong makita sa sobrang dilim.
Hanggang sa bumungad sa aking isipan ang isang pangyayari na tila nanonood lang ako ng palabas sa aking alaala.
Nakita ko si Ysabelle!
Hinampas sya ng hinampas hangang sa lumabas ang dugo sa kanyang ulo. Nahihirapan na syang magsalita ngunit nagmamakaawa pa rin sya subalit nakita kong hindi tumigil ang killer.
Tuloyang nawalan sya ng malay at itinapon sa balon na puno ng tubig.
Tinitigan kong mabuti si Ysabelle na nakalutang sa tubig hangang sa napansin ko ang repleksyon ng killer sa tubig.
"Hindi!"
"Hindi ako ang pumatay sa kanya"
"Di totoo yan ! hindi ako mamatay tao"
Biglang bumukas ang pinto ng locker kung saan ako nagtago.
Nakita ko ang mukha n Ysabelle na sumilip.
."Uy Nadine andito ka lang pala!
Oras na para uminom ng gamot mo"
wika ng nurse na si Ysabelle sabay abot ng Clozapine (antipsychotic drug ) sa kanyang pasyente.
---
Written by: lineart21
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top