Ending #2: Banned Amour

Note: Please read first the first part of the story to understand the flow.

Umaga na nang magising si Rich at natagpuan na lamang ang sariling nakahiga sa sariling kama.

'What the hell did just happened? Tama ba ang mga naaalala ko?' Tanong ng dalaga sa sarili niya.

Ngayong nakilala niya na ang panganay na kapatid niya, hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o ano kasi masakit..

Sino nga ba naman ang matutuwa pag nalaman mong ang kasintahan mo ay ang nakatatandang kapatid mo?

"Aish! I hate him! Bakit ba laging maling tao nalang ang minamahal ko?! Tsh!" inis na sambit ni Rich sa kaniyang sarili habang naka-tingin sa salamin at ginugulo ang magulo na niyang buhok.

Nag-ayos na siya ng sarili dahil wala siyang balak na manatili sa hotel na tinutuluyan kasama ang mommy niya. May kung ano sakaniya na sinisisi ang mommy niya sa nangyayari sakaniya. Ang dami niyang tanong pero hindi niya alam kung paano iyon mabibigyan ng kasagutan.

Lumabas siya ng kwarto at nadatnan ang mommy niya na naka-upo sa may sala habang may bote ng beer sa lamesang nasa tapat nito.

"Oh my baby! My precious little baby! Come to mommy! Here!" sabi ng mommy niya kasama ang pagtapik nito sa bakanteng sofa sa tabi nito.

Tinapunan lamang ni Rich ang mommy niya ng isang malamig na tingin a nagdire-diretso palabas sa pintuan.

Narinig niya pa ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan pero hindi na niya ito nilingon.

Pumunta si Rich sa café na katapat at kalaban ng SBC. Ang Moon Café.

"I want my order to be serve in just 3 minutes. Now, go!" saad ni Rich at agad na tumalikod.

Habang naghihintay ng order ay natanaw niya sa tapat ang SBC kung saan una silang nagkita ni Richee. Hindi niya maiwasan na mapa-ngiti ng mapait.

Hindi sila gaano nabigyan ng pagkakataon para maging masaya sa piling ng isa't-isa. Masakit sa kalooban dahil alam niyang hindi na nila maaari pang gawin ang mga ginagawa nila dati ni Richee dahil ngayon ay magkapatid na sila.

Kinuha ni Rich ang iphone niya at nag-selfie na lamang upang maibsan ang nararamdaman niya.

Naging gano'n palagi ang eksena nilang mag-ina at napapansin niya talaga ang kakaibang kilos ng mommy niya simula nang dumating sila sa Pinas.

May mga nagkalat pa rin na litrato sa tabi ng mommy niya at madalas nakikita niyang nag-kalat ang eyeliner nito sa mukha na para bang umiyak. Nababahala siya pero hindi niya alam kung paano niya kauusapin ang mommy niya.

Kada gabi, madalas siyang may naririnig na katok pero hindi niya na ito pinapansin.

Isang araw, naka-gayak na ulit si Rich para umiwas sa mommy niya. Pagkalabas nito ng kwarto, narinig niya ang boses ng mommy niya.

"Richel. Halika rito."

"Bakit ba mom? Aalis ako ngayon!"

"Lagi ka nalang umaalis at umuuwi ng gabi! Ano bang nangyayari sayo, 'nak? Hirap na hirap na ako sa lahat.." saad ng mommy niya habang ang luha ay bumabagsak.

Pinilit ni Rich na ngumiti ng sarkastiko.

"Saan ka nahihirapan, mom? Sa paglalasing araw-araw? Nakakapagod pala yun?" sarkastikong sabi ni Rich.

Nang gabi ring iyon, nag-iwan ng sulat ang mommy niya. Nakalagay dito ang katotohanang magkaiba ng tatay si Rich at Richee. Nagpapaalam din ito na aalis muna para makapag-isa.

Dumiretso si Rich sa Night Life Resto-Bar.

SA KABILANG BANDA, naka-upo si Richee sa bar counter habang may hawak na martini. Nakalagay ang isang kamay sa sentidong nananakit.

Imbis na nagtatrabaho ay ito siya. Nagpapaka-lasing sa Night Life Resto-Bar.

Huminto ang mundo ni Richee ng makita si Rich na nakikipag-sayawan sa ilang kalalakihan. Bigay na bigay ito sa pagsasayaw.

'Damn, I'm losing my mind!'

Natikom ni Richee ang bibig dala ng pagka-inis. Napatayo ito at hinila si Rich papalayo sa mga lalaking kasayawan nito.

"What the! Who are you? Let me go!" inis na sabi ni Rich sa lalaki. Tumigil sila sa labas ng bar.

"Bakit ka nandito?" nagtitimping tanong ni Richee.

"Ow handsome!" naka-ngiting sabi ni Rich sakaniya.

"Babe, please. Sagutin mo 'ko. Bakit ka nandito?" tiim-bagang na tanong ni Richee.

"Duh. Ano ba ginagawa ng mga tao sa bar?" inis na hinatak nalang ulit ni Richee si Rich papalayo sa bar.

Napunta sila sa isang park.

Umupo silang dalawa sa swing. Tila bumalik sa katinuan ang dalawa. Hindi nila alam kung paano sila maguusap.

Nabigla si Richee nang marinig niya ang paghikbi ni Rich.

"Why? Why do I have to feel this pain? Do I deserve this? All I ever did is love. What's so wrong in loving?" sambit nito habang naka-lagay ang parehong kamay sa mukha.

Unti unting bumuhos ng parang ulan ang lahat kay Richee. Richee is stuck between telling Rich the truth about everything and not.

Ang nakilala ni Rich na Richee ay si WREN GUILLERMO na kaibigan lamang ng totoong Richee.

Pinaniniwalaan kasi ni Wren na siya ang may kasalanan kung bakit nawala ang memorya ni Richee kaya inako ni Wren ang responsibilidad ni Richee dahil alam din niyang iyon ang gusto ni Richee.

Hindi pa kailanman nakita ni Richee ang mama niya. Iniwan siya nito sa kamay ng tatay niyang lasinggero. Yun ang alam niya. Halos araw-araw siya nitong sinasaktan. Pinipilit magtrabaho para maka-kain sila. Pinalilimos sa kalsada. Doon nagka-kilala si Richee at Wren.

*Flashback*

Isang araw, nakita ni Wren ang isang babaeng pamilyar sakaniya. Halos sumakit ang ulo nito sa kaiisip kung saan niya ito nakilala.

Pagkauwi niya ng bahay, nakita niya ang wallet ni Richee. Bigla niyang naalala ang babaeng nakita niya.

"Uy Richee! Pre! May magandang balita ako sayo!"

"Ano yun?"

"Nakita ko na ang nanay mo! Diba matagal mo na siyang hinahanap?"

Di inaasahan ni Wren ang naging reaksyon ni Richee. Dumilim ang mukha nito at parang gustong manakit ng tao.

Kinabukasan. Nag-ayang uminom si Richee at dahil kasa-sahod lamang ni Wren, sumama siya sa kaibigan.

Habang nasa bar sila at nagsasaya..

"Pre. Kahit anong mangyari. Wag mo muna akong ibalik sa pamilya ko." Biglaang sabi sakaniya ni Richee. Naguguluhan man, walang ibang nagawa si Wren kundi ang sumunod.

Pero hindi inaasahan ni Wren ang ginawa ni Richee.

Pauwi na sana sila nang muntik ng tumalon sa building ng bar si Richee, pareho silang lasing pero napa-balik sa katinuan si Wren nang makita niya ang ginagawa ni Richee. Pinigilan siya ni Wren pero huli na kasi nawalan na ng balanse si Richee dahil sa pagkakalasing at nauntog sa upuang bato.

*End*

Napa-pikit si Wren. Sa huli, sinabi niya pa rin ang lahat kay Rich. Siya si WREN GUILLERMO at hindi ang kapatid nitong si Richee.

Pero ito ang mas tumatak kay Rich..

"Lagi mong tatandaan to Rich.. Mahal kita. Pero hindi tayo ang para sa isa't-isa. Kalimutan mo na ako."

'Dahil bilang nalang ang araw ko sa malupit na mundong ito..' saad ni Wren sa isip niya't naglakad papalayo.

Umuwi si Rich magisa at walang ibang nadatnan kundi ang liham mula sa kaniyang mommy.

Napahagulgol si Rich. Pagod na pagod na sa mga nangyayari..

Napakagulo ng isip ni Rich. Para saan pa ang mga nalaman niya kung sa huli ay hindi pa rin sila maaaring maging magka-sintahan?

Written by: 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top