Ending #2: Space Guardians

Note: Please read first the first part of the story to understand the flow of the story.

Una sa lahat, paumanhin sa author nitong Space Guardian haha. Hindi ko ata nabigyan ng justice ang ginawa niya. Sa totoo kasi, nahirapan talaga ako sa pagsulat nito dahil first ok na yung ending niya at hindi ako nabitin, second hindi ako mahilig sa ganitong genre lalo na pag sci-fi mejo mahina ako sa science, and third stress ako sa accounting habang sinusulat ko 'to huhuhu. Kaya pasensya na kung mababaw lang ito at hindi ko naachieve yung gusto ninyong ending.

~*~

"Mom, may masama akong balita.."

Natigil ako sa pagpupunas ng laser gun at stunner dahil sa bungad na wika ni Quinn. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay kapag tinatawag niya ako bilang ina niya. Para lang kasi kaming magkapatid kung titingnan mo. Ngunit kahit na awkward iyon, sasanayin ko ang sarili ko. Siya na lang ang natitira sa akin.

"Bakit? Anong nangyari?" Kunot-noong tanong ko pagkatapos ibaon sa limot ang kaninang iniisip.

"May nadetect na naman si Captain C na thermal energy dito sa Mars. Paniguradong iyon na ang Russian na kaytagal na nating hinahanap."

Bumuntong-hininga ako. Mahigit isang taon na rin kaming nananatili rito sa planetang Mars. Sapagkat hindi pa rin namin matukoy kung sino ba ang pashneyang Russian na iyon na gustong pasabugin ang Earth. Hindi kami pupwedeng umalis na lang dahil ito ang misyon namin, ito ang misyon ng mga Space Guardians. At kahit pa nawawalan na kami ng pag-asa, siguro'y ito na ata ang pinakamahirap na misyong ginawa namin, wala na kaming magagawa pa.

"Gamitin mo ang hologram watch at sabihan sina Xena at Zyke.."

"Ano? Bakit ko naman gagawin yun?"

"Dahil kailangan. Sige na."

Napairap siya sa kawalan tsaka ako tinalikuran. Nasa Pluto ang magkasintahan, bumisita sila dahil na rin sa kagustuhan ni Xena na makapunta doon. Masakit man sa loob ngunit kailangan kong tanggapin. Hindi ko hawak ang isip niya. Ipapaubaya ko na lang sa tadhana kung bumalik man ang mga alaala niya. Kahit na.. nasasaktan akong makita sila na magkasama, bukas ang puso kong magparaya.

"Tulala ka na dyan, Mommy! Kung sabihin mo na kasi kay Zyke ang totoo edi sana hindi ka nagkakaganyan!" Sumbat ni Quinn sa akin. Hindi ko namalayan na bumalik na pala siya.
"Babalik na raw sila bukas, sabi ni Xena. Sus! Kahit maiwan na siya doon!" Padabog niyang hinawakan ang stunner na hawak ko. Hindi ako tumugon kaya nagsalita ulit siya. "Ang sabi rin pala ni Captain C, kapag daw nagtagumpay tayo sa misyon na ito, pwede tayong bumalik muna sa Earth pansamantala upang magpahinga."

Napatingin ako sa kanya. "Talaga? Paano ang iba nating misyon?" At bakit.. parang.. hindi ko ata alam 'to? Dati-rati naman ay ako ang unang sinasabihan ni Captain C, huh?

"Quinn, may kinukwento ka ba kay Captain C?"

Tumaas ang kilay ko nang hindi siya nakasagot. "Quinn?"

"Huh? Wala!"

"Eh bakit nitong mga nakaraang araw, ikaw lang ang nakakaalam ng mga balita? Wala akong kaalam-alam na may nadetect na naman pala si Captain C. Ano yun, hindi niya ako sina-"

"Alam ko kasing may pinagdaraanan ka ngayon, Mom. Ayokong mastress ka kaya nirequest ko kay Captain C na ako muna ang papalit sa'yo." Nakanguso niyang tugon.

Napangiti ako at lumapit sa kanya. "Thank you." Humamba akong yayakapin siya kaya inunahan niya ako. Natawa tuloy ako. "Mawala na si Zyke, huwag lang ikaw, Quinn.."

~*~

"Kunin mo ang laser gun ko, Quinn!" Sigaw ko kay Quinn. Dali-dali akong tumakbo palabas ng spaceship. Wala akong dalang ibang panangga sa traydor na iyon kundi ang aking sarili. Tanging ang lakas ko sa pakikipaglaban ang sandata kapag nagkataon na hindi ko mahanap ang pinakamamahal kong laser gun at stunner.

Nakarinig ulit kami ng pagsabog dahilan kung bakit ako natigil sa pagtakbo. Shit! Nasaan na si Quinn!? Bakit nawala siya sa loob ng spaceship?! Inikot ko ang paningin upang hanapin siya ngunit..

Nakita ko sina Xena at Zyke na nakikipagbarilan sa traydor na Russian. Pinagmasdan ko sila habang nagtutulungan. Halos maubos ang bala dahil sa bilis nilang magpaputok ng baril. Hindi ko inaasahan na darating sila dito gayong ang akala ko'y sa Pluto na sila titira?

"Mom!" Mabilis kong nilingon ang tumatawag sa akin na si Quinn. Nakita ko siyang kumakaway sa dulo ng spaceship dala ang aking laser gun at stunner.

Tatakbo na sana ako papunta sa kanya ngunit napatigil ako nang makita ang sitwasyon sa kabilang banda. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa baril na nakatutok sa sentido ni Zyke! Nakapulupot ang isang braso ng Russian sa leeg ni Zyke dahilan kung bakit hindi siya makahinga. Si Xena naman ay matapang pa rin na nakatutok ang baril sa kalaban ngunit kita ko ang takot sa mukha niya. Sa tingin ko'y hindi niya kayang mawala si Zyke sa buhay niya kaya mabilis akong tumakbo palapit upang tulungan sila. Sumunod si Quinn at ibinigay sa akin ang laser gun.

"Quinn, kami na ang bahala dito. Huwag ka nang makipaglaban pa. Hindi ko kaya na pati ikaw ay madamay pa dito. Ingatan mo ang iyong sarili." Bulong ko at pinigilan siya. Hindi siya sumunod kaya hinawakan ko ang braso niya. "Paano ka, Mom? Hindi ko rin kaya na mawala ka!" Natahimik ako. Kailanman ay hindi ko nasabi kay Zyke ang mga salitang iyon..

"Hindi ako mawawala, Quinn. Pangako..." Tinapik ko ang balikat niya. Hindi niya na napigilan at niyakap niya ako ng mahigpit. Yakap na nagsasabing.. mag-ingat ako. Nagpapahiwatig na mahal na mahal niya ako.

Sabay kaming napalingon ni Quinn dahil sa putok ng baril na narinig. Naestatwa ako sa nakikita. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Puno ng pagsisisi ang naramdaman ko dahil sa mabagal na aksyong ginawa.

Tumakbo naman si Quinn upang umalalay. "Xena!"

Mabilis ang pangyayari. Kakalabitin na dapat ng Russian ang baril ngunit naunahan siya ni Zyke. Hirap niya itong sinipa patalikod kaya nabitiwan siya nito. Hindi iyon gaanong ininda ng Russian kahit na malakas ang pagkakasipa. Aagawin sana ni Zyke ang hawak nitong baril pero ang Russian, pinaputok ito. Si Xena ang sumalo. Labis siguro ang pagmamahal ni Xena kay Zyke na hindi niya nagawang isipin na may hawak rin siyang baril. Pwede niya iyong gamitin para hindi na makagalaw ang Russian. Pero ang kaibigan ko ay mas inuna ang kapakanan ni Zyke. Wala akong masabi..

~*~
"Can't wait to see you, Mother Earth!" Hindi magkamayaw ang kaligayahan ni Quinn habang pinagmamasdan si Zyke na hinahanda ang paglipad ng spaceship. "Excited na ko!" Nangingiti siya at nagtatalon pa.

"Baka magkaaberya, huh? Naeexcite ka masyado." Sabi kong natatawa.

"Syempre, Mom! Namiss ko kaya si Hachi! Nakakamiss din pala ang asong yun!"

"Namiss mo lang ata yung crush mo doon."

"Hindi kaya. Tsaka wala akong pag-asa sa lalaking yun. Pumuti man ang Mars."

Nagtawanan kami.

"Ako kaya? May pag-asa rin ba sa mama mo?" Biglang nagtanong ni Zyke. Nagkatinginan kami kaya umiwas ako ng tingin.

"Sus! Syempre naman, Dad! Ikaw pa naman na kawalan kay Mommy? Hindi ka matitiis nyan."

Sa pagkakataong ito, wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang makumpleto kaming tatlo. Masaya at tahimik na maninirahan sa daigdig. Dala ang masasayang alaala dito sa Mars dahil hindi ko na kayang bumalik pa. Titigil na kami sa pagiging Space Guardian.

Written by gutinstinct



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top